2.20

1.2K 43 0
                                    

Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

Unedited...
"Kumusta ka na, Jaffy?" nakangiting tanong
ni Mrs. Vasguez.
"Okay lang po," magalang na sagot ni Jaffy.
Nagdi-dinner sila sa mansion nina Ranier.
"Mabuti naman," nakangiting sabi ng ginang.
"Totoo bang hindi pa kayo hiwalay ni John
Matthew?" seryosong tanong ng ama ni
Ranier. Mabilis na inayos ni Jaffy ang sarili
para hindi mataranta.
"Pina-process na po namin ang divorce
papers pero matagal na ho kaming hindi
nagsasama," magalang na sagot niya.
"Dad? Okay lang po. Ise-settle na ng mga
magulang niya ang lahat," sabat ni Ranier.
"Iba pa rin ang nakasigurado, Ranier," wika
ng ama nito kaya napangiti si Jaffy.
"Huwag ho kayong mag-alala, nakikipag-
cooperate naman po si John Matthew at
napag-usapan na namin ang lahat,"
pagsisinungaling niya. Kung naririnig lang
siya ng asawa, ewan lang niya kung ano ang
gagawin nito. Malamang magwala na naman
iyon.
"Sana sa lalong madaling panahon ay
maayos ninyo ang gusot kung talagang
nagmamahalan kayo ng anak ko," sabi nito
kaya pilit na ngumiti si Jaffy.
Hinawakan siya ni Ranier sa kamay sa ilalim
ng mesa para maging kampante siya.
Matapos nilang kumain, nagpahinga muna
sila sa veranda at uminom ng tsaa.
Naunang nagpaalam ang ama ni Ranier kaya
silang tatlo na lang ang naiwan.
"Ang suwerte mo na sa mga Lacson, bakit
ka pa nakipaghiwalay kay JM?" tanong ni
Margaret kay Jaffy.
"May mga bagay-bagay lang na hindi worth
it ipaglaban," sagot ni Jaffy kahit na hindi
naman talaga iyon ang sinasabi ng puso
niya. Kahit saang giyera siya dadalhin,
ipaglalaban niya ang pagmamahal niya para
kay JM. Lalo na ngayong gumagawa na ito
ng effort.
"Kung sabagay, kung hindi ka na masaya sa
pagsasama ninyo, hindi naman tama na
manatili ka pa dahil masasaktan ka lang,"
may bahid ng lungkot ang boses na sabi ni
Margaret at napasulyap kay Ranier. Alam
niyang mahal ng anak niya si Jaffy at sana
lang ay huwag itong masaktan lalo na't
mabigat ang kalaban nito sa puso ni Jaffy.
Nag-usap pa sila ng kung anu-ano pero
matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na
rin ang ginang na mauna nang matulog.
"Jaff?" sabi ni Ranier at hinawakan ang
kanang kamay na nasa ibabaw ng mesa ng
kaharap na dalaga. "Mahal kita."
Ngumiti si Jaffy saka hinila ang kamay,
"Ranier? Low batt na ako e, puwede bang
makigamit ng telepono?" tanong ni Jaffy
para makaiwas sa topic. Hanggang ngayon,
hindi pa siya sumasagot sa tuwing
pagsabihan siya nito ng salitang "mahal
kita". Hindi niya kaya kahit na sabihing para
lang sa misyon niya.
"Sure, halika," yaya ni Ranier at tumayo saka
iginiya ang dalaga papasok sa bahay nila
para makigamit ng telepono.
Alam ni Jaffy na may CCTV ang buong
bahay nina Ranier kaya naging maingat siya
sa mga ikinikilos.
Pasimpleng namulsa siya at inipit sa pagitan
ng wedding ring at middle finger ang
sobrang nipis na voice recorder na kasing
laki lang ng battery ng wristwatch niya.
Gawa ito magagaling ng tauhan nila para
mapadali lang ang pag-record nila ng
usapan ng mga kalaban.
Inabot niya ang telepono at denial pero
pasimpleng idinikit niya sa ilalim ng speaker
habang inilalagay niya sa tainga.
"Dad? I'm done. Puwede mo na po akong
sunduin dito," sabi niya at ngumiti kay
Ranier na nakatingin sa kaniya. Nagu-guilty
siya sa ginagawa dahil ang bait nito sa
kaniya pero wala siyang magagawa. She has
to do this para sa mga kabataang nalululong
sa droga. Kailangan nilang putulin ang
supplier nila para maibalik sa tamang landas
ang buhay ng mga kabataan.
"Bye, Dad." Ibinaba na niya ang telepono.
"Sana ako na lang ang maghahatid sa 'yo,"
sabi ni Ranier.
"Ano ka ba, masyado na akong abala. Isa pa,
nasa malapit lang ang driver namin kaya
okay lang," sabi ni Jaffy saka tumayo. "Sa
labas ko na hintayin ang driver. Gusto kong
maglanghap ng sariwang hangin."
"Kahit kailan, hindi ka abala sa akin, Jaff,"
sagot ni Ranier saka sinabayan sa paglalakad
ang kasintahan. Nararamdaman naman niya
na hindi siya ganoon kaespesyal sa buhay ni
Jaffy pero umaasa pa rin siya. Umaasa na
balang araw, makalimutan nito ang asawa at
siya na ang mahalin nito.
"Salamat sa pagkain, Ranier," pasalamat ni
Jaffy at nilanghap ang preskong hangin at
bahagyang niyakap ang sarili dahil sa
malamig na hanging dumadampi sa balat
niya.
Naramdaman niya ang mainit na bagay na
tumakip sa likod niya. "Rake my jacket para
hindi ka lamigin," wika ni Ranier.
"Salamat. Isauli ko na lang kapag malabhan
na," sabi ni Jaffy at inayos ang pagkakasuot
sa jacket.
"Huwag na. Souvenir mo sa akin," sabi ni
Ranier at pinagmasdan ang dalagang
nakatingin sa poste. Ang ganda ni Jaffy,
gandang bumihag sa puso niya.
"Salamat. Medyo mahal 'to, a." natatawang
biro ni Jaffy.
"Mas mahal ang pagmamahal ko sa 'yo,"
hirit ni Ranier kaya pareho silang natahimik.
"Dumating na yata ang sundo ko," sabi ni
Jaffy nang marinig ang pagbusina ng driver
nila.
"Ingat ka," sabi ni Ranier nang binuksan ng
katulong ang gate.
Humarap si Jaffy at nginitian ang binata, "I
will. Salamat, Ranier." Hinalikan niya ito
bago lumabas.
Hindi bumaba ang driver kaya siya na ang
bumukas sa pinto at napapagod na naupo sa
tabi nito.
Tinawagan niya ang ama niya at kinausap
habang nakatingin sa bintana.
Nang matapos niyang kausapin ang ama,
humarap siya sa driver.
"Manong? May dadaanan ka pa ba?" tanong
niya dahil napansin niyang iba ang daang
tinatahak nila.
Hindi ito sumasagot kaya pasimple niyang
hinawakan ang handgun sa tagiliran.
"Manong?" tawag niya. Patay ang ilaw ng
kotse kaya hindi niya nakikita ang mukha ng
lalaki pero nang maka-adjust na ang mga
mata niya sa dili, napanganga siya nang
mapagtanto kung sino ang nagmamaneho.
"What are you doing, JM?" tanong niya.
"Akala ko, hindi mo na ako makikilala,
honey," sabi ni JM saka binilisan ang
pagpatakbo ng sasakyan.
"Ano ang ginagawa mo rito? Nasaan na si
Manong?" bulalas niya pero natuwa naman
siya dahil kasama na naman niya ang asawa
niya.
"Akala ko, hindi ka na lalabas sa bahay na
iyon dahil susugod na talaga ako!" pag-iiba
ni JM saka mahigpit na hinawakan ang
manibela. Kanina pa siya nag-aabang na
makalabas ang asawa. Ayaw naman siyang
pakinggan ng pamilya na kailangan niya ng
back-up. Ayaw nilang papasukin niya ang
bahay ng mga Vasquez para makuha ang
asawa niya.
"JM!" bulalas ni Jaffy nang hablutin ni JM
ang jackey niya.
"Hubarin mo 'yan, Jaffy! Hubarin mo!" Utos
niya saka itinigil ang pagmaneho.
"Giniginaw ako," depensa ng dalaga.
Naghubad si JM ng jacket. "Ito ang gamitin
mo! Hubarin mo 'yan sabi!" napipikon na
sabi niya kaya palihim na napangiti si Jaffy.
"Nagseselos ka?" tanong niya saka
pinagmasdan ang mukha ng asawa. Saktong
may malapit na poste kaya naaninag niya
ang guwapong mukha nito.
"Oo!" pag-amin ni JM, "Baka kasi kung ano
na ang pinaggagawa ninyo kanina!" Hindi
niya naitago ang hinanakit sa boses.
"Kumain lang naman kami kanina. Wala
namang nangyari," sagot nu Jaffy. Napansin
niya ang pagdilim ng mukha ni JM at
gumalaw ang panga.
"Paano mo nagawang sumaya kasama ang
iba gayong nag-aalala ako sa labas?" sumbat
ni John Matthew.
"Bakit ka nag-aalala?" tanong ni Jaffy.
"Siyempre mahal kita!" mabilis na sagot ni
JM na hindi na nag-isip pa ng sasabihin.
Pareho silang natahimik at napatingin sa
unahan.
"M-Mahal kita kaya nag-aalala ako nang
sobra," mahinang sabi ni JM saka hinarap si
Jaffy, "Sana mapatawad mo na ako sa mga
naging kasalanan ko. Babawi ako, honey.
Just give me a second chance para
mapatunayan kong totoo ang pagmamahal
ko."
"P-Pero gusto mo naman ng divorce, 'di
ba?" mahinang tanong ni Jaffy.
"Gusto ko ng divorce dahil gusto kong
magkaroon tayo ng oras pero hindi ko
iniisip na sa iba ka pala magkaroon ng oras,"
sagot ni JM.
"Ihatid mo na ako sa bahay," sabi ni Jaffy
dahil baka matukso pa siyang umuwi sa
bahay ni JM.
"Ayaw ko. Gusto pa kitang makasama nang
matagal kahit ngayong gabi lang," sagot ni
JM at pinabilisan ang pagpatakbo ng
sasakyan.
"JM naman, baka hinihintay na ako sa
bahay," sabi ni Jaffy.
"Hindi mo ba talaga ako mapapatawad?"
nanlulumong tanong ni JM at napasulyap sa
asawang nakatingin sa labas ng bintana kaya
hindi niya mabasa ang iniisip nito.
"May boyfriend na ako," sagot ni Jaffy at
napakagat sa ibabang labi. Huwag naman
sanang sumuko si JM sa kaniya. Lintik kasi
na misyon 'yan. Isa pa, kaunting pahirap pa
raw kay JM. Hindi ba nila alam na
nahihirapan din siya kapag nahihirapan si
JM?
"Asawa mo ako," paalala ni JM kaya
tumahimik na si Jaffy. Baka masobrahan ang
drama niya at tumigil na nga si JM. Siya nga
na mahaba ang pasensiya, napupuno rin. Ito
pa kaya? E, ang liit ng pasensiya ni JM.
"Nasaan si Manong?" tanong niya nang
patungo na sa bahay nila ang daan.
"Sa likod," tipid na sagot ni JM kaya nanlaki
ang mga mata ni Jaffy at agad na nilingon
ang backseat. Natutulog ang driver nila na
mukhang may pinainom si JM dito.
"Mahal kita kaya dapat alalahanin mo rin
ako. Sana bago ka makipaglandian sa iba,
isipin mo ring nasasaktan ako, Jaffy!"
"Ikaw nga may Aimee na."
"Wala na nga kami ni Aimee buhat nang
maging tayo. Walang nangyari sa amin at
alam mong ikaw lang ang babae sa buhay
ko! Ikaw lang ang nakakita na hubad ako.
Ikaw lang ang pinaglaanan ko ng katawan
ko!" sagot ni JM. Wala talagang ibang babae
na nakagamit sa kaniya kundi si Jaffy lang.
"E di inamin mo rin na virgin ka pa nga
noong firstime natin," sabi ni Jaffy na hindi
na napigilan ang sariling ngumiti.
"H-Hin--" Mas pinili na lang ni JM na itikom
ang bibig.
Narinig nila ang kaluskos sa likuran nang
malapit na sila sa bahay nina Jaffy. Kinausap
ni Jaffy ang driver bago nakipagpalitan kay
JM sa pagmaneho na huwag ipaalam na
nag-usap sila ni JM. Okay naman kay
Manong kaya nakahinga nang maluwag ang
ama niya. Pinababa nila sa kanto si JM.
Pagkapasok sa bahay, agad na dumiretso
siya sa kuwarto niya at naligo dahil sa
sobrang pagod. Pasado alas onse na kasi
kaya inaantok na siya.
Matapos ang mahigit kalahating oras ay
nanlalamig na lumabas siya sa shower room
na tuwalya lang ang nakabalot sa katawan.
Maliwanag ang buong silid dahil hinayaan
niyang nakabukas ang ilaw bago pumasok sa
shower room.
"John Matthew!" bulalas niya nang makitang
nakaupo ang asawa sa sofa at umiinom ng
coke na parang bang at home na at home.
"Miss me?" tanong ni JM saka inilapag ang
iniinom sa mesa. Tumayo siya at lumapit sa
asawa.
"Akala ko, matagal ka pa. Papasukin na sana
kita, honey," sabi niya.
Napahigpit ang pagkahawak ni Jaffy sa
tuwalya nang mapatingin si JM sa dibdib
niya.
"B-Bakit ka nandito?" tanong niya. E? Ang
guwapo ni JM. Na-miss na niya ito. Kung
puwede lang sanang mayakap.
"Body bonding," nakangiting sabi ni JM.
"Hindi ka ba natatakot na baka mahuli ka?"
tanong ni Jaffy na iniwas ang mga mata
nang magsimulang maghubad ang asawa sa
harapan niya. Ghad, pinagpala ito sa lahat
ng pinagpala.
"Alam mo bang kanina pa kita gustong
angkinin sa kotse pa lang kaso baka
magising si Manong?" malambing na tanong
ni JM at tuluyan nang ibinaba ang huling
saplot sa katawan.
Kitang-kita niya kung paano napalunok ng
laway si Jaffy habang nakatitig sa alaga
niyang hinahawakan ng kanang kamay niya.
"Tonight, be my wife, honey," pabulong na
sabi ni JM at maingat na tinanggal ang
tuwalya ni Jaffy na walang pagtutol mula
rito. "Na-miss ka na namin ng alaga ko."
Tumambad sa kaniya ang halos perperktong
katawan ni Jaffy. Itinaas niya ang
magkabilang kamay saka hinawakan ang
magkabilang boobs ng asawa. Ang init nito
at ang lambot kaya mas lalong nagwawala
ang alaga niya. Gusto na nitong makapasok
sa mainit na kuweba ng asawa.
"Akin ka lang, Jaffy. Akin lang ang puso't
katawan mo," sabi niya saka pinangko si
Jaffy at maingat na inihiga sa kama.
Walang pagtutol na naganap hanggang sa
puro ungol na lang ang naririnig nila sa loob
ng silid ni Jaffy.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon