Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16
Unedited...
"Jaffy?" tawag ni JM sa asawang kakalabas
lang ng building ng kompanya nito.
"May kailangan ka?" tanong ni Jaffy at
tumigil sa paglalakad nang palapit sa kaniya
ang asawa. Pauwi na siya.
"Halika, dinner muna tayo," yaya ni John
Matthew at tumigil sa harapan niya.
Alas sais na ng hapon kaya nag-aagaw na
ang liwanag at dilim. Kung aalis sila ngayon,
sakto lang para sa dinner.
"May pupuntahan pa ako e," sagot ni Jaffy
at napatingin sa asawang nakatitig sa kaniya.
"Baka puwede mo munang ipagliban?"
tanong ni John Matthew. Three days na
silang hindi nagkita matapos nang may
nangyari sa kanila.
"Hindi kasi may usapan na kami," sagot ni
Jaffy sabay iling.
"Mas mahalaga pa na kaysa sa akin?" tanong
ni John Matthew, "C'mon, Jaffy. Mabilis
lang. Kakain lang naman tayo."
"Pasensiya na, John Matthew. Hindi kasi ako
puwedeng sumama sa 'yo. Maybe, some
other time na lang," pagtanggi ni Jaffy.
Tumigil ang itim na sasakyan sa tapat nila at
bumaba si Ranier habang nakangiting
nakatingin kay Jaffy.
"Let's go, babe?" tanong ni Ranier kaya
naikuyom ni JM ang kamao.
"Sure," sagot ni Jaffy at nginitian si Ranier
pero nahawakan ni John Matthew ang braso
niya.
"Magdi-dinner pa kami ng asawa ko at
puwede ba, huwag mong tawaging babe ang
honey ko!" sabat ni JM na pinipigilan muna
ang sarili. Kapag pumalag ang tarantadong
ito, makakatikim na talaga ng kamao niya.
"Sorry, dude. May usapan na kami ng ex-
wife mo," nakangising sagot ni Ranier.
"She's my wife! Walang ex dahil kasal pa
kami!" giit ni John Matthew at
nakipaghamunan ng titig kay Ranier.
"Talaga? Walang kayo. Ayaw na niya sa 'yo."
"Tumigil kang hinayumak ka kung ayaw mo
ng gulo! Huwag kang umeksena sa aming
mag-asawa!" singhal ni JM na hinihila ang
nagpupumiglas na asawa.
"Wala na kayo. Kami na ng ex-wife mo kaya
hayaan mo kaming magmahalan,"
kampanteng sabi ni Ranier kaya humigpit
ang pagkakahawak ni John Matthew sa
kamay ni Jaffy.
"Ulol mo! Magmahalan mo mukha mo!"
singhal ni John Matthew. "Masyado pang
maaga para managinip ka!"
Tumaas ang isang sulok ng pabi ni Ranier,
"Bakit hindi mo itanong sa ex-wife mo?"
Napaharap si JM kay Jaffy habang hawak pa
rin ang braso ng asawa niya, "Honey?
Sabihin mo nga sa lalaking 'to na gumising
sa panaginip niyang hiwalay na tayo!"
Blangko ang mukha ni Jaffy na tumingala at
sinalubong ang mga mata ng asawa. "Tama
si Ranier, wala na tayo at kasintahan ko na
siya."
Napanganga si John Matthew. Hindi niya
inaasahan ang isasagot ng asawa. Sinuri niya
ang mga mata nito pero walang bahid ng
kalokohan kaya nanghina siya.
"W-Why?" tanging nasambit niya habang
nakatingin sa mga mata ng asawa.
"K-Kasi hindi na kita mahal," walang
kakurap-kurap na sabi ni Jaffy kaya dahan-
dahang nabitiwan ni JM ang braso niya.
"J-Jaffy? Naguguluhan ka lang," napangiti
siya, "hindi ba't napakaaga para palitan ako?
Nagbibiro ka lang, 'di ba?"
Umiling si Jaffy, "Mahal ko si Ranier kaya
JM, pirmahan mo na ang divorce paper,
gusto ko nang maging malaya at maging
masaya kasama si Ranier."
"Putang ina!" sabi ni John Matthew at
sinugod si Ranier. "Hayop ka!"
Sinuntok niya ito pero nakailag si Ranier.
"Gago ka!" Pagmumura niya at sa
pangalawang subok, natamaan na niya ito sa
kanang pisngi.
"Tama na!" Pagpigil ni Jaffy na hinihila si JM
pero napaatras siya nang gumanti si Ranier.
Ang mga empleyado ay napatingin sa kanila.
"Mas hayop ka!" singhal ni Ranier at
nakipagbuno kay John Matthew pero agad
na napaghiwalay ang dalawa dahil dumating
si Jim at mga empleyadong lalaki nito.
"Ayaw na sa 'yo, pinipilit mo pa!"
"Ulol ka! Humanap ka ng asawahin mo pero
hindi ang asawa ko!" singhal ni JM at
nagpupumiglas sa dalawang lalaking may
hawak sa braso niya.
"Tumahimik na kayo!" ma awtoridad na
saway ni Jim at palipat-lipat ang mga mata
sa dalawang lalaking nag-uusok ang ilong.
"Hindi na kayo nahiya at dito pa talaga kayo
sa tapat ng konmpanya ko gumawa ng gulo?
Hindi ba kayo nahihiya dahil kilala sa lipunan
ang pamilya ninyo?"
"Tanungin mo riyan sa kerido ng anak mo!"
galit na sabi ni John Matthew at humarap
kay Jaffy. "Hindi ko inaasahang magagawa
mo sa akin ito, Jaffy. Magsama kayo ng
lalaki mo!"
Napalunok ng laway si Jaffy nang
masalubong ang nagbabagang mga mata ng
asawa. Puno ng galit at hinanakit ang mga
mata nito.
Binitiwan na ng dalawa si John Matthew
kaya lumapit siya sa asawa. "Gusto mo ng
deborsiyo, 'di ba?"
Hindi kumukurap si Jaffy. Sigurado na
siyang this time, ibibigay na iyon ni JM.
Wala siyang magagawa. Kailangan niyang
pumayag sa kung ano mang plano ng nada
paligid niya kahit na masasaktan pa siya.
Kailangan nilang lumaya sa isa't isa ni John
Matthew.
"Puwes, magdusa ka!" galit na sabi ni JM at
palipat-lipat ang mga mata kina Ranier at
Jaffy. "Magdusa kayong dalawa dahil
hinding-hindi ko ibibigay ang kalayaan
ninyo!"
"John Matthew!" madiing tawag ni Jim kaya
siya naman ang hinarap ni John Matthew.
"Patawad, Tito Jim. Hindi ko ho hihiwalayan
ang anak ninyo. Sa ayaw at gusto ninyo,
mananatili siyang asawa ko. Lacson na siya
at Lacson lang siya!" desididong sabi ni John
Matthew at buong tapang na nakipagtitigan
sa mga mata ni Jim.
"Ayaw na sa 'yo ng anak ko," sabi ni Jim.
"Kung ayaw niya sa akin, wala na akong
magagawa pa. Pero sisiguraduhin ko sa
inyong lahat na babawiin ko ang asawa ko!"
puno ng galit na sabi ni John Matthew at
tinalikuran sila pero nakailang hakbang lang
siya ay muli niyang hinarap si Ranier at isang
nakakalokong ngiti ang ibinigay.
"Hindi ko ipinapahiram ang asawa ko kaya
sana manliit ka sa sarili mo dahil panakip-
butas ka lang!" Tuloy-tuloy na siyang
naglakad palapit sa sasakyan habang
pinapahidan ng panyo ang dumudugong
mga labi.
Dumiretso siya sa mansion at tuloy-tuloy
lang sa mini bar.
Nakailang bote na siya nang pumasok ang
ama.
"May problema ba, John Matthew?" tanong
ni Dylan at naupo sa tabi ng anak saka
kumuha rin ng isang bote ng alak.
"Wala," tipid na sagot ni JM saka inubos ang
laman ng bote.
"Si Jaffy ba?" tanong ni Dylan pero hindi
umimik ang anak. "Nasaktan din siya. Siguro
napagod na siya."
"Nasaktan din ako, Dad," pabulong na sagot
niya habang nilalaro ng mga daliri ang ulo
ng boteng hawak.
"Pero mas nasaktan siya," ani Dylan.
"Mas nasaktan ako," giit ni John Matthew.
Inakbayan siya ni Dylan. "Sa lahat ng anak
ko, ikaw lang ang hindi rumespeto sa asawa
mo."
"Nirespeto ko siya. Kung iyon ang nakikita
ninyo, wala na akong magagawa."
Nakabuntonghininga si Dylan. Ewan niya
kung saan nagmana si John Matthew.
"Ilang beses mo siyang itinaboy. Ilang beses
mo siyang pinaiyak pero ne minsan, hindi ka
niya sinukuan dahil mahal ka ni Jaffy. Ilang
taon ka niyang tiniis pero ano ang ginawa
mo? Ne minsan ba, pinasaya mo siya?"
tanong ni Dylan pero ipinagpatuloy lang ni
JM ang pag-inom.
"Napapagod din ang tao. Nakakapagod din
magmahal lalo na kung hindi ka na nga
mahal, ipinagtatabuyan ka pa ng taong
iyon."
Inilapag ni John Matthew ang bote ng alak
na naubos na niya ang laman saka kumuha
ng bago.
"Mahal ko si Jaffy," bulong ni John Matthew.
"M-Mahal ko ang asawa ko pero nasasaktan
lang ako sa pagkamatay ng anak namin.
Gusto ko lang lumayo noon sa kaniya dahil
hindi ko matanggap ang nangyari. Kung
duda kayo sa pagmamahal ko, nasa inyo na
iyon but hell, mahal ko siya."
"Kung mahal mo siya, sana hindi mo siya
itinulak palayo sa 'yo!" ani Dylan.
"Nasabi mo lang iyon dahil hindi kayo ang
namatayan ng anak!" sagot ni John Matthew
at lumungkot ang mukha nang maalala ang
anak. "Minahal ko si Jaffy! Oo, hindi ko siya
minahal noong college pa kami pero nang
maging kami, minahal ko siya. Minahal ko
sila ng anak ko nang sobra-sobra!"
"Tapatin mo ako, John Matthew," seryosong
sabi ni Dylan at humarap sa anak. "Mahal
mo ba siya? O mahal mo lang siya dahil sa
anak ninyo?"
Hindi natinag si Dylan nang nabasag ang
boteng itinapon ni John Matthew sa
dingding.
"Iyon ba ang tingin ninyo sa akin? Ganoon
na ba ako kababa sa paningin ninyong lahat?
Na kaya ko lang siya minahal dahil nabuntis
ko siya? For Christ's sake! Mahal ko si Jaffy
bago ko pa siya nabuntis! Mahal na mahal
ko siya! Pero ilang beses akong humingi sa
inyo ng oras para magluksa dahil masasaktan
ko lang siya pero ano ang ginawa ninyo?
Ipinakasal ninyo kami!"
"Ano ang gusto mong mangyari?" tanong ni
Dylan at napatingin sa hawak na bote.
"G-Gusto kong bawiin ang asawa ko!"
determinadong sabi ni JM at napahigpit ang
pagkakahawak sa bote nang maalala ang
nangyari kanina.
"Kausapin mo siya," suhestiyon ng ama.
"Paano ko siya kakausapin? E, may iba na
siya!" galit na sabi niya.
Nagulat si Dylan sa narinig, "Sigurado ka
ba? Baka naman walang sila?"
Muling inubos ni John Matthew ang laman
ng bote saka napatingin sa mga inuming
naka-display sa closet.
"Sila na raw. Ilang linggo lang, sila na.
Fuck!" sabi niya at sinuntok ang mesa.
Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang
mag-ama.
"Argh!" sigaw ni John Matthew saka itinapon
ang lahat ng boteng wala nang laman.
"Paano niya nagawa ito sa akin? Paano?"
Hinayaan lang siya ng amang magwala. Nang
mailabas na ang lahat ng galit niya, muling
naupo siya sa tabi ng ama saka napahilamos
sa mukha at humagulgol. "M-Mahal ko si
Jaffy. M-Mahal ko ang a-asawa ko at n-
natatakot ako na baka hindi na s-siya
bumalik pa sa akin. N-Natatakot ako, Dad."
Parang batang pag-amin niya ama at
isinandal ang mukha sa balikat nito.
"W-Walang masama kung pababain natin
ang pride natin para sa taong mahal natin,
JM. Walang masama kung ipaglaban mo
siya. Si Jaffy kasi, tapos ka na niyang
ipaglaban. I think, ikaw naman. Patawarin
mo na siya, hindi niya ginustong mawala ang
mga anak ninyo. See? Mas isinakripisyo niya
ang sariling pagluluksa para damayan ka sa
pagkawala ng anak ninyo."
"Ang t-tanga ko lang talaga," umiiyak na
sabi ni John Matthew kaya ngumiti na lang si
Dylan.