2.8

985 40 0
                                    

Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Unedited...
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni JM
nang madatnan niya ang Lola Angel niya na
nakaupo sa sala at nakikipag-usap kina Ann
at Dylan.
"Anak? Magbabakasyon si Lola Angel dito,"
sabi ni Ann na hindi ikinatuwa ni JM. Para
ano na matuwa siya? E, kung sila ang
dahilan kung ba't nawala ang mga anak niya.
"Hindi na ba kami welcome sa bahay ng
parents ko? Sa pagkakatanda ko, bago
kayo, kami mun ang tumira sa mansion na
ito?" nakataas ang kilay na tanong ni Angel
sa apo.
"Magpapahinga lang po ako," walang ganang
paalam niya bago pa siya mawalan ng
respeto sa lola.
Kung hindi dahil sa kanilang tatlo, hindi sana
mapasabak si Jaffy sa laban. Sana buhay pa
ang mga anak niya.
Pagpasok niya sa kuwarto, agad na tumayo
si Jaffy sa kama na nag-aalala ang mga
mata.
"H-Honey, si Lola Angel, nandito," pagbigay
alam ni Jaffy kay JM. Alam kasi niyang galit
si JM sa tatlong matanda. Kahit sila, sinisisi
rin ni JM sa pagkawala ng anak nila..
"Alam ko," malamig na tugon ni JM at
walang pakundangang naghubad sa harap ng
asawa. Si Jaffy na lang ang tumalikod at
lumapit sa closet saka kinuha ang damit
pambahay ni JM. Pagkaharap niya, naka-
boxer shorts na lang ito. Naiilang siyang
pagmasdan ang malapad at makinis na
dibdib nito. Hindi gaya ng dati, malaya
niyang pagmasdan at higit sa lahat,
nahahawakan pa.
"Pakitawag sa katulong at pasabing
pakihatid ng pagkain ko, dito ako kakain ng
hapunan sa kuwarto," pakiusap ni JM bago
tumalikod at lumapit sa shower room.
Tinawagan niya ang katulong sa baba at
sinabi na magpapahatid si JM ng pagkain
para sa hapunan mamaya. Alas singko pa
lang ng hapon kaya naisipan niyang lumabas
muna sa terraza para magpahangin.
Nakatanaw siya sa malayo. Ang lawak ng
bakuran ng mga Lacson. Kahit saan siya
tumingin, magaganda ang nakikita ng
kaniyang mga mata. Mula sa mga
namumukadkad na rosas sa hardin na puno
ng paru-parong may iba't ibang kulay, mga
ibong nag-aawitan sa sanga ng malalaking
puno at malawak na swimming pool. Ang
yaman nila. Wala sa kalahating yaman ng
pamilya niya pero sa lahat ng kayamanan
nila, ang pamilya pa rin ang
pinakamahalagang kayamanan para sa kanila.
Kaya malaki na ang ipinagbago ng asawa
niya mula nang mawala ang anak nila. Hindi
naman maganda ang pakikitungo ni JM sa
kaniya noon pero mas lalo na ngayon.
Tumingala siya sa kalangitang may iba't
ibang anyo ng ulap.
"Alam kong masaya na kayo. Alam kong
nasa piling na kayo ng Poong Maykapal,"
bulong ni Jaffy at sa halip na umiyak,
ngumiti siya. Naniniwala pa rin siya sa plano
ng Diyos para sa kanila ni JM. Dahil kung
talagang para sa kaniya ang quadruplets na
iyon, hindi ito babawiin ng Panginoon.
"Kaya ko 'to! Makukuha ko rin ulit ang loob
ng daddy ninyo," bulong niya saka pumikit
at sinamyo ang preskong simoy ng hangin.
Wala naman siyang inuurungan.
Napalingon siya nang marinig ang pagbukas
ng sliding door. Lumabas si JM na nakabihis
na. Ang presko nito tingnan dahil kaka-
shave lang at basa pa ang buhok.
