Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 11
Unedited...
"Tito? Paayos po ako ng baril ko?" pakiusap
ni Dale na nakatingala kay JM. Patungo na
ito sa garahe nang makasalubong ang bata.
"Akin na," sabi ni JM saka inayos ang
nasirang baril nito. Hindi lang talaga maayos
ang pagka-asemble nito kaya hindi nito
magamit.
Naupo si JM sa bench habang inaayos ang
laruang baril ng pamangkin.
"Tito? Nasaan po si Tita Jaffy?" inosenteng
tanong ni Dale at napasandal sa hita ng
tiyuhin. Umuwi na sina Anndy kanina pero
mas pinili ni Dale na manatili muna rito dahil
nandito ang mga pinsan niya.
"Nasa bahay nila," sagot ni JM. Ilang araw
nang natanggap niya ang divorce papers
pero hindi pa sila nakapag-usap ni Jaffy
kahit sa telepono man lang.
"Nasaan na po ang pinsan ko sa inyo? Wala
pa ba kayong baby?" nasasabik na tanong
ng bata kaya natigilan si JM. Kung buhay
lang sana ang mga anak niya, e di sana
magkasing-edad lang sila ng bunsong
kapatid ni Dale. Sabay yatang nagbuntis si
Anndy at Jaffy noon.
"N-Nasaan na po ang baby ninyo?"
nakalabing tanong ulit ng bata.
Ginulo ni JM ang buhok ni Dale saka ibinigay
ang laruang naayos na niya. "Okay na 'yan.
Ayun sina Gab, laro na kayo ng mga pinsan
mo," sabi niya sabay turo sa mga anak ni LL
na pinapaypay si Dale.
Napabuntonghininga siya habang nakatingin
sa pamangking masayang nagtatakbuhan sa
hardin at naglalaro ng water gun. Ang mga
halakhak nila, tila punyal na tumutusok sa
dibdib niya kaya pumunta na lang siya sa
garahe para pumunta sa opisina dahil
pinapatawag siya ng ama.
Gusto pa sana niyang matulog pero
tinawagan siya nito kaya kailangan niyang
sumipot dahil ilang araw na siyang hindi
nagpapakita. Si Lee Patrick na lang muna
ang nag-takeover sa gawain niya.
Ilang minutong pagmaneho nang makarating
siya sa main office ng ama.
Nakailang katok pa siya bago bumukas ang
pinto.
"Akala ko hindi ka na sisipot," wika ni Dylan
na pinapaikot ang swivel chair.
"Gusto ko pa sanang matulog," sagot ni JM
at napasulyap sa inang nakaupo sa harapan
ng table ng kaniyang ama. Mukhang may
pinagtatalunan ang dalawa bago siya
pumasok.
"Kailangan mong i-background check ang
bagong empleyadong ini-hire ni Lee
Patrick," wika ni Dylan.
"Wala ka bang tiwala sa kaniya? Magaling
naman ang mokong na 'yon," sagot ni John
Matthew at naupo sa couch.
"Hindi siya nag-focus sa kompanya dahil sa
mga Marcelo siya madalas na nakikita. Alam
mo namang walang tagapagmana si Paul
kundi si Tintin lang. Isa pa, maliit pa ang
mga anak nila kaya hindi ko siya basta-
bastang mautusan," sagot ni Dylan.
"E di si LL o si John Jacob ang utusan mo,"
tinatamad na sagot ni JM at nahiga sa
couch. Madaling araw na siyang umuwi kaya
inaantok pa siya kahit na alas kuwatro na ng
hapon.
"May mga anak sila. Mga pamilyadong tao
na kaya mahirap pakiusapan kapag may
emergency. Ikaw ang walang anak kaya ikaw
ang inaasahan kong maging katuwang ko sa
opisinang ito!" Ma awtoridad na sabi ni
Dylan kaya napatayo si JM.
"Wala na ba kayong sasabihin kundi ang
ipamukha sa akin na wala akong anak, Dad?"
Natigilan si Dylan sa sinabi ni JM. "Hindi
ganoon iyon," mabilis na pagbawi niya pero
huli na. Nakita niya kung paano gumuhit ang
sakit sa mga mata ng anak pero saglit lang
iyon.
"Hayaan mo, papasok ako bukas!" wika ni
JM.
Tumayo si Dylan, "Dito lang muna kayo, may
meeting pa ako."
Nang lumabas na si Dylan, lumipat si Ann sa
paanan ng anak.
"Anak? Sunduin mo na si Jaffy, nami-miss
ko na siya," pakiusap ni Ann sa anak na
inunan ang ulo sa braso.
"Mom? Wala na kami ni Jaffy, maghihiwalay
na kami," sagot ni JM saka napatingin sa
puting kisame.
"A-Ayaw ko. Hindi ako papayag na
maghiwalay kayo. Anak naman, sunduin mo
na kasi," naiiyak na pakiusap ni Ann.
"Pumirma na siya sa divorce papers kaya
wala nang silbi ang pagsundo ko sa kaniya,
Mommy," sagot ni JM kaya napayuko si Ann
at nilalaro ang sariling daliri.
"Pinilit lang siya. Kilala ko si Jaffy, hindi niya
iyon gagawin. Hindi siya papayag na
maghiwalay kayo. She loves you so much,"
sabi ni Ann. Sigurado siyang may
nagmanipula sa desisyon ni Jaffy.
"She just did. She signed it, Mom. Mabuti
nga 'yon at mapahalagahan din niya ang
sarili. Hindi 'yong puro ako lang. Mula noon,
ako lang parati ang inuuna niya," sagot ni
JM. Masaya siya para kay Jaffy. Sayang lang
ang buhay nito kung patuloy itong
magpakatanga sa kaniya. Iniisip niyang hindi
siya karapat-dapat sa labis na pagmamahal
nito. Sa totoo lang, hanga siya sa
katapangan nito. Aaminin niya, hindi na siya
makakatagpo pa ng babaeng higit pa kay
Jaffy. But she has to learn kung paano niya
mahalin at pahalagahan ang sarili. Isa pa,
kailangan niyang mapag-isa hanggang sa
matanggap ang katotohanang wala na ang
anak nila.
"Gusto ko si Jaffy lang," pabulong na sabi ni
Ann.
Tumayo si JM. "Alis na muna ako, Mommy."
"Anak? Puwede bang samahan mo ako
mamayang gabi? May dadaluhan lang akong
party. Busy kasi ang daddy mo kaya ikaw na
lang," pakiusap ni Ann.
"Okay, may pupuntahan lang ako pero uuwi
ako mamaya bago mag-alas siyete," sagot ni
JM at lumabas na.
-----------------------
Pagpasok nila ni Ann sa magarbong party,
agad na binati sila ng ibang bisita na
nakakakilala sa ina.
"Good evening," nakangiting bati ni Ann sa
nakakasalubong habang nakapulupot ang
kamay sa kanang braso ng anak.
"Ang bata ng escort natin, a," biro ng
kaibigan ni Ann.
"Siyempre naman, pogi pa!" pagmamalaki ni
Ann sa mga nakakasalubong. Hindi naman
maipagkaila na may iilang babaeng
napapalingon sa kanila lalo na sa mga hindi
alam na mag-ina sila. Ang pogi kasi ni JM
kahit medyo haggard.
Bumitiw siya sa braso ng anak.
"Anak? Hindi ba't si Jaffy iyon?" bulong ni
Ann nang makita si Jaffy na may kasamang
lalaki at nakangiti pa ito.
Napasulyap si JM sa gawi nila. Tama nga ang
mommy niya, si Jaffy iyon na may kasamang
iba. Natatandaan niya ang lalaki. Ito ang
nakilala ng asawa niya noon sa party.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng asawa.
Nakahapit na bestida ito na hanggang
kalahati ng hita kaya litaw ang magandang
hubog ng katawan. Maganda rin ang awra
na para bang walang pinagdaanan.
"Jaffy!" tawag ni Ann. Huli na para pigilan
ang ina niya dahil napalingon sa kanila si
Jaffy.
Hinila ni Ann si JM palapit sa dalawa kaya
napilitang magpahila si John Matthew.
"Tita, good evening," nakangiting bati ni
Jaffy kay Ann saka humalik sa pisngi nito.
"Na-miss kita, kumusta na ang daughter-in-
law ko?" tanong ni Ann at napatingin sa
lalaking kasama ni Jaffy, "Who is he?"
Natigilan si Jaffy. Hindi niya inaasahan ang
mabilisang tanong ni Ann.
"Special someone," sagot ni Jaffy at
napasulyap kay John Matthew na tahimik
lang sa tabi ng ina at nakatingin sa kaniya.
Ilang linggo na silang hindi nagkita at
masasabi niyang wala pa rin itong
pagbabago. Guwapo, makisig at agaw-
pansin sa party kahit na halatang hindi pa
ito nakapag-ahit. Malinis kasi itong tao.
Ngayon lang niya nakitang nagpatubo ito ng
balbas pero bagay naman sa kaniya.
"Magandang gabi ho," magalang na bati ni
Ranier. Kilala ito ni Ann, anak ng may
birthday celebrant.
"Special someone?" bulalas ni Ann, "Na-miss
na kita, pasyal ka naman sa bahay."
"T-Tita kasi--"
"Mom? Tinatawag na tayo ng iba mong
kaibigan," bulong ni JM na hindi man lang
sinulyapan ang asawa.
"Jaffy? Bakit hindi ka na pumupunta sa
bahay? Na-miss ka na nitong asawa mo,"
pagpatuloy ni Ann.
"T-Tita, wala na ho kami ni JM," mahinang
sagot ni JM kaya napasulyap si JM sa kaniya.
"Magdi-divorce na po kami."
Napangiti si JM. Now, narinig mismo ng
dalawa niyang tainga na si Jaffy ang
nagsalita tungkol sa divorce nila.
"Actually, I didn't sign it yet," sabat ni JM
habang nakatitig sa mga mata ng asawa,
"Busy ako these past days, but tomorrow,
pipirmahan ko na para mapadali ang
pagpawalang bisa ng kasal natin." Bumaba
ang mga mata niya sa kamay ng asawang
hawak na ng iba.
"Mabuti naman," sabat ni Ranier at
pasimpleng pinisil ang kamay ni Jaffy nang
mapansing nakatuon ang paningin ni JM sa
mga kamay nila. At least, sigurado na siyang
maghihiwalay nga ang dalawa. May chance
na siya kay Jaffy. Ilang araw na silang
nagkakamabutihan ni Jaffy.
"Halika na, Mom," yaya ni JM saka hinila na
palayo ang inang napatulala sa mga narinig.
"A-Anak? Totoo ba ang narinig ko?" naiiyak
na tanong ni Ann nang mahimasmasan.
Pinaupo siya ni JM sa silya.
"Yes, Mommy. Bakit?" tanong ni JM kaya
napakurap si Ann.
"J-JM, b-bawiin natin si Jaffy. B-Bawiin
natin ang asawa mo," nauutal na sabi ni Ann
habang nakatitig sa mukha ng anak.
"Leave her alone, Mom. Hayaan natin siyang
maging masaya," sagot ni JM at kinuha ang
isang glass ng wine sa waiter na dumaan.
"P-Pero hindi puwede. S-Sa atin lang si
Jaffy. JM naman, gumawa ka ng paraan.
Aagawin na siya sa atin," pakiusap ni Ann na
sumasakit ang dibdib sa nalaman pero
ngumiti lang si JM.
"Hayaan mo, ilang taon din namang
nakulong si Jaffy sa atin kaya pakawalan na
natin siya," sagot ni JM. Sa totoo lang,
masaya naman siya para kay Jaffy. Medyo
hindi lang niya inaasahan na ganito lang
kabilis ang pagpalit nito sa kaniya. Pero
okay lang. At least masaya na ito ngayon at
marunong nang mag-ayos ng sarili.
Umiling si Ann. "Ah, basta! Babawiin natin
ang asawa mo," giit ni Ann kaya
napabuntonghininga na lang si JM. Sa lahat
ng tao, ang ina na lang yata niya ang ayaw
na maghiwalay sila.
Napasulyap si JM kay Jaffy, kasama pa rin
nito si Ranier at masayang nakipag-usap sa
ina ng binata na para bang
nagkakamabutihan na sila.
"Amega!" tili ni Inday na palapit kina Jaffy at
nakipagbeso-beso sa mommy ni Ranier.
"Nakakainis ang mommy ni Jaffy! Hindi
naman yata tama na hanapan niya kaagad ng
iba si Jaffy! Kapal ng mukha!" galit na
bulong ni Ann habang nakatingin kina Jaffy.
Tumayo si John Matthew.
"Mom? Halika na, umuwi na lang tayo.
Nahihilo ako sa ingay ng tao," yaya ni JM
kaya tumayo si Ann.
"Mabuti pa! Uwi na lang tayo!" sabi ng ina
niya na nauna nang nagmarcha palabas ng
party kaya sumunod na si JM na hindi na
muling sinulyapan si Jaffy. Maybe, tama lang
ang parents nila. Kailangan na nga talaga
nilang maghiwalay.