2.30

1.5K 45 0
                                    


Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited...
"Good evening po, Mommy Sexy," bati ni
John Matthew.
"Sige lang, JM, utuin mo pa ako," sabi ni
Inday kaya napakamot na lang sa ulo ang
binata.
"Just stating the fact, mother-in-law," sabi
ni JM at napasulyap sa asawang nasa mesa.
"Pasalamat ka, pogi kang bata ka!"
nakasimangot na sabi ni Inday kaya tumawa
si JM. Noong una, hindi pa siya sanay sa ina
ng asawa pero nang maglaon, nakuha na
niya ang pag-uugali nito. Ganito talaga ito
pero alam niyang boto naman ito sa kaniya.
Well, aminado naman siyang sinaktan niya
noon si Jaffy.
"Mommy? Si Jaffy, pinaglilihian niya ang
beefsteak ni Mommy Ann," pabulong na
sumbong ni JM nang makitang palapit si
Jaffy sa kanila.
"Whaat?" bulalas ni Inday.
"Ano na naman ang pinagsasabi mo kay
Mommy?" salubong ang kilay na tanong ni
Jaffy.
"Wala ah," inosenteng sagot ni JM at
nagkatitigan sila ni Inday.
"Mommy? Ano ang pinagsasabi ni JM sa
'yo?" nagdududang tanong ni Jaffy. Hindi
talaga mapagkatiwalaan si JM e.
"Wala naman. Sabi lang niya, ikaw pa ang
nagdadala kapag magjugjugan kayo?"
tanong ni Inday kaya nanlaki ang mga mata
ni Jaffy.
"S-Sinabi niya iyon?" tanong ng anak na
nanlaki ang mga mata.
Hindi na makasagot si JM. Bakit ba? May
pagkamanghuhula yata ang mommy ni Jaffy
e. Totoo naman.
"Ano ka ba! Huwag ka nang mahiya, normal
lang naman iyon e. Isa pa, ginagawa rin
namin ng Daddy Jim mo iyan kapag pagod
na siya," humagikhik pa si Inday kaya mas
lalong namutla si Jaffy.
"Kahit na! Hindi naman dapat na ipagsabi pa
ni JM iyan. Kailangan namin ng privacy,"
nakasimangot na sabi ni Jaffy at pinandilatan
ang ina.
"Talaga? Naku, dapat pala ng privacy? Okay
lang iyon. Ikaw nga, sinabi mong mas
mahaba pa ang pitotoy ni JM kaysa sa suklay
mo e," sabi ni Inday kaya namilog ang mga
mata ni JM.
"S-Sinabi ni Jaffy--" John Matthew.
"Hindi a! M-Mommy naman, magpreno ka
naman ng bunganga mo!" naiiyak na saway
ni Jaffy. Napasulyap siya kay JM na
nakangisi.
"Alam mo, honey? Okay lang naman sa akin
iyon. At least alam nila na may
maipagmalaki ka naman sa ibang tao tungkol
sa akin," sabi ni John Matthew at kinindatan
ang asawa na ngayon ay pulang-pula na ang
mukha.
"Bahala na nga kayo! Buti pa si Mommy
Ann, hindi ganiyan!" ani Jaffy. Nagtatampo
talaga siya sa dalawa.
"Aba? Huwag mo nga akong pinagloloko!
Mas hot naman ako kay Ann!" taas noong
sagot ni Inday. "Wala siyang boobs! Walang
puwet at maliit lang!"
"Mas maganda naman si Mommy Ann!"
depensa ni Jaffy kaya napasimangot si Inday.
"Lumayas ka sa pamamahay ko at doon na
tumira sa mga Lacson! Para kang hindi
anak!" pagtatampo ni Inday kaya napangiti
na lang si JM.
"Talaga!" ani Jaffy.
"Mommy Inday? Nagbibiro lang po si Jaffy.
Pareho naman po kayong maganda ni
Mommy Ann. Mas hot ka nga lang kaysa sa
kaniya," sabat ni JM at inakbayan si Inday.
"Talaga? Naku, sinabi mo pa. Kaya nga
patay na patay sa akin si Jim e,"
pagmamalaki ni Inday at tinaasan ng kilay
ang anak na kaharap.
"Sipsip!" wika ni Jaffy at tinalikuran ang
dalawa na mukhang nagkakasundo na.
Pumasok siya sa kuwarto niya at nagkulong.
Patihaya siyang nahiga sa kama at napahipo
sa sinapupunan.
"Sana magiging maayos din ang lahat,"
bulong niya sa laman ng tiyan. Hanggang
ngayon, hindi pa rin niya alam kung ilan ba
ang sanggol na nasa sinapupunan. Natatakot
siya.
Narinig niya ang tunog ng pagbukas at
pagsara ng pinto pero hindi niya inabala ang
sariling tingnan kung sino ang pumasok.
Mga yabag pa lang nito, kilala na niya kung
sino.
Umuga ang kama nang maupo ang asawa
niya.
"Honey? Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?"
malumanay na tanong ni JM at nahiga sa
tabi ng asawa matapos maghubad ng
sapatos. "Binibiro ka lang namin ni Mommy
Inday. Alam mo naman ang mommy mo."
"Hindi ako natutuwa sa biro ninyo, John
Matthew!" sagot ni Jaffy at napatingala sa
ilaw. Naramdaman niya ang paghaplos ng
mga kamay ni JM sa tiyan niya.
"Ingatan mo sila, at iingatan ko rin kayo,
honey," sabi ni JM. Hinila niya pataas ang
blusa ni Jaffy para makita ang tiyan nito.
Yumuko siya at masuyong hinalikan ang
tiyan ng asawa.
Pumaibabaw siya kay Jaffy saka pagapang
na inilapit ang mukha sa mukha ng asawa.
"Sorry na, buntis," paumanhin ni JM saka
hinalikan si Jaffy sa pisngi. "Ang sarap mong
halikan. Sige ka, kapag magka-baby na tayo,
ang mga anak na natin ang palagi kong
hahalikan at mawawalan na ako ng time sa
'yo. Wala nang body bonding kaya kung ako
sa 'yo, honey, susulitin ko na ang
pagkakataon."
Sumimangot si Jaffy pero hinayaan niya si
JM na tanggalin ang bra niya para pag-
piyestahan ng mga labi't dila ang dibdib
niya. Ganito naman ito palagi e. Bakit kaya
una talaga nitong inaangkin e, ang boobs
niya?
Sinubukan niyang huwag magpadala sa mga
haplos ni JM pero nawala siya sa wisyo nang
ipinasok nito ang isang daliri sa pagkababae
niya. In and out kaya napakagat siya sa
ibabang labi. Wala siyang nagawa lalo na
nang nagmamadaling maghubad si John
Matthew. Tatanggi pa ba siya? E, pangarap
niya ito noon pa? Geez! Ang hirap tumanggi
sa masarap na grasya.
--------------------------
"Ma'am? Pasensiya na po, hindi puwedeng
pumasok ang hindi nakalista," paumanhin ng
babaeng nakabantay.
"Paano hindi? Papasukin mo ako dahil nasa
loob ang asawa ko!" reklamo ni Jaffy.
"Miss? Maghintay ka na lang kaya rito," sabi
ng babaeng naka-white dress. Maganda ito,
maiksi ang buhok na hanggang balikat ang
haba.
"Hindi ba't si Aimee iyan? Bakit siya
nandito?" tanong ng babaeng reported at
kinuhanan ng litrato si Aimee na papasok sa
venue.
Naikuyom ni Jaffy ang kamao. Nalintikan na.
Nasa loob ang asawa niya. May conference
ang lahat ng businessmen/businesswoman
mula sa malalaking pamilya ng bansa at si
JM ang representative ng mga Lacson dahil
busy ang mga kapatid nito.
"Humanda ka sa aking lalaki ka!" bulong ni
Jaffy at naupo sa bakantemg silya na nasa
labas ng conference room na inihanda para
sa mga journalists.
"Sana maka-interview tayo ng kahit isa sa
bachelor," sabi ng babaeng katabi ni Jaffy.
"Yeah. Sana nga," pagsang-ayon ng kasama.
Napatayo silang lahat nang bumukas ang
pinto.
Tumayo rin si Jaffy at nag-aabang sa
paglabas ni JM pero wala pa ito.
"Gosh! Siya si Angelo, 'di ba?" bulong ng
nasa tabi niya kaya napatingin siya sa
lalaking naglalakad palabas kasama ang
isang bodyguard.
"Pogi pala siya sa personal," sabi ng babae
pero walang pakialam si Jaffy. Si JM ang
inaabangan niya.
"Kyaah! Si John Matthew!" tili ng babaeng
naka-white dress kaya napatingin si Jaffy sa
asawang kakalabas lang. Lalapit sana ang
ibang reporters pero hinarangan ng
bodyguards. Ang guwapo talaga nito lalo na
sa suot na business suit. Sarap nang iuwi.
"John Matthew!" malakas na sigaw ni Jaffy
nang makita si Aimee na papalapit sa asawa
niya.
"Jaffy?" nagtatakang wika ni JM at lumapit
sa asawa. "What are you doing here?" Lahat
ng mga mata ay sa kanila na para bang
nagtatanong kung bakit siya nito kilala.
"Bakit? May masama bang puntahan ka?"
pagtataray ni Jaffy. Huwag nitong sabihin na
bawal siyang puntahan dahil mapuputulan
talaga niya ito ng ulo.
"Wala. Kasi baka mapahamak ka. Honey
naman, alam mong masama sa 'yo ang
magbiyahe. Sino ang nag-drive papunta
rito?" nag-aalalang tanong ni JM. Sa
pagkakaalam niya, off ng family driver nila.
"Ako. Hindi ba ako marunong mag-drive?"
sagot ni Jaffy at inirapan ang asawa.
Pakialam niya sa mga tao sa paligid?
"What?" bulalas ni JM. "Honey? Hindi ba't
sabi ko, huwag kang umalis sa bahay nang
hindi ako kasama? Paano kung may
masamang nangyari sa 'yo? Hindi ko na
naman mapapatawad ang sarili ko. Alam mo
namang maselan ang pagbubuntis mo, 'di
ba?" Para siyang pasaway na bata na
pinapagalitan ni John Matthew kaya
napasimangot si Jaffy.
"Okay lang ako. Mas hindi ako mapanatag
kapag wala ka. Isa pa, gusto kong malaman
kung ano na ang ginagawa mo rito?"
depensa ni Jaffy kaya napangiti si John
Matthew at niyakap ang asawa.
"Uuwi rin naman ako, honey. Kaya nga
minadali ko ang meeting dahil alam kong
naghihintay ka sa bahay," bulong ni John
Matthew at kumalas sa pagkakayakap ang
hinalikan sa noo ang asawa.
"W-Wala kang kakatagpuin?" nagdududang
tanong ni Jaffy kaya tumawa si John
Matthew.
"Pagkatapos nito? Wala naman. Ikaw lang
naman ang iniisip ko habang nasa meeting
kanina."
Napangiti si Jaffy. Paggising kasi niya
kanina, wala na si JM at sabi ng mommy
niya, nandito raw kaya agad na pinuntahan
niya. Pasimpleng iginala niya ang mga mata
sa palibot. Ang daming kumumuhang litrato
sa kanila at ang ibang kababaihan ay inggit
ang nakaguhit sa mga mata.
"Hindi ka na dapat na bumangon pa,"
pilyong bulong ni JM. Ayaw talaga niyang
umalis sa tabi ng asawa kanina kaso napilitan
lang siya dahil sa pakiusap ng Lolo Demetrio
niya.
"Paggising ko kasi, wala ka na sa tabi ko
kaya akala ko, naubos na ang pasensiya mo,"
mahinang sagot ni Jaffy.
Hinawakan ni John Matthew ang baba niya
at itinaas para magkasalubong ang kanilang
mga mata.
"Hindi mauubos ang pasensiya ko sa
kakaintindi sa 'yo. Noon, oo, pero ngayon ay
hindi na. Mahal kita, Jaffy," bulong ni John
Matthew na hindi inalintana ang pagkislap
ng mga camera sa paligid.
"Basta gusto ko, kapag magmulat ako ng
mga mata ko, nasa tabi na kita," nakalabing
sabi ni Jaffy kaya tumawa si JM at
yumukompara angkinin ang mga labi niya.
"Palaging mangyayari 'yan, honey. Araw-
araw mo nang masilayan ang guwapong
mukha nitong asawa mo," nakangiting sabi
ni John Matthew at inakbayan ang asawa at
ipinagpatuloy ang paglalakad.
Tumigil si Jaffy at tumingala kay JM.
"Promise, John Matthew?"
"Promise," sagot ni JM at iginiya si Jaffy
patungo sa elevator.
"Natakot lang kasi ako dahil na-miss kita,"
sabi ni Jaffy habang naghihintay sila sa tapat
ng elevator.
"Miss mo na ako?" JM.
Tumango si Jaffy kaya lumapad ang mga
ngiti ni John Matthew.
"Miss na rin kita, honey," bulong ni JM na
walang pakialam kung naririnig man sila ng
mga kasabayang pumasok sa loob ng
elevator.
Habang nasa elevator, niyakap niya si Jaffy
mula sa likuran. "Bodybonding," mahinang
bulong niya.
"Kaya nga umuwi na tayo," sabi ni Jaffy.
Hinigpitan ni JM ang pagkayakap sa asawa.
Himala, ang sweet yata ng asawa niya
ngayon? Anyare?

A/n:
Actually, tapos na 'to. Tamad lang akong
tapusin. Hehehe.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon