15

1.1K 38 1
                                    


BARUMBADONG VIRGIN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited...
Bumalik na ang dalawa sa Maynila nang hindi naman nakita ang hinahanap.
"Panira ka talaga ng diskarte!" naiinis na sabi ni Jaffy kay JM. Isang linggo na sila rito sa hotel na hindi naman nila alam kung sino ba talaga ang kalaban.
"Wala akong sinisira. Minsan kasi, pumili ka rin ng mambubuso sa dibdib mo!" wika ni JM at ihiga sa malambot na kama ang pagod na katawan. Kanina lang, magtatanong pa sana siya sa driver pero pabilis na lumapit ang mokong at hinila siya palayo.
"Pakialam mo? Huwag mong sabihin, nagseselos ka? O baka naman gusto mong ikaw lang ang makakita ng boobs ko?" tukso ni Jaffy saka lumapit sa binata. Kahit yata pahubarin siya nito ngayon din, gagawin niya.
"Akala ko ba, hindi mo na ako gusto?" tanong ni JM.
"Kung ayaw mo sa akin, ayaw ko rin sa 'yo pero kung gusto mo, game ako!" wika ni Jaffy kaya nagtalukbong ng kumot si JM.
Dalawa ang kama kaya tig-isa sila. Impossible naman na magsama sila sa iisang kama dahil ang arte ni JM.
"Siya nga pala, baka uuwi next week, next month o next year ang kakambal ko," sabi ni Jaffy.
"Si Jaff?" tanong ni JM.
"Oo," sagot ni Jaffy.
"Wala akong pakialam, basta mahanap lang natin ang kapatid ko," sagot ni JM at tumalikod na kay Jaffy.
"Suplado!" pagmamaktol ng dalaga saka kinuha ang tuwalya na kanina pa nakahanda sa kama niya at pumunta sa shower room.
Isinara niya ang pinto pero hindi ini-lock. Si JM lang naman ang kasama niya kaya sure siyang hindi siya papasukin nito.
Napangiti siya. Masama man pero ang saya niya dahil nakasama niya si JM. Yun nga lang, dahil sa pag-kidnap pa ng kapatid nito.
"Sino ka ba?" tanong niya at ipinikit ang mga mata. Isang malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang kidnapper ni Anndy at kung bakit nito kinidnap ang dalaga. Ayon sa kilos ng lalaki, may alam ito sa pakikipaglaban. Nang matapos maligo ay pinatay niya ang shower at itinapis ang tuwalya matapos matuyo ang basang katawan.
Paglabas niya, bumangon naman si John Matthew at isinuot ang tsinelas saka pumunta sa bathroom.
Naupo siya at isinuklay ang mahabang buhok. Mamaya pa siya matutulog. Alas nuwebe pa lang ng gabi at himalang walang pupuntahan si JM. Tinatamad siyang sumama dahil sa mga babae nito sa party kaya nilalagyan na lang niya ng tracking device ang relo nito para kung sakaling kailangan siya, alam niya kung saan ito mahagilap.
"Magbihis ka na at matulog!" sabi ni JM at pinatay ang ilaw dahil inaantok na siya.
"Sumusobra ka na talaga, JM!" bulong ni Jaffy tumayo para buksan muli ang ilaw.
"Patayin mo na sab--"
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang tanggalin ni Jaffy ang tuwalya sa katawan at itinapon sa kama.
"K-Kung gusto mong patayin ang ilaw mamaya, pakipatay na lang," wika ni JM at iniwas ang mga mata sa hubad na katawan ni Jaffy. Mula noon, panira na talaga si Jaffy ng modo niya.
"Ayaw ko," tanggi ni Jaffy habang palapit kay JM na namumutla, "Bakit ayaw mong tumingin sa katawan ko?"
"Walang special sa katawan mo," madilim ang mukhang sagot ni JM at napaatras. Lahat na yata ng Santo, nadasalan niya para lumayas na ang demonyo sa katawan ni Jaffy.
"Really? Malaki ang butt ko."
"Stop it, Jaffy!" saway ni John Matthew.
"Malaki ang boobs ko," nakangiting sabi ni Jaffy kaya napalunok ng laway si JM. Okay, nakikita niya sa peripheral vision niya. Malaki nga talaga. Putiks, sarap hawakan.
Napailing siya. No, hindi puwede. For Christ's sake, mapipikon talaga siya kapag bumigay siya. Sa lahat ng babae, huwag si Jaffy dahil maaga siyang makapag-asawa kapag nagkataon. Hindi puwede!
"JM?" malambing na tawag ni Jaffy sa binatang namamawis ang noo.
"Lumayo ka, Jaffy!"
"Virgin pa ako, JM. Hilingin mo lang, ikaw ang makaka-first blood sa akin," sabi ni Jaffy. Naikot na niya ang mundo pero sa dami ng tao sa mundo, sa iisang tao lang talaga tumibok ang buso niya, kay John Matthew.
"Jaffy naman, magbihis ka na. Pakiusap," pakiusap ng binata. Naramdaman niyang sumisikip na ang pajama niya. Malapad ang balakang, maliit ang bewang at malaki ang boobs. Tapos ang kinis pa nito.
"Jaffy! Magbihis ka na!" seryosong sigaw niya nang makitang umaalog-alog pa ang hinaharap nito habang palapit sa kaniya.
"Ang arte mo!" reklamo ni Jaffy saka dinampot ang tuwalya.
Napaupo si JM sa kama at nahiga. Mapapatay siya sa kakulitan ni Jaffy. Ipinikit niya ang mga mata pero kaagad na napabangon nang boobs ni Jaffy ang nakita niya sa isipan. Babangungutin siya. Alam niyang sinasamantala lang ni Jaffy ang sitwasyon para magawa ang masamang balak sa kaniya. Hindi puwede. Baka mabuntis niya ito. Patay talaga siya sa ama niya.
Pasimpleng hinampas niya ang alagang gustong magwala. Sa lahat ng bahagi ng kaniyang katawan, ito talaga ang pinakatraidor. Hindi na bale, magtitiis na lang siya kahit na sumakit pa ang puson niya magdamag. Huwag lang talaga siyang makabuntis kagaya ng mga pinsan niyang Villafuerte na ang aaga magkaanak.
"Huwag si Jaffy, Lord. Pakiusap, huwag siya," panalangin niya. Oras na si Jaffy ang makatuluyan niya, paghinga na lang siguro ang pahinga niya.
---------------
"Mom? Nasaan si Daddy?" tanong ni Jaffy nang pumasok sa secret agency nila.
"Nasa operating room," sagot ni Inday na nakasimangot.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?"
"Hindi ako nakaiskor kagabi," sumbong ni Inday kaya tumirik ang mga mata Jaffy.
"Give him a break!" sabi ni Jaffy saka nilagpasan ang ina.
Pagpasok niya sa OR, nakaupo ang ama at nakatingin sa tatlong doctor na nag-oopera sa dalawang miyembro nilang sugatan dahil sa pakipagbakbakan sa mga NPA.
"Kailan ka umuwi, Kuya Uno?" tanong niya sa isang lalaking nag-o-opera.
"Kahapon lang," sagot ng binata na hindi nawawala ang konsentrasyon sa ginagawa.
"Mabuti naman," sagot ni Jaffy at napasulyap sa dalawang doctor na katabi nito.
"Sino sila?" usisa ni Jaffy.
"Kaibigan ko, si Tres at si Dos" sagot ng Kuya Uno niya.
"New hired?" nakangiting tanong ni Jaffy. Tumango lang ang binata. Naupo si Jaffy sa tabi ng ama. "Uno, Dos, Tres, kulang na lang, sina Singko, Sais at Siyete."
Napasulyap niya sa tatlong matatangkad na doctor. Ang gaguwapo ng mga ito.
Nang matapos ang operasyon, lumapit si Uno sa kaniya at naupo sa tabi nito.
"May pasalubong akong chocolates," wika ni Uno at may dinukot sa bulsa.
"Walang halong dugo ng tao?" pabirong tanong ni Jaffy. Ang guwapo ng Kuya Uno niya, matangkad at habulin ng babae.
"Oh my, thank you!" pasalamat niya at niyakap ang tsokolateng hawak na. May ibibigay na naman siya kay JM kapag magkita sila.
"Alam kong ibibigay mo lang 'yan sa crush mo," nakangiting sabi ni Uno.
"Labas na muna ako," paalam ni Tres at lumabas na sa OR.
"Ang pogi rin niya," puri ni Jaffy na ang tinitukoy ay si Tres. Si Dos, pogi rin naman pero mukhang mas seryoso yata si Dos na nakaupo sa isang sulok at busy sa kakatingin sa laptop.
"Gusto mo?" tanong ni Uno at sinundan ng tingin si Tres. Magkaklase sila noong college sa ibang bansa at napag-alaman niyang gusto rin nitong magtrabaho sa ganitong lugar kaya kinumbinse niya ito. Noong una, nagduda pa ito pero nang iharap niya kay Cedrick, saka lang naniwala sa kaniya.
"Loyal ako sa virgin kong crush!" sagot ni Jaffy at naalala ang pamumutka ni JM kagabi. Malakas talaga ang kutob niyang virgin pa si JM kahit na medyo impossible.
"Balita ko, may bagong mission ka?" tanong ni Uno kaya napabuntonghininga si Jaffy at napatingin kay Tres na kakabalik lang.
"Yes, si Anndy. Kapatid ni JM," sagot ni Jaffy kaya napasulyap si Tres sa kanila.
"Good luck," sabi ni Uno at tinapik siya sa balikat.
"Alam ba ni Jaff na tatlo na kayong doctor?" tanong ni Jaffy.
"Yes, kilala na niya sina Dos at Tres," sagot ni Uno kaya napangiti si Jaffy.
Nakisabay siyang kumain sa tatlong doctor. Pupunta lang ang mga ito kapag may nangangailangan ng tulong nila dahil may kani-kaniyang trabaho raw sila.
Nang mapagod sa pakikipag-usap, umuwi na si Jaffy gamit ang ducati niya.
"Shit!" reklamo niya nang ma-flat ang gulong ng sinasakyan kaya inihimpil muna niya sa tabi at inayos. May nga gamit naman siyang dala.
Napatingin siya sa maliit na dart na tumama sa gulong niya. Luminga-linga siya sa paligid pero maliban sa nagdadaang sasakyan, wala nang ibang tao siyang nakita.
May maliit na nakarolyong papel sa dart kaya binuksan niya ito para basahin.

A/n:
As of now, hindi ko pa alam kung ano ang nakasulat sa papel kaya walang magtatanong. Kung ano ang nasa isip ko, sinusulat ko lang. Obviously, wala me sa mood. Wala talaga. Count me in sa mga nagsusulat na walang pakialam sa takbo ng kuwento basta may maisulat lang.
Walang patutunguhan ang story na 'to. Hindi siya buo at walang eksena sa isip ko. Lahat ng kakulangan sa ibang story, dito ko na inilagay. Gosh. Hindi ko naman puwedeng ibahin dahil may mga nagkokonek pa rin dito kahit na iniba ko na ang plot. Nablangko talaga ako sa kanila. Walang destinasyon. Hahaha. Hindi po ito action. Walang action. Salamat kung may reader pa ito. Sorry if I cannot finish this.

Continuation  nito " Ang Asawa kong Barumbado" hnd na sya Virgin😂😘

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon