2.10

1K 44 0
                                    

Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...
"Anak? Huwag ka na kasing malungkot.
Hindi kawalan si JM sa 'yo," pag-aalo ni
Inday sa anak na nakaupo sa veranda at
nakatingin sa malayo.
"Mom? Am I not beautiful?" malungkot na
tanong ni Jaffy sa inang naupo sa tabi niya.
Maganda ang mommy niya, makinis at sexy
talaga. Para nga lang magkapatid sila kapag
magsama. May pagka-koreana rin kasi ito.
"You're beautiful, sexy and hot. Hindi mo
lang talaga ginagamit dahil shunga ka,"
prangkang tanong ng ina at nag-cross legs.
"Mommy naman, I'm serious," nakasimangot
na sabi ni Jaffy.
"Oo nga. Maganda ka naman kaso masyado
kang nakulong sa pagmamahal mo kay JM.
Kailangan mo ring magpahinga, Jaffy. Isa pa,
hindi siya kawalan. Paulit-ulit na naming
sinasabi iyan," sabi ni Inday kaya
napabuntonghininga ang anak.
"Hindi pa rin ako sapat sa kaniya. Iba pa rin
ang hanap niya," naiiyak na sabi ni Jaffy.
"Ikaw ang hanap niya. Masyado mo lang
siyang spoiled sa 'yo. Maniwala ka sa akin,
hindi na siya makakakita ng kagaya sa 'yo,"
pagbibigay payo ni Inday.
"M-Mom? Paano ko siya babalik sa akin? I
want him, Mom. Siya lang ang gusto ko, w-
wala nang iba," sabi ni Jaffy saka pinahidan
ang mga luha.
"Naghahabol ka sa isang lalaki pero hindi ka
naman bilib sa sarili mo. Nagse-seduce ka
pero ikaw mismo, walang kaayusan sa buhay
mo. Hindi naman kasi ganiyan, Jaffy. Ang
lalaki, ayaw nilang pagpasok sa kuwarto,
nakahubad ka na kaagad sa kama at
nakabukaka. Hindi 'yan tama. Dapat may
foreplay. Dapat may pabitin muna. Babae
tayo, pilipina kaya dapat medyo pakipot
muna. Kaya mas mahal ang talaba kaysa sa
oyster dahil pinaghirapan munang sisirin
bago kainin."
Napa-poker face si Jaffy, "Hindi hindi ba
puwedeng iba na lang? English naman ng
talaba, oyster, 'di ba?"
"Arte mo! Ganun pa rin 'yon! Kaya wala kang
asenso sa buhay dahil sa halip na bigyan mo
ng halaga ang isang bagay, pinupuna mo
ang kamalian ng iba!" naiinis na sabi ni
Inday.
"Buhangin na lang. Hindi ba't mas mahal ang
perlas kaysa sa bato dahil pinaghirapan ito
bago makuha? Ang tingin kasi ni JM sa 'yo,
parang bato. Pakalat-kalat sa daan kaya
palagi ka niyang sinisipa palayo. Maging
perlas ka naman minsan. Magpasisid ka sa
ilalim ng karagatan!" wika ni Inday. Naha-
highblood siya kay Jaffy. Seryoso na ang
usapan e.
"O? Ano? May reklamo ka pa sa perlas at
bato? Huwag mong sabihing, iisa na naman
sila? Gigil mo ako e!" tanong niya saka
inirapan ang anak.
"G-Ganoon na po ba ako sa mga mata ni
JM, Mom?" tanong ni Jaffy.
"Oo, ganoon ka at ayaw kitang makitang
sinisipa ka lang niya palayo. Kaya dapat,
magpaganda ka. Ipakita mong kaya mong
mabuhay nang wala siya. Huwag ka nang
umiyak sa harapan niya!" sagot ni Inday na
para bang nasa harapan niya si JM kaya
kumulo na naman ang dugo niya. Naiinis
talaga siya. Magmamadre na nga si Jaff, pati
pa naman si Jaffy, mawawalan din ng asawa?
Ay, hindi siya papayag.
"May bisita yata," sabi ni Jaffy nang may
nag-doorbell kaya patakbong lumapit ang
katulong para pagbuksan ang nasa labas ng
gate.
"Ano ang ginagawa niya rito?" tanong ni
Jaffy nang makita si Ranier na palapit sa
kanila.
"Inimbitahan kong dito na mag-dinner,"
bulong ni Inday.
"Mom? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Jaffu
dahil may bitbit pa itong isang pumpon ng
pulang rosas.
"Sinabi ko kasing naghiwalay na kayo ni JM
at inaasikaso na namin ng daddy mo ang
divorce papers ninyo ni JM kaya malaya ka
nang maghanap ng iba," sagot ni Inday at
nginitian ang binatang palapit na sa kanila.
"Mom? Hindi naman totoo. Hindi kami
magdi-divorce ni JM," sagot ni Jaffy pero
kinurot siy ng ina sa singit.
"Sumunod ka na lang sa akin. Letse! Bakit ba
kasi lahat ng kamalasan, sa 'yo napupunta.
Sana naman, makasalo ka naman ng suwerte
ko sa buhay!" wika ni Inday. Kay Jaffy na
yata napunta ang kabaliktaran ng
kasuwertehan niya.
"Magandang hapon po," magalang na bati
ng binata at inabot kay Jaffy ang dalang
bulaklak.
"Magandang hapon naman, Ranier," sagot ni
Inday.
"S-Salamat sa bulaklak," nahihiyang
pasalamat ni Jaffy. Hinihintay niyang umalis
ang ina para tapatin si Ranier pero mukhang
walang balak na umalis ang ina. Nakakahiya
naman kapag itaboy niya ito sa harapan ni
Ranier.
"Basta ikaw, Jaffy," nakangiting sagot ni
Ranier.
Ayon, nag-usap silang tatlo. Hindi talaga
umalis ang ina niya kaya sila ni Ranier ang
nag-uusap.
Dito na rin nag-dinner ang binata.
"Birthday pala ng mommy ko next week,
gusto niya kayong imbitahan," nakangiting
sabi ni Ranier habang kumakain sila.
"Busy--" Jaffy.
"Sure! Pupunta kami ni Jaffy," nakangiting
sabat ni Inday at kinurot sa tagiliran ang
anak kaya itinikom na lang ni Jaffy ang bibig.
Si Jim ay naka-focus lang sa pagkain.
Matapos ng dinner, nagpaalam na si Ranier
sa kanila.
"Jaffy? Puwede ba kitang makausap?"
seryosong tanong ni Jim nang umakyat ang
asawa sa kuwarto nila.
"Ano ho iyon, Dad?" kinakabahang tanong ni
Jaffy. Iba kasi ang tono ng boses ng ama at
sigurado siyang mahalagang bagay ang pag-
uusapan nila.
Sa library siya dinala ng ama. Naupo siya sa
tapat nito at hinintay ang mahalagang
sasabihin nito.
"Inaayos na namin ang divorce papers ninyo
ng asawa mo," walang kakurap-kurap na
sabi ni Jim kaya napanganga si Jaffy.
"You're just kidding--"
"I'm serious, Jaffy!" ma awtoridad na sabi ni
Jim, "Whether you like it or not, magdi-
divorce kayo ni John Matthew!"
"I c-cant. I w-won't," naluluhang sabi ni
Jaffy sabay iling.
"As what I have said, whether you like it or
not, magdi-divorce kayo!" ulit ni Jim kaya
nagsibagsakan ang mga luha ni Jaffy.
Ngayon lang nakialam ang ama niya. Ngayon
lang ito nagsalita and it really breaks her
heart dahil kapag ito ang makialam, walang
nakakabali sa desisyon nito. Kung meron
man, dugo ang kapalit bago mapabago ang
desisyon nito.
------------
"Hindi nasosolusyunan ang problema sa
pag-inom ng alak, John Matthew!" wika ni
Dylan nang pagbaba niya ay saka naman
pasuroy-suroy na pumasok si JM. Lasing na
naman ito.
"Good evening, Dad," bati ni JM na napatigil
nang harangan ng ama.
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni
Dylan.
"Inaantok na ako, malalim na ang gabi,"
walang ganang sagot ni JM.
"Bukas ng umaga, mag-uusap tayo, John
Matthew!" wika ni Dylan pero hindi sumagot
ang anak. Diretso lang ito sa elevator.
Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang
inihatid niya si Jaffy at kahit text o tawag ay
wala siyang natanggap mula sa asawa.
Paglabas niya ng elevator, napatingin siya sa
kuwarto ng Lola Patch niya. Kung buhay
lang sana ito, tatabi siya sa pagtulog sa
matanda. Parang noong bata pa sila,
palaging kuwarto ng lola niya ang takbuhan
nila kapag paluin ng mga magulang.
"Sana hindi ka na lang namatay. Sana walang
kamatayan ang tao para habambuhay tayong
magkasama sa mundong ito. Habambuhay
na may magbibigay payo at magbibigay ng
solusyon sa amin," malungkot na sabi niya.
"Hindi lahat ng problema, kayang solusyunan
ni Mommy, John Matthew!" Napalingon siya
sa lola na nasa likuran niya. "Matanda ka na,
huwag ninyong iasa ang buhay ninyo sa
taong patay na."
"Pero bakit si Anndy--"
"Iba ka, iba si Anndy. Masaya na ang kapatid
mo at alam mo kung gaano kahirap ang
napagdaanan ng bunso ninyo bago naging
masaya. Ikaw ang matanda. Ikaw ang unang
lumabas kaya ikaw ang dapat na may isip,
John Matthew!" wika ni Angel kaya hindi
kaagad nakasagot si JM.
"Inaantok na po ako, Lola Angel," mahinang
sabi ni JM saka tinalikuran ang matanda.
Pagpasok niya sa kuwarto, kaagad na inihiga
niya ang pagod na katawan sa malambot at
malapad na kama.
Hinintay niyang may hihila sa pantalon niya
o maghubad ng damit para palitan siya pero
wala. Wala na pala ang asawa niyang
inaasikaso siya kapag lasing siyang umuwi.
Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay
liwanag sa madilim na silid niya.
"Masaya na sana kayo," bulong niya habang
nakatingala sa kisame, "Sana inaalagaan kayo
ni Lola Patch diyan. K-Kung sabagay,
magaling naman siyang mag-alaga,"
nakangiting sabi niya pero lumalandas ang
mga luha. Parang silang quadruplets noon.
Kahit nga pasaway, sobrang saya nila kapag
kasama ang Lola Patch nila. Kahit nga noong
nagpatuli sila, kasama pa talaga nila ang
matanda.
Iyon na lang parati ang iniisip niya bago
matulog. Ang mga anak niya. Wala namang
Jaffy na iistorbo sa kaniya kapag kausapin
niya ang mga anak. Ito naman ang gusto
niya e, ang magluksa kapag mag-isa. Gusto
niya ng katahimikan sa buhay. Hindi lang
niya nailabas ang hinaing dahil parating
nandiyan si Jaffy. Gusto niyang umiyak.
Gusto niyang magwala at gusto niyang
magluksa. Bagay na hindi niya nagawa noon.
Kinabukasan, masakit ang ulong bumangon
siya at agad na naligo dahil may aasikasuhin
pa siya sa kompanya nila.
Pagkatapos niyang magbihis, bumaba siya at
nagpatimpla ng kape sa katulong saka naupo
sa sala at nagbasa ng diyaryo. Alas siyete pa
lang naman ng umaga at mamayang alas
nuwebe pa siya aalis.
"Mabuti naman at gising ka na," sabi ni
Angel na lumapit sa kaniya at naupo sa
harapan niya.
"Morning," tipid na bati ni JM.
"May sasabihin kami sa 'yo," wika ni Angel at
napatingin kay Dylan na papalapit sa kanila.
May bitbit itong brown envelope.
"Ano po iyon?" tanong ni JM at kinuha sa
katulong ang mainit na kape. "Salamat,
Manang."
"Alam mo namang napagkasunduan namin
ng mga magulang ni Jaffy na magdi-divorce
kayo, 'di ba?" seryosong sabi ni Angel at
umurong nang tumabi si Dylan sa kaniya.
"We need space, pero hindi kami magdi-
divorce," sagot ni JM saka humigop sa kape.
"Magdi-divorce kayo," seryosong sabat ni
Dylan.
"Hindi ako magpapakasal sa iba, Dad. Asawa
ko pa rin si Jaffy," tinatamad na sagot ni JM.
"Pero kaming mga magulang ninyo ang
nakapagdesisyon, magdi-divorce kayo!" giit
ni Dylan kaya napahilamos si JM sa mukha.
"Matanda na kami. May desisyon kami sa
buhay. Isa pa, hindi makipag-divorce si Jaffy
sa akin," kalmadong sagot ni JM saka muling
humigop ng kape. Pampatanggal sa
hangover.
Kinuha ni Dylan ang laman ng brown
envelope at inilapag sa mesang nasa harapan
nila.
"Ano 'yan?" tanong ni John Matthew.
"Bakit hindi mo tingnan?" sagot ni Angel
kaya napataas ang kilay na kinuha ni John
Matthew ang ilang piraso ng papel at binasa
ang laman nito.
Natahimik siya nang makita ang divorce
papers.
"Hindi--" Natigilan siya nang makita ang
pirma ni Jaffy.
Ilang beses niyang pinagmasdan ang papel
dahil baka nagkamali lang siya pero hindi
siya nililinlang ng mga mata. She signed it.
Pumapayag na itong mapawalang bisa ang
kasal nila.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon