Ang Asawa Kong Barumbadoby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 7
Unedited...
"Saan ka pupunta?" tanong ni JM nang
pababa na si Jaffy. Nasa veranda siya at
naninigarilyo nang mapansin niya ito. Alas
kuwatro na ng hapon pero mukhang may
lakad yata si Jaffy.
"Sa bahay nina Mommy, pinapauwi niya
ako," sagot ni Jaffy. "Sasama ka?"
"Ikaw na lang," sagot ni JM kaya
napabuntonghininga si Jaffy. Alam kasi
niyang hindi talaga ito sasama sa kaniya.
"Baka gabihin ako, doon na ako matulog,
ha." Paalam niya kahit sigurado naman
siyang wala itong pakialam kahit na hindi na
siya uuwi.
"Bahala ka. Hindi mo na kailangang
magpaalam sa akin," ani JM at humithit sa
sigarilyo saka sinulyapan si Jaffy, "Kapag sa
mga magulang mo lang ikaw pumunta,"
dagdag ni JM at pinagmasdan ang mukha ng
kaharap. Kung tutuusin, wala siyang
maipintas sa mukha ni Jaffy. Simple lang ito
at hindi mahilig sa makeup. Siguro kung
mag-ayos nang kaunti kagaya ng kakambal
nito, mas marami ang makakapansin sa
asawa niya. Kaso sa tuwing may party lang
ito nag-aayos.
"B-Baka may chocolates sina Daddy, gusto
mo?" tanong ni Jaffy na medyo naiilang sa
mga titig ng asawa. Heto na naman,
kumakabog-kabog na naman ang puso niya
at hindi makatingin ng diretso sa mga mata
ng asawa.
Same feelings mula noon hanggang ngayon.
Iyong sa tuwing titigan siya ni JM,
natataranta siya at hindi malaman ang
gagawin.
"Sana muli kitang mayakap at mahagkan,"
bulong ni Jaffy at muling sinulyapan ang
asawa.
"No, thanks na lang. Hindi ako mahilig sa
chocolates," walang ganang sagot ni JM.
Nakita niya kung gaano gumuhit ang lungkot
sa mga mata ni Jaffy pero isinawalang
bahala na lang niya. She deserves to suffer.
Kung hindi dahil dito, buhay pa sana ang
mga anak niya. Masaya na sana sila ngayon.
Kung puwede nga lang na siya ang
magbuntis, gagawin niya para masiguradong
ligtas ang mga anak niya.
"Aalis na ako," paalam ni Jaffy pero hindi na
umimik pa si JM.
Nang magsawa sa kakaupo sa veranda,
naisip ni JM na pumasok na sa loob ng
bahay.
"Nasaan si Jaffy?" tanong ng ina nang
makasalubong siya.
"Umuwi," sagot ni JM sa inang may bitbit na
spatula.
"Ay, bakit hindi niya sinabi? Akala ko
magbe-bake kami? Sayang," nanghihinayang
na sabi ni Ann. Magpapaturo sana siya kay
Jaffy kung paano gawin ang strawberry cake
nito. Ang sarap kasi ng pagkakagawa.
"Mag-bake ka na lang mag-isa o 'di kaya'y si
GV ang yayain mo!" nakasimangot na sabi ni
JM.
"Suplado mong bata ka! Bakit ba ganiyan
mo kung ituring si Jaffy? Ang bait naman
niyang bata e!" saway ni Ann.
"Wala akong ginagawang masama kay Jaffy,"
sagot ni JM.
"Meron!"
"Mom, wala. At kung meron man, malaya
siyang iwan ako. So please, huwag na
kayong makialam pa sa amin dahil hindi kayo
nakakatulong!"
"Ang sama mo, JM! Hindi ka namin pinalaki
para insultuhin lang si Jaffy! Kung nasaktan
ka sa pagkawala ng mga anak ninyo, how
much more pa sa kaniya? Ina rin siya kaya
sana intindihin mo siya, damayan mo siya at
mas lalong mahalin. Hindi iyong ipagtabuyan
mo pa siya!" sabi ni Ann. Naaawa na siya kay
Jaffy. Sino ba ang hindi? Kung ituring ito ni
JM, parang hindi ito nasaktan nang labis.
"Pasensiya na, hindi ko alam ang pagsasabi
mo," wika ni JM at muling lumabas ng
bahay at dumiretso sa swimming pool para
maligo at magpalamig ng ulo.
Ibinuhos niya ang lahat ng inis at sama ng
loob sa paglangoy hanggang sa tuluyang
napagod.
Pag-ahon niya, sinalubong siya ng katulong.
Tumawag daw si Jaffy at pinapasabing
pupunta ito at ang mommy niya sa isang
birthday party ng kaibigan ng mommy nito.
"Psh! Pakialam ko sa kaniya!" bulong ni John
Matthew habang pinupunasan ang basang
buhok.
--------------------------
"Mom? Uwi na po tayo," yaya ni Jaffy. Alas
diyes na ng gabi at hindi pa niya dala ang
cellphone kaya hindi niya matawagan ang
asawa.
"Later," sagot ni Inday na may hawak ng
bote ng alak.
"Mom? Magagalit sa atin si Daddy," saway
niya. Kakaiba rin kasi ang mommy niya
kapag mag-party. Agaw-pansin lalo na't ang
sexy nito at magaling gumiling. Dinaig pa
sila ni Jaff sa pagiging teenager.
"Nandiyan lang ang daddy mo sa tabi-tabi
kaya party pa tayo," wika ni Inday at
napasulyap sa isang bote ng alak na hawak
ni Jaffy. Kanina pa sila pero isang bote pa
lang ang iniinom nito. Well, ayaw rin naman
niyang uminom nang marami ang anak.
"Ano ka ba! Marami ang lalaki sa paligid at
ang gaguwapo pa nila. Ayaw mo?" tanong ni
Inday. Kung makahanap naman ng bagong
love interest ang anak, hindi niya ito
pipigilan. Anytime ay puwedeng mawalan ng
bisa ang kasal nila ni JM lalo na't may pera
naman sila. Si Jaffy lang talaga ang matigas
ang ulo.
"May asawa na po ako," sagot ni Jaffy. Kahit
na malabo ang pagsasama nila ni JM, babae
pa rin siya at hindi tama ang magkaroon ng
iba habang kasal siya.
"Asawa na walang kuwenta!" nakasimangot
na sabi ni Inday at muling napatingin sa
cellphone. Tinatawagan niya si Jim dahil
baka kung saan na naman ito dahil kanina pa
niya hindi nakikita.
"Ayan, pabalik na ang daddy mo," ani Inday
at hinila ang anak palabas para hintayin sa
labas ng gate ang padre de pamilya nila
dahil may pinuntahan pala ito.
Paglabas nila, marami na rin ang pauwi.
Maliwanag ang paligid dahil sa mga ilas na
nasa poste. Ang dami ring mamahaling
sasakyan dahil mayayaman ang mga bisita.
May-ari kasi ng sikat na fastfood restaurant
ang amega ni Inday.
"Alam mo, humanap ka ng lalaking kagaya
ng ama mo. Guwapo, masipag, mapagmahal
at higit sa lahat, tanggap ako. Hindi kagaya
ng asawa mo, guwapo at mayaman nga,
wala namang respeto!" wika ni Inday.
"Mahal ako ni JM pero galit lang 'yon sa akin
dahil sa pagkawala ng anak namin,"
malungkot na depensa ni Jaffy. Mabait
naman si JM noong panahong
nagkamabutihan na sila. Ne hindi na siya
nito sinisigawan at tinataboy. Ang sweet pa
nga nito sa kaniya at iniwan nito si Aimee
matapos nang may nangyari sa kanila.
Nasaktan lang talaga ito dahil sa pagkawala
ng babies nila. Kasalanan naman talaga niya
at ang padalos-dalos niyang desisyon. Sana
isinaalang-alang muna niya ang kaligtasan ng
mga anak bago tumulong sa iba.
"Mahal ka niya pero kung ituring ka niya,
parang hindi asawa. Dapat may limit ka rin.
Huwag puro tanga. Ako nga itong hindi
matalino sa ating dalawa pero ikaw naman
ang bobo pagdating sa pagmamahal. Kailan
mo pa kaya mamana ang kaswertehan ko sa
buhay?" ani Inday. Kung may
pinakamasuwerte mang babae sa mundo,
siya talaga iyon. Jackpot talaga siya kay Jim,
alindog lang ang puhunan.
"Iba-iba rin kasi ng kapalaran," pabulong na
wika ni Jaffy habang naglalakad pero
napatigil siya nang makita ang lalaking
nakatayo sa 'di kalayuan. Ilang beses pa
siyang napakurap dahil baka namamalik-
mata lang siya pero habang papalapit ito sa
kanila, mas lalo niyang nakumpirma na si JM
nga ito.
"Basta ayaw ko talaga kay John Matthew!
Sinasaktan ka lang niya!" ani Inday. Kung
alam lang niya na ganito ang sapitin ng
anak, sana hindi na siya pumayag na ikasal
ito kay JM. May mali rin naman siya. Dahil
sa kaniya, ikinasal ang dalawa. Nang
malaman nilang buntis pala ito, pinilit nilang
magpakasal ang dalawa kahit na
nagkakalabuan na dahil nalaglag nga ang
mga apo niya. Sayang din 'yon, apat din
sana.
"Magandang gabi," bati ni JM na sa asawa
nakatingin kaya napataas ang kilay ni Inday.
"Ano ang maganda sa gabi kung ikaw ang
nakikita ko?" pagtataray ni Inday pero hindi
na ito pinansin ni JM. Hinawakan nito ang
asawa ni Jaffy at hinila.
"At saan mo dadalhin ang anak ko?"
pagtataray ni Inday habang nakapamewang.
"Iuuwi ko na po siya, maghahating gabi na,"
sagot ni JM at hinigpitan ang pagkakahawak
sa palapulsuhan ng asawa. Napatingin siya
sa iilang bisitang palabas ng party. Mga
lasing na ang magbabarkada kaya mas
lalong uminit ang ulo niya. Mukhang
uminom din kasi ang mag-inang nasa
harapan niya.
"Magkasama naman kami kaya sa bahay na
siya uuwi!" wika ni Inday.
"Sa bahay na po. Kailangan na niyang
magpahinga," malamig na tugon ni JM.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Jim habang
palapit sa kanila.
"Sweetheart, ang tagal mo!" nakalabing sabi
ni Inday at niyakap ang braso ng asawa nang
makalapit ito.
"May ginawa lang," sagot ni Jim. Actually,
nandito sila para mag-spy sa
pimaghihinalaan nilang druglord. Si Inday
ang tigalagay ng tracking device sa suot ng
kalaban dahil madiskarte ito lalo na't mahilig
sa sexy ang target nila.
"Halika na," yaya ni JM kay Jaffy at hinila ito
palapit sa kotse niya.
"Sa amin na sasama ang anak ko," wika ni
Inday kaya tumigil si JM at hinarap ang mga
magulang ni Jaffy.
"Ako na po ang bahala sa asawa ko," sagot
ni JM.
"Hayaan mo na sila," bulong ni Jim at hinila
na si Inday papasok sa kotse nila.
"Drama lang e!" pabulong na reklamo ni
Inday saka sumakay na sa loob ng kotse
nila.
Nang makasakay si Jaffy, umikot si JM sa
driver's seat at nagmaneho pauwi ng bahay.
"Ilang bote ang nainom mo?" tanong ni JM
habang nagmamaneho. Amoy alak kasi ang
katabi niya.
"Isa lang naman," sagot ni Jaffy na nasa
labas ng bintana ang mga mata.
"Sunod-sunod na party na 'yan, ah. Huwag
ka nang sumama sa mommy mo!" wika ni
JM.
"W-Wala namang ginagawang masama ang
mommy ko," wika ni Jaffy na hindi niya
maintindihan ang asawa kung bakit biglang
uminit ang ulo ni JM sa ina niya.
"Mali pa rin ang ginagawa niyang pagpayag
sa 'yo na uminom dahil kakapanganak mo
lang! Kaya may napapahamak ka dahil sa
pagiging careless mo!" wika ni JM na medyo
tumaas na ang boses. Hindi ba naisip ni
Jaffy at ng ina nito ang kalagayan nito?
"Isang bote lang naman," depensa ni Jaffy at
napakagat sa ibabang labi nang tumingin si
JM sa kaniya matapos tumigil dahil sa stop
light.
"Kung gusto mong magpakamatay, bahala
ka sa buhay mo! Mag-divorce na lang tayo
kung ayaw mong makinig sa akin!"
suhestiyon ni JM kaya natigilan si Jaffy.
"H-Hindi na ako sasama kay Mommy,"
naluluhang wika ni Jaffy. Makapagsalita ito,
parang ang dali lang para dito na mag-
divorce sila.
Hindi na nagsalita pa si JM hanggang sa
makarating sila sa mansion. Tulog na ang
mga tao at ang dalawang katulong na lang
na nag-uusap sa hardin ang bumukas sa
kanila ng gate. Hindi raw nakatulog ang mga
ito kaya nagpapahangin muna.
Tahimik na nakasakay sila sa elevator
hanggang sa nakapasok sa kuwarto.
"H-Honey?" tawag ni Jaffy kay JM na
naghuhubad ng damit, "Sorry kung uminom
ako. Sorry kung sumama ako kay Mommy sa
party na iyon. Sana huwag ka nang magalit
sa akin."
Humarap si JM sa kaniya na blangko ang
mukha, "Huwag ka nang uminom, hindi
makakabuti sa 'yo 'yon!"
Tumango-tango si Jaffy at napasulyap sa
dibdib ng asawang topless na. Iniwas niya
ang mga mata sa katawan ng asawa. Baka
mamaya, masaktan na naman siya.
Hanggang tingin na lang kasi siya kay John
Matthew.
Pagpasok ni JM sa shower room, tumunog
ang cellphone nito na nasa ibabaw ng mesa.
Curious siya kaya tiningnan niya ang
tumatawag, si Aimee. Nang matapos ang
ring ay curious siya kaya binuksan niya ang
cellphone nito. Nanlaki ang mga mata niya
nang makita ang picture niya kanina sa party
na may hawak na bote ng alak. Nang
tingnan niya kung sino ang sender, si
Mommy niya.
