BARUMBADONG VIRGIN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 3
Unedited...
"Ikaw ang sumundo kay Anndy," sabi ni
Lance Leonard kay Jacob.
"Bakit ako? Parati na lang ako! Ako na nga
ang pumunta sa party, tapos ako pa ang
susundo kay Anndy? Hay! Ano ba naman
kayong kapatid? Ginawa na ninyo akong
utusan a!" reklamo ni Jacob at tila isang
maliit na bulate na nakikipaglaban sa mga
dragon.
"Dami mong reklamo! Sunduin mo na kasi!
Malalagot tayo kay Daddy!" sabi ni Lee
Patrick.
"Haist! Ako na naman? Ikaw ang sumundo,
John Matthew! Bayad sa pagdalo ko ng
debut ni Jaffy!"
"Oo na!" pagsang-ayon ni John Matthew.
Wala naman siyang ibang pupuntahan kaya
dadaanan na lang niya ang kapatid at
yayaing manood ng sine.
-----------
"Uy, ang cute!" sabi ni Christine na magiliw
na nakatingin sa pusang naglalambing sa
mga paa niya.
"Bakit nandito 'yan?" tanong ni John
Matthew.
"Baka pinakawalan ni Kuya para
makapamasyal naman siya," sagot ni Anndy.
"Hello, ang cute mo!" ani Christine at
binuhat ang pusa.
"Bakit mo hawak ang pusa ko?" madilim ang
mukhang tanong ni LL na kakalabas lang ng
kusina.
"H-Ha? Ang bait po kasi niya," natatakot na
sagot ni Christine dahil parang magnanakaw
ang tingin sa kaniya ng binata.
"Sabihin mo lang kung bawal hawakan!"
sabat ni John Matthew at kinuha kay
Christine ang pusa.
"Akin na nga siya! Baka mamaya, mahawaan
pa ninyo siya ng sakit!" Lumapit si LL at
kinuha ang alagang pusa sa kapatid.
"Bakit ka pumunta rito? Di ba sabi ko, doon
ka lang sa kusina kasama ko?" sabi niya at
hinimas ang ulo ng matabang pusa. "Huwag
na huwag ninyong hawakan ang pusa ko!"
bilin niya sa mga ito saka tumalikod.
"Isaksak mo sa baga mo ang pusa mo!
Gawin ko 'yang siopao e!" pahabol ni JM.
"Pagpasensiyahan mo na si LL," paumanhin
ni JM nang mapansing namumutla pa rin si
Christine. "Ganiyan talaga siya. Malapit na
naming ipadala sa mental pero ayaw lang
nina Mommy," pagbibiro niya.
"Depressed kasi si Kuya," sabat ni Anndy.
"Psh! Kaartehan lang!" sabi ni JM. "Maiwan
ko na kayo, magbibihis pa ako."
"Halika, usap tayo nina Mommy," yaya ni
Anndy sa kaibigan at tumungo sa elevator.
"Anndy!" tawag ni Noona na may bitbit na
paperbag.
"Ate!"
"Nasaan si Lance?"
"Nasa hardin yata tumungo, hindi ko lang
alam," sagot ni Anndy sa kaibigan ng kuya.
"Sige, puntahan ko lang siya," paalam ni
Noona at lumabas ng bahay. Agad naman
niyang nakita si Lance na sinusundan ang
tumatakbong pusa.
"Huwag kang lumayo, Monay! Kahit ano pa
ang takbong gagawin mo, hahabulin at
mahahanap kita!"
"Lance!" tawag ni Noona.
"Huli ka!" sabi ni Lance at niyakap ang hawak
na pusa.
Meow!
"Huwag ka nang lumayo kung ayaw mong
ikulong kita sa kuwarto ko!" parang batang
pinapagalitan niya ang pusa.
"O, ba't nandito ka, Noona?" tanong ni LL
at lumapit sa kaniya.
"May dala akong pagkain ni Pitoy. Try mo
lung gusto niya itong friskie," sabay taas ng
paperbag.
"Talaga? Sige, para mas tumaba si Pitoy!"
sabi ni Lance.
"Pagupitan mo ang balahibo niya para mas
lalong gumanda. Kumpleto na ba 'yan sa
immunization?" tanong ni Noona at hinimas
ang ulo ng pusang hawak ni LL.
"Next week pa ang appointment namin.
Hindi ba siya lalamigin kapag pagupitan ko?"
nag-aalalang tanong ng binata.
"Hindi naman yata basta hinaan mo lang ang
aircon mo," sagot ni Noona at nilalaro ng
kamay ang balahibo sa leeg ni Monay.
"Kung sabagay, makapal na ang balahibo ni
Monay, kailangan nga niya sigurong
pagupitan," pagsang-ayon ni LL.
"Leonard? Gusto mo bang pumunta sa
amusement park?" tanong ni Noona.
"Puwede ba ang pusa roon?"
"Hindi ko alam e. Sa children's park na lang
para puwede natin siyang mapasyal,"
suhestiyon ng dalaga.
"Sige! Para makalabas naman siya. Palagi ko
na lang kasing kinukulong sa kuwarto,"
pagsang-ayon ng binata.
Naglakad na sila papasok ng mansion.
"Noona?"
"Hmmm?"
"Salamat kasi parati kang nandiyan sa akin
kahit na ipinagtatabuyan kita," pasalamat ni
LL. Si Noona lang ang nakakatiis sa kaniya at
nakakaintindi sa kaniya. Ngumiti ang dalaga.
"Wala iyon, naiintindihan kita." Pinagmasdan
niyang maigi ang guwapong mukha ni LL.
Mahal niya ito kahit na alam niyang wala
siyang pag-asang mahalin din siya ng binata
dahil mas mahal nito si GV.
"Sana dumating ang araw na mahalin mo rin
ako, LL," umaasang bulong niya at sumunod
na sa binata.