BARUMBADONG VIRGIN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
"Haist!" Naglalakad sa hallway si Jacob nang
makita niyang papalapit si Jaffy. Mula nang
huli nitong pagkita sa debut nito, wala na
siyang balita pa rito. Ni hindi na nga
pumapasok sa classroom nila para habulin si
John Matthew.
"Jacob!"
"Damn!" Tumalikod siya at nagmamadaling
naglakad pabalik sa parking lot.
"Jacoooob!" mahabang sigaw ni Jaffy kaya
tumigil siya. Masyado nang obvious kapag
nagkunwari siyang hindi narinig dahil aabot
na yata sa Westbridge University ang boses
nito.
"Sandali lang!" sabi ng dalaga kaya hinarap
niya ito.
"Jaffy! Bakit ka sumisigaw?" masiglang sabi
niya para hindi siya mahalata nito.
"Tinatawag kita pero hindi mo narinig,"
nakasimangot na sagot ni Jaffy.
"Bakit?"
"Patulong ako sa 'yo." Umiba na ang mukha
nito. Nakangiti na. Ngiti na alam niyang may
hihingiing pabor sa kaniya.
"Anong pabor?"
"Alam mo na 'yon, gusto kong mapalapit
kay John Matthew!"
"Talaga? Hindi ka talaga susuko sa kaniya?"
Ngumiti si Jaffy sa kaniya at tumingala.
"Kapag mahal mo, hindi mo susukuan."
"Baliw na pagmamahal. Kaya ayoko talagang
magmahal e!" sabi niya.
"Masarap magmahal," ani Jaffy.
"Mas masarap kumain!"
"Alam mo, para kang babae!"
nakapamewang na sabi ni Jaffy.
"Ano na ang kailangan mo at ako pa ang
nilapitan mo kung si John Matthew lang pala
ang mahal mo?"
"K-Kuwan..."
"Anong kuwan? Dalian mo at nagmamadali
ako!" pagsisinuplado ni John Jacob.
"Oo na, tulungan mo nga ako kay JM."
Gustong matawa ni Jacob pero pagtingin
niya sa mukha ni Jaffy ay seryoso ito.
"Desperada ka talaga!"
"Pakialam mo? Tulungan mo na ako!"
"Paano kung ayaw ko?"
"Bibigyan kita ng chocolates araw-araw!"
offer ng dalaga.
"Mayaman ako at kaya kong bumili ng mas
mamahalin pa sa binibigay mo," sabi ng
binata kaya sumimangot ang dalaga.
"Ayaw mo talaga akong tulungan?" Kulang
na lang ay sakalin niya si Jacob para
matulungan siya kay JM.
"Ayoko nga! Bahala ka. Alam mo namang
suplado si JM."
"Sige na. Sabihin mo lang sa akin kung anu-
ano ang mga gusto ni JM," pangungumbinse
nito.
"A-yo-ko!" Tinalikuran niya ito. Mahirap
makialam sa problemang puso ng iba.
"Magtatrabaho ako sa 'yo basta tulungan mo
lang ako!"
Napapreno ang mga paa ni Jacob sa narinig.
Tamang-tama, kailangan niya ng katulong.
"Ganoon ka na ba ka desperada kay John
Matthew?"
"Oo!"
Nakipagtitigan siya kay Jaffy, hindi nga
talaga ito susuko.
"Fine! Stay in ka!"
"What? Grabe ka naman! Once a week lang!"
"Gusto mong tulungan kita, 'di ba?
Magkatabi lang ang condo namin nina John
Matthew."
"Huwag na lang!" pagsisinuplada ni Jaffy at
naiinis na nilayuan siya.
"Ano ba ang nakita niya kay JM na para
siyang tangang hahabol-habol sa kapatid
ko?" bulong ni Jacob at naglakad patungo
sa building nila. As usual, nadatnan niya si
Hael na natutulog. Hindi niya nakalimutan
ang pagsampal nito sa kaniya. Ang akala
nina Lee Patrick, ganoon lang kadali pero
ramdam talaga niya ang bigat ng pagsampal
nito.
Pinagmasdan niya si Hael. Maganda ito pero
ang sampal talaga nito ang hindi niya
makakalimutan.
"Huwag mo nga siyang gisingin!" sabi ni Lee
Patrick sa likuran niya.
"Bakit ba ganiyan ka?" tanong ni Jacob.
Wala naman siyang balak na gisingin ito
pero ang OA lang ni Lee Patrick.
"Bakit ayaw mo siyang gisingin ko, Lee?"
tanong ni Jacob. "Masyado ka yatang
maawain sa kaniya?"
Biglang umingay ang classroom nang
nagsidatingan ang limang lalaki na mga
kaklase.
"Natutulog siya kaya ano ba ang mawala sa
'yo kung hayaan mo siya?"
"May gusto ka ba sa kaniya?"
"Kapal mo ha!" Tumaas bigla ang boses nito.
"Para ano? Hindi ko siya type!"
Naupo si Lee Patrick sa silya pero nakakunot
ang noong pinagmasdan ito ni Jacob. Sa
tuwing tangkain niya itong gisingin, palagi
siyang pinipigilan ni Lee Patrick.
Ngumisi siya at tumabi sa kapatid. "May
gusto ka kay Sleeping Beauty, ano?"
"Wala nga! Tumahimik ka nga! Baka marinig
niya tayo at mag-assume!" Tumawa si Jacob
nang namula ang mukha nito pati na rin ang
magkabilang tainga.
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan!"
saway ni Lee Patrick dahil may laman ang
tingin ng kapatid. "Sasapakin kita!"
pagbabanta niya pero abot hanggang tainga
ang ngiti nito.
"May gusto ka sa kaniya. Matagal na kitang
nahahalata e!"
"Tumahimik ka kung ayaw mong ibabalibag
kita!"
Sumenyas si Jacob na sini-zipper-an ang
bibig pero nasa mukha pa rin ito ang
panunukso sa kaniya.
Pareho silang napatingin kay Lance Leonard
na papasok sa classroom nila.
"Uy, ang ganda ng pusa!"
"Hala, ang cute!"
Nagkatitigan ang dalawa at sumenyas kung
ano ang nangyari kay LL?
"Ewan ko," sabi ng labi ni Jacob pero
walang boses.
Naupo ito sa pagitan nilang dalawa at
hinimas ang pusa sa ulo.
Nagsenyasan ang dalawa na kausapin si LL
pero parehong umaayaw. Wala pa kasi si JM
para ito ang utusan nilang kausapin ang
kapatid. Napatutop si Lee Patrick sa bibig
nang ikumpas ni Jacob ang hintuturo sa
kanang tainga sa circular motion para
sabihing baliw na si Lance Leonard.
"Bro?" tawag ni Lee Patrick. "Bawal magdala
ng pusa."
Walang emosyong hinarap siya ni LL kaya
pasimpleng iniurong niya ang silya palayo
rito. Mahirap na!
"Ano ba ang problema ng pusa ko at siya
ang pinag-iinitan ninyo?" Mahina pero bakas
ang galit sa boses nito.
"Bawal naman talaga sabi nina Daddy. Kaya
nga walang nagdadala ng alaga rito," sabat
ni Jacob kaya siya naman ang hinarap ng
kapatid. Nagbabaga ang mga mata ni LL
kaya pasimpleng iniurong din niya ang
upuan. Ang sakit pa naman manapak nito.
"Isang sabi pa na bawal, pag-uumpugin ko
ang mga ulo ninyo!"
"P-Pero Lance, itago mo 'yan, magagalit
ang professor natin," pakiusap ni Jacob.
Matandang dalaga pa naman ang bagong
prof nila kaya medyo strict.
Pumasok si John Matthew at nagtatanong
ang mga mata sa dalawang kapatid tapos
inginuso si Lance Leonard.
"Nangyari diyan?" tanong ni JM kay Jacob
nang makaupo.
"Malay ko," sagot ni Jacob at biglang
napatayo nang makita sa labas ang papalapit
na professor.
"Itago mo sa bag, dali!" sabi ni Jacob.
"Ayoko!" tanggi ni LL.
"Putsa! Itago mo!" galit na sabi ni John
Matthew at kinuha ang malaking backpack ni
Hael na nilalagyan ng damit. "Akin na 'yan!"
Inagaw niya kay LL ang pusa at ipinasok sa
loob ng bag. Magrereklamo pa sana si Hael
na kakagising lang pero pinandilatan ni JM.
"Morning class!" bati ng guro kaya umayos
na sila ng upo. Inilapag ni Lee Patrick ang
bag sa pagitan ng upuan nina Jacob at LL.
Hindi mapakali ang tatlo habang nagle-
lecture ang guro. Si LL ay binubuksan ang
bag dahil baka hindi makahinga ang alagang
pusa.
Meow!
Meow!
Tumigil ang guro at humaba ang tainga.
"Have I heard the cat meowing?" tanong
nito at inisa-isang hinarap ang mga
estudyanteng nakayuko.
"Meow!"
Nanigas ang tatlo nang malakas na nag-
meow ang pusa pero si LL ay kampante lang
na nakaupo. Ang mga kaklase nila ay hindi
makalingon sa kanila.
"Who brought the cat in my class?" tanong
nito pero nakakabinging katahimikan ang
sumagot sa kaniya. Naglakad siya at inisa-isa
ang upuan ng mga estudyante.
"Meow!"
Lumakas pa ang ingay ng pusa kaya sinipa ni
JM ang paa ni Jacob na patahimikin ang
pusa.
"Isa ba sa inyong apat ang nagdala ng
pusa?" Nang nasa gilid na nila ang guro.
"H-Hindi ah. Gagawin namin sa pusa?"
tanggi ni Lee Patrick at lihim na nanalangin
na sana ay huwag nang maingay ang pusa.
"Ring tone lang po iyon ng cellphone ni John
Matthew. Sorry po," paumanhin ni Jacob.
Meow!
Muntik nang mahulog ang tatlo sa kinaupuan
nang umingay ang pusa.
Meow!
"Open that bag, Lance Leonard!" galit na
utos ng guro na may hawak na stick.
"Psh!" Binuksan ni Lance ang bag at kinalong
si Pitoy. Nanlaki naman ang mga mata ng
prof at namewang.
"Alam mo bang bawal magdala ng alagang
hayop sa paaralang ito?" bulalas nito.
"Alangan naman iiwan ko siya sa condo ko e
wala siyang kasama roon. Walang
magpapakain!" depensa ni Lance na ngayon
ay tumahimik na ang pusa na kalong niya.
"Po!"
"Maghanap ka ng tiga-alaga! Bawal 'yan
dito kaya sumunod ka sa patakaran!"
Tumayo si Lance at hinarap ang guro kaya
agad na tumayo rin ang tatlong kakambal.
Baka sapakin nito ang prof nila, malaking
gulo kapag nagkataon.
"Mawalang galang na po, prof, hindi ko siya
puwedeng iwan dahil mahalaga sa akin ang
pusang ito! Hindi puwedeng maiwan siyang
mag-isa dahil nangako akong alagaan siya!
Kung mali man na isama siya rito, sana
mapatawad ninyo ako pero kung ang
pagkakamali kong ito ang paraan na
iparamdam ko sa alaga ko na mahalaga siya
sa akin, handa akong tanggapin ang
parusang ibigay sa akin ng paaralang ito
pero kahit na ano man ang mangyari, hindi
ko hahayang mag-isa at malungkot ang pusa
ko sa condo!" pagtanggol ni Lance Leonard
kaya napanganga ang guro. Kahit ang mga
kaklase ay natameme rin. Ngayon lang
nagsalita ng mahaba si LL.
"Hindi ninyo ako maintindihan dahil hindi
ninyo naranasan ang maiwan," malungkot na
sabi ni LL. "Masakit talaga lalo na kapag
ikaw ang nagmahal ng sobra."
Nakaramdam naman ng awa ang guro at
mha kaklase kaya hinayaan na lang niyang
kalungin ni LL ang pusa habang nagtuturo
siya.
Agaw-pansin na nga si LL sa tuwing may
makakita sa kaniya. Nang tanghalian ay
pinakiusapan siya ng mga kapatid na iwan
muna sa tambayan ang pusa dahil nandoon
naman ang tigaluto. Mabuti na lang dahil
pumayag si LL.
