2.24

1K 40 1
                                    


Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

Unedited.
"Manong? Bakit ka tumigil?" tanong ni Jaffy
na kakatapos lang makipag-usap kay Ranier.
Papunta na sila ngayon sa opisina nila dahil
sa party. Nauna na nga ang mga magulang
niya roon. Walang gaanong dumadaan dito
at madulas pa ang kalsada dahil umuulan.
Patay rin ang ilang ilaw ng poste.
"Ma'am? May humarang po sa unahan
natin," sagot ng driver na nakatingin sa itim
na kotseng nasa harapan.
"Shit!" sambit ni Jaffy at inihanda ang
handgun na nasa ilalim ng upuan.
"Paputukan na ba natin? Mukhang tayo ang
puntirya," tanong ni Manong at kinuha ang
baril na nasa tagiliran.
"Huwag!" pagpigil ni Jaffy nang makilala ang
itim na kotse.
Bumukas ang pinto sa driver's seat at
bumaba ang asawa.
"Haist! JM naman!" bulong niya na
nakatingin sa asawang palapit sa kanila.
Basang-basa na ito ng ulan.
Kinatok sila nito kaya binuksan niya ang
bintana.
"J-John Matthew? Ano ang ginagawa mo
rito?" tanong ni Jaffy at napatingin sa
madilim na mukha ng asawa. Salamat sa ilaw
ng kotse nito dahil kitang-kita niya kung
gaano kagalit ang asawa pero guwapo pa rin
naman ito.
"Baba!" walang emosyong sabi ni John
Matthew na napasulyap sa damit ng asawa
na halos luluwa na ang dibdib nito.
"Tumabi ka sa daan, may pupuntahan pa
ako," sabi ni Jaffy pero nagulat siya nang
suntukin ni JM ang bintana.
"Bumaba ka sabi!" wika ni JM. Tahimik lang
si Manong at naghihintay ng senyas ni Jaffy.
Alam naman niyang away mag-asawa lang
ito.
"Ayaw ko! Itabi mo ang kotse at dadaan
kami! Sagabal ka sa pupuntahan ko!" tanggi
ni Jaffy.
"Manong? Bumaba ka at kotse ko ang
imaneho mo, palit tayo!" sabi ni JM at
dinukot ang susi sa bulsa.
"No!" mabilis na tanggi ni Jaffy, "Manong,
huwag mo siyang sundin!"
"Pupunta ka sa party? Para ano, Jaffy? Para
ipakipagsapalaran ang buhay mo?" galit na
tanong ni JM at muling tumingin sa driver.
"Manong? Bumaba ka na!"
"Huwag, manong. Ako ang amo mo kaya ako
ang sundin mo!" madiing wika ni Jaffy kaya
nalilito na ang driver sa dalawa.
"Mahal mo ba ako, Jaffy? Dahil kapag
tumuloy ka, hindi na kita mapapatawad pa!
Habambuhay na hindi mo na ako makikita
pa!"
Natigilan si Jaffy. Seryoso si John Matthew
kaya biglang nabuo ang takot sa puso niya
pero sinubukan niyang maging kalmado.
"Pupunta ako sa party."
"Stop this nonsense mission, Jaffy Lacson!"
puno ng awtoridad na sabi ni JM kaya
nagulat si Jaffy.
"Kung misyon mo man ito, sinasabi ko na sa
'yong itigil mo na! Pero kung mahal mo
talaga si Ranier kaysa sa akin, sige, tumuloy
ka na sa party na iyon pero kahit kailan,
hindi mo na ako makikita! Ako mismo ang
magpro-process ng divorce papers natin!"
matapang na sabi ni John Matthew saka
tumalikod kina Jaffy.
Bumalik siya sa sasakyan niya at mabilis na
minaneho palayo kay Jaffy.
Nasasaktan siya. Masakit dahil parang mali
siya. Mukhang hindi naman talaga misyon
ang rason kung bakit sila na ni Ranier. Baka
mahal nga talaga ito ni Jaffy.
Pagdating sa bahay, nadatnan niya si Jacob
na kumakanta kasama si Hael.
Tuloy-tuloy lang siya sa kuwarto. Ne hindi
nga niya napansin ang kaniyang ina na
tumawag sa kaniya.
"Argh!" sigaw niya saka itinapon ang lahat
ng gamit. Siguro nga, wala nang chance
para mabuo ang pamilya na pinangarap niya.
Kasalanan naman niya e. Binalewala niya
noon si Jaffy.
"A-Anak?" natarantang sabi ni Ann nang
makita ang ginawa ng anak. Lumapit siya
rito at pinigilang suntukin ang TV. "T-Tama
na, mahal 'yan."
"B-Bitiwan mo ako, Mom!" wika ni JM saka
sinipa ang sofa.
"T-Tama na!" naiiyak na sabi ni Ann at
niyakap ang anak, "T-Tama na, JM, t-tama
na."
"H-Hindi na niya ako mahal, mom. Mas
mahalaga pa ang ibang tao kaysa sa akin!"
luhaang sabi ni JM at tinanggal ang mga
kamay ng ina at napaupo sa kama kahit na
basa pa ang damit. Nang hindi mapakali ay
iniuntog niya ang ulo sa headboard ng kama
pero agad na inilagay ni Ann ang mga kamay
para hindi siya masaktan.
"H-Huwag mong gawin 'yan, m-masaktan
ka," naiiyak na sabi ni Ann. Natatakot siya
para sa anak.
"H-Hindi ako mahal ni Jaffy. Hindi!" sigaw
niya saka pinaghahagis ang lahat ng unan sa
kama.
"M-Mahal ka niya, ano ka ba. Mahal ka ni
Jaffy," umiiyak na sabi ni Ann saka niyakap
ang anak.
"Ano na naman ang nangyari dito?" galit na
tanong ni Dylan nang pagpasok niya ay
magulo ang kuwarto ng anak.
"I hate my life!" sambit ni JM saka
napahilamos sa mukha.
"Ano ang problema mo? Umayos ka nga!"
saway ni Dylan.
"Hindi ako mahal ni Jaffy! Mas mahalaga pa
sa kaniya ang ibang tao kaysa sa akin! Iniwan
na talaga niya ako!" sigaw ni JM na para
bang ang mga magulang ang kalaban niya.
"Kaninong kasalanan? Kami ba ang
nagkulang?" sigaw rin ni Dylan na malapit
nang ma-highblood sa anak.
Tumahimik si JM saka padapang nahiga sa
kama at isinubsob ang mukha sa natitirang
unan na hindi pa niya natapon.
"Dapat maging masaya ka dahil iyon naman
ang gusto mo. Ikaw ang tataboy-taboy
tapos ikaw ang magwawala nang makahanap
siya ng iba? Ayos ka rin, ano?" galit na sabi
ni Dylan kaya tumihaya si JM.
"N-Nasabi lang ninyo k-kasi masaya kayo ni
Mommy! Pero kapag iiwan ka niya, iiyak ka
rin kagaya ko o sobra pa!"
"Hindi ako kasing duwag mo," mahinang
sabi ni Dylan, "kahit kailan, hindi ko
tinalikuran at itinaboy ang Mommy Ann
ninyo mula nang malaman kong mahal ko
siya. Kahit sa kalungkutan, dinadamayan ko
siya!"
Hindi kumibo si JM. Narinig na lang niya ang
pagsara ng pinto.
"H-Honey," sambit ni JM. Nag-aalala siya sa
asawa kaya napatayo siya. Pupunta siya sa
party para masiguradong ligtas si Jaffy.
Front lang nila ang party para walang
magduda. Ang totoo, may malaking
shipment ng shabu na gaganapin ngayong
gabi.
Mabilis na nagpalit siya ng damit at lumabas
sa kuwarto saka bumaba.
"O? Saan ka pupunta? Videoke muna tayo,"
tanong ni John Jacob pero nilagpasan na
naman niya saka sumakay sa ducati.
Papalabas na siya sa gate nang tumigil ang
itim na kotse sa tapat ng bahay nila saka
umiiyak na lumabas si Jaffy. Tumila na rin
ang malakas na ulan kanina.
"Honey!" sambit ni JM at bumaba sa ducati
saka patakbong sinalubong ang asawa.
"JM!" wika ni Jaffy at sabay silang
nagyakapan. "I-I'm sorry," umiiyak na
paumanhin niya.
"H-Hindi ka tumuloy sa party," bulong ni JM
at kumalas Sa pagkakayakap saka pinahidan
ang mga luha ng asawa kahit na umiiyak din
siya. "N-Nandito ka."
Ngumiti si Jaffy at mas lalong tumulo ang
mga luha. "M-Mahal kita, JM. Mahal na
mahal kita."
"T-Thanks God at ako ang pinili mo," bulong
ni JM saka mahigpit na niyakap ang asawa.
"I-Ikaw naman talaga," sabi ni Jaffy at
sumensyas sa driver na umalis na.
"Halika, pasok ka," yaya ni JM saka hinila
papasok ang asawa.
"O? Ba't bumalik ka na naman?" tanong ni
John Jacob pero nilagpasan lang siya ng
kapatid.
"Grabe! Pangatlong beses akong dinedma ni
JM ngayong gabi," sabi ni Jacob kay Hael.
Nang makarating na sila sa loob ng silid,
agad na niyapos ni JM si Jaffy.
"B-Bakit magulo ang kuwarto mo?"
nagtatakang tanong ni Jaffy nang mapansin
ang kabuuan ng silid ng asawa.
"A-Akala ko kasi, sa party ka tumuloy,"
sagot ni JM at hinapit sa bewang ang asawa
para magkadikit ang kanilan nga katawan ni
Jaffy. Mabilis na hinalikan niya si Jaffy sa
mga labi. "Hindi mo lang alam kung gaano
ako kasaya ngayon, honey."
Ngumiti si Jaffy. "Ako rin, masaya rin ako."
Wala na siyang pakialam sa misyon niya. Mas
mahalaga ang asawa niya ngayon higit kahit
kanino.
"Mas lalo na ako," sagot ni JM at napalunok
ng laway nang mapayuko sa dibdib ni Jaffy.
Tumaas ang mga kamay niya at hinipo ito.
"Bakit ka nagsusuot ng ganito? Alam mo
bang ayaw ko na ganito ang suot mo?"
Pinisil niya ang boobs ni Jaffy na ikinaungol
nito.
"S-Sorry," paumanhin ni Jaffy na tinatanggal
ang sinuturon ni JM. Na-miss na niya ang
asawa.
"Hmm? Dapat may bayad," wika ni JM saka
tuluyang ibinaba ang saplot ng asawa.
"Sige!" wika ni Jaffy saka tinulak si JM
pahiga sa kama saka ibinaba ang pantalon ni
JM.
"Oh ghad!" sambit ni JM saka kinagat ang
kanang kamay niya nang yumuko si Jaffy at
nilalaro ng dila nito ang kaniyang alaga.
"Shit! H-Honey... Aaah!" sambit ni JM at
napasabunot sa buhok ni Jaffy dahil sa
sobrang sarap.
Binilisan pa ni Jaffy ang ginagawa. Sanay na
siyang gawin ito kay JM noon.
"N-Naughty! Fuck!" sambit ni JM saka hinila
pataas ang asawa para magpantay ang
katawan nila. .
"Kyah!" tili ni Jaffy nang biglang nagpalit sila
ni JM ng puwesto. Ito na naman ang nasa
itaas niya.
"Miss me?" nakangiting bulong ni JM saka
ini-rub ang pagkalalaki sa gitna ng hita ni
Jaffy.
Tumango si Jaffy at napakagat sa ibabang
labi nang ipasok ni JM ang middle finger
nito sa pagkababae niya.
"Oooh..." ungol niya nang simulang igalaw ni
JM ang daliri.
"You're so wet, honey," nakangising sabi ni
JM at yumukod para angkinin ang kanina
pang nang-aakit na dibdib ni Jaffy kaya mas
lalong dumulas ang dalaga.
"H-Honey... Ohhh..." wika ni Jaffy at
napayakap sa leeg ng asawa.
"Want me?" pilyong tanong ni JM at
isinagad ang daliri sa loob ng asawa.
"Y-Yes, please..." pakiusap ni Jaffy kaya
nanggigigil na kinagat ni JM ang balikat ng
asawa kasabay ng pagpasok niya sa kuweba
nito.
"Aaah..." ungol ni JM at sinimulang ang
ginagawa. Mas lalong binilisan niya nang
malakas na ungol din si Jaffy hanggang sa
pareho na silang tumigil at hinihingal
matapos makarating sa mahaba at masarap
na biyahe.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon