.

1.3K 38 2
                                    




Book 2 na ito kasi sa true lang, hindi ko na natapos ang book 1. Sobrang di ko magets ang story na sinusulat ko at hiatus talaga nang time na yun kaya nakalimutan ko yung plot ng Barumbadong Virgin so para mabuo ang story nila, ginawan ko ng other plot which is ito na nga Ang Asawa kong Barumbado pero waley pa rin. Masabi lang na natapos ko sila.





Ang Asawa kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

Unedited...
"Good luck sa honeymoon. I'm so happy for you, sis!" masayang sabi ng kapatid ko at
hinalikan ako sa pisngi bago pinasakay sa chopper na pagmamay-ari ng asawa ko.
Marami ang masaya sa nangyaring kasalanal. Siyempre lalo na ako. Sino ba ang hindi?
Ang makasal ako sa lalaking matagal ko nang pinapangarap ay iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
Naupo ako sa tabi niya. Matapos ang ilang minuto ay pinaandar na ng piloto ang eroplano kaya nagsimulang sumibol ang kaunting kaba sa puso ko.
Hindi kami nag-uusap. Nakatingin lang siya sa baba habang ako ay pumikit at kung anu- ano na ang eksenang nililikha sa utak.

Excited na talaga ako sa honeymoon namin.
Matapos ang ilang minuto ay lumapag kami
sa maputi at mapinong buhangin. Napapikit
ako at nilanghap ang sariwang hangin.
Nauna siyang bumaba bitbit ang mga gamit
namin kaya bumaba na rin ako.
"Ang ganda ng lugar!" manghang wika ko at inilibot ang mga mata. May iilang turistang
nagmo-motorboat sa malinaw at napakalinis
na dagat. Napapalibutan din ng maraming puno at marami ang magagandang cottage.
Napatingin ako sa araw na humahalik na sa
tubig-dagat. Papalubog na ito kaya ang ganda tingnan. Sayang, sa maleta ko ang
camera ko.
"Halika na," walang ganang yaya ng masungit kong asawa nang lingunin ako kaya
sumunod na ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa isang cottage.

Pagbukas niya ng pinto, sumalubong sa
ilong ko ang halimuyak ng mga rosas. Kagaya ng inaasahan ko, puno ng rose
petals ang sahig pati kama.
"Tsk! Ang daming arte!" wika nitong
masungit kong asawa at inilapag ang luggage namin sahig at naupo sa kama.
"M-Maliligo ka na ba?" naiilang na tanong ko pero blangko ang mukhang pinagmasdan
lang niya ako.
"K-Kung ayaw mo pa, puwede bang mauna
na lang ako?" tanong ko at binuksan ang
kulay pink na maleta. Sabi nila, kapag pink color pang virgin. Napangiti ako. Hindi na
kasi ako virgin.
"Bahala ka," sagot nito kaya napasimangot
ako at naglakad patungo sa isang pinto.
Pagbukas ko, may mga iba't ibang kulay ng
rose petals sa jacuzzi. Ang saya lang.
"Honey? Sabay ka na sa aking maligo,"
tawag ko pero ne hindi man lang siya sumagot. Bahala siya. Kung ayaw niyang maligo, e di huwag.
Hinubad ko ang damit ko saka hubo't hubad
na ibinabad ang katawan sa malamig na tubig. Very romantic ang silid dahil hindi ko
na kailangang buksan pa ang ilaw. May mga
kandila nang nakasindi sa gilid at napaka- aromatic ng buong paligid. Sayang lang at
killjoy ang asawa ko.
Nang magsawa na ako, agad kong tinakpan ng tuyong tuwalya ang katawan ko at
lumabas.

Nakaupo pa rin siya sa kama kaya lumapit ako sa kaniya.
"Okay ka lang? May nararamdaman ka ba?
Saan ang masakit? Gusto mong imasahe
kita?" sunod-sunod na tanong ko pero tumayo siya at hinarap ako.
"Masaya ka na?" walang ganang tanong niya
kaya natigilan ako, "Masaya ka na ngayong
kasal na tayo?"
"Ano ba ang problema mo? Ikaw? Hindi ka
ba masaya?"
"Hindi," seryosong sagot niya kaya naitikom
ko ang bibig ko. Inaasahan ko na ito pero
masakit pa rin. At least hindi niya sinabi sa
harap ng maraming tao. Hindi ito nagwala kanina habang kinakasal kami.
"Kahit kailan, hindi ako sasaya. Alam mo ba
kung ano ang nararamdaman ko? Nasasakal
ako! Para mo akong tinalian sa leeg!"
"Ano ba ang problema mo? Mahal kita at
hindi pa ba sa 'yo sapat na ibigay ko ang
lahat-lahat sa 'yo? Pati ang puri at pride
ko?" tanong ko na parang tinatarak ang
punyal sa dibdib ko. Ang sakit.
"Hindi. Hindi kita mahal at kailan mo ba
matatanggap iyon?" wika niya.
Mapait na napangiti ako. Dapat sanay na ako
pero masakit pa rin pero hindi ko
ipinapakita. Kunwari okay lang sa akin ang
lahat. Kunwari, wala lang ang sakit na
nararamdaman ko.
"Hindi ko matatanggap kaya sana tanggapin
mo rin iyon," pagmamatigas ko kaya
nanlilisik na naman ang mga mata niya.
"Baliw ka na. Baliw na kayo ng pamilya mo
at baliw na rin ang pamilya ko para
pumayag na maikasal ako sa 'yo!" punonng
galit na sabi niya kaya napabuntonghininga
na lang ako. Matindi ang galit niya sa akin
kaya wala na akong magagawa pa roon.
Tumalikod siya at naglakad palapit sa
pintuan.
"S-Saan ka pupunta?" tanong ko. Tumigil
siya at nilingon ako.
"Huwag mo akong sundan!" sabi niya saka
binuksan ang pinto at lumabas na.
Nanghihinang napaupo ako sa kama.
Mula noon, ganito na siya sa akin. Ang sabi
nga nila, ang tanga, tanga ko na raw dahil
maganda naman ako, sexy, at may kaya sa
buhay pero wala na akong ginawa kundi ang
maghabol sa lalaking mahal ko. Kasalanan
kasi 'to ng puso ko e. Sobrang tigas niya.
Ang kapal ng mukha na kahit ilang beses
nang pinagtulakan, bangon pa rin. Laban pa
rin nang laban kahit na sa umpisa pa lang,
talunan na.
Nagsuot ako ng damit at naupo sa kama.
Alas sais pa lang ng hapon kaya nahiga muna
ako para magpahinga. Nakakapagod din ang
kasal namin kanina. Sobrang daming bisita.
Si Mommy kasi, lahat yata ng taong
nakakasalubong, inimbitahan niya. Dagdagan
pa ng pamilya ng asawa kong marami rin.
Kung tutuusin, huli na mga kami e. Sa edad
na bente otso, kami na lang ang wala pang
anak at kami na lang ang hindi pa nakakasal.
Higit sa lahat, kami na lang ang hindi kami.
----------
Naalimpungatan ako nang tumunog ang
cellphone ko. Nakaidlip na pala ako.
Bumangon ako at kinuha sa bulsa ng
pantalon ko kanina. Si Mommy, nag-text
pero hindi ko na binasa. Baka kung ano na
namang kalokohan ang pinagsasabi niya.
Alas siyete na pala ng gabi pero hindi pa
nakabalik ang asawa ko kaya nagpalit ako ng
damit. Simpleng puting bestida na
hanggang tuhod ang isinuot ko at lumabas
ako ng cottage para hanapin siya.
Kaunti lang ang turista sa beach resort na
ito. Siyempre ang mahal ng entrance fee rito
kaya mga matataas na tao sa lipunan lang
ang makaka-afford.
Naglakad-lakad muna ako sa dalampasigan.
May nakakasalubong ako pero mostly ay
lovers. Ang sweet nila. Nagho-holding hands
habang naglalakad at masayang nag-uusap.
Nakakainggit lang.
"Honey!" tawag ko sa asawa ko nang makita
kong nakaupo siya sa batuhan habang may
hawak ng bote ng beer.
Lumapit ako sa kaniya, "Dito ka lang pala.
Hinanap kita. Akala ko kung saan ka na
nagpunta."
Hindi ito sumagot. Tinungga lang nito ang
bote ng alak habang nakatanaw sa malayo.
Naaaninag ko pa naman ang guwapo pero
nakasimangot niyang mukha sa tulong ng
ilaw ng mga poste sa 'di kalayuan.
"Gutom na ako. Kain na tayo," yaya ko at
ipinulupot ang kamay sa kanang braso niya
pero kaagad siyang tumayo.
"Hindi ka pa ba titigil? Kailan ka lalayo sa
akin?" singhal niya. Mabuti na lang dahil
walang tao sa paligid at medyo maingay rin
ang tubig na humahampas sa bato.
"Hindi ako lalayo dahil asawa na kita!" giit ko
kaya mahigpit na hinawakan niya ako sa
kanang braso.
"Ilang beses ko bang ipagsigawan na hindi
kita mahal at kahit kailan, hindi kita
mamahalin?" Kitang-kita ko kung paano
umapoy sa galit ang mga mata niya na para
bang nais niya akong sunugin.
"Matutunan mo rin akong mahalin! Takot ka
lang na sumubok pero sana bigyan mo ako
ng chance. Subukan mo lang," sagot ko.
Gusto ko na talagang maiyak pero bago pa
man kami ikinasal, handa na ako sa ganitong
sitwasyon. Ginusto ko ito e.
"Sana subukan mo rin akong limutin!" sabi
niya at mas lalong napahigpit ang paghawak
sa braso ko.
"Sinubukan ko pero hindi ko kaya. Mahal
talaga kita e!" sagot ko. Ilang beses na
akong umiwas sa kaniya. Ilang beses nang
lumayo pero siya pa rin talaga ang
hinahanap-hanap ng puso ko.
"Ikaw ba? Sinubukan mo na rin ba akong
mahalin?" tanong ko kaya binitiwan na niya
ako saka inilagay sa bulsa ang mga kamay at
tumalikod sa akin.
"Bakit ayaw mo akong mahalin? Bakit palagi
mo na lang akong tinatanggihan? Ano ba
ang ayaw mo sa akin?" Tumakbo ako at
hinarangan siya. "Tapatin mo 'ko, ano bang
meron siya na wala ako?"
"Pride," sagot niya. Oo nga pala, wala na
akong pride nang dahil sa kaniya.
"Dignidad," dagdag niya saka nilagpasan
ako.
Nakatayo lang ako. Biglang bumigat ang
mga paa ko at hindi ko na kayang maglakad
pa para habulin siya kaya napaupo na lang sa
buhangin para manumbalik ang lakas ko.
"Hanggang kailan mo ako tatanggihan?
Hanggang kailan ako hahabol sa 'yo?"
bulong ko habang nakatingala sa mga
bituing kumikislap sa kalangitan na para
bang may tainga ang mga ito at naririnig
nila ang hinaing ko.
"Bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin
ako kayang mahalin, John Matthew Lacson?"

A/n:
Sorry sa technicalities etc... Kung maselan
ka, huwag mo nang ipagpatuloy ang
pagbabasa. Salamat. So ayun, for the third
time. Gosh. Susubok na naman si Aketch.
Kapag hindi pa 'to madala, waley na talaga.
Last option na, bes.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon