2.9

991 43 0
                                    

Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...
"A-Ayoko! Hindi ako papayag! Honey
naman, ayaw ko," naiiyak na sabi ni Jaffy
habang nakaharap sa asawa. "P-Please, ayaw
kong maghiwalay tayo. W-Wala naman
akong ginagawang masama bilang asawa
mo, 'di ba? O-Okay lang naman sa akin
kung hindi ka nagpapaalam na umalis."
"Jaffy, umuwi ka na sa inyo," malamig na
tugon ni JM pero umiling si Jaffy saka
umiiyak na tinanggal ang mga damit sa
maleta na inilagay ni JM.
"Ayaw ko! D-Dito lang ako!" matapang na
sabi ni Jaffy kahit na tumutulo ang mga
luha.
"Huwag ka ngang pasaway," sabi ni JM na
nakaupo na sa kama at pinagmasdan ang
ginagawa ni Jaffy.
"M-Mamahalin mo rin ako. M-Maniwala ka,
kaya mo akong mahalin ulit. G-Gagawin ko
ang lahat para bumalik tayo sa--"
"Tama na!" malakas na sigaw ni JM saka
napatayo at hinatak patayo ang asawa. "Sa
ayaw at sa gusto mo, iuuwi na kita sa inyo!"
"H-Honey--"
"Huwag kang tanga, Jaffy! Maganda ka,
matalino, mayaman at matapang! Huwag
kang magpakatanga sa isang katulad ko!"
sigaw ni JM at diniinan ang pagkahawak sa
braso ng asawa.
"Oo, maganda ako, matalino at mayaman
pero bakit hindi mo pa rin ako kayang
mahalin?" tanonf ni Jaffy habang nakatingala
sa asawang nagtatagis ang bagang sa
sobrang galit.
"Dahil ayaw ko sa babaeng walang ibang
ginawa kundi habulin ako. Come on, mahalin
mo muna ang sarili mo bago mo ako
mahalin, Jaffy!"
"Mahal ko ang sarili ko kaya sinusunod ko
lang ang gusto ko, ang makasama ka, John
Matthew. Ang maging asawa ka at bumuo
ng pamilya kasama ka!" puno ng sinciridad
na sagot ng dalaga.
Nabitiwan ni John Matthew ang braso ng
dalaga at nanlulumong naupo sa kama.
Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng
walang kasing martyr kay Jaffy at hindi siya
masaya.
"Sana matuto kang pahalagahan ang sarili
mo. Matuto kang ipaglaban ang sarili mo
dahil hindi lang ako ang lalaki sa mundo,
Jaffy."
"Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo pero
ikaw lang ang isinisigaw nitong puso ko,"
giit ni Jaffy. Hindi niya kaya. Mula noon, si
JM na ang buhay niya. Hindi siya
makakapayag na paghiwalayin sila.
"Please, umuwi ka na muna sa inyo bago pa
makialam ang pamilya ko," mahinahong
pakiusap ni John Matthew.
"Ano ba ang ayas mo sa akin? Lahat naman
ginagawa ko, ah. J-John Matthew--"
"Shit! Tumayo ka, Jaffy!" singhal ni JM nang
umiiyak na lumuhod ito sa harapan niya.
Okay, this gone too far. Hindi niya
inaasahang gawin ito ni Jaffy. Hindi talaga.
"H-Honey? Mahal kita at h-hindi ko kayang
mawala ka," luhaang sabi ni Jaffy kaya
napatitig si JM sa kaniya.
Walang nagsalita sa kanilang dalawa at ang
tanging naririnig lang ni JM ay ang mga
hikbi ng asawa.
Nang hindi makatiis ay niyakap niya si Jaffy.
"Please, huwag mo akong pahirapan, Jaffy.
Kung ikaw, kaya mo kasi matibay ka, ako
hindi. H-Hindi ko pa kayang tanggapin na
wala na sila at wala man lang akong nagawa
para buhayin sila," mahinang pakiusap ni JM.
Sa totoo lang, hanga siya sa asawa sa tibay
at lakas ng loob nito.
Isa lang naman ang pinapakiusap niya, ang
lumayo muna ito sa kaniya. He needs space.
Gusto niyang mag unwind pero paano niya
magagawa iyon kapag palaging nakabuntot
si Jaffy sa kaniya? The more na
ipinagsiksikan ni Jaffy ang sarili, the more na
naiinis siya rito.
"N-Natatakot din akong mawala ka, JM. S-
Sobrang takot ako," wika ni Jaffy at mas
lalong humagulgol saka niyakap si JM. "I-
Iiwan mo na ako. Papalitan mo na ako sa
buhay mo. H-Hindi ko kayang makita kang
ikinakasal sa iba. I c-can't..."
Kumalas si JM sa pagkakayakap at pinahidan
ang mga luha ng dalaga. "I need space,
Jaffy. Gusto kong hanapin ang sarili ko.
Gusto kong tanggapin ang lahat kaya
pakiusap, umuwi ka na muna."
"Pero papalitan mo--"
"You will always be my wife," ani John
Matthew at hinawakan ito sa magkabilang
pisngi, "Gusto ko lang munang makahinga
dahil nasasakal na ako. Gusto kong bigyan
mo rin ng time ang sarili mo."
"Pero makipag-divorce ka," wika ni Jaffy at
pinahidan ang masaganang mga luha.
"Hindi na basta umuwi ka na muna sa inyo,"
sagot ni John Matthew. Litong-lito na siya
sa nararamdaman at sitwasyon nila. Hindi
siya makahinga nang maluwag. Masyadong
magulo ang isip niya.
"H-Hindi mo ako idi-divorce? Promise?"
tanong ni Jaffy. Kailangan niya ng assurance.
Ito na lang ang nagbibigkis sa kanila ni JM
para maging isa. Para hindi na ito hahanap
ng iba pa.
"I-If uuwi ka na muna sa inyo," sagot ni JM.
"P-Paano kung ayaw ko?" tanong ni Jaffy.
Isang malalim na buntonghininga ang
pinakawalan ni JM bago magsalita, "Wala
akong choice kundi tuluyan ko nang tapusin
ang kasal natin."
Napalunok ng laway si Jaffy habang
nakatingala sa asawa, "K-Kapag ba uuwi ako,
h-hindi ka hahanap ng iba?"
Nakipagtitigan si JM sa kaniya, "Kailangan
natin ng space, hindi ng bagong asawa kaya
iligpit mo na ang mga gamit mo, iuwi na
kita mamaya."
Tumalikod si JM saka lumabas ng kuwarto.
Saktong napadaan siya sa sitting room kaya
naupo siya sa tabi ng ina.
"Pumayag na siya?" tanong ng Lola Angel
niya na nasa harapan nila katabi ni Dylan.
"Opo," sagot ni JM.
"Good. Ihahanda na namin ang papers para
maikasal ka na sa gusto ng pamilya,"
nakangiting sabi ni Angel.
"Walang divorce na mangyayari at hindi ako
magpapakasal sa iba," seryosong sagot ni
John Matthew at sinalubong ang mga mata
ng lola niya.
"Why? Hindi ba't ayaw mo na sa kaniya?"
tanong ni Angel.
"Magdi-divorce kami o hindi, ayaw kong
magpakasal sa iba. No one can force me to
marry someone whom I don't love!" sagot ni
John Matthew. Walang sinuman ang
makakapag-control sa buhay niya. He's the
master of his life and soul. Hindi siya isang
puppet na nakasalalay sa iba ang buhay niya.
"How about the divorce? Ipu-push mo pa
rin ba? Sa nakikita ko, hindi mo na siya
mahal," sagot ni Angel na pinag-aralan ang
mukha ng apo. Sa kanilang quadruplets, ito
na lang ang hindi pa na-settle ang buhay.
Well, maliban kay Lance Leonard na walang
balak na magpakasal kahit na malalaki na
ang mga anak nila.
"Ayaw ko ng padalos-dalos na desisyon kaya
hayaan na muna ninyo ako," walang
kabuhay-buhay na sagot ni JM. Sina Ann at
Dylan ay ayaw nang sumabat sa dalawa.
Pagod na rin sila sa sitwasyon nina JM at
Jaffy.
"Really? Gusto mo pa rin ba siyang hawakan
sa leeg, JM?" tanong ni Angel.
"Hindi ko siya hinahawakan sa leeg. Ako ang
nasasakal sa sitwasyon," pagtatama ni JM.
"Sabi mo e," wika ni Angel.
Hindi kaya ni John Matthew na makaharap
ang mga ito kaya tumayo siya at bumalik sa
kuwarto nila ni Jaffy. Mula nang mawala ang
mga anak niya, mas gustuhin na lang niyang
mag-isa.
Pagbukas niya ng pinto, umiiyak na
inilalagay ni Jaffy ang mahalagang gamit niya
sa maleta habang nakaupo sa sahig.
Pinahidan nito ang mga luha saka tumingala
sa kaniya, "S-Sana sa gagawin ko, magiging
magaan na ang loob mo. S-Sana ingatan mo
ang sarili mo at higit sa lahat, tumupad ka
sa pangako."
Naupo si John Matthew sa kama at
pinagmasdan lang ang asawa. Walang
humpay ang pag-iyak nito kaya inabutan
niya ng tissue.
"Tama na ang pag-iyak. Ang lapit lang ng
bahay ninyo. Kilometro lang ang layo, Jaffy,"
saway ni JM sa asawa.
Pinahidan ni Jaffy ang mga luha saka isinara
ang maleta.
"Halika na," sabi ni JM saka tumayo at
kinuha ang maliit na maleta. Kaunti lang ang
dinala ni Jaffy, mga mahahalagang bagay
lang.
Nanghihinang sumunod si Jaffy sa asawa at
bago niya isinara ang pinto, pinagmasdan
muna niya ang malawak na silid ni JM.
"Sana kapag bumalik ako, masaya na kami
ng asawa ko," bulong niya saka tuluyan nang
isinara ang pinto.
Malapit na sila sa elevator nang masalubong
nila si Ann.
"N-Ngayon ka na aalis?" naiiyak na tanong
ni Ann. Naaawa siya kay Jaffy. Kahit na
namumula ang mga mata nito, sinikap pa rin
ni Jaffy na ngumiti.
"Opo, doon na po muna ako sa bahay,
Mommy Ann," sagot ni Jaffy at niyakap ang
ina ng kaniyang asawa.
"Pasyal ka rito minsan, ipapasundo kita kay
JM," sabi ni Ann na pinasigla ang boses.
Kung siya lang ang masusunod, si JM na
lang sana ang palayasin niya. Wala na siyang
kasama rito sa mansion na babae. Minsan
lang din dumadalaw ang mga asawa ng anak
niyang lalaki at may kaisa-isa nga siyang
anak na babae pero mas pinili pa nitong
manirahan sa isla kasama ang asawa nito.
"Sige po, tawagan lang ninyo ako," sabi ni
Jaffy saka kumalas sa pagkakayakap.
Napasulyap siya kay JM na naghihintay na sa
kaniya sa elevator.
"Jaffy?" tawag ni Ann kaya napatingin si
Jaffy sa kaniya, "Para din ito sa inyong
dalawa kaya huwag kang malungkot."
"S-Salamat po, Mommy Ann. Alis na po ako.
Naghihintay na sa akin si JM," paalam niya
saka nilagpasan ang mother-in-law niya.
Pagpasok niya sa elevator, saka naman
isinara ni JM ang pinto. Walang nagsalita sa
kanila hanggang sa nakarating sila sa garahe.
Nang palabas na ang SUV sa mansion,
nakaramdam si Jaffy ng pamimigat sa
dibdib. Ang sakit. Para siyang isang
asawang pinapalayas na ng asawa. Iyon na
nga siguro.
Habang nasa biyahe, namayani ang
katahimikan sa pagitan nila. Si JM ay tila
wala sa sariling nagmamaneho habang si
Jaffy naman ay nakatingin lang sa mga
sasakyang dinadaanan o nilalagpasan nila.
"Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang
ako," sabi ni JM kaya napatingin si Jaffy sa
kaniya, "I mean, financially. Mag-asawa pa
rin tayo kaya ang pag-aari ko ay pag-aari
mo na rin."
"Sana pati ang puso mo," bulong ni Jaffy na
mas piniling huwag nang sumagot kay JM.
Ngayong malaya na ito, magiging masaya na
kaya ito? Paano na siya? Habambuhay na
lang bang masasaktan dahil umaasa siya?
Pagdating ng mansion, naunang bumaba si
JM saka pinagbuksan si Jaffy ng pinto.
Kinuha nito sa backeat ang maleta ni Jaffy
saka sinamahang pumasok sa bahay.
"Honey? K-Kung kailangan mo rin ako,
anytime, tawagan mo lang ako, ha.
Pupuntahan kita," malungkot na sabi ni Jaffy
habang papasok sila. Gusto niyang maiyak
pero ubos na ang kaniyang mga luha.
Pagpasok nila sa mansion, agad na napatayo
ang mommy niya na may kausap sa sala.
"Anak ko! Nandito ka na!" tili ni Inday saka
sinalubong ang anak at agad na niyakap ito,
"Kung hindi ka pa hinatid ng asawa mo,
hindi ka pa namin makakasama."
"M-Mommy," sambit ni Jaffy saka mahigpit
na gumanti sa yakap ng ina. Hindi na niya
napigilan ang mga luha at nagsibagsakan na
naman. Ang init ng yakap nito na tila
nagpapawi sa ano mang lumbay sa kaniyang
puso.
"Hush, tahan na," sabi ni Inday saka
napatingala kay JM na nakatayo sa likuran
ng anak niya. Hinimas niya ang likod ng anak
para kahit paano, mabawasan ang dalahin
nito sa buhay, "N-Nandito ka na sa bahay,
nandito na kami ni Daddy mo."
"Magandang hapon po," bati ni JM at
inilapag ang maleta ni Jaffy.
"Mabuti naman at isinauli mo na ang anak
namin," prangkang wika ni Inday at kumalas
sa pagkakayakap sa anak. "Ngayong nandito
na siya, umaasa akong wala nang bawian
pa."
"M-Mom, vacation lang naman ako rito,"
sabat ni Jaffy at napasulyap sa bisitang
nakaupo sa sala.
"Good afternoon, Jaffy," bati ni Ranier kaya
napatingin din si JM sa binata.
"A-Ano ang ginagawa mo rito, Ranier?"
tanong ni Jaffy.
"Dinadalaw ka," sabat ni Inday, "Ngayong
nandito ka na, tatanggap ka na ulit ng
manliligaw."
Napatingin si Jaffy kay JM na hindi niya
mabasa ang mukha.
"M-May asawa na ho ako, Mommy," wika ni
Jaffy.
"Asawa?" nakataas ang kilay na ulit ni Inday
saka humarap kay JM, "Okay lang siguro sa
'yo kung tatanggap ng manliligaw ang anak
ko? You know, reserba para kung sakaling
mag-divorce kayo, may pamalit kaagad
siya? Para patas naman ang labanan."
"May pupuntahan pa ho ako," sagot ni JM at
napasulyap kay Jaffy bago tumalikod.

A/n:
Medyo nasa dark side pa talaga ito pero
hayaan na, makakaahon din ang story na ito.
Gosh. Ang mahalaga, hindi ko siya igi-give
up. Makakaraos din 'to.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon