BARUMBADONG VIRGIN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
Unedited...
"Hindi mo naman siguro ako isinama rito para makita ang haliparot na girlfriend mo?" tanong ni Jaffy nang makitang pababa sa escalator si Jaimee.
"Hindi naman," tugon ni John Matthew.
"Babe!" bulalas ni Jaimee nang makalapit at ipinulupot ang kamay sa leeg nito at hinalikan sa mga labi. Umiwas ng mga mata si Jaffy, at pasimpleng lumayo sa mga ito para hindi mahalatang magkasama sila.
Kakaiba rin itong si John Matthew e, harap-harapan kung makabastos sa kaniya. Okay, tanggap na niya na wala na talaga siyang pag-asa pero wala naman sanang bastusan.
Pumasok siya sa isang boutique at namili ng mga damit.
"Jaffy?" tanong ng lalaking kakapasok lang.
"Fred!" bulalas ni Jaffy at niyakap ang kababata. Kapitbahay nila ito pero nang mag-high school ay lumipat ng Korea para doon na manirahan. Koreano kasi ang tatay nito kaya singkit ang mga mata. Ang guwapo nga e, parang K-Pop idol.
"Ang tangkad mo na!" manghang sabi nito. Dati, pandak pa si Jaffy pero ngayon, matangkad na ito kaysa sa karaniwang Pilipina sa height na 5'7".
"Hmp? Matangkad naman talaga ako," sagot ni Jaffy.
"Si Jaff? Where is she?" tanong ni Fred. May gusto ito sa kakambal niya kaso mukhang walang pag-asa kay Jaff dahil wala sa isip ng kakambal na pumasok sa isang relasyon.
"Okay lang, uuwi na siya next year," sagoy ni Jaffy.
"Akala ko nag-madre?"
Kung puwede nga lang ni Fred mapabago ang dalaga, gagawin niya.
Gusto talaga niya si Jaffy at hanggang ngayon, ganoon pa rin siguro ang nararamdaman niya para sa dalaga.
"Ikaw pa ang hinihintay niya," biro ni Jaffy at hinampas sa balikat ang binata.
"A sus, na-miss kita!" sabi ni Fred at muling niyakap ang dalaga. Mahigit tatlong taon din silang hindi nagkita ni Jaffy. Kahit babae ang mga ito, may kilos lalaki rin naman. Alam niya ang sikreto ng pamilya ni Jaffy dahil dating miyembro ng ahensiya nila ang kaniyang ama. Nagretiro lang dahil matanda na.
"Ako rin," masayang sabi ni Jaffy at gumanti sa yakap ng kababata. Sanay sila sa yakapan kaya sila na nga ang pinagtitinginan ng costumers.
"Ehem!" Napakalas si Jaffy kay Fred nang marinig ang isang tikhim da likuran niya sabay kalabit sa kaniyang braso, "tapos na ba kayo? Baka puwedeng umalis na tayo?" tanong ni John Matthew na salubong ang kilay. Nalingat lang siya saglit, wala na si Jaffy sa tabi niya.
"Tapos na ba kayo ng kasintahan mo?" tanong ni Jaffy.
"Hindi naman namin napag-usapan na magkita rito, coincidence lang naman," sagot ni John Matthew at pinasadahan ng tingin ang lalaking kaharap na kasing tangkad lang niya.
"Magkasama kayo, Jaffy?" tanong ni Fred na hindi nagustuhan ang titig ng lalaking kaharap.
"Oo," sagot ni Jaffy, "Si John Matthew pala, kasama ko. John Matthew, si Fred, kababata ko."
"Kasintahan mo?" agad na tanong ni John Matthew. Mabuti na at magkalinawan sila para makausap niya nang maayos ang binata.
"Yes," sagot ni Fred at inakbayan si Jaffy.
Wala naman sa dalaga na ipakilala siya nitong kasintahan, sanay na siya. Isa pa, hindi na rin naman big deal kay John Matthew kung may boyfriend na siya. Mas mainam nga iyong isipin nitong naka-move on na siya at may iba na. At least, hindi siya magmukhang tanga at kawawa.
"Sana maintindihan mo na kailangan ko muna ang serbisyo ng girlfriend mo," prangkang saad ni John Matthew kaya ngumiti si Fred. Kapag sabihing serbisyo, nakuha na niya kaagad. Kilala niya si JM sa pangalan dahil mula noon, ito ang palaging bukambibig ni Jaffy na crush nito pero ngayon lang niya nakita ang hitsura.
"Wala iyon, bro. Basta hindi kasalinang serbisyo sa kama, okay ako. May tiwala naman ako kay Jaffy," nakangising sagot niya at inakbayan ang dalaga, "alam kong loyal siya kaya okay lang na may iba siyang kasama. Hindi naman ako mahigpit."
Tumango lang si John Matthew. Pasimpleng hinalikan ni Fred si Jaffy. Medyo hindi niya nagustuhan ang mga kamay nitong nakaakbay sa balikat ni Jaffy pero malapit nang umabot sa boobs ni Jaffy.
"Sa parking lot lang ako, hintayin kita," sabi ni John Matthew at tinalikuran ang dalawa. Marami pa siyang dapat na gawin kaysa makipag-usap sa mga walang kuwentang tao.
"Salamat pala," ani Jaffy nang malayo na si JM.
"Wala iyon, mukhang nagka-develop-an na kayo ah," puna ni Fred.
"Loko ka!" ani Jaffy sabay hampas sa braso ng kababata, "impossible iyon. Sige na, gotta go, baka magalit la ang dragon na 'yon at bugahan ako ng apoy," paalam ni Jaffy at lunabas na sa boutique nang makabayad.
Pagpasok niya sa parking area, nasa loob na ng sasakyan si John Matthew..
"Saan tayo didiretso?" tanong ng binata at inihulog ang sigarilyo sa labas ng bintana.
"Ikaw? Saan ba tayo?" tanong ni Jaffy. Suno-sunuran lang naman siya nito.
"Malay ko!" sagot ni John Matthew at sinilip si Jaimee na palapit din sa itim na kotse nito. Napansin iyon ni Jaffy kaya napasimangot ang dalaga.
"Magmaneho ka na lang, basta malapit sa Batangas," sagot ni Jaffy kaya nagmaneho na si JM. Gusto pa sana niyang makausap ang kasintahan pero mas mahalaga si Anndy kaysa kay Jaimee. Isa pa, nandiyan lang ang dalaga pero ang kapatid, kailangan nito ang tulong nila.
"Kumusta na kaya si Anndy?" mahinang tanong ng binata. Miss na niya ang kakulitan ng kapatid at higit sa lahat, ang paglalambing nito sa kanilang apat.
"Ipagdasal na lang natin na nasa mabuti siyang kalagayan," sagot ni Jaffy.
"Sana nga. Kapag makita ko lang ang hayop na kidnapper niya, mapapatay ko talaga siya!" puno ng galit ang boses na sabi ni John Matthew. Kung sino man ang lalaking iyon, isinusumpa niyang luluho ito sa harapan nilang magpamilya.
"Iyon ay kung kaya mo," nakangising sabi ni Jaffy kaya napasulyap siya sa dalaga.
"Ano ang ibig mong sabihin? Minamaliit mo ba ako, Jaffy?"
"Hindi kita minamaliit, John Matthew. Kaso mas magaling at mas malakas ang lalaking iyon kaysa sa 'yo!" sagot ni Jaffy at ipinatong ang paa sa glove compartment ng sasakyan.
"Huwag mo akong maliitin, Jaffy!"
"Sinasabi ko lang ang nasa observation ko!" giit ni Jaffy, "sanay sa pakipaglaban ang lalaki. Lahat ng galaw at desisyon niya, ay isang galaw ng propesyunal na manunubos!"
"Kidnapper siya!" paalala ni John Matthew at napahigpit sa manibela. Sana siya na lang ang kinuha ng mga iyon. Sana hindi na si Anndy. Napakabata pa ng kapatid niya para maranasan ang masalimuot na pangyayaring iyon.
"Hindi pipitsuging kidnapper," sagot ni Jaffy kaya napahampas si John Matthew sa manibela.
"Hindi ka ba talaga titigil?" singhla ng binata.
"Sinasabi ko lang ang totoo ayon sa obserbasyon ko, John Matthew. Hindi lahat ay nadadaan sa pagiging basagolero! Hindi na kanto boys o frat groups ang kalaban mo rito!" galit na sabi ni Jaffy. Ito na siguro ang pinakamabigat na misyong hahawakan niya. Kasalanan din naman nitong si John Matthew dahil hindi siya nahasa nang maigi. Paano, pang-istalk lang ang ginawa niya noon, wala rin naman siyang napala kundi puro insulto lang.
"Sino sila?" pagsuko ni JM. Bakit hanggang ngayon, hindi pa nila ma-trace ang location ni Anndy?
"Ang grupo, hindi ko pa alam pero sigurado akong nasa paligid lang. Ang kidnapper na kasama ni Anndy..." Huminto muna si Jaffy saka isang malalim na hininga ang pinakawalan, "trained assasin, kung hindi ako magkamali."
Natigilan si John Matthew.
"D-Delikado ba ang kapatid ko?"
"Hindi ko rin alam," sagot ni Jaffy.
Katahimikan na ang namayani sa kanila habang nasa biyahe. Parehong nasa ilalim na pag-iisip.
Inihimpil ni John Matthew ang sasakyan sa isang nadaang talyer.
"Ito na ba?" tanong ni Jaffy.
"Yes," sagot ng binata at tinanggal ang seatbelt saka bumaba. Napasulyap siya kay Jaffy na nahihirapang tanggalin ang seatbelt dahil mahigpit ang pagkalagay nito kaya tinulungan niya.
"Ba't ang higpit?" tanong ni JM na nahihirapang tanggalin. Agad na binawi niya ang kamay nang masagi ang malambot nitong dibdib.
"Kaya mo na 'yang tanggalin!" sabi niya saka nauna nang bumaba bago pa niya masinghalan si Jaffy. Sinasadya talaga nito e. Naikuyom niya ang kamao. Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang lambot nito na para bang kaysarap pisilin.
"Shit!" bulong niya. Noong isang linggo, nakita niya tapos ngayon, nahawakan na naman. Ano ang susunod? Delikado talaga siya kapag si Jaffy ang kasama.
"Magpapaayos ho ba kayo, sir?" magalang na tanong ng lalaking lumapit sa kanila.
"Magpapa-vulcanize lang po sana kami," sabat ni Jaffy nang lumapit sa kanila kaya napasulyap si JM dito.
"Ang alin ho?" tanong ng lalaki na manghang nakatingin kay Jaffy.
"Gulong ng sasakyan!" sagot ni JM, "alangan naman ang boo-- a-ang bumper!"
Habang inayos ng lalaki ang sasakyan, si Jaffy ang dumiskarte.
"Kuya?" malambing na tawag ni Jaffy. Sinadya niyang buksan ang isang butones sa itaas ng damit saka yumuko rito.
"B-Bakit?" namamawis na tanong ng binata. Malapit na niyang masilip nang hinila ni JM patayo si Jaffy.
"Dito ho ba ang binalitang may barilan last week?" tanong ni JM. Papasok lang ang squatter area na balita nila, sinalakay ng mga armadong lalaki at mukhang may tinutugis. Malaki ang hinala nilang dito nagsimula ang habulan ng kapatid.
"Oo, alam mo na, dahil lang daw iyon sa shabu," sagot ng lalaki.
"Shabu?" ulit ni Jaffy pero hindi na yumuko nang nagbabanta ang mga mata ni John Matthew. Ano ba ang mali?
"Away ng nagtutulak ng droga at supplier," sagot ng lalaki at tumayo na.
"Ah, iyon pala 'yon.Alam mo na po, sikat na dahil binalita," ani Jaffy.
Ngumiti ang lalaki, "Oo nga, pero okay na kami ngayon," pagsang-ayon ng lalaki. Takot at kaba ang iniwan ng mga armadong lalaki sa mga tao sa loob.
"Mabuti naman ho," nakangiting sabi ni Jaffy pero ibinubulong ng instinct niya na nagsisinungaling ang kaharap at may itinatago ito.
"Na-vulcanize na, alis na tayo!" yaya ni JM at agad na binigyan ng bayad ang lalaking halos lumuwa na sa dibdib ni Jaffy kanina.
"Ang bilis naman natin!" reklamo ni Jaffy.
"Tapos na siya, ano ang gusto mo? 'Yang boobs mo naman ang i-vulcanize niya?" singhal ni JM saka nilisan na ang lugar. Kaya nababastos e, hindi inaayos ang damit. May pabukas-bukas pa ng butones.
"Bastos!" -Jaffy
"Huwag ka kasing magpabastos!" sagot ni JM.
"Huwag mo akong kausapin!" naiinis na sabi ni Jaffy. Badtrip siya kay JM. Ano na naman ba ang nagawa niya na ikinagalit nito? Parang wala naman.