Hinila nito ang isang silya at naupo saka
ipinatong ang mga paa sa maliit na lamesa
sa unahan at kumuha ng sigarilyo sa bulsa.
"Hindi ba't masama ang sigarilyo sa
katawan?" tanong ni Jaffy. Ayaw talaga niya
sa lalaking naninigarilyo. Humithit si JM saka
ibinuga ang usok.
"Hindi ba't masama rin ang sobrang alak sa
katawan lalo na't kakapanganak mo lang?"
baliktanong ni JM kaya natahimik si Jaffy. Si
Mommy kasi niya e. Ang kulit.
"Isang bote lang naman," ani Jaffy pero
pinagmasdan lang siya ni JM.
"JM? P-Puwede ba akong magtrabaho sa
company ninyo?" tanong ni Jaffy nang wala
nang maisip na topic. Sa kompanya ito ng
mga magulang nagtatrabaho. Kailangan daw
muna nilang matuto bago magpatayo ng
sariling kompanya.
"May family business naman kayo, bakit sa
amin pa, Jaffy?"
"K-Kuwan... Para magkasama tayo," sagot ni
Jaffy at napasulyap sa asawa pero kumunot
lang ang noo nito. "Kung hindi puwede,
huwag na lang."
Napatingala sila nang marinig ang chopper
na papalapag sa helipad ng mansion.
"Sina Anndy," wika ni Jaffy saka tumayo,
"Sasalubungin ko lang sila," paalam niya sa
asawa. Nang hindi ito sumagot ay lumabas
na siya sa terraza para salubungin ang
bunsong kapatid ni JM.
"Hello, Dale!" bati niya batang naunang
tumakbo pababa ng hagdan kaysa sa mga
magulang.
"Tita Jaffy, look!" masayang sabi ni Dale at
ipinakita ang hawak nitong bahay ng
posporo.
"Ano 'yan?" nakangiting tanong ni Jaffy sa
batang may mahabang buhok para matakpan
ang tainga nito.
"Gagamba laman nito," sabi ng bata habang
tumutulis pa ang nguso.
"Apo ko!" wika ni Ann na kakalabas lang ng
elevator.
"Granda! Look, may gagamba ako," wika ni
Dale at pinakita sa lola ang gagambang
nahuli kaninang umaga. Tinuruan siya ng
ama kung paano maghanap ng gagamba.
Kapag may makita siyang spiderweb, sundan
lang niya hanggang sa dulo nito para
mahanap ang gagamba. Kanina, sa dahon ng
saging siya nakahanap.
"Talaga? Wow!" wika ni Ann at idinipa ang
mga kamay. Kaagad namang yumakap si
Dale sa kaniya.
"Mommy," wika ni Anndy habang yakap ang
isang anak. Ang isa naman ay ang asawa nito
ang may bitbit.
"Mabuti at napasyal kayo," ani Ann at
humalik sa bunsong anak.
Bumaba sila at sa sala na nag-usap kasama
si Angel.
"Ang dami ko nang apo, ah," wika ni Angel
at kinuha ang sanggol na bitbit ni Anndy.
"Sina Kuya Gab po?" tanong ni Dale. Excited
na siyang makita ang mga pinsan.
"Tawagan natin para pumunta sila,"
nakangiting sabi ni Ann at napasulyap kina
JM at Dylan na kakalabas sa elevator.
"Tito JM? Look o, may babies kami," proud
na sabi ni Dale kaya lahat sila ay napatingin
kay JM na hindi maipinta ang mukha.
Napasulyap si JM sa kambal na anak ni
Anndy na kinakalong na ng Lola Angel nila.
Napayuko si Jaffy, alam niya kung bakit
ganito ang inaasal ni JM. Walang imik na
lumabas ang asawa niya palabas ng mansion.
"Hayaan muna ninyo siya," malungkot na
sabi ni Ann habang nakatingin sa papalabas
na anak.
"Baby Z? Pakitimpla naman ng gatas ang
babies natin," pakiusap ni Anndy kaya
tumalima ang asawa at tumungo sa kusina.
"Pahawak muna ng mga apo mo," sabi ni
Angel kay Dylan at ibinigay ang dalawang
sanggol saka tumayo, "Magpapahangin lang
ako sa hardin."
Lumabas siya. Sa loob ng mahabang taon,
nanirahan siya sa mansion na ito kaya kahit
paano, na-miss din niya ang lugar na ito.
Naalala pa niya noong bata pa sila ni
Demetrio, palagi silang naghahabulan sa
hardin na ito.
Napatingin siya kay JM na nakaupo sa
gazebo at naninigarilyo.
Napabuntonghininga siya at nilapitan ang
apo sa kapatid.
"John Matthew?" tawag niya. Ibinuga ni JM
ang usok ng sigarilyo saka pinatay sa
ashtray. "Puwede ba tayong mag-usap?"
"Para ano pa?" tanong ni JM na nakatingin
sa malayo.
"Galit ka sa aming mga lola mo dahil sa
nangyari, kaya pasensiya ka na," paumanhin
ni Angel. Alam nilang buntis si Jaffy noon.
Hindi lang talaga nila inaasahan ang pag-
atake nito para ipagtanggol ang kakambal.
Actually, si Jaff at Zero lang ang puntirya
nila pero wala naman silang balak na
ipahamak ang dalawa dahil hindi nila kayang
patayin si Jaffy. Sinusubukan lang nila ito at
higit sa lahat, practice na rin dahil matagal
na silang hindi nakalaban. Ang masama lang
ay sumali si Jaffy kaya mabilis na tinapos ni
Erin ang laban nila dahil nga buntis ang
dalaga.
"Hindi maibabalik ang pasensiya ninyo ang
buhay ng mga anak ko!" mahina pero puno
ng hinanakit na sagot ni JM.
"We know," malungkot na sagot ni Angel at
napasulyap kay JM.
"Bakit ka umuwi?" tanong ni JM.
Naupos si Angel at napatingin sa malawak
na hardin. Napangiti siya nang makita sa
balintataw ang inang si Patch habang
nagtatanim ng mga rosas dito.
"Dahil gusto kong hiwalayan mo na si Jaffy,"
prangkang sagot ni Angel kaya napatingin si
JM sa kaniya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni JM.
"Dahil may iba kang papakasalan,"
seryosong sagot ni Angel kaya sumalubong
ang mga kilay ng binata.
"Kasal na ako kay Jaffy!" paalala ni JM at
naikuyom ang kamao. Sapilitan lang ang
kasal nila dahil hindi talaga siya papayag
noon kaso nagbanta ang pamilya ni Jaffy na
dadanak ng dugo kapag hindi niya pakasalan
si Jaffy.
"Kaya nga hiwalayan mo siya. Uso ang
divorce kaya huwag kang matakot. Isa pa,
nakausap ko na ang ina niya, payag silang
mag-divorce kayo," pagpaliwanag ni Angel.
"Bakit sa iba ako magpapakasal?" tanong ni
JM.
"Arranged marriage," sagot ni Angel.
"Sino at kanino?" tanong ni JM.
"Kaming lahat at sa apo ng kaibigan ng Lola
Patch mo," sagot ni Angel kaya natigilan si
JM at kapagkuwa'y tumaas ang isang sulok
ng labi nito na parang bang nainsulto ito.
"Kaya ba pinatay ninyo ang mga anak ko?"
galit na tanong niya.
"Aksidente lang ang pagkalaglag ng mga
anak mo. Why don't you blame your wife?"
depensa ng matanda.
"Tama na! Hihiwalayan ko si Jaffy at
magpakasal sa babaeng ipakasal ninyo sa
akin!" agarang sagot ni JM kaya si Angel
naman ang napanganga.
"B-Bakit ka kaagad pumayag?" tanong ng
matanda na nakatitig sa mukha ng apo.
"Dahil ayaw ko siya bilang asawa," walang
kabuhay-buhay na sagot ni JM saka
tumalikod sa matanda.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon