2.27

1.2K 44 0
                                    


Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

Unedited...
"Okay ka na ba? Hindi na masakit?" tanong
ni Jaffy nang pumasok sa hospital suite.
"Masakit pa rin pero hanggat ligtas ako,
okay lang," sagot ni Jaff. Wala naman siyang
pakialam sa buhay niya. Wala siyang lovelife,
ilang masasamang tao na rin ang napatay
niya kaya para na lang sa pamilya niya ang
rason kung ba't siya nabubuhay.
"Mabuti na lang at naisugod ka kaagad,"
sabi ni Jaffy saka hinila ang isang silya at
naupo sa tabi ng kakambal.
"Oo nga," nakangiting pagsang-ayon ni Jaff.
"Sis? Balita ko, iniiwasan mo raw si John
Matthew?"
Umiwas ng mga mata si Jaffy. Alam kasi
nito kung gaano siya kabaliw sa asawa niya.
"Huwag na natin siyang pag-usapan," wika
ni Jaffy.
"Galit ka ba talaga sa kaniya? Kung hindi
siya lumapit at nakiusap sa akin, ikaw sana
ngayon ang nasa kalagayan ko," wika ni Jaffy
na titig na titig sa mga mata ng kakambal.
"Huwag mo na siyang pagtakpan. Hindi mo
lang alam ang plano--"
"Si Ranier. Siya ang bumaril sa akin. Alam
niya ang plano ninyo, Jaffy," agad na sabi ni
Jaff kaya natigilan si Jaffy.
"S-Si Ranier?" ulit ni Jaffy. Ligtas na ang
binata sa kapahamakan at nagpapagaling sa
hospital din na ito.
"Oo, alam niya ang lahat kaya niya ako
binaril, Jaffy," sagot ni Jaff.
"P-Pero paano?" nagtatakang tanong ni
Jaffy.
"Hindi ko rin alam," sagot ni Jaff.
Nanghihinang napaupo si Jaffy. Kung alam ni
Ranier ang plano nila, ibig bang sabihin,
nagpapanggap din ito kagaya niya?
"Mahal ka ni JM, may ugali lang talaga
siyang--"
"Huwag na nating pag-usapan ang asawa
ko! Hayaan mo siya!" naiinis na sabat ni Jaffy
kaya napabuntonghininga na lang ang
kakambal niya. Ano pa nga ba q g
magagawa ni Jaff? E, away mag-asawa na
ito.
"Gusto kong umalis muna," sabi ni Jaffy.
"Saan ka pupunta?"
"Kahit saan, basta malayo kay John
Matthew," seryosong sagot ni Jaffy kaya
napailing na lang si Jaff.
"Mukhang iba na 'yang paglayo mo, ha,"
makahulugang wika ni Jaff.
"I'm serious, Jaff! Ayaw ko siyang makita."
"Ayaw makita? Bakit? Galit ka ba sa ginawa
niya?"
"Basta ayaw ko siyang makita!" Paninindigan
talaga niya ang sinabi niyang ayaw na niya
sa asawa. Naiinis siya kay John Matthew.
Bumukas ang pinto at pumasok ang mga
magulang nila.
"Kumain ka muna, Jaff," sabi ni Inday na
may bitbit na pagkain.
"Kare-kare po ba 'yan, mommy?" tanong ni
Jaffy at lumapit sa ina.
"Oo, kailangang magpalakas ng kakambal
mo," sagot ni Inday. Siya mismo ang
nagluto ng pagkain ng anak kaya sigurado
siyang magugustuhan ito ni Jaff.
"Ayaw ko sa luto mo," pagdadabog ni Jaffy.
"Kapal ng mukha mo! Hindi naman ito para
sa 'yo!" sagot ni Inday. Todo effort na nga
siyang magluto tapos pipintasan lang ni
Jaffy?
"Honest lang po ako," sagot ni Jaffy.
"Ganoon talaga ang buntis, honest,"
natatawang sabat ni Jaff kaya nanlaki ang
mga mata ni Inday.
"B-Buntis ka, Jaffy?" bulalas ni Inday nang
mahimasmasan. "My ghad! Sino ang ama?"
"Hindi ako buntis!" tanggi ni Jaffy,
"Magtatanong ka kung sino ang ama, para
akong asawa ng bayan, ah!"
"Malay ko ba kung may Ranier ka pa,"
nakasimangot na depensa ni Inday.
"Buntis ka kaya. Sabi ni JM, buntis ka,"
nakangiting sagot ni Jaff. Mukhang ganoon
na nga. Allergic sa asawa e.
Wala sa sariling napahawak si Jaffy sa tiyan,
"B-Buntis ako?"
"Magpa-checkup tayo," suhestiyon ni Inday.
Sigurado siyang pogi o maganda ang
magiging apo nila ni Jim.
"Mom? Ayaw ko talaga ng niluto mo,"
prangkang sabi ni Jaffy na nasusuka sa amoy
ng kare-kare.
"Aba! Sumusobra ka na, Jaffy!"
nakapamewang na sabi ni Inday.
"Mukhang hindi po siya masarap!'
"Hoy, Jaffy Garcia Lacson! Kung ayaw mo sa
luto ko, puwes, doon ka sa biyenan mong
hilaw magpaluto!"
"Puwede," nakangiwing sagot ni Jaff. Bakit
parang nami-miss niya ang lasa ng beefsteak
ng Mommy Ann ni John Matthew.
"Anak ka talaga ng tatay mo! Buntis ka
nga!" hindi makapaniwalang sabi ni Inday.
"Walang hiya kayo! Sabi ko na nga bang
nagjujugjogan kayo e!"
"H-Hindi pa naman sure na buntis ako," wika
ni Jaffy kaya napasimangot si Inday saka
hinila ang anak palabas para patingnan sa
doctor.
"Congratulations, Misis. Two months
pregnant ka na," nakangiting bati ng
doctora kaya Napanganga si Jaffy. Hindi niya
alam kung ano ang mararamdaman. Pero sa
kaloob-looban niya, sobrang saya niya. Sa
pangalawang pagkakataon, binigyan siya ng
chance ni God na magiging ina.
Pinahidan niya ang mga luha at napahawak
sa sinapupunan.
"M-Matutuwa kaya si JM kapag malaman
niyang buntis ako?" wala aa sariling tanong
ni Jaffy.
"Mauwi ka na at magpahinga!" ani Inday.
"Kami na ang bahala rito kay Jaff."
"Mom--"
"Huwag kang pasaway! Noong huling
nagpasaway ka, apat na buhay ang nawala.
Pag 'yan sampu ang laman ng tiyan mo at
pabayaan mo pa, ako na mismo ang
susumpa sa 'yo!"
Walang nagawa si Jaffy kundi sumunod sa
ina. Nadala na siya sa pagiging matigas ang
ulo noon kaya dapat na mag-double ingat
na siya.
Pagdating sa bahay, dumiretso siya aa
kuwarto at nagpahinga. Pasado alas tres na
nang magising siya. Kinapa niya ang
cellphone sa bedside table at sinagot ang
kanina pang tumatawag.
"Ano ang kailangan mo?" tanong ni Jaffy kay
JM.
"Honey? Kumusta ka na?" tanong ni JM kaya
napasimangot si Jaffy.
"Okay lang. Puwede mo ba akong ipasundo
sa driver ninyo?" tanong ni Jaffy.
"Saan ka pupunta?"
"Pakialam mo? Basta ipasundo mo ako sa
driver ninyo. Forty five minutes at tapos na
ako," sabi ni Jaffy saka tinapos ang tawag at
tumayo para maligo sa banyo.
Thirty minutes ay tapos na siya kaya bumaba
na.
"Ma'am? Nasa labas na ho ang sundo mo,"
sabi ng katulong.
"Salamat ho," pasalamat ni Jaffy at lumabas
na pero napatigil siya sa paglalakad nang
makita ang pinakaayaw niyang mukha sa
balat ng lupa.
"Hindi ba't ang sabi ko, driver ninyo?"
tanong ni Jaffy sa asawang nakasandal sa
haligi ng parking lot nila habang hinihintay
siya. Ang guwapo pa rin nito lalo na't
maaliwalas ang mukha.
"Ako na. Mas kampante ako na ako ang
magmamaneho sa 'yo," double meaning na
sagot ni JM.
"Hindi ka nakakatawa!" naiiritang sabi ni
Jaffy. Maneho his face!
Binuksan ni JM ang pinto ng frontseat kaya
sumakay si Jaffy.
"Saan tayo pupunta, honey?" tanong ni JM
nang makasakay na at inaayos ang seatbelt.
"Huwag mo akong tawagong honey!
Nakakairita!" ani Jaffy kaya gumuhit ang
pagkadisgusto sa mukha ng asawa.
"Ikaw ang may gusto ng honey!"
"Wala! Ayaw ko na ng honey dahil ayaw ko
sa 'yo!" pagsisinuplada ni Jaffy. Sarap talaga
tadyakan ni JM para lumayo ito sa kaniya.
"Saan tayo pupunta?" mahinahong tanong
ulit ni JM. Nangako siya sa sariling uunawain
na niya si Jaffy at subukang baguhin ang
pag-uugali niya.
"Sa bahay ninyo," tipid na sagot ni Jaffy.
"Uuwi ka na sa amin? Sasama na tayo sa
iisang bubong?" masayang tanong ni John
Matthew. Kung uuwian na siya ni Jaffy, siya
na ang pinakamasayang lalaki sa buong
mundo.
"Hindi!" tanggi ni Jaffy. "Gusto ko lang
kumain dahil gutom na gutom na ako."
"H-Ha? Sa restaurant tayo kakain. Tamang-
tama, madadaanan natin ang--"
"Gusto ko ng beefsteak ni Mommy Ann!" ani
Jaffy kaya kaagad na napapreno si John
Matthew.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, honey?"
kinililabutang tanong ni John Matthew.
"G-Gusto kong kumain ng beefsteak ni
Mommy Ann," ulit ni Jaffy at napasimangot.
Mukha kasi ni JM ay hindi na maipinta.
"S-Sure ka?" panigurado ni JM kaya
hinampas na siya ni Jaffy sa kanang braso.
"Kung ayaw mo, bababa ako at magta-taxi
papunta sa bahay ninyo!"
"Oo na. Iuuwi na kita!" napilitang sagot ni
JM, "Pero honey, tubig-dagat ang sinasabaw
ni Mommy sa mga luto niya."
"Pakialam mo kung gusto kong kumain ng
beefsteak niya?" singhal ni Jaffy kaya
natahimik si John Matthew.
"Sa dami ng pinaglilihian, beefsteak pa
talaga ni Mommy?" tanong ni JM ay
napahigpit ang pagkahawak sa manibela.
"P-Paano mo nalamang buntis ako?"
Lumapad ang mga ngiti ni JM. Ibig sabihin,
buntis nga ang asawa niya. "Shooter ako e,"
pagmamalaking sagot niya.
Hindi na umimik si Jaffy. Wala talaga siyang
mood na makausap ang asawa. Mas lalong
ayaw niyang makita ang mukha nito.
Nang makapasok na sila sa garahe, napangiti
si JM sa nakita. Hinawi niya ang ilang hibla
ng buhok na tumatakip sa maamong mukha
ng asawa dahil nakatulog ito.
Dahan-dahang iminulat ni Jaffy ang mga
mata.
"Wakeup na, buntis," nakangiting bulong ni
JM.
Biglang uminit ang dugo ni Jaffy nang
masilayan niya ang guwapong mukha ng
asawa.
"Gusto ko ng beefsteak!" agad na sabi niya.
"Bibili tayo mamaya," sabi ni John Matthew.
"Gusto ko luto ni Mommy Ann!"
nakasimangot na sabi ni Jaffy at padabog na
lumabas ng kotse.
"Pasalamat ka, mahal kitang buntis ka!"
bulong ni John Matthew at sinundan si Jaffy.
"Dahan-dahan lang, baka madapa ka!" saway
niya at inakbayan ang asawa.
"Buntis ako, hindi lampa!" nakasimangot na
sabi ni Jaffy at kinuha ang mga kamay ni
John Matthew. Ewan niya pero surang-sura
talaga siya sa mukha ng asawa.
"Hindi ba kapag buntis, gusto nila ng
parating sex? Ganoon na lang kasi ang
paglihian mo para palagi tayong body
bonding," suhestiyon ni John Matthew. Kahit
magdamag pa siyang magpagahasa sa
asawa, buong puso niyang gagalingan ang
performance.
"Hindi lahat ng buntis ay ganoon!" sagot ni
Jaffy at lumayo kay John Matthew.
"Mommy Ann!" tili niya nang makita ang ina
ni JM.
"Kyaaah! Jaffy! Umuwi ka na!" masayang sabi
ni Ann at niyakap si Jaffy. "Akala ko, hindi
mo na uuwian ang anak ko."
"Hindi naman ho siya ang dahilan kung ba't
naparito ako," sagot ni Jaffy kaya napakunot
ang noo ni Ann.
"Ha? Sino?" nagtatakang tanong ni Ann.
"Ikaw po. Na-miss ko po ang beefsteak mo,"
natatakam na sagot ni Jaffy kaya napakamot
sa ulo si John Matthew. Patay na!
"T-Talaga? Gusto mo ang luto ko?" naiiyak
na tanong ni Ann. Firstime na may
nagsabing nami-miss nito ang luto niya.
"Opo, mommy," sagot ni Jaffy.
"Sige, sige. Ipagluluto kita ng masarap na
beefsteak," masiglang sabi ni Ann.
"Damn!" pagmumura ni John Matthew sa
isipin. Kawawa naman ang anak niya, nasa
sinapupunan pa lang, tino-torture na.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon