Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 17
Unedited....
"Magandang hapon po," magalang na bati ni
John Matthew sa katulong nang pagbuksan
siya ng gate.
"Magandang hapon din, sir," magalang na
bati ng kurenta anyos na katulong nina
Jaffy.
"Ang asawa ko po?" tanong ni JM.
"Wala ho e, nasa labas," sagot ng matanda
at napakunot ang noo. Ang pagkakaalam
niya, hiwalay na ang dalawa. Napatingin siya
sa malaking teddy bear na dala nito.
"Puwede ho bang pumasok?" pakiusap ni
JM, "hihintayin ko lang jo sina Jaffy."
"Naku, baka gabihin po sila. Hindi naman po
sinabi kung anong oras uuwi," sagot ng
katulong. Sa pagkakatanda niya, mainipin si
JM dahil kapag pumunta ito noon, ayaw
nitong pinapahintay siya ni Jaffy.
"Kaya ko pong maghintay," sagot ni JM.
"Sorry po, pero bawal kasi magpapasok sabi
ni Ma'am Inday," paumanhin ng katulong.
"Ako lang naman po. Hindi naman ako
magnanakaw," ani JM kaya napakamot sa ulo
ang katulong. Papasok na sana sa gate si JM
pero hinarangan nito.
"S-Sir? L-Lalo ka na po e, bawal ka raw
papasukin," nahihiyang sabi nito kaya
napanganga si John Matthew.
"Manang? Asawa ko ho si Jaffy at may
karapatan akong pumasok at hintayin ang
asawa ko!" giit ni John Matthew na malapit
nang maubos ang pasensiya.
"M-Mas lalo ka na raw po sabi ni Ma'am?"
kinakabahang sagot ng matanda. Hindi pa
naman siya sanay na magtaboy ng bisita lalo
na si JM, e, mayaman ito at kaya siyang
ipatanggal sa trabaho pero si Inday at Jim
ang amo niya kaya susundin lang niya ang
ipinag-uutos ng mga amo.
Napabuntonghininga si JM dahil mukhang
hindi niya mababali ang desisyon ng
kaharap. Masyado yata itong tapat sa mga
amo.
"Sige po. Basta itong teddy bear, p.a.
ipasok na lang po. Pabigay na lang sa asawa
ko at pasabing sa akin nanggaling,"
magalang na sabi ni JM at nginitian ang
matanda. May respeto naman siya sa mga
katulong dahil meron din sila kaya hinayaan
na niya ito.
"P-Pasensiya ka na talaga, sinusunod ko lang
ang utos nila," paumanhin nito kaya nginitian
siya ni JM nang ubod ng tamis.
"Wala ho iyon. Nauunawaan ko kayo," sagot
ni John Matthew, "Uuwi na po ako. Pakisabi
na lang kay Jaffy na ingatan niya ang sarili
niya."
"Sige, maraming salamat din sa pag-unawa,"
pasalamat ng matanda at binuhat ang
malaking teddy bear pero hindi niya kinaya
dahil masyadong malaki kaya nagpatulong
siya sa isang katulong na nagwawalis sa
bakuran.
"Ingatan n'yo po 'yan," bilin ni JM na siya na
sana ang bubuhat papasok pero bawal.
Sumakay siya sa kotse at nagmaneho na
nang isara ng mga katulong ang gate. Nang
makalayo na siya sa bahay ay nag-U-turn
siya pabalik at itinigil ang sasakyan saka
tumingala sa mataas na pader ng likod-
bahay nina Jaffy.
---------------------------------
Kakapasok lang ng sasakyan nina Jaffy sa
bahay nila. Nauna siyang bumaba kaysa sa
mga magulang nila. Si Jim ang driver at ang
ina naman nito ay nakatulog na dahil sa layo
ng biyahe.
"Sis? Napagod ako," reklamo ni Jaff na
kakarating lang.
"Ikaw kasi, ayaw mong pumirme rito sa
Pinas," sabi ni Jaffy. Palagi na lang itong
nasa ibang bansa kaya madalas ay nami-miss
talaga niya ang kakambal niya.
"Huwag ka nang magtampo, may
pasalubong naman akong chocolate sa 'yo,"
nakangiting sabi ni Jaff. Siya ang palaging
nasa abroad kaya siya ang palaging
nagbibigay ng tsokolate kay Jaffy. Mahilig
kasi ito sa imported chocolates dahil
binibigay nito kay John Matthew noong
college pa ito. Ang tanga kasi ni Jaffy, siya
ang nanliligaw kay JM.
Pagpasok nila sa bahay, agad na dumiretso
ang dalawa sa itaas.
"Oh my gosh!" bulalas ni Jaffy nang makita
ang asawa sa sitting room na nagse-selfie sa
malaking teddy bear.
Agad na tumayo si John Matthew. "Goid
afternoon, honey," nakangiting bati nito.
"What are you doin' here?" hindi
makapaniwalang tanong ni Jaffy dahul
mahigpit na ipinagbilin ng ina sa mga
katulong na huwag magpapasok lalo na kay
John Matthew.
"Binibisita ka," sagot ni JM at binuhat ang
teddy bear. "Happy birthday, honey."
Napataas ang kilay ni Jaff, "Si Jaffy lang
pero ako, wala?"pagtatampo ni Jaff.
"Akala ko kasi, nasa ibang bansa ka pa,"
depensa ni John Matthew sa kakambal ng
asawa. Magkahawig ang mga ito pero mas
maganda si Jaffy para sa kaniya. Siyempre, si
Jaffy ang mahal niya.
"Hmmp? Isumbong kita kina Mommy,
trespassing ka," pagbabanta ni Jaff.
"Sweetheart? Dahan-dahan lang," tili ni
Inday na paakyat na ng hagdan kaya
nataranta si Jaffy.
"JM? Magtago ka, dali!" sabi ni Jaffy pero
hindi natinag ang asawa.
"Haharapin ko sila," seryosong sagot ni JM.
"Please, huwag ngayon," pakiusap ni Jaffy.
Pagod ang ina niya at mukhang kanina pa
may gustong gawin sa daddy nila kaya baka
magwala ito kapag hindi matuloy ang balak
dahil kay JM.
"Ano ba ang mali? Asawa naman--Oo na!
Oo na!" reklamo ni JM pero nagpahila kay
Jaffy papasok sa kuwarto nito. Huwag lang
sanang iche-check ng parents niya ang
surveilance camera nila. Pakiusapan na lang
niya si Jaff mamaya.
Agad na isinara niya ang pinto pero muntik
na siyang mapasigaw nang yakapin siya ni
JM.
"Miss you," bulong nito habang hinahalikan
siya sa leeg pero itinulak niya ito.
"Wala na tayo!"
"Hindi ko pa pinipirmahan ang kontrata kaya
akin ka pa!" giit ni JM at muling nilapitan si
Jaffy pero umaatras ang huli na para bang
isang mikrobyo na kakapitan siya.
"Umalis ka na bago ka pa mahuli ng ama
namin," buong tapang na sabi ni Jaffy na
hindi alam kung paani nito napapayag ang
katulong na papasukin ito.
"Ang hirap umakyat ng gate ninyo para lang
mabati kita ng happy birthdat ngayong
kaarawan mo tapos ganito lang ang gagawin
mo sa akin?" sumbat ni JM.
"Umakyat ka?" nagdududang tanong ni
Jaffy.
"Itanong mo sa katulong ninyo!" salubong
ang kilay na sagot ni JM, "hindi nila ako
pinapasok."
Naaawa naman si Jaffy pero sinikap niyang
huwag ipakita sa kaharap dahil baka
umabuso na naman ito.
"Honey? May iregalo ako sa 'yo, sa'yo ako
magdamag kaya kahit ilang rounds pa,
gagawin natin," nanunuksong sabi ni John
Matthew at isa-isang tinatanggal ang
butones ng long-sleeve polo shirt.
Nananabik naman ang mga mata ni Jaffy na
makita ang buong katawan ng asawa pero
pinigilan niya ang tawag ng laman. Hindi
puwede.
"Umalis ka na, John Matthew! Hindi kita
kailangan ngayong kaarawan ko dahil
makipagkita pa ako kay Ranier mamaya,"
seryosong sabi ni Jaffy kaya napatigil si JM
sa ginagawa.
"What the fuck, Jaffy! Asawa kita kaya
huwag mo akong lokohin ng harapan!"
"May Aimee ka naman, 'di ba?" taas noong
tanong ni Jaffy. Ito ang naunang nagloko.
"Kaibigan ko lang si Aimee!" depensa ni John
Matthew.
"Puwes, boyfriend ko na si Ranier."
Nabigla siya ng sipain ni JM ang paanan ng
kama niya saka nagbabaga ang mga matang
hinarap siya.
"Boyfriend?" mahina pero puno ng galit ang
mga mata ni John Matthew. "Puta niya!
Hindi ka niya napaligaya, Jaffy! Ako lang ang
kailangan mo! Mas malaki, mag guwapo at
mas magaling ako sa lahat ng bagay kaysa
sa kaniya!"
Poker face lang si Jaffy kaya mas lalong
napipikon si JM.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang lamang
niya sa akin at kailangan mo pang i-giveup
ang kasal natin," malungkot na tanong ni
John Matthew. Alam niyang mali siya sa
pinaggagawa kay Jaffy noon pero ne
minsan, hindi niya ipinaramdam na ayaw
niya rito dahil iba ang gusto niya. Oo nga't
may Aimee siya noon pero hindi niya
ipinagtabuyan si Jaffy nang dahil kay Aimee.
Parang ang unfair naman yata? Or mas
mabilis lang ang pagpalit ni Jaffy kaya hindi
niya matanggap.
"Mas mahal niya ako," pabulong na sagot ni
Jaffy saka napayuko, "Doon pa lang, lamang
na siya."
Natigilan si JM saka malungkot na
pinagmasdan ang magandang asawa, "Mas
mahal kita, Jaffy. Pero hindi mo lang ako
inunawa lalo na ang coping mechanism ko sa
pagkawala ng anak natin. Dahil ang totoo,
ang dating JM na ayaw sa 'yo, iyon lang ang
nakikita mo," malungkot na sagot ni JM saka
laylay ang balikat na lumabas sa kuwarto ng
asawa. Nagulat pa nga ang mga katulong
nang makita siya. Mabuti na lang dahil nasa
kuwarto ang mga magulang ni Jaffy.
Nang makita siya ni Jaff, agad na tinungo
nito ang silid ng kakambal. Nakatatlong
katok siya nang pagbuksan ni Jaffy na
namumula ang mga mata.
"M-May kailangan ka?" tanong ni Jaffy.
Ngumiti si Jaff saka idinipa ang mga kamay,
"I think, ikaw ang may kailangan sa akin."
Tumutulo ang mga luhang yumakap si Jaff sa
kaniya.
"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko,"
luhaang sabi ni Jaffy at hinigpitan ang
pagkakayakap sa kakambal na umiiyak na rin.
"H-Huwag kang umiyak, nasasaktan din
ako!" saway ni Jaff. Paano, ramdam niya ang
sakit ng kakambal dahil sa sitwasyon nito.
"S-Sorry," natatawang paumanhin ni Jaffy at
kumalas sa pagkakayakap dito saka
pinahidan ang mga luha. "Jaff? Puwede mo
ba akong samahan sa control room?
Kailangan ko pang ayusin ang CCTV."
Ngumiti si Jaff at pinahidan din ang mga
luha niya, "Sure."
Pumunta sila sa control room at tiningnan
ang ginawang pagpasok ni JM.
"Ouch!" daing ni Jaff nang makita ang
pagbagsak ni JM mula sa mataas na puno.
Nasa veranda ito ng second floor nila
tumalon kaya semento pa ang binagsakan.
Napatayo naman si Jaffy at kinagat ang
kanang hinlalaki dahil sa labis na pag-alala.
Ang sakit ng pagkabagsak ni JM.
"Kulang siya sa proper training," sabi ni Jaff
at sinundan ng mga mata si JM na pumasok
sa loob ng bahay nila at naupo sa sitting
room katabi ng teddy bear at iyon na nga
ang eksena nang nadatnan nila.
"He loves you na," sabi ni Jaff.
"R-Really?" tanong ni Jaffy na hindi naikubli
ang saya sa mukha.
"Huwag kang ganiyan sa harap nina Daddy,"
natatawang sabi ni Jaff.
"Mahal ko talaga si JM," sagot ni Jaffy. Kung
puwede lang sana, uuwi na siya.
"Hindi naman obvious," napailing na sabi ni
Jaff. "But, mas okay na ganiyan muna kayo.
At least hinahabol ka na niya at gumagawa
na ng effort ang mokong kaya magpakipot
ka muna."
"P-Pero nag-aalala ako sa kaniya," sagot ni
Jaffy kaya malakas na binatukan siya ni Jaff.
"Tanga ka talaga! Ayaw mong hinahabol ka
niya?"
"Gusto pero--"
"Ang sagwa tingnan na ikaw nag humahabol.
Hayaan mo siyang iyakan ka niya at
magmakaawang mahalin mo ulit," sabi ni
Jaff kaya isang malalim na buntonghininga
ang pinakawalan ng kakambal.
Sa totoo lang, nasisiyahan si Jaffy sa mga
ipinapakita ni JM sa kaniya.
"Tumayo ka na at bibihisan kita, may date ka
pa," nakangiting sabi ni Jaff at tinapos ang
gawain sa control room saka sinamahan ang
kakambal na magbihis dahil hindi ito sanay
mag-ayos ng sarili lalo na sa mga party.
"Matagal pa ba?" naiinip na tanong ni Jaffy
habang inaayusan ng kakambal.
"Malapit na kaya huwag kang atat. Chill ka
lang," sabi ni Jaff na parang humaharap lang
siya sa salamin.
"Sabi mo e," sabi ni Jaffy at nang matapos
na ay tiningnan niya ang sarili sa salamin.
Hinayaan na nilang ilugay niya ang paalon-
alon na buhok.
"O 'di ba? Bongga. Ganiyan ka palagi para
mas lalong tumulo ang laway ng pakipot
mong asawa," natatawang suhestiyon ni Jaff
na na-satisfy sa ayos ng kakambal.
"Alis na 'ko. Kanina pa yata ako hinihintay
nina Ranier," paalam ni Jaff kaya ngumiti si
Jaff.
"Kung ano man ang mangyari, huwag mong
iwala ang tracking device mo, okay?" bilin ni
Jaff kaya tumango si Jaffy.
"Kaya ko ang misyong 'to," nakangiting sabi
ni Jaffy. Kakayanin niya. Kailangang matapos
niya ang misyong ibinigay ng ama para
makabalik na sa asawa niya. Masakit man
pero kailangan niyang trabahuin si Ranier at
ang pamilya nito. Ang nangungunang
pamilya ng sindikato sa Central Luzon.