Ang Asawa kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 6
Unedited...
"Hindi puwedeng ganiyan ka na lang! Dapat
lumaban ka," bulong ni Inday saka kinurot
ang kamay ng anak habang nakaupo sila.
"Good evening, Tita," bati ng lalaking
lumapit sa kanila. Matangkad ito, nasa 6'4"
yata ang height nito at guwapo.
"Oh, Ranier! Kumusta ka na?" masiglang bati
ni Inday sa binatang humalik sa pisngi niya.
Tatayo pa sana siya pero pinigilan siya ng
binata. Sa halip, ito ang naupo sa tabi nila.
"Okay lang po," sagot nito na napasulyap
kay Jaffy. "Siya po ba ang tinutukoy ninyong
anak mo?"
"Yes, meet my daughter, Jaffy. Jaffy, si
Ranier, anak ng kaibigan ko sa zumba,"
pagpakilala ni Inday kaya nginitian ni Jaffy
ang binatang kaharap na katabi ng mommy
niya.
"Ranier? Busy ka ba?" tanong ni Inday na
nakangiti sa binatang kaharap. Sa tangkad
nito, mapapansin talaga ito.
Napasulyap si Jaffy sa gawi ng asawa. Nasa
kaharap na table lang nila ito at saktong sa
kaniya rin nakaharap pero mula pa kanina,
hindi siya nito sinulyapan. Pero sigurado
siyang nakita na siya nito kanina pa dahil
nagtama ang mga mata nila kanina.
"Hindi naman po. Hinihintay ko lang ang
barkada ko," sagot ng binata at napasulyap
kay Jaffy na hindi kasing daring ang suot
kagaya ng iba pero mapapansin mo talaga
ang ganda nito.
"Thanks God, so, can you drink us?" tanong
ni Inday kaya napakagat sa ibabang labi si
Jaffy. Ayan na naman ang mommy niya sa
pag-e-English nito. Nakadalawang bote na
ito ng alak.
"Sure, my pleasure," nakangiting sagot ni
Ranier at napatingin kay Jaffy habang
umiinom ng alak sa baso.
"Guys, iwan ko muna kayo. Hahanapin ko
lang ang asawa ko," paalam ni Inday dahil
hindi na nila nakita pa si Jim.
Naiilang na ipinagpatuloy ni Jaffy ang
pagtungga ng alak sa baso.
"Jaffy? Nag-aaral ka pa ba?" tanong ng
binata.
"Hindi na," sagot ni Jaffy na ang atensiyon
ay nasa asawang nakipagtawanan sa barkada
nina Aimee.
"Really? Graduate ka na ba?" tanong ni
Ranier.
"Hindi ko na tinapos ang pag-aaral ko,"
sagot ni Jaffy at nginitian ito.
"Oh, I see..." nakangiting wika ng binata at
kinuha ang isang bote ng alak sa ininom
habang nakatitig sa dalagang nasa harapan.
Sa pamumula ng pisngi nito, mukhang
malapit na itong bumigay.
"Shall we dance?" he asked.
"H-Hindi ako sumasayaw," sagot ni Jaffy.
"C'mon, hindi rin naman ako, Jaffy,"
nakangiting sabi ni Ranier at inilahad ang
mga kamay kay Jaffy. Ilang segundong
tinitigan ni Jaffy ang kamay nito at sa
bandang huli ay pumayag na lang siya bago
pa mapahiya ang binata.
"Akala ko, hindi mo na tatanggapin,"
nakangiting bulong ni Ranier habang palapit
sila sa gitna ng dance floor. Marami ang
medyo may edad na pero mas marami ang
ka-edad nila.
"Ilang taon ka na?" malakas na tanong ni
Ranier nang inilagay sa bewang ni Jaffy ang
mga kamay at sinimulang gumalaw para
kunyari, sumasayaw sila.
"Twenty eight, ikaw?" tanong ni Jaffy na
nilakasan din ang boses dahil palakas nang
palakas ang music.
"Akala ko, twenty ka pa lang. Thirty na ako,"
sagot ni Ranier.
"Ah, hindi naman nagkakalayo," nakangiting
wika ni Jaffy.
"Oo nga, Jaff," wika ni Ranier sa baritonong
boses kaya napatingala si Jaffy sa binata.
"Jaffy na lang. May kakambal ako, Jaff ang
pangalan kaya baka mapagkamalan nilang
siya ako," tugon ni Jaffy.
"Babe na lang ang itawag ko sa 'yo," pilyong
sabi ni Ranier.
Medyo nahihilo na si Jaffy kaya muntik na
siyang matumba. Mabuti na lang dahil
mabilis na naagapan ni Ranier ang bewang
niya at napakapit siya sa leeg ng binata kaya
nalalanghap niya ang mabangong amoy ng
binata.
"Easy lang," nakangiting wika ng binata na
hindi pa rin inaalis ang kamay sa maliit na
bewang ni Jaffy.
"Nahihilo na ako," sabi ni Jaffy habang
nakahawak sa sumasakit na ulo. Naparami
yata ang nainom niyang alak.
"Halika na, babe," yaya ni Ranier saka iginiya
siya pabalik sa table nila kanina pero may
naka-occupy na pala.
"Ranier!" tawag ng babaeng nasa table nina
Aimee nang mapadaan sila.
"Hello, guys!" bati ni Ranier at hinawakan sa
bewang si Jaffy dahil baka matumba ito.
Anim silang nasa table. Tatlong babae at
tatlong lalaki na mukhang mag-partner.
"Girlfriend mo?" nakataas ang kilay na
tanong ng kaibigan ni Aimee. Kahit na
nahihilo, napatingin si Jaffy sa asawang
nakaupo sa harapan niya. Blangko ang
mukhang nakatitig ito sa mukha niya.
"Nope, kaibigan ni Mommy ang mom niya. Si
Jaffy pala. Babe, mga kaibigan ko,"
pagpakilala ni Ranier at hinila ang isang
upuan saka pinaupo si Jaffy.
"Hindi girlfriend pero babe ang tawagan?"
pilyang sabi ng katabi ni Aimee.
"Well? Kakakilala pa lang namin. Malay
ninyo, nextime na magkita tayo, kami na
nga," biro ni Ranier kaya napakagat sa
ibabang labi si Jaffy at napasulyap kay JM na
umiinom ng alak.
"May boyfriend ka na ba, Jaffy?" tanong ng
lalaking katabi ni John Matthew kaya
mapatingin sila lahat kay Jaffy.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa
mga ito. Si John Matthew lang naman ang
asawa niya. Obviously, hindi alam ng mga
kasama nila sa table. Kaunti lang ang dumalo
sa kasal nila dahil walang gaanong inimbita
ang pamilya. Isa pa, wala ring pakialam si
JM noon. Kahit bga mga barkada nito, hindi
nito inimbita kaya kaunti lang ang
nakakaalam na mag-asawa na sila. Pero
sigurado siyang si Aimee, alam nitong kasal
na sila ni JM.
"W-Wala akong boyfriend," nakayukong
sagot ni Jaffy. Gusto sana niyang idagdag na
asawa lang pero mas pinili na lang niyang
itikom ang bibig dahil baka mas lalong
magalit si JM kapag ipaalam niyang mag-
asawa na sila.
"Oh, now I know!" nakangiting wika ni Aimee
kaya napatingin si Jaffy rito. Tinaasan lang
siya ng kilay ng dalaga. Napasulyap siya sa
asawa, walang imik ito na ipinagpatuloy ang
pag-inom ng alak.
"Kayo, Aimee? Kayo pa rin ba ni John
Matthew?" tanong ni Ranier. Sino ba naman
ang hindi makakilala kay JM? Isa pa, minsan
na itong ipinakilala ni Aimee sa kanila.
"Yes," sagot ng dalaga at ipinulupot ang
kamay sa kanang braso ng binata.
Inabot ni Jaffy ang isang bote ng alak pero
mas naunang kinuha iyon ni JM.
"Hindi ba't nahihilo ka na dahil sa nainom
mo kanina? Hindi mabuti sa babae ang
magpasobra ng alak lalo na sa party,"
seryosong sabi ni John Matthew at tinungga
ang bote.
Hindi na nakipagtalo pa si Jaffy at
pinagmasdan na lang ang asawang patuloy
pa rin sa pag-inom na para bang tubig lang
ang alak para dito.
"Babe? Nahihilo ka pa?" nag-aalalang
tanong ni Ranier kay Jaffy at inakbayan ito.
Pasimpleng kinuha naman ng dalaga ang
kamay ng binata bago pa sila makita ng mga
kaharap.
"I-I'm fine," pabulong na sagot ni Jaffy at
napasulyap sa relo. Pasado alas diyes na ng
gabi kaya iginala niya ang paningin para
hanapin ang ina.
"Jaffy, Anak!" tawag ni Inday habang palapit
sa table nila.
"Mom? Uuwi na po ba tayo?" tanong ni
Jaffy na sinubukang tumayo pero agad na
napaupo dahil tila umiikot ang paligid.
"Uuwi na kami ng daddy mo. Kung gusto
mo pang maki-party, si Ranier na lang ang
bahala sa 'yo. Hindi ka niyan pababayaan,"
nakangiting sagot ni Inday at hinarap si
Ranier.
"Ikaw na ang bahala sa anak namin. Huwag
mo siyang pabayaan. May tiwala naman
kami ni Jim sa 'yo."
"Okay po, ako na ang bahala sa anak ninyo,"
sagot ni Ranier.
"Mom, gusto ko pong sumama--"
"Ihahatid na kita, babe. Don't worry, hindi
kita pababayaan," sabat ni Ranier at pinisil
ang balikat ni Jaffy.
"Ako na ho ang mag-uuwi kay Jaffy," sabat
ni JM na nakatingin sa bote ng alak kaya
napatingin sila sa binata lalo na si Aimee.
"Huwag na. Okay na si Ranier," ani Inday.
"Iisa lang naman ang condominium building
namin kaya isabay ko na siya," wika ni JM.
"Babe? Dito ka na matulog, 'di ba?" sabat ni
Aimee. Alam niya ang lahat. Noong una,
nakikipagkaibigan pa siya kay Jaffy pero
nagulat na lang siya na biglang nagpakasal
ang dalawa matapos ang ilang buwang
breakup nila ni JM.
"Uuwi ako mamaya," sabat ni JM at umangat
ng tingin saka tiningnan si Jaffy na
nakatingin sa kaniya.
"K-Kay JM na lang po ako makisabay,
Mommy," ani Jaffy.
"Bahala ka," wika ni Inday saka tumalikod.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko," bilin ni Jim
na kay JM nakatingin.
Nang makaalis na sila, nagpatuloy sila sa
inuman pero hindi na uminom pa si Jaffy
dahil natatakot siya sa asawa.
"Ako na lang ang maghatid mamaya,"
bulong ni Ranier at inilapit ang mukha sa
tainga ni Jaffy.
"Magkakilala pala kayo ni JM?" tanong ng
kaibigang babae ni Aimee.
"Yes," sagot ni JM, "Magkaibigan ang
pamilya namin."
"Babe? Hindi ba, dito ka matulog mamaya?
You promised me," nakalabing sabi ni Aimee.
"May mahalagang lakad ako bukas kaya hindi
puwede. Magagalit ang dad ko kapag
madatnan nilang wala ako sa unit ko," sagot
ni JM.
Napahigpit ang hawak ni Aimee sa bote.
Alam naman niyang sa iisang kama umuuwi
ang dalawa. Hindi lang talaga siya
makapagsalita dahil sa mga kaibigan. Baka
kung ano pa ang sabihin ng mga ito kapag
malamang kasal na ang dalawa.
"Shall we go home?" tanong ni JM kay Jaffy
habang nakatingin sa relong nasa kanang
kamay, "It's getting late."
Tumayo si Jaffy at nginitian si Ranier,
"Salamat, Ranier."
"Walang anuman. Sayang, ako sana ang
maghatid sa 'yo pero nasa iisang condo lang
pala kayo ni JM. Hindi na bale, pahingi na
lang ng number mo para nextime, date na
tayo," nanghihinayang na sabi ni Ranier at
dinukot ang cellphone sa bulsa.
"Halika na, Jaffy! Masyado nang late para
umuwi tayo!" wika ni JM saka hinila ang
dalaga para makalabas na.
"Hihingi pa ako ng number niya, dude!" ani
Ranier kaya hinarap siya ni JM at sinalubong
ang mga mata.
"Nagmamadali kami, nextime mo na lang
hingiin ang number ni Jaffy!" Bago pa
makapagsalita si Jaffy, nahila na siya ni JM.
"Okay lang. Kukunin ko na lang sa mommy
mo, Jaff." pahabol ni Ranier.
Hila pa rin siya ni JM hanggang sa
makalabas na sila sa mansion at nakarating
sa sasakyan ni JM.
"Ano ba, JM! Nakikipag-usap pa ako kay
Ranier!" reklamo ni Jaffy at hinila ang kamay
sa asawa.
"Binabastos ka na ng tao, ayaw mo pang
lumayo sa kaniya?" galit na sabi ni JM at
binuksan ang frontseat.
"Wala akong nakitang kabastusan sa ginawa
niya!" depensa ni Jaffy.
"Wala? Binibigyan mo siya ng pagkakataong
bastusin ka niya!"
"Hindi niya ako binabastos!" giit ni Jaffy.
"Firstime mo siyang nakilala tapos
nagpapahawak ka sa bewang at
nagpapaakbay sa kaniya?"
"E ano naman? Wala namang masama sa
ginawa niya!" ani Jaffy.
"Asawa pa rin kita, Jaffy!" paalala ni JM.
"Asawa? Kailan pa? Hindi ba't ikaw ang may
gusto na maghiwalay tayo? Hindi ba't
ipinagtabuyan mo na ako? Ano ngayon kung
bastusin ako ng ibang lalaki? Wala ka
namang pakialam sa akin, 'di ba?" sumbat ni
Jaffy na hindi na nakapagpigil sa sama ng
loob.
"Get in the car!" singhal ni JM.
"What if kung ayaw--ano ba!" Tinulak na
siya ni JM papasok at agad na isinara ang
pinto bago pa siya makalabas.
Nang makapasok si JM, pinaharurot nito ang
sasakyan hanggang sa makarating sila sa
garahe ng mansion ng mga Lacson.
"Kakamatay lang ng anak natin, uminom ka
na?"
"Ikaw nga, kakakasal lang natin, may kerida
ka na kaagad!" ani Jaffy na tinatanggal ang
seatbelt.
"That's not the point! Bawal sa 'yo ang
uminom dahil kakamatay lang ng mga anak
natin diyan sa sinapupunan mo!" galit na
sabi ni John Matthew saka bumaba at
pabagsak na isinara ang pinto ng sasakyan.
Napabuntonghininga si Jaffy habang
nakatingin sa asawang papasok sa mansion.
Kung puwede lang sanang ibalik ang
ipinagbuntis niya, siguro isa na silang
masayang pamilya ngayon.
