Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 21
Unedited...
"Hon?" tawag ni JM kay Jaffy na papalabas
sa office nito.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni
Jaffy sa asawa.
"Susuyuin ka. Halika, lunch tayo,"
nakangiting sabi ni JM.
"Kumain na ako," sabi ni Jaffy at iniwas ang
mga mata. Hindi niya kayang tingnan ito sa
mga mata patapos ng ginawa nila kagabi.
Magdamag silang nag-body bonding at wala
talagang tigil si JM. Ne hindi siya nito
pinatulog kahit na isang minuto. Well, ayaw
rin naman niyang matulog. Ang daya lang.
Fresh pa rin ito tingnan pero siya, parang
binagyo ang katawan.
"Alam kong wala pa. Sige na, sabay tayong
kumain. Alam ko namang nagutom ka,"
sagot nito at nginitian siya.
"Kung kakain man ako, ako na lang mag-isa!"
sabi ni Jaffy at ipinagpatuloy ang paglalakad
pero nakabuntot si JM sa kaniya.
"Mas masarap kumain nang may kasama.
Mas masarap ang pagkain kapag ako ang
kaharap mo, honey," masayang sabi ni John
Matthew at inakbayan ang asawa. "Hindi ka
ba nagutom sa ginawa natin kagabi?"
Nanlaki ang mga mata ni Jaffy. Naramdaman
niya ang pag-init ng magkabila niyang
pisngi. Paano, ang landi ng boses ni John
Matthew. Parang nakakadala. Naalala tuloy
niya ang lambingan ng katawan nila kagabi.
Hanggang ngayon, parang nakabaon pa rin
si JM sa kaniya. Talagang sinulit nito e.
Siniko niya si JM nang makita ang grupo ng
empleyadong makakasalubong.
Nadapa pa ang isa dahil hindi inaalis ang
mga mata kay JM.
"Shit, ang guwapo ko talaga!" puri ni John
Matthew sa sarili at inayos ang buhok na
nakatakip sa noo niya.
Gusto niyang pagtawanan ang mga babaeng
nagkakagusto sa kaniya pero may respeto
pa naman siya. Isa pa, si Jaffy lang naman
ang gusto niyang mahumaling sa kaniya.
"Oo nga," wala sa sariling pagsang-ayon ni
Jaffy.
"Narinig kita, honey," nakangising sabi ni
John Matthew na guwapong-guwapo sa
sarili.
"Wala akong sinabi!" tanggi ni Jaffy.
"Alam kong guwapo ako at patay na patay
ka pa talaga sa akin e. Saan ka pa, pogi ako,
mayaman, hot at magaling sa kama," bulong
ni John Matthew matapos nilang
makasalubong ang mga empleyado.
"Noon iyon. Noong baliw pa ako sa 'yo,"
pag-amin ni Jaffy. Alam naman ng lahat
iyon. Kaya nga ang martyr niya e.
"Hmm? Talaga? Baliw ka pa rin sa akin,
honey," tukso ni John Matthew at hinawakan
ang kanang kamay ng asawa. "Ikaw kaya ang
nag-drive nung last round natin kaninang
madaling araw."
Hinatak ni Jaffy ang kamay at sinamaan ng
tingin si JM. Wala naman siyang masabi
dahil totoo naman ang sinabi nito. Paano,
inakit siya ni JM.
Pumasok sila sa restaurant na nasa tapat
lang ng building ng kompanya nina Jaffy.
Nag-order si JM at siya na ang nagsabi ng
pagkain ng asawa sa waiter dahil alam niya
ang gusto nito.
"Honey?" tawag ni JM at hinawakan ang
kamay ng asawang nakapatong sa mesa.
"Umuwi ka na. Magsimula tayo muli."
Mapait na ngumiti si Jaffy. Kung puwede
nga lang.
"JM? P-Puwede mo ba akong bigyan ng
dalawang buwan? Kagaya mo, kailangan ko
rin ng space," pakiusap ni Jaffy. Dalawang
buwan. Sa loob ng Isa g buwan, tatapusin
niya ang misyon.
Umiling si John Matthew. "Masyadong
matagal, Jaffy. Hindi ko kakayanin lalo na't
nandiyan si Ranier." Napasulyap siya sa mga
daliri ng asawa. Parang hiniwa ng matalim
na kutsilyo ang puso niya nang wala siyang
nakitang wedding ring.
Pasimpleng ibinaba ni Jaffy ang mga kamay
at itinago sa ilalim ng mesa. Alam niya kung
ano ang iniisip ng asawa. Kung alam lang
nito. Wala naman talaga siyang balak na
itago ang wedding ring nila. Ilang taon kaya
niyang pinaghirapan iyon. Pero siya lang ang
paraan para mapalapit sa mga Vasquez dahil
gusto siya ni Ranier. Kailangan nilang
samantalain ang pagkakataon.
"Kung hindi mo kayang maghintay, wala
akong magagawa, JM," sagot ni Jaffy na sa
kaloob-looban niya, masakit.
"Kaya kong maghintay pero takot ako na
baka tuluyan ka nang manakaw ni Ranier sa
akin. Alam kong tanga ako noon dahil hindi
kita binigyan ng halaga pero pagkakataong
magbago at ipakita sa 'yo kung gaano ako
kaseryoso," sabi ni John Matthew at
napayuko. "Hindi lang talaga malawak ang
pag-unawa ko noon."
"Tapos na iyon, wala na ang mga anak
natin," malungkot na sagot ni Jaffy kaya
tumingin si John Matthew sa kaniya na puno
ng lungkot ang mga mata. Pasimpleng
kinurot ni Jaffy ang sarili. Ipinaalala pa niya
kay JM ang naging kasalanan niya.
"H-Hayaan mo na, n-nawala na sila kaya ang
mahalaga, ikaw na natira pa," sagot ni John
Matthew at nginitian si Jaffy. May kurot pa
rin pero kaunti na lang. Naiinggit na nga
siya sa mga kapatid na masaya na sa mga
anak nila. Sana ganoon din siya. Sana may
anak na sila ni Jaffy. "Puwede naman tayong
gumawa ng panibago."
Ngumiti si Jaffy. Tama si JM, sana ay
makagawa sila ng bago. Baka sakaling
maaliw si JM at makalimutan nito ang
trahedyang nangyari sa pamilya nila dahil
maaaliw na ito sa bago nilang anak.
"Palagi na lang akong nawawalan at
inaagawan," malungkot na wika ni John
Matthew na malalim ang pinanghuhugutan.
"Lahat na lang ba ng mahal ko sa buhay,
aagawin sa akin? Una, si GV. Pangalawa, ang
mga anak ko at ngayon, ikaw naman? Jaffy?
Kung ang mga nauna ay nakaya ko pa, pero
ikaw, hindi na."
Nakatitig lang si Jaffy sa asawa. Naintindihan
niya ito dahil sa mga pinagdaanan. Masyado
itong nasaktan sa pagkabigo kay GV dahil
mas pinili ni GV si Lance Leonard kaysa sa
kaniya pero ipinakita ni JM na okay lang
siya. Na masaya siya para sa kapatid at GV
dahil hindi ito sanay na ipakita ang kahinaan.
Kaya noong nawala ang anak nila, hindi siya
lumayo kahit na ang tanga na niya sa
paningin ng iba. Natatakot siya na baka
kung ano pa ang maisipan nitong gawin
kapag mag-iaa na lang sa loob ng kuwarto.
Hindi talaga niya mapapatawad ang sarili.
Gusto niyang yakapin ang asawa para
iparamdam dito na nandito pa siya. Na
mahal na mahal niya ito at hinding-hindi
niya iiwan. Hinawakan niya ang kaliwang
kamay ni JM at nginitian ito.
"Balang araw, magiging okay rin ang lahat,
JM. Magiging masaya rin tayo."
Nang dumating ang order nila, wala nang
nagsalita dahil busy sa pagkain. Obvious
naman na gutom sila dahil sa ginawa kagabi.
----------------------------
"Seryoso ho ako sa panliligaw ko sa anak
ninyo, Mommy Inday kaya pakiusap, huwag
naman ninyong ireto sa iba si Jaffy,"
pakiusap ni JM na kakabigay lang ng
bulaklak sa mommy ni Jaffy. Talagang
sinadya niya si Inday para ligawan. Ito lang
naman yata ang problema niya dahil
mukhang kay Ranier ito boto.
"Talaga? Paano 'yan? Boyfriend na ng anak
ko si Ranier," sagot ni Inday at napasulyap
sa bulaklak na mukhang mamahalin.
"Pero asawa ko ho siya, Mommy Inday.
Ayaw mo ba sa akin? Mas guwapo ako, mas
magaling kaysa kay Ranier. Itanong pa ho
ninyo kay Jaffy. Mas maipagmalaki talaga
ako!" sagot ni JM. Kaya nakataas ang kilay
na pinasadahan ni Inday ng tingin ang
binatang nakatayo sa harapan niya. Okay,
guwapo ito. Matangos ang ilong, minsan
badboy ang mukha pero minsan ay maamo
rin. Maayos manamit, mabango at well?
Kahit paano, halata naman ang umbok sa
pagitan ng mga hita nito. May maipagmalaki
nga.
"Ba't mo mahal ang anak ko? Kasi malaki
ang boobs niya?" prangkang tanong ni Inday
kaya namutla si JM.
"'Yung totoong sagot, John Matthew!" ani
Inday na pinanlakihan ng mga mata ang
kaharap.
"I-Isa lang po iyon, Mommy Inday pero kung
boobs lang ang usapan, e di sana ikaw na
lang ang minahal ko dahil mas sexy at mas
may hinaharap ka kaysa sa anak mo," sagot
ni John Matthew kaya napahawak sa dibdib
si Inday.
"T-Talaga? Mas sexy ako kaysa sa anak ko?"
pabulong na tanong ni Inday kahit na silang
dalawa lang naman ang narito sa loob ng
opisina.
"Opo, mas sexy kayo kay Jaffy pero Mommy
Inday, secret lang natin iyon. Baka kasi
magalit ang asawa ko. Alam mo naman,
selosa 'yon minsan," bulong din ni John
Matthew. Hindi naman niya siguro inuuto
ang ina ng asawa niya dahil totoo naman.
Kug kurba lang ng katawan, mas lamang
talaga si Inday kaysa sa mga anak.
"Gosh! Sabi ko na nga ba e, hindi lang si Jim
ang nahumaling sa alindog ko," wika ni Inday
saka humagikhik.
Muling pinagmasdan niya si JM. HAng
guwapo talaga ng batang ito pero bilang
ina, nagtatampo pa rin siya rito.
"Umalis ka na, baka maabutan ka pa ng
asawa ko," pagtataboy ni Inday.
"Mommy? Si Jaffy, huwag naman ho ninyong
ibigay sa iba ang asawa ko. Akin lang siya
e," pakiusap ni John Matthew. Wala na
siyang choice kundi ito ang suyuin niya kahit
na nagmumukha siyang tanga kapag kausap
niya ito.
"Hmm? Umalis ka na bago pa ako magalit sa
'yo!" nakalabing sabi ni Inday.
"Mahal ko po si Jaffy at balang araw, sa
ayaw at gusto ho inyo, iuuwi ko ang asawa
ko kahit na patayin pa ninyo ako,"
seryosong sabi ni JM. Napasulyap siya sa
invitation card na nasa ibabaw ng mesa.
Alam niya kung para saan ito dahil
pinadalhan din sila ng mga Vasquez.
Business party sa opisina nila.
"Aalis na ho ako. Sana po maisauli na ninyo
ang asawa ko," malungkot na paalam niya
saka tumalikod na.
"JM?" tawag ni Inday kaya tumigil ang huli
at muling humarap sa kaniya. "Pag-isipan
ko," wika ni Inday kaya nabuhayan ng pag-
asa si JM.
"Salamat po, Mommy Inday. Ikaw po ang
pinaka-sexy, maganda at da best na
mother-in-law," puri ni JM kaya matamis na
ngumiti si Inday.
"Ikaw talaga. I know I am sexiest and
beautifuliest!" proud na wika ni Inday kaya
napailing si John Matthew bago lumabas.
Thanks God at hindi ganito si Jaffy.
Habang naglalakad, nakita niya si Jaffy na
kakalabas lang sa opisina ng ama nito.
"Hello, honey," nakangiting bati niya sa
asawa kaya marami ang empleyadong
napapalingon sa kanila.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" mahinang
tanong ni Jaffy at pasimpleng iginala ang
mga mata sa palibot. Siyempre, si John
Matthew ito kaya marami ang nakatingin.
"Binibisita ang legal na asawa ko," sagot ni
JM na gustong matawa dahil sa pamumula
ng mukha ng asawa. "Ang ganda mo
ngayon, honey. Kaya nga inlove na inlove
ako sa 'yo."
Napayuko si Jaffy. Nag-skip bigla ang puso
niya kahit na alam naman niyang binobola
lang siya ni JM. Binobola pero kinikilig
naman siya.
"Honey? Alis na ako," paalam ni John
Matthew at lumapit kay Jaffy saka
hinawakan ito sa baba para iangat ang
mukha. "Pero bago iyon, goodbye kiss
muna." Nanigas ang katawan ni Jaffy nang
maramdaman ang malambot at mainit na
mga labi ng asawa. Hinapit pa siya nito sa
bewang para mas dumikit ang mga katawan
nila. Wala siyang choice kundi ang gumanti
sa halik nito dahil masarap e. Isa pa, si JM
naman kasi ito kaya nawawala siya sa sarili.
Paano, nakakadala ang halik ng asawa.
Pareho silang hinihingal nang maghiwalay
ang kanilang mga labi. "Come back to me at
ipapalasap ko sa 'yo 'yan araw-araw,"
bulong ni John Matthew at nakangiting
tinalikuran ang nakatulalang asawa.