12

1.3K 42 0
                                    

BARUMBADONG VIRGIN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

Unedited...
"Ano? Lalaban ka pa? Ha?" galit na tanong ni John Matthew sa lalaking lantang gulay na ang katawan dahil sa pambubugbog niya.
"Tama na, JM! Halika na!" saway ni Lance Leonard habang hinihila ang kapatid.
"Bitiwan mo ako, papatayin ko ang tarantadong 'yan!" Nagpupumiglas siya pero ang lakas ng pagkakahatak ni LL.
"Magagalit na sina Daddy, kanina pa nila tayo hinihintay!" sabat ni Jacob. Palabas na sila nang gate nang marinig nila ang usapan ng mga ito tungkol sa pagkatalo ni Anndy sa search.
"Tama na, okay?" pagpakalma ni Lee Patrick sa kapatid. Quadruplets sila at madalas na magkasama sa kalokohan pero mas naging agresibo itong si JM lalo na ngayong hindi pa umuuwi si Anndy. Hanggang ngayon, nasa kidnappers pa rin ang prinsesa nila.
"Ang tapang lang ninyo kapag nakatalikod pero kapag harap-harapan, para kayong mga asong ulol na nabahag ang buntot?" nagtagis ang bagang na sabi ni JM. Medyo okay na sa pakiramdam dahil pinagpawisan na siya. Sayang lang dahil nakatakbo ang mga kasamahan nito. May ibang araw pa naman.
"John Matthew!" madilim ang mukhang tawag ni Dylan sa quadruplets. Pinipigilan ng tatlo si John Matthew para sugurin ang nakahandusay na estudyante kaya alam niyang si JM ang nambugbog.
"Pasalamat kang hayop ka!" galit na sabi ni JM.
"Pumunta ka sa disiplinary office para pagbayaran mo ang kasalanan mo!" Seryosong utos ni Dylan sa anak.
"Wala kaming kinalaman dito, sinaway lang po namin siya," agad na depensa ni Jacob.
"Oo nga po, pinigilan ko pa nga po siya," pagtatanggol ni LL sa sarili kahit na wala pa man. Mainam nang maunahan niya ang mga ito.
"Mas nahuli akong dumating," sabat ni Lee Patrick dahil naghatid pa siya kay Shairra na pumunta sa airport patungo sa Bacolod. Friends pa rin sila at umaasa siyang darating ang araw na magiging okay sila. Sigurado na siya sa nararamdamang si Christine ang gusto niya at handa na siyang ipagpalaban ang pagmamahal kahit na may boyfriend na ito. Pero hindi niya alam kung magiging masaya siya o hindi dahil nakikita niyang masaya na ito sa unang boyfriend.
"Pero dad? Siya ang nauna!" depensa ni JM.
"Sumunod kayong apat sa akin, may pag-uusapan tayo sa bahay!" seryosong saad ni Dylan kaya walang imik na sumunod ang quadruplets sa kaniya.
Nang makarating na sila sa mansion, dumiretso silang mag-ama sa meeting room.
"Ano ang nangyayari sa 'yo JM at nagkakaganiyan ka?" madilim ang mukhang tanong ni Dylan.
"Bakit?" walang ganang sagot ni JM na nakaupo sa mahabang sofa katabi ang tatlong kapatid. Mula sa kanan, si LL, Jacob, JM at Lee Patrick.
"Nasa matinding dagok ang pamilya, nagawa mo pang mambugbog ng mga estudyante?" singhal ni Dylan kaya tumahimik ang apat.
"Kapag malaman kong may bungong binasag na naman kayo, lahat kayong apat ay hindi makakalabas ng bahay!" Seryoso siya. Hindi puwedeng isawalang bahala ang buhay nila lalo na ng quadruplets dahil hindi nila kilala ang mga kalaban. Matinik sila. Walang bakas na naiiwan. Kahit boses, hindi rin ma-trace.
"Ininsulto nila si Anndy, alangan namang hayaan ko lang sila na gawin iyon?" depensa ni JM. Masakit sa kanila na ito na nga ang pinagdadaanan ng pamilya, makuha pa nilang gawing pulutan ang katawan ni Anndy noong nag-search ito.
"Palampasin mo na sila! May mas mahalagang bagay tayo na dapat harapin. This is a serious matter, JM!" ma awtoridad na sabi ni Dylan at matalim na tumitig sa anak. Kung alam lang nila ang takot na nararamdaman niya.
"We know!" giit ni JM, "kapatid din namin siya at kung ano ang nararamdaman mo, ganoon din kami! Do you think, hindi masakit para sa amin ang nangyari kay Anndy? She's our princess!"
"John Matthew, tama na!" saway ni Lance Leonard na kanina pa napipikon sa katigasan ng kapatid.
"Hindi ninyo ako naintindihan! Nasasaktan ako!" singhal ni John Matthew.
"At kami, hindi?" sabat ni Jacob.
"Huwag mong ilihis ang usapan sa katarantaduhang ginawa mo sa CTU kanina!" wika ni Lee Patrick dahil sumusobra na si JM sa pananakit sa mga estudyante. Alam niyang iyon ang paraan nito para maipalabas ang sama ng loob at pagkadesperado pero mali pa ring ipabunton sa isang tao ang galit nito.
"Enough!" pagpigil ni Dylan, "sa halip na makipagtalo, magkaisa naman tayo para sa kaligtasan ni Anndy," pakiusap niya. Bilang ama, para siyang kinakatay sa bawat oras na nagdaan na hindi pa nakakauwi ang anak sa tahanan.
"Ano ang dapat na gawin, dad?" pagsuko ni Lance Leonard. May pamilya na rin siya. Kailangan din niyang protektahan ang buhay ng mag-ina niya. Kahit pa na matapang ang asawa niyang si GV, babae pa rin ito at nangangailangan din ng proteksyon niya.
"Lahat ay ginagawa na namin nina Oliver at Christian," sagot ni Dylan at napahilamos sa mukha. Kailangan niyang mag-isip para sa kaligtasan ni Anndy.
"Sa anong paraan?" seryosong tanong ni Lee Patrick.
"Kumuha kami ng tulong ng isang kaibigan mula sa agency nila," sagot ni Dylan.
"Baka hindi sila mapagkatiwalaan," ani Jacob.
"Magagaling sila," sabi ni Dylan. Buo ang tiwala nila sa kaibigan.
"Tutulong kami," wika ni Lee Patrick.
"Hindi ko kayo puwedeng isabak dahil delikado," sabi ni Dylan. Nawala na si Anndy kaya hindi niya hahayaang may malagas pa sa quad.
"Kung magagaling sila, bakit ka matatakot na isabak ang isa sa amin?" tanong ni Lance Leonard.
"Dahil kaya na nila."
"What if hindi?" mabilis na sagot ni Jacob. Nakikinig lang si JM sa usapan nila. Na-badtrip na siya.
"Wala tayong magagawa kundi maniwala sa kanila," sagot ni Dylan.
"Tutulong ako sa paghahanap kay Anndy!" sabat ni JM, "ipasok mo ako sa operasyon!"
Napatingin ang mga kapatid sa kaniya.
"Hell, no!" mabilis na sagit ng ama.
"Why not?"-JM.
"Hindi mo kaya."
"Why not try me?" hamon ni John Matthew, "sa aming apat, ako naman ang patapon ang buhay!"
"Huwag matigas ang ulo!" galit na sabi ni Dylan.
"Kapag hindi mo ako isasabak, lalayas ako at ako mismo ang hahanap sa kanila para makipagpalitan kay Anndy!" desididong sagot ni JM. Mas ipinalangin niyang sana ay siya na lang ang na-kidnap. Iyon naman ang isa sa mga kundisyon ng kidnappers, kapalit ni Anndy ay isa sa kanila.
"Hindi ito biro, John Matthew!" wika ni Dylan na naikuyom ang kamao.
Tumayo si John Matthew, "Hindi rin ako nagbibiro, Daddy!"
Lumabas si JM at iniwan ang tatlong kapatid at ama sa meeting room.
----------------
"Pinapatawag ka ni Daddy," sabi ni Jacob kay John Matthew na nakaupo sa veranda.
"Bakit?"-JM
"Hindi ko alam," sagot ni Jacob.
"Nasaan siya?"
"Meeting room."
Tumayo si JM at tumungo sa meeting room.
Pagpasok niya, nakaupo ang ama sa mahabang mesa na mukhang may malalim na iniisip. Palagi naman e. Madalas napapansin niyang nakatulala lang mga magulang. Lahat naman sila.
Malawak ang silid. May mahabang mesa at anim na upuan magkabilaan tapos may maliit na mesa sa kanan para sa ama kapag gusto nitong manatili rito at may CR.
"Bakit mo po ako pinatawag?" tanong ni JM.
"Dito ka lang, parating na ang magtuturo sa 'yo ng fighting skills," sagot ni Dylan. Kahit paano, alam ng quadruplets na dumepensa ng sarili pero kulang pa rin. Basic self-defense lang ang alam nito. Pero ang galawang ninja at assasin ay hindi pa niya alam.
"Talaga? Payag ka na pong papasok ako sa misyon?" masayang tanong ni JM. Sana lang ay tama ang interprestasyon niya.
"May magagawa pa ba ako?" balik-tanong ni Dylan at tumayo. Masakit ito pero nag-uumpisa nang maging barumbado si JM. Kung sinu-sino ang kinakalaban sa CTU kahit na simpleng bagay lang. Madalas ding nahuhuli na tinatakasan ang body guards na nakabantay sa labas ng paaralan.
"Maiwan na kita, hinatayin mo na lang siya," paalam ni Dylan at inilapag ang .45 caliber pistol sa mesa, "just in case na kailangan mo."
Nang makalabas si Dylan, napasuntok sa hangin si John Matthew sa sobrang tuwa. Pabalik-balik na siya sa loob ng silid pero ang tagal dumating ng trainor niya. Napasulyap siya sa baril na kargado ng bala.
Nang bumukas ang pinto, agad na humarap siya rito.
"Ano ang ginagawa mo rito?" madilim ang mukhang tanong niya kay Jaffy na papalapit sa kaniya. Nakapusod ang mahabang buhok at hapit ang itim na tshirt sa katawan nito kapares ng skinny jeans. Kinaiinisan niya ito dahil mula noon, wala itong ginawa kundi ang ipagsiksikan ang sarili sa kaniya.
"Sabi nila, kailangan mo ang tulong ko?" patanong na sagot ni Jaffy na nginitian siya nang ubod ng tamis habang palapit.
"Iba ang kailangan kong tulong," seryosong sagot ng binata. Nababaliw na talaga ang ama niya.
"Lahat ng serbisyo, kaya kong ibigay sa 'yo, John Matthew!" sagot ni Jaffy na nakasimangot na dahil sa malamig na pag-welcome ni JM sa kaniya. Pero ang cute pa rin nito kahit na galit.
"Lumabas ka na!" pagtataboy ng binata.
"Ouch!" sabi ni Jaffy na umaktong nasasaktan habang nakahawak sa dibdib, "it hurts!"
"Stop acting! Hindi bagay sa 'yo!"
"Kailangan mo ako. Ako magte-train sa 'yo sa pakipaglaban, John Matthew!" sumeryoso ang mukha ng dalaga. Nasa fighting mode siya.
"Ikaw?" tumawa si John Matthew kaya naikuyom ni Jaffy ang kamao, "tuturo sa akin? Ne hindi ka nga marunong magtanggol ng sarili mo!"
"Really?" nakataas ang kanang kilay na sagot ni Jaffy. Naiinsulto siya.
"Oo! Sige, ipakita mo sa akin ang galing mo!" nakangising hamon ni JM at mabilis na dinampot ang iniwang baril ng ama sa ibabaw ng mesa.
"What the--" Bago pa man niya naitutok kay Jaffy, mabilis na naagaw na ng dalaga ang baril at itinapon sa pader kaya napanganga siya habang nakatingin sa nakataas na nakakuyom na kanang kamao ni Jaffy.
"Okay na ba sa iyo ang ginawa ko?" seryosong tanong ni Jaffy at isa-isang binuklat ang mga daliri mula sa hinliliit. Kasabay ng pag-open niya ay isa-isang nagsilaglagan ang mga bala kaya napanganga si John Matthew. How did she do that?
"Ngayon, susunod ka sa gusto ko kung nais mong matuto at higit sa lahat, kung ayaw mong ibaon ko ang isa sa mga balang ito sa puso mo!" sabi ng dalaga habang mataman na nakatitig sa mga mata ng binata.
"Fuck you!" tanging nasambit ng binata.
"Later, excited?" nakangising sagot ni Jaffy na mas lalong ikinakulo ng dugo ni John Matthew.

FIXING

Hi sa old readers nito kung meron man. So ayun, ibabalik ko ang old scenes kasi nandoon pala ang eksena ni LL nang umalis si GV tapos Jacob at Hael.

Mananatili sa story
. Lumipat si Hael sa condo ni Jacob para mapalapit sa unit ni JM.
.Paghahabol ni Jaffy at pagbigay ng chocolates kay JM.
.Lahat ng tungkol sa kaartehan ni LL nang mawala si GV, mananatili.

Matatanggal sa story
. Si Jaffy lang ang sa story. Tatanggalin ko ang tungkol sa kakambal niya(Jaff) na pinatay ko. So erase na sana sa memory na namatay siya o ang kakambal niya. BUHAY silang dalawa(Jaffy and Jaff ). Lahat ng eksena, si Jaffy iyon. Ang pagpasok para maging madre, wala na iyon.
. Ibang eksena(sweet moments) nina Jaffy at Jacob, tatanggalin ko dahil masasapawan ang pagiging Virgin ni JM. Pero virgin din naman si Jacob.
.Baclaran-I think hindi na kailangan ang eksenang iyon na nakita ni JM si Christine na bumibili ng fake clothes sa Baclaran dahil hindi na sila ang partner. Dapat si Lee Patrick iyon kaya erase na natin 'yon.

Sana...(Plot)
.Noong una, gusto ko talagang mapatay si Jaffy at si Jaff na kakambal ang papalit at paghigantihan si JM.

.Nagbago ang isip ko kaya ibinalik ko si Jaffy at si Jaff ang pinatay.
.Si Jacob at Jaffy talaga ang bida sana sa story na ito.

.Si JM at Christine talaga ang partner dito.
*Mas nauna kasi ang story na ito kaysa sa The Adventure of Sleeping Beauty(Jacob and Hael) at Chuvachuchu(Lee at Christine) kaya medyo magulo talaga ang story na ito. Kung baga, naghahanap pa ako ng kung sino ba talaga ang para kay Ano.

Pero sa hindi inaasahan, nagkapalitan ng loveteam at medyo nagulo ng story na ito.
Sorry.

Sorry kung pinagulo ko ang utak ninyo. Ako man ay naguguluhan din. Hahaha!
Sorry kung tamad akong mag-edit. Pero alam ninyong masipag akong mag-update pero tamad mag-edit. Mahirap kasi talaga ang mag-edit. Huhuhu! Tamad din ako mag-isip ng plot. Kung ano ang maisipan kong eksena everyday, 'yun na 'yun.

Ito talaga sobrang sorry to. Hahaha. Sorry sa mga nagkakabaliktad na names hindi lang minsan kundi madalas. Di ako nagre-review. Excited kasi akong i-publish ang mga naisulat ko para may mabasa kayo. Higit sa lahat, tamad ako mag-edit.

Pakiusap .
.Kung may nagkabaliktad o mali, paki-comment na lang po para ma-edit ko ang names.

.Ito rin ang problema ko, yung apelyido. My ghad! Bago ako magsulat, pakiremind po ng apelyido lalo na ng mga bida. Madalas hindi ko nalalagyan lalo na kung hindi kabilang sa Lacson, Villafuerte at Bautista.

Kung i-update ko man ang previous chapters, same ang eksena pero may mga tinanggal lang na nasabi ko na sa itaas kaya depende sa inyo kung basahin pa o 'yung latest update na lang ang aabangan ninyo. Sinabi ko lang para mas maliwanag at para hindi kayo manibago. I-edit ko pa muna... Salamat sa lahat ng pag-unawa kasi wala talaga akong plot sa story nila. Kumbaga, ito ang story na wala akong inspirasyon. Gosh.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon