Ang Asawa Kong Barumbadoby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
"Bakit nandoon kayo kanina sa restaurant?"
tanong ni JM nang pumasok sa kuwarto nila.
"Kumakain kami," sagot ni Jaffy habang
nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin.
Alas nuwebe na ng gabi pero ngayon lang
umuwi si JM.
"Nakita ko! Sinusundan mo ba ako at
isinama mo pa ang parents mo?"
Pabagsak na inilapag ni Jaffy ang hairbrush
at tumayo saka hinarap ang asawa.
"Kami ang naunang kumain sa restaurant na
iyon. Nagkita lang tayo, paratangan mo na
akong ini-istalk kita?" Tumaas na ang boses
niya. Ang lakas din makaparatang ni JM. "O
baka naman, galit ka dahil nahuli kitang
nambabae? Wala pa tayong isang buwang
ikinasal, may kerida ka na?"
"Shutup!" sigaw ni JM at galit na naupo sa
kama saka hinubad ang sapatos.
"Ganiyan naman kayong mga lalaki e! Nahuli
na nga, ayaw pang umamin! Galit-galitan
dahil nahuli at kung anu-ano ang idahilan
para maiba ang topic!" ani Jaffy at nahiga sa
kama.
"Wala naman akong idine-deny!" wika ni JM
at pumasok na sa shower room kaya
napabuntonghininga si Jaffy. Ganito na lang
ba parati? Iyong kung ituring siya ni John
Matthew, parang siya na ang
pinakamasamang babae sa mundo?
Nakatitig lang siya sa kawalan nang muling
lumabas si JM sa shower room na naka-roba
lang.
Kumuha si JM ng damit panlakad sa closet
at isinuot.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jaffy na
nakatingin sa asawang nagbibihis.
"Diyan lang."
"Saang diyan lang? Gabi na, a. Hindi ka pa
ba matutulog?"
Naiiritang hinarap ni JM ang asawa, "Hindi
ba puwedeng huwag ka nang magtanong?
Nakakairita ka na, Jaffy!"
"May karapatan akong magtanong dahil
asawa kita!" giit ni Jaffy. "Ang daddy ko at
daddy mo, kahit saan magpunta, alam ng
mga asawa nila."
"Sila iyon. Huwag mong ipilit ang bagay na
hindi natin nakasanayan, Jaffy! Iba ang
sitwasyon natin ngayon!" sagot ni John
Matthew. Naririndi na siya sa boses ng
asawa.
"Pagod na rin naman ako, John Matthew!"
wika ni Jaffy saka tumayo. "Ganito na lang
ba tayo parati? Wala na bang pagbabago?
Alam kong nasaktan ka sa pagkawala ng
anak natin pero mas nasaktan din naman ako
dahil kung hindi sa akin, buhay pa sana ang
anak natin!"
"Matulog ka na, Jaffy," mahinang sabi ni
John Matthew at lumapit sa pintuan pero
agad na tumakbo si Jaffy para iharang ang
katawan sa pinto. "Umalis ka riyan."
Umiling si Jaffy, "No, hindi ka aalis!"
"Jaffy, pakiusap, gusto kong lumabas!"
"Hindi ka aalis! Kakarating mo lang at hindi
ako papayag na aalis ka! Kung hindi mo ako
kayang respetuhin, sana bigyan mo naman
ako ng kahihiyan sa harap ng pamilya mo!"
pakiusap ni Jaffy. Wala na siyang mukhang
ihaharap sa mga magulang at kapatid ni JM.
Kahit sa harapan nila, binabalewala siya nito.
"Fuck you!" sigaw ni John Matthew saka
sinipa ang malapit na silya pero hindi
natinag si Jaffy. Hindi niya ito papalabasin
kahit na ano mang mangyari.
"Matulog ka na, John Matthew!" madiin na
wika ni Jaffy.
"What if ayoko?" blangko ang mukhang
tanong ni JM.
"Hindi ka makakalabas sa kuwartong ito
hanggat hindi ko sinasabi."
"Fine!" wika ni JM na umuusok ang ilong.
Wala rin naman siyang balak na
makipagbugbugan sa asawa dahil mas sanay
ito sa pakikipaglaban. Sino ba naman ang
lalaban dito? Si Jaffy ay mula sa assasin na
pamilya. Matinik na agent ang ama nito at
ang ina? Balita niya, marami na rin daw na
napatay. Ito nga yata ang rason kung bakit
napapas ang ilang grupo ng ISIS sa bansa
noon.
"Kung galit ka pa rin sa pagkawala ng anak
natin, I'm sorry! P-Pero--"
"Enough, Jaffy!" singhal ni JM. "Hindi mo na
maibabalik pa ang buhay ng anak ko!" sigaw
niya at nanginginig ang buong katawan
habang nakatitig sa asawang tumulo na ang
mga luha. "Kung hindi ka nakialam, hindi
sana mangyayari iyon sa mga anak ko!"
"S-Sorry," mahinang paumanhin ni Jaffy
saka pinahidan ang mga luha.
"Hindi lang isa o dalawa ang nawala dahil sa
padalos-dalos na desisyon mo noon, Jaffy!"
sumbat ni John Matthew kaya mas lalong
humagulgol sa pag-iyak ang babaeng
kaharap.
"H-Hindi--"
"Hindi mo sinasadya? Alam mong
nagdadalang- tao ka noon pero hindi mo
isinaalang-alang ang buhay nila!" sumbat ni
JM na nanginginig sa galit. Wala siyang alam
sa nangyayaring pagtraidor ni Jaffy noon.
Kaya pala hindi nila mahanap-hanap ang
nagkidnap sa bunsong kapatid niya dahil
kilala ni Jaffy si Zero at noong mahuli nilang
itakas sana ni Zero si Anndy, tumulong pa si
Jaffy. Mas pinili nitong labanan ang lola niya
kahit na maselan ang pagbubuntis nito kaysa
sa isipin ang kapakanan ng anak nila.
"A-Alam kong hindi mo na ako m-
mapapatawad pero nasaktan din ako, JM. H-
Hindi mo lang alam kung gaano k-kasakit sa
akin na sa sinapupunan ko mismo nawala
ang mga anak ko! M-Magulang din nila ako,
JM. Mahal ko sila at h-hinding-hindi ko
mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari.
K-Kung alam mo lang kung gaano ako
nasaktan nang mawala sila!" Itinuro ni Jaffy
ang puso niya,"Mas masakit dito! M-Mas
nasasaktan ako kaysa sa 'yo!"
Napahimalos si John Matthew sa mukha,
"Tama na, ayoko nang marinig ang mga
paliwanag mong walang saysay!"
"M-Mas labis akong nasaktan dahil ako ang
rason kung bakit sila nawala! P-Pero hindi
mo ba naisip na baka may mas magandang
plano si God?" Napaatras si Jaffy nang
hinigit siya ni John Matthew.
"Huwag mong idamay ang Diyos sa
kapabayaan mo bilang ina! Binigyan ka ng
anak para alagaan mo kaya kung nawala man
sila, huwag mong isisi o idahilan ang plano
ng Diyos!" galit na sabi ni John Matthew na
halos bumaon na ang mga kuko sa braso ng
asawa. Kung nanghihiwa lang ang mga mata
nito, kanina pa nahiwa si Jaffy sa sobrang
talim ng titig ni JM.
"A-Alam kong mali ako p-pero ano ang
gusto mong gawin ko para mapatawad mo
ako?" umiiyak na sabi ni Jaffy. Pinahidan
niya ang mga luha nang pakawalan siya ng
asawa.
Sinalubong ni John Matthew ang
nagmamakaawang mga mata ni Jaffy bago
magsalita, "Umalis ka na at layuan mo na
ako. Huwag ka nang magpakita pa sa akin,
mas lalo lang nadadagdagan ang galit--"
"N-No!" tanggi ni Jaffy at pinahidan ang
mga luha, "Pagbigyan kita sa ibang bagay
pero hindi sa bagay na layuan kita!"
Hinding-hindi siya lalayo kay John Matthew
kahit na ilang beses na siya nitong
pinagtabuyan.
"M-Mahal kita noon pa, lahat ng pangarap
ko, binalewala ko para l-lang sa pagmamahal
ko sa 'yo. L-Lahat ng gusto mo, g-ginawa
ko dahil m-mas higit ka pa kaysa sa
pangarap ng mga magulang ko para sa akin.
H-Hindi ko na iyon kailangan kahit na n-
nagmumukha na akong tanga sa kakahabol
sa 'yo pero okay lang dahil masaya ako. D-
Dahil mas higit ka pa kaysa sa pangarap ng
mga magulang ko. D-Dahil mula noon
hanggang n-ngayon, ikaw lang ang
pangarap ko!"
"Simple lang 'yan, Jaffy. Kung talagang
mahal mo ako at kung totoong mahalaga
ako sa buhay mo, bakit hinayaan mong
mawala ang mga anak ko?" tanong ni John
Matthew kaya hindi makasagot si Jaffy.
Napaupo ito sa kama at napahilamos sa
luhaang mukha.
"I-I'm sorry," tanging nasambit niya at
napapikit nang marinig ang pagsara ng
pinto. Wala na, umalis na naman si JM.
Iniwan na naman siya nitong nagdurusa.
Nakapasok na nga siya sa silid nito at
nakahiga sa kama ni JM pero iniwan naman
siya nito para makitulog sa ibang kama.
Kasalanan nga siguro niya ang lahat lalo na't
mula nang mabuntis siya, ne minsan, hindi
siya pinabayaan ni John Matthew.
