5

1.5K 44 0
                                    

BARUMBADONG VIRGIN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

Unedited...
"Ilang araw ako rito?" tanong ni Jaffy sa
binata.
"Malay ko! Ikaw kaya ang pumunta rito!"
"Ikaw ang boss ko kaya ikaw ang
masusunod!"
"Umuwi ka na para wala nang problema!"
"Nagpaalam na ako kay Mommy!" sagot ni
Jaffy kaya napaupo si Jacob sa sofa
"Hindi ba magagalit si Tita sa 'yo?" Sila nga,
kulang na lang ay maglupasay sila sa
harapan ng ina para lang payagan na lumipat
dito sa condo. Ano pa kaya kapag itong
babae?
"Hindi," sagot ni Jaffy with matching iling
pa.
"Seryoso? Mommy mo 'yon at alam niyang
babae ka!"
"E alam din niyang Lacson ka!" sagot ni Jaffy
na parang wala lang. Sanay na ang ina na
wala siya palagi. Sanay rin naman siya na
palagi siyang iniiwan ng ina kaya ayos lang.
"So?"
"Safe naman daw ako," sagot ni Jaffy. Iyon
naman talaga ang sabi ng ina nang
nagpaalam siya.
"Haist! Babae ka at lalaki ako! Hindi ba
naisip ni Tita Sweetie iyon?" desperadong
sabi ni Jacob.
"Hindi!" naka-pout na sagot ni Jaffy.
"Natuwa pa nga siya e!"
"What the f--"
"Okay lang 'yon, wala naman akong gusto sa
iyo at alam kong hindi rin naman ako ang
type mo."
"Mabuti naman alam mo!" sagot ni Jacob na
nakapamewang sa harapan ng dalaga. "Bakit
hindi ka na lang kaya kay John Matthew?
Tutal, siya naman talaga ang gusto mo.
Bakit sa akin pa?"
"Ikaw kasi ang nag-offer at isa pa, ayaw
pumayag ni Mommy kapag kay JM ako dahil
baka bumigay raw ako kaagad. Kakain na
ako kung may pagkain ka rito," ani Jaffy.
"Wala akong pagkain. Maghanap ka diyan
kung gusto mo."
Iniwan siya ni Jacob sa sala at nagkulong sa
kuwarto niya. Nag-iisip siya kung paano niya
mapapaalis sa condo si Jaffy.
"Bakit ko ba kasi naisip 'yon kanina?" tanong
ni Jacob sa sarili. Kung puwede lang sanang
mabawi ang sinabi niya nang magkita sila
para hindi na ito tumuloy pa rito.
--'--''------------------
"Mom?" tawag ni Jaffy sa ina na nasa mini
gym nila na tumigil sa pag nag-e-ehersisyo
at uminom ng energy drink. Madalas,
naiinggit siya dahil sa magandang katawan
ng ina. Kahit nasa late thirties na ito, dalaga
pa rin kung tingnan. Palagi nga silang
napagkamalang magkapatid kapag
mamasyal.
"Si Daddy?" tanong niya.
"Umalis. Inasikaso niya ang problema
headquarter," sagot ng ina.
"Punta lang ako sa room," paalam niya at
iniwan ang ina.
"Ate!" tawag ng kapatid na lalaki.
"Ano ang ginagawa mo rito, Shotgun?
Nasaan si Machine gun?"
"Ate naman! Puwede bang huwag mo akong
tawagin sa ganiyan?" reklamo ng
nakakabatang kapatid.
"Blame our parents!" natatawang sagot ni
Jaffy.
"I hate them!" sabi ni Shotgun. Nagmamay-
ari sila ng agency na kung saan, mga taga-
probinsya ang ginagawa nilang spy.
"Ma'am, may naghahanap po kay Sir," sabi
ng katulong.
"Wala si Dad, papasukin mo," sagot ni Jaffy
at kinausap ang maganda at seksing babae
na bisita.
"Uwi na ako, gusto ko lang sanang
makausap ang daddy ninyo tungkol sa kaso
ng Westbridge," sabi nito.
"Wala na bang nagbebenta ng drugs sa
Westbridge?"
"Wala na yata," hindi siguradong sagot ng
bisita. Matalino ito at masasabi niyang ka-
close rin niya ang dalaga.
"Ate, balita ko, nagsasama na kayo ng
boyfriend mo sa condo?"
Ngumiti ang dalaga. Kinikilig si Jaffy. Ang
guwapo kasi ng kasintahan nitong mayaman
at pinsan nina Jacob.
"O-Oo," naiilang na sagot ng dalaga.
Nakipagharutan muna siya sa kambal na
kapatid.
"Ate? Sabi ni Mommy, may boyfriend ka na
raw."-Shotgun.
"Oo nga. Pakilala mo naman at makilatis
namin"-Machine gun.
"Wala. Alam n'yo naman ang mommy natin,
advance ang utak," tanggi ni Jaffy. "Alis na
nga ako!" Tumayo siya at inayos ang
nagusot na damit.
"Ate? Kailan ka babalik? Palagi ka na lang
umaalis," tanong ni Shotgun.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Machine na
naka-de kuwatro.
"Hindi ko alam kung bakit secret pa ang
agency natin kung pangalan na mismo ninyo
ang nagsasabi kung anong klaseng pamilya
tayo!" napailing na sabi ni Jaffy. Ang
mommy raw nila ang may gustong ito ang
ipangalan sa kambal. Alam naman nilang
masyadong mataas ang IQ ng kanilang ina.
To the highest level daw sabi ng kanilang
ama na sinang-ayunan naman nitong
kambal.
Nagpaalam siya sa ina na nasa kusina.
Pinapadalhan pa siya nito ng nilulutong
guava jam pero hindi na niya kinuha dahil
wala namang kakain nito.
Paglabas niya sa garahe, isinuot niya ang
helmet at tumungo sa condo ni Jacob.
Hindi na siya nag-doorbell pa. Binuksan niya
ang pinto matapos pindutin ang code nito.
"Shit! Paano ka nakapasok?" bulalas ni Jacob
na nakaupo sa sala. Gulat na gulat ito nang
makita siya.
"Bukas ang pinto."
"Nakasara ang pinto. Hindi 'yan mabubuksan
hanggat hindi pinipindot ang code!"
"Bakit nabuksan ko? Hindi kaya nakasara
nang maayos," pagdadahilan ni Jaffy.
"Strange," bulong ni Jacob at tumayo.
"Bakit bumalik ka? Kunin mo ang lahat ng
gamit mo at umuwi ka na! Hindi kita
kailangan!" pagtataboy ng binata.
"Grabe ka naman! Kailangan kita para
mapalapit kay John Matthew!" giit ni Jaffy.
"Lumipat ka ng condo! Ayokong makasama
ka rito! Mamaya, pupunta pa sina Mommy at
kung ano ang isipin nila tungkol sa atin!"
"E di sabihin nating nagbo-board ako!"
"Umalis ka na sabi!" tumaas na ang boses ng
binata pero hindi siya nagpapatalo.
"Uwi ka na sabi!"
"Dito ako!"
"Magpapatawag ako ng pulis!"
"E di tumawag ka! Sabihin kong buntis ako
at hindi mo papanindigan!"
Napanganga si Jacob sa sinabi ni Jaffy.
"Ganoon ka na ba talaga ka desperada kay
John Matthew? Wala ka na ba talagang
hiyang babae ka?" Lalapit sana siya pero
mabilis na umatras si Jaffy palapit sa pinto
ng kuwarto nito.
"Oo! Kaya kung ako sa iyo, hayaan mo na
akong dito muna tumuloy, okay?"
"Umalis ka na bukas ng umaga!"
"At kung ayaw ko?" nakapamewang na
sagot ni Jaffy. Pareho silang napatingin sa
pintuan nang biglang bumukas.
"Mommy!" bulalas ni Jacob, "bakit
napadalaw po kayo?"
"Alam ba ng mga magulang mo na may
relasyon kayo?" seryosong tanong ni Dylan
at palipat-lipat ang mga mata sa dalawa.
"Dad? Wala ho kaming relasyon!" tanggi ni
Jacob.
"Huli ka na nga sa akto, itatanggi mo pa?"
galit na sabi ni Dylan kaya tumahimik ang
anak. "Siguraduhin lang ninyo na kaya
ninyong panindigan ang relasyon ninyo! You
know my rules, Jacob!"
Napahilamos si Jacob. Bawal
makipagrelasyon sa anak ng mga kaibigan
ng magulang kung paglaruan lang din naman
nila.
"Wala nga ho kaming relasyon ni Jaffy, wala
talaga!" naiiyak na depensa ni Jacob. Naiipit
na talaga siya. Si Jaffy ay hindi rin alam ang
sasabihin. Nahihiya siya sa mga ito.
Mahihirapan silang ipaunawa sa mag-asawa
na mali ang kanilang iniisip.
"Aalis na kami. Pupuntahan pa namin si LL,"
paalam ni Dylan at may pagbabantang
tiningnan ang anak.
"Anak, k-kung sakaling nagbo-body bonding
kayo, h-huwag ninyong kalimutang i-
withdraw ha!" nauutal na bilin ni Ann. "Okay
lang naman sa amin na magka-apo na--"
"Mommy!" bulalas ni Jacob. "Wala pang
nangyayari sa amin! Virgin pa ak-- virgin pa
siya! Virgin pa talaga si Jaffy, mom!" giit ni
Jacob. Kulang na lang ay igapos niya ang
mga magulang para paniwalaan siya.
"Opo, virgin pa kami!" pagsang-ayon ni Jaffy
kaya sinamaan siya ng tingin ni Jacob.
"Ikaw lang ang virgin!" singhal nito.
"Tama na!" saway ni Dylan. "You know your
limits, Jacob! Aalis na kami ng mommy mo!
Pasensiya na sa istorbo." Hinila na ni Dylan
ang asawa palabas ng unit ng anak.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon