Ang Asawa Kong Barumbadoby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18
Unedited...
"Saan ka galing?" tanong ni Dylan sa anak.
"Sa asawa ko," sagot ni John Matthew sa
amang nakaupo sa sala katabi nito ang ina
niya.
"Uuwi na ba siya?" masiglang tanong ni Ann
pero hindi sumagot si John Matthew at
naupo lang sa tapat ng mga magulang.
"Noon, ayaw mo sa kaniya--" Dylan.
"Pagod na ako sa kaka-noon ninyo, Dad.
Noon, hindi ko siya gusto. Pero minahal ko
siya pero namatay ang anak namin dahil sa
gulong nangyari sa pamilya. Nagluksa ako,
pero ihinahampas ninyo si Jaffy sa harapan
ko. Nasakal ako pero napagod siya kaya
iniwan niya ako. At ngayon, masaya na siya
sa iba. Ano na ngayon? Ako ang talunan.
Sila ang masaya kaya please, tama na!"
mahabang litanya ni John Matthew. Hindi na
niya alam ang gagawin lalo na't ayaw siyang
kausapin ni Jaffy nang pinuntahan niya ito
kanina sa opisina. Ne hindi nga siya nilabas
para harapin.
"M-May iba na si Jaffy?" mulagat na tanong
ni Ann.
"Yes," mahina pero puno ng pait na sagot ni
John Matthew.
"Hindi magagawa ni Jaffy iyan! Hindi iyan
totoo. Binibiro ka lang niya para magselos
ka. Maniwala ka sa akin, hindi iyon totoo!"
giit ni Ann na sigurado sa pinagsasabi kaya
napahilamos si JM.
"Sana nga po, hindi. But fuck them! Sila na
talaga, Mom," nanghihinang sagot ni JM.
Sinundan niya kahapon sina Jaffy at nag-
dinner date sila kasama ang parents ni
Ranier. Kitang-kita pa nga niya kung gaano
kasaya ang mga mata ng asawa niya habang
nakikipag-usap sa parents ni Ranier.
"Hindi ako naniniwala. Pustahan, may
kinalaman talaga si Inday rito. Malakas ang
kutob kong pinipilit lang nila si Jaffy!" sabi
ni Ann at humarap kay Dylan kaya kinabahan
ang lalaki. Mukhang madugo ang hihingiin
ng asawa niya. "Baby? Kausapin mo si Jim,
mayaman naman tayo sa kanila. Bilhin natin
si Jaffy!" parang batang nagpapabili lang ng
laruan na sabi ni Ann.
"Baby naman. Hindi natin puwedeng
pakialaman ang desisyon ng parents ni Jaffy.
Alam mo namang mahirap kausapin ang mga
magulang nu'n," sagot ni Dylan kaya
hinampas ni Ann ang kanang hita niya.
"H-Hindi ba talaga puwede?" tanong ni Ann
habang nakatingala sa kaniya.
Umiling si Dylan at tumingin kay JM na
naka-de-kuwatro, "Hindi puwede. Hayaan
nating si John Matthew ang gumawa ng
paraan para maiuwi ang asawa niya."
"Gumagawa ako ng paraan," sabat ni John
Matthew. Wala pa siyang niligawan kahit na
isang babae. Kahit kay Aimee, hindi naman
siya nanligaw noon. Basta sila na lang nang
hindi niya alam kung paano.
Tumayo si John Matthew at naglakad
patungo sa veranda. Nakatayong nag-iisip
siya kung paano ba niya maitaboy ang
buwesit na si Ranier sa buhay ng asawa niya.
Kung kakasuhan niya ito, makukulong din si
Jaffy kaya hindi puwede.
"Mas guwapo si JM sa kung sino mang lalaki
ni Jaffy. Mas hot at mas malaki ang anak
natin. Mas magaling sa kama dahil sa 'yo sila
nagmana, Dylan!"
Narinig ni JM na sabi ng ina sa kaniyang
ama.
"Kung mahal mo ang isang tao, hindi
mahalaga ang kalamangan ng iba sa kaniya,
baby," sagot ni Dylan kaya naningkit ang
mga mata ni John Matthew na bumalik sa
sala. Hindi puwedeng ganito na lang palagi.
"Dad? Can I ask a favor?" seryosong tanong
ni JM kaya napalingon ang ama sa kaniya.
"What is it, son?" tanong ni Dylan at kahit
na naging pasaway ito, nahihirapan din
siyang nakikitang nagdurusa ang anak.
I want you to investigate Ranier Vasquez,"
sabi ni John Matthew kaya napakunot ang
noo ni Dylan.
"Why?" Dylan.
"Just wanna know his background. Kailangan
kong makahanap ng bagay na panlaban sa
kaniya," sagot ni John Matthew. Minsan lang
siya naging interesado sa buhay ng iba pero
kailangan niya para sa relasyon nila ni Jaffy.
Never siyang papayag na makuha nito si
Jaffy sa kaniya nang gano'n-gano'n na lang.
"Kung naghahanap ka ng butas, sa tingin
mo, hindi aware ang pamilya ng asawa mo
sa lalaking nauugnay kay Jaffy? Mas gamay
nila ang imbestigasyon kaya kung maayos
ang ipinapakita nila kay Ranier, hindi ba't
maayos ang pamilya nila? Isa pa, mabuting
pamilya ang mga Vasquez."
"Hindi magiging mabuting pamilya ang
pinagmulan ng hayop na 'yon kung nang-
aagaw siya ng asawa ng may asawa. Please,
Dad, I need your help."
"Personal nilang buhay iyon, JM. Walang
masamang ginawa ang mga Vasquez sa mga
Lacson."
"Meron!" malakas na sabat ni Ann. "Mula
nang agawin niya si Jaffy, masama na iyon
kaya i-background check mo sila!" giit ni
Ann at pinanlakihan ng mga mata ang
asawa.
------------------
"Oh, 'di ba? Tumutunog siya?" masayang
sabi ni Jaffy habang kausap ang batang
nakasabak sa kaniya at nilalaro ang baril na
de-baterya at umiilaw at tumutunog kapag
pindutin niya.
"Opo," magalang na sagot ng bata. Nasa
home for street children siya. Naisipan
niyang dalawin ang charity ng kaniyang
pamilya.
Malungkot na napatingin siya sa mga batang
naglalaro sa playground. Kung buhay lang
sana ang mga anak niya, malamang,
natututo na ang mga itong maglakad.
Napatingin siya sa mga nag-aalaga ng bata.
Nagulat siya nang makita si JM na nakaupo
sa tabi nila at nakatingin sa kaniya.
Gusto niyang tumakbo at yakapin ito dahil
hindi niya ito nakita kahapon pero pinigilan
niya ang saril. Kahit kailan, hindi nawawala
ang pagmamahal niya rito. Si JM lang ang
lalaking kaya niyang patawarin kahit na ang
lalim pa ng sugat na idinulot nito sa buhay
niya.
Tumayo ito at lumapit sa kaniya. "Hi,
honey," nakangiting bati ni JM kaya halos
matunaw ang puso niya lalo na nang makita
ang pantay-pantay at mapuputing ngipin
nito.
"H-Hello," naiilang na sagot niya. Ang hirap
naman ng sitwasyon niya. Iyong kailangan
niyang magkunwari na wala lang kahit na
ang puso niya, nagsusumigaw na mahal niya
ito.
"Honey? Ang saya ng mga bata," sabi ni
John Matthew na humarap sa mga batang
naghahabulan sa playground.
"Oo, parang mga walang problema," sabi ni
Jaffy na napatingin din sa mga ito. Ang
lakas ng tawanan nila habang nag-aasaran.
Parang walang hirap na pinagdaanan sa
gitna ng kalye noon.
"Masaya rin ang mga anak natin kapag
makabuo ulit tayo," pabulong na sabi ni
John Matthew habang nasa magkabilang
bulsa ang mga kamay. "Pupunuin natin ang
playground sa bahay natin ng laruan."
Napakagat sa ibabang labi si Jaffy. Kaysarap
pakinggan. Parang kagaya ng dati, puno ng
pangarap ang boses ni John Matthew.
"Hon? Ipinagpatuloy ko na ang pagpatayo
ng bahay natin," sabi ni JM. Iyon ang
inasikaso niya kahapon. Buo na ang desisyon
niyang tapusin ang sinimulang bahay.
Narinig niya ang malalim na buntonghininga
ni Jaffy.
"John Matthew? Kung ano man ang plano
mo sa buhay, wala na ako roon. Huwag ka
nang umasa na babalik pa ako at makagawa
tayo ng masayang pamilya dahil tapos na
tayo!" sabi ni Jaffy at sinalubong ang mga
mata niya. Nasasaktan siya pero nilabanan
niya ang galit. Kailangan niyang makuha muli
si Jaffy.
"Tatapusin ko ang bahay natin. Iuuwi kita
roon at gagawa tayo ng anak, Jaffy Garcia
Lacson! Walang ibang makaanak sa 'yo kundi
si John Matthew lang! Ako lang, Jaffy!" giit
ni JM kaya natameme si Jaffy.
"Akin ka lang at hanggat hindi kita
pinapakawalan, walang ibang aangkin sa 'yo,
honey. Believe me, haharangan ko ang lahat
ng magtangka lalo na si Ranier!"
"J-John Matthew, puwede bang pabayaan
mo na kami ni Ranier?" pakiusap ni Jaffy
pero ngumisi lang ang asawa.
"Pababayaan ko lang siya kapag iwan ka na
niya."
"Ba't ba ganiyan ka, JM? Noong nababaliw
ako sa 'yo, pinapabayaan mo ako. Pero
ngayong hindi na k-kita m-mahal, ganiyan
ka na sa akin?" nahihirapang tanong ni Jaffy.
"Dahil mahal kita, Jaffy. Mahal kita at ayaw
kitang ipamigay sa iba." Hinawakan niya ang
mga kamay ni Jaffy. "Nagsisisi na ako sa
pinaggawa at pinagsasabi ko. Please, umuwi
ka na, honey. H-Hindi ko kayang mawala ka
sa buhay ko. H-Hindi ko kayang makita kang
masaya sa iba dahil g-gusto ko, sa akin ka
lang sasaya. Alam kong tanga ako p-pero
sana bigyan mo pa ako ng pagkakataong
ipakita at iparamdam sa 'yo na mahal kita.
Mahal na mahal kita," naiiyak na pakiusap ni
JM. Nang hindi na makatiis ay mahigpit na
niyakap niya ang asawa.
"M-Maniwala ka, Jaff, gusto ko nang
magsimula tayong muli. Gusto ko nang
makasama ka sa iisang bubong. Na-misa kita
at hindi ko kayang mabuhay nang wala ka.
Please, come back to me, honey." Hinigpitan
niya ang pagkayakap. Baka sakaling sa
pamamagitan ng mga yakap niya,
maramdaman man lang nito ang labis na
pagmamahal at pangungulila niya.
Pero nadismaya siya nang malakas na tinulak
siya ni Jaffy at walang pasabing tinalikuran
siya.
"Honey!" tawag ni JM habang sinusundan
ang asawa. Lumabas ito sa gate at saktong
may tumigil na itim na kotse.
"Anak ng--" sambit ni JM saka tumakbo
palapit sa asawa at hinila ang kanang braso
nito. "Huwag kang sumama sa kaniya!"
"Hanggang ngayon, humahabol ka pa rin sa
kaniya?" wika ni Ranier.
"Pakialam mo? Honey? Huwag kang
sumama! Ako na ang maghahatid sa 'yo!"
giit ni JM saka hinigpitan ang pagkahawak sa
kamay ni Jaffy.
"Bitiwan mo ako, John Matthew! Si Ranier
na ang boyfriend ko!" sabi ni Jaffy saka
tinulak si JM palayo sa kaniya.
"Bullshit!" desperadong sabi ni JM nang
pumasok si Jaffy sa kotse ni Ranier.
"Sa akin siya sasama," wika ni Ranier na at
isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan
para mas lalong mainsulto si JM bago
pumasok sa kotse.
"Hindi mo makukuha ang asawa ko sa
harapan ko! Akin lang si Jaffy at walang
sinuman ang makakaagaw sa kaniya!" galit
na sabi ni JM saka nanggigigil na dinampot
ang batong kasinglaki ng kaniyang kamao
saka buong lakas na inihagis sa kotse ni
Ranier kaya nabasag ang salamin ng
backseat nito. Mabilis na dinampot niya ang
malaking kahoy sa tabi ng kalsada at
nanggigigil na binasag ang bintana ng kotse.
"Puta!" pagmumura ni Ranier nang bumaba
at galit na lumapit kay JM pero bago pa
nakalapit si Ranier, nahampas na niya ito sa
balikat. Bago makabawi, sunod-sunod na
hampas ang ginawa niya hanggang sa
matumba ito sa lakas ng pagkapalo niya.
"Tama na!" malakas na sigaw ni Jaffy saka
pumagitna sa dalawa. "Ranier? Okay ka
lang?" nag-aalalang tanong ni Jaffy habang
tinutulungang tumayo si Ranier. Galit na
humarap siya kay John Matthew.
"JM naman, marami ang tao. Hindi ka ba
nahihiya?" tanong ni Jaffy sa asawang
namumula ang mukha.
"Hindi! Bakit naman ako mahihiya kung
pinipigilan ko lang na makuha ng iba ang
asawa ko?" singhal ni John Matthew.
Susugod pa sana si Ranier pero inihanda ulit
ni John Matthew ang hawak na kahoy.
Pareho silang napatingin sa pumito.
"Ano ang nangyayari dito?" tanong ng
dalawang pulis na palapit sa kanila.
"Pakikulong nga nitong hayop na 'to!" sabi
ni Ranier at napahawak sa dumudugong ulo.
"Denepensahan ko lang ang karapatan kong
ipagtanggol ang asawa ko!" depensa ni JM.
"Sir, sumama na lang kayo sa presinto para
wala nang gulo," pakiusap ng pulis. Papalag
pa sana si JM pero pinusasan na siya ng
dalawa at pinasakay sa patrol car.
"Jaffy? Honey, kausapin mo nga sila. Asawa
naman kita e," pakiusap ni JM na
tinatadyakan si Ranier na pinapahidan ni
Jaffy ang sugat.
Napayuko si Jaffy at napakagat sa ibabang
labi. Hindi niya alam kung matatawa o
maaawa kay John Matthew. Tiyak, malaking
eskandalo na naman ito sa mga Lacson.
Well, kaya naman nilang pigilan ang balita
lalo na't kilala rin sa lipunan ang pamilya ni
Ranier.
