2.26

1.1K 42 0
                                    


Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Unedited...
"Honey? Ano ba kasi ang nangyari kay Jaff?
B-Bakiy siya nandito?" naiiyak na tanong ni
Jaffy. Nasa panganib ang kalagayan ng
kakambal niya, alam niya.
"Tahan na, huwag ka nang mag-alala,"
pakiusap ni JM at binilisan ang pagmaneho
hanggang sa makarating sila sa lokasyon ni
Jaff.
"Jaff?" sigaw ni Jaffy habang patakbong
umakyat sa hagdan. "Jaff? Where are you?"
Luhaang tawag niya. Nakasunod lang sa
kaniya si John Matthew na puno ng pag-
alala ang mukha.
"J-Jaffy? I-I'm here..." nanghihinang sagot ni
Jaff kaya puwersahang binuksan ni Jaffy ang
isang silid.
"Jaff!" tawag ni Jaffy nang makita ang
kakambal na ginagamot ni Zero. "A-Ano ang
nangyari?"
"H-Huwag ka nang mag-alala, okay na ako,"
namimilipit sa sakit na sagot ni Jaffy habang
pinapalitan ni Dos ng bandage.
"Jaff? Kailangan nating pumunta sa hospital,
malapit sa puso ang bala ng baril," sabi ni
Dos na sa tantiya niya, ay malapit lang ito sa
aorta ni Jaff. Madaling araw pa ang sugat
nito at pahina na nang pahina si Jaff.
"D-Dalhin ka na namin sa hospital," umiiyak
na sabi ni Jaffy dahil nngingitim na ang mga
labi ng kakambal.
"H-Huwag--"
"Kailangan nating ng X-Ray para malaman
ang exact location ng bala, Jaff. I can't do
the surgery alone lalo na't masyadong
delikado ang location ng bullet sa katawan
niya," wika ni Dos at wala nang sinayang na
panahon kaya binuhat na niya si Jaff kahit na
tutol pa itong pumunta sa hospital.
"J-Jaff? Lumaban ka," naiiyak na pakiusap ni
Jaffy at hinawakan sa kamay ang kakambal.
Nasa van sasakyan na sila at nanghihina na si
Jaff.
Ngumiti si Jaff, "A-Ano ka ba! M-Malayo sa
bituka ito, kakayanin ko 'to, chill lang!" Sa
kanilang dalawa, itong si Jaff talaga ang
pinakaiyakin.
"S-Siguraduhin mo lang, mag-aasawa ka
pa!" naiiyak na sabi ni Jaffy.
"Magma-madre ako," wika ni Jaff at pinisil
ang kamay ni Jaffy. Ayaw niyang makita
itong nag-aalala at natatakot. Kaya nga
mula noon, siya na ang gumagawa ng
misyon nito dahil mahina ang loob ni Jaffy.
"B-Bawal magmadre ang malalandi," naiiyak
na pabiro ni Jaffy para mawala ang kaba.
"A-At least p-pasok pa rin ang virgin,"
nakangiting sabi ni Jaff.
Nang makarating na nila sa hospital, kaagad
na dinala si Jaff sa operating room.
"H-Honey? Natatakot ako," umiiyak na sabi
ni Jaff kaya niyakap siya ni John Matthew.
"Magiging maayos din ang lahat," sabi ni JM
at hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa.
Ngayon lang siya nakaramdam ng takot.
Paano kung si Jaffy ang nandoon kagabi?
Paano kung hindi siya nakiusap kay Jaff?
Mas magaling si Jaff kaysa sa asawa niya
pero natamaan pa rin ito ng bala.
"Halika," yaya ni JM at dinala si Jaffy sa
maliit na chapel ng hospital.
Umiiyak na lumuhod si Jaffy at taimtim na
nagdasal. Ganoon din ang ginawa ni JM.
Nagu-guilty siya. Iniisip niyang siya ang
dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito
kay Jaff. Pero hindi rin niya maatim na si
Jaffy ang nasa operating room. Naguguluhan
siya at naaawa kay Jaff.
Napatingin si Jaffy sa asawa na tahimik na
nagdadasal. Ayaw niya itong sisisihin dahil sa
nangyari. Mas pinili pa kasi niya ito kaysa sa
misyon niya. Mahal niya si JM at mahal din
niya si Jaff. Wala namang ibang puwedeng
sisisihin dahil hindi naman hiniling ni JM na
si Jaff ang masaktan kaysa sa kaniya.
Mas sinisisi pa niya ang sarili dahil sa
pagtalikod ng misyon. Kung ipinagpatuloy
sana niya, hindi na siguro nakialam si Jaff.
"H-Hindi sana nangyari ito sa kakambal ko
kung nandoon lang ako," mahinang sabi niya
at pinahidan ang mga luha.
"H-Huwag mong sisisihin ang sarili mo, wala
kang kasalanan, honey," wika ni JM at
hinimas ang likod nito.
"P-Pero kung hindi dahil sa akin, hindi siya
mapapahamak," sising-sising sagot ni Jaffy
kaya natahimik si JM. Paano kapag malaman
na ni Jaffy na siya ang nakiusap kay Jaff para
pumalit dito?
Nang tumunog ang cellphone ni Jaffy,
lumabas na sila sa chapel para hindi
makaabala sa ibang nagdadasal.
"A-Ano ang nangyari sa anak ko? Bakit
ngayon pa siya nagkaganito?" natarantang
tanong ni Inday habang palapit sa kanila.
"M-Magiging okay rin ang lahat, Mommy,"
wika ni Jaffy sa umiiyak na ina.
"P-Pero si Jaff? Bakit nagkagano'n? S-Sana
ako na lang. Ako na lang sana," sabi ni Inday
na inaalo na ni Jim.
"T-Tahan na, malakas si Jaff, kaya niya iyan,"
pag-aalo ni Jim sa asawa. Kapag tauhan lang
niya, masasabi niyang ligtas ito pero hindi e,
anak niya ang nasa operating room at nag-
aagaw- buhay. Ngayon lang siya natakot ng
ganito. Bilang ama, hindi maiwasang
matakot siya nang sobra.
Pabalik-balik sila sa labas ng OR habang ang
dalawang babae ay iyak lang nang iyak.
Matapos ang mahabang oras, lumabas na
sina Dos at iba pang doctor.
"Kumusta na si Jaff?" tanong ni Inday na
tumayo.
"She's fine, Tita. Wala pa siyang malay pero
ligtas na po siya sa kapahamakan," sagot ni
Dos kaya napaiyak na naman si Inday sa
tuwa.
"Mom?" tawag ni Jaffy nang sila na lang ang
naiwan.
"Bakit si Jaff ang nandoon sa misyon mo
kagabi, Jaffy? Kailan pa siya umuwi?" galit
na tanong ni Inday. Una, hindi nila makontak
si Jaffy kaya wala silang balita tungkol sa
misyon. Tanging mga SWAT team lang ang
kontak nila at hindi naman nila puwedeng
iurong ang operation.
"H-Hindi ko rin po alam," naiiyak na sagot ni
Jaffy peeo medyo gumaan na ang
pakiramdam dahil ligtas na ang kakambal.
"A-Ako ho ang may kasalanan," sabat ni
John Matthew kaya napatingin sa kaniya ang
tatlo. "K-Kung hindi po ako nakiusap sa
kaniya na siya ang tituloy ng sinimulan ni
Jaffy, wala sana siya sa kalagayan niya
ngayon."
"A-Ano ang ibig mong sabihin, honey?"
nauutal na tanong ni Jaffy.
"P-Pinakiusapan ko si Jaff na siya na ang
magpapatuloy sa misyon mo," ulit na sagot
ni JM kaya napanganga si Jaffy.
"H-Honey? Ginawa ko lang iyon dahil
natatakot ako na baka mapahamak ka," nag-
aalalang paliwanag ni JM at lalapit sana sa
asawa pero napaatras ito palayo sa kaniya.
"J-Jaffy--"
Pak!
Isang malakas na sampal ang natanggap niya
mula kay Jaffy. Galit ang mga mata nito na
nakatitig sa kaniya.
"Ganito ba, JM? Ganito ka ba ka-selfish?"
tanong ni Jaffy na nanginginig ang buong
katawan. Kagabi pa sila magkasama pero
ngayon lang nito inamin?
"I'm just protecting you, honey," sagot ni
JM.
"Protecting me? Alam mo bang buhay ng
kakambal ko ang kapalit?"
"Pero ayaw ko ring mapahamak ka!" giit ni
JM. Bakit sa halip na magpasalamat, nagalit
si Jaffy? Ano ang mali sa ginawa niya?
"Lahat nakaplano na, John Matthew! Lahat
ay maayos na pero ano ang ginawa mo?
Sinabi ko sa 'yo na bigyan mo ako ng ilang
buwan pero ano? Sinamantala mo ang
pagmamahal ko sa 'yo!"
"Mahal kita kaya ginawa ko iyon! Ano ba ang
mali, Jaffy?" Tumaas na rin ang boses nila
kaya pumagitna na si Jim.
"Enough! Sa private place ninyo pag-usapan
ang bagay na iyan!" saway ni Jim kaya galit
na pinahidan ni Jaffy ang mga luha.
"S-Sarili mo lang ang iniiisip mo, JM! Mula
noon, pansariling kaligayahan mo lang ang
laman ng isip mo! At walang pagbabago,
ganoon ka pa rin hanggang ngayon!" Walang
kaalam-alam si Jaff sa plano nila. Kung
mayroon man, kaunti L.A. g at hindi
detalyado.
"Hindi iyan totoo, Jaffy! Mahal kita kaya ko
nagawa iyon!" giit ni JM. Sigurado siya sa
sariling mahal niya si Jaffy. Mahal niya ang
kaniyang asawa kaya lahat ay gagawin niya
para masiguradong ligtas lang ito.
"Hindi ko na alam kung minahal mo nga ba
talaga ako o nagu-guilty ka lang,"
malungkot na sabi ni Jaffy.
"H-Honey--"
"Huwag mo akong hawakan, John Matthew!"
singhal ni Jaffy at tinabig ang kamay ng
asawa. Makialam sana si Inday pero pinigilan
ito ni Jim.
Sa sobrang desperado, sinipa ni JM ang
upuan na malapit sa kaniya.
"A-Ano ba ang gusto mong gawin ko,
Jaffy?" seryosong tanong niya.
"Umalis ka na muna at huwag magpakita sa
akin!" madilim ang mukhang sagot ni Jaffy
kaya napanganga si JM. Sa tanang buhay
niya, ngayon lang naging ganito si Jaffy.
Iyong pagkasuklam sa kaniya ang nakikita ni
JM sa mga mata ng asawa.
"H-Hindi ko na kaya," pabulong na sagot ni
JM at hinawakan ang kamay ni Jaffy, "H-
Hindi ko na kayang mawala ka pa sa tabi ko,
honey."
Mapait na ngumiti si Jaffy saka hinila ang
kamay na hawak ng asawa. "Kayanin mo,
John Matthew. Dapat lang na kayanin mo
dahil baka hindi talaga tayo ang itinadhana
ng kapalaran."
Umiiyak na tumakbo si Jaffy palayo sa asawa
at pinuntahan ang kakambal na nasa PACU
na raw. For the firstime, ayaw niya muna
itong makita.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon