BARUMBADONG VIRGINby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 13
Unedited...
"Ano 'to?" tanong ni Dylan at inilapag ang diyaryo sa ibabaw ng mesa. Nagpatawag siya ng conference sa mga anak kasama ang agency nina Jaffy.
Kinuha nina LL ang diyaryo at pinagmasdan ang headline. Isang fuel tanker ang pinasabog ng hindi nakilalang tao.
"Akin na," pag-agaw ni Jacob na nasa tabi lang niya at pinuklat ang pahina na kung saan naglalaman ng tungkol sa headline.
Binuksan niya ang malaking screen kaya napatingin silang lahat dito. Isang record ng CCTV sa isang street na palabas na ng Maynila.
"Is it Anndy?" tanong ni Lee Patrick habang nakatitig sa babaeng nagmamaneho.
"Shit! Si Anndy 'yan!" bulalas ni Lance Leonard na napatayo pa. Hindi siya puwedeng magkamali. Kahit nakatalikod at malayo, kilala niya ang bunsong kapatid.
Naka-pause ang video at ini-zoom ni Dylan.
"A-Ang b-baby ko," umiiyak na wika ni Ann. Awang-awa siya sa anak. Nakapaa ito, panlalaki ang damit. Kahit naka-side view, alam nilang nandoon ang tapang sa mga mata. Tapang para mailigtas ang buhay.
"Sino ang kasama niya?" tanong ni Lee Patrick habang titig na titig sa lalaking nakatalikod kay Anndy at may hawak na baril sa magkabilang kamay. Topless ito kaya nakikita nila ang dugo sa kanang braso nito pero hindi nila nakikita ang mukha dahil may nakatakip na ski mask.
"At bakit nakahubad?" galit na dagdag ni John Matthew. Sa kanilang apat, siya ang pinaka-conservative lalo na pagdating sa ina at kapatid. Ayaw talaga niyang sumama ang mga ito sa ibang lalaki.
Magtatakip-silim pa lang kaya malinaw pa ang kuha ng CCTV.
"Baka isa sa mga kumidnap," sagot ni Dylan at naikuyom ang kamao.
"Negative, hindi natin tauhan ang mga humahabol sa kanila," sabat ni Jim na kanina pa nakikinig sa kanila. Siya ang ama ni Jaffy at siya ang head ng agency.
"Ibig sabihin, kakampi natin siya?" tanong ni Jacob, "pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin sila tumatawag? Nasaan na sila?"
"Hindi ko rin siya kilala," sagot ni Jim. Lahat ng tauhan niya, kilala niya at ang pangangatawan nila pero ang isang ito, hindi.
"In fairness, may abs siya," puri ni Jaffy habang nakatitig sa screen. Naramdaman niya ang pagtingin sa kaniya ni John Matthew na nasa tabi lang niya kaya nilingon niya ito, "What? May problema ba sa sinabi ko, JM?"
"Seryoso ang usapan! Buhay ng kapatid ko ang nakataya rito tapos iyan pa talaga ang pupunain mo?" galit na sabi ng binata.
"What's the matter kung na-appreciate ko ang abs niya?" inosenteng tanong ni Jaffy.
"Try to concentrate sa ibang bagay para mahanap natin sila!"
Tumahimik silang lahat nang tumaas ang boses ni John Matthew.
"You don't have to shout, Mr.Lacson! Naririnig kita!" singhal din ni Jaffy, "kinakabisado ko ang tangkad at body built niya, walang masama roon! Naghahanap din ako ng ebidensiya at palatandaan sa katawan at motorsiklo kaya shut up ka na lang!"
"Jaffy, tama na!" saway ni Jim sa anak.
"May point si Jaffy," sabat ni Dylan kaya tumahimik silang lahat.
"Pch! Pointless," bulong ni John Matthew.
"Wala ka kasing abs," pabulong din na sabi ni Jaffy na silalang ang nakakarinig kaya sinipa ni JM ang likuran ng upuan ng dalaga.
Hinayaan na lang ni Jaffy na magngingitngit ito sa inis. Sanay na siya kay John Matthew. Sa halip, nakinig siya nang maigi sa plano ng grupo.
------------------
"Dad? Puwede bang sa iba na lang ako sasama?" tanong ni John Matthew.
"Si Jaffy na ang partner mo."
"P-Pero dad--"
"Buhay ng kapatid mo ang nakataya rito, mag-iinarte ka pa ba? Uunahin mo pa ba ang init ng ulo kaysa sa buhay ng kapatid mo?" galit na sabi ni Dylan. Hindi ito ang tamang oras at sitwasyon para magsinuplado si John Matthew dahil ito lang ang puwedeng sumabak sa field. Hindi puwede si Jacob dahil nakaalalay ito kay Hael at mas lalong hindi puwede si Lance Leonard dahil maliban sa mas mainitin ang ulo, may dalawang anak itong inaalagaan. Last sem na lang, graduating na ng quadruplets kaya ang ginawa nila, nagho-home study sila. Si Lee Patrick ay nakiusap na ito ang i-assign sa ibang bansa dahil malaki ang posibilidad na itakas nila si Anndy sa bansa.
Kahit bantay-sarado ang lahat ng port, baka private plane ang ginamit. Humingi na sila ng tulong sa mga kaanak sa abroad.
"May magagawa pa ba ako!" labag sa kalooban ma saad ni John Matthew. Buo na talaga ang desisyon ng ama.
May kumatok sa pinto kaya si Dylan na ang bumukas.
"Akala ko ba, umuwi na sila!" salubong ang kilay na wika ni JM nang pumasok si Jaffy. Mula noon, naiinis talaga siya sa dalaga dahil wala itong ginawa kundi ang habulin siya.
"Mag-usap kayo para masanay na kayo na magkasama," bilin ni Dylan at lumabas na sa meeting room.
"Bakit bumalik ka pa?" seryosong tanong niya.
"Dahil kailangan daw ng pamilya ninyo ang serbisyo ko," seryosong sagot ni Jaffy. Ito na nga ang tutulungan, ito ang magagalit. Okay na rin naman ang buhay niya kasama ng kakambal sa ibang bansa pero pinakiusapan siya ng mga Lacson na tulungan muna sila. Isa pa, naaawa siya kay Anndy.
"Marami naman kayong tauhan kaya sana iba na lang," wika ni John Matthew.
"Your dad told us na ibigay ang pinakamagaling sa 'yo, so, we've decided na ako na lang since next to my twin sister, ako na ang sumunod," pagmamalaki ni Jaffy.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan, Jaffy? Hindi ka ba talaga susuko?" Pagod na siya sa pagtataboy kay Jaffy pero ito, nagpahinga lang ng mahigit isang taon at heto na naman, sinisira ang modo niya.
"Hindi ko titigilan ang kasong ito, John Matthew! Pero ikaw? Matagal na kitang sinukuan kaya huwag kang umasta na para bang ikaw na ang pinakaguwapong lalaki sa buong planeta para habulin at mamakaawaan ko!" pakipagsagutan ni Jaffy at inayos ang nakalugay na buhok para itali.
Hindi umimik ang binata. Tinatantiya niya ang bawat galaw ng facial muscles ng dalaga para malaman kung totoo nga ang sinasabi nito. Of course, baka mamaya, gapangin siya nito. OA man niya pero iyon talaga ang tingin niya kay Jaffy. Na handa nitong ibigay ang pinakainiingatan nitong perlas anumang oras na hingiin niya.
"May idea ka ba kung sino ang lalaking kasama ng kapatid ko?" pag-iiba niya ng usapan at naupo sa mesa saka muling pinagmasdan ang mga litratong kuha mula sa CCTV.
"Wala," sagot ni Jaffy at naupo sa harapan ni John Matthew saka inabot ang ilang litrato at seryosong pinagmasdan.
Napasulyap si John Matthew sa dalaga. Unang napansin niya ang dibdib nitong labas ang cleavage kaya agad niyang iniwas ang mga mata.
"Marami ang ganitong suot at pustahan, after nilang gamitin ang ducati, susunugin o sirain nila para maibenta," sagot ni Jaffy. Iyon ang pinakawais na puwedeng gawin ng binatang kasama ni Anndy.
"Sa tingin mo, saan sila papunta?" tanong ni JM na nasa litrato ang mga mata.
"Kung ako ang kidnapper, aalis na ako sa lugar na 'yan dahil siguradong sa mga oras na ito, nandiyan na ang kalaban," sagot ng dalaga at nabitiwan ang ibang litrato sa sahig kaya pinulot niya ito.
" Bastos!" bulong ni JM at itinuon ang mga mata sa litrato. Paano, kitang-kita niya kung paano yumuko si Jaffy na hindi man lang tinakpan ang dibdib. Nasilip tuloy niya ang dalawang matambok na bulkan nito. In fairness, makinis. Sa dami ba namang susuotin, ang blouse na hapit sa katawan, sleeveless at v-neck pa talaga na hanggang pagitan ng boobs ang hiwa.
"Pero kung ako ang kidnapper, mananatili muna ako sa lugar na iyan dahil alal kong iisipin ng naghahabol sa akin na wala na ako riyan," sabi ng binata na nakahinga na nang maayos dahil maayos na ang pagkakaupo ni Jaffy.
"Hmmm? May point ka rin naman, akalain mo 'yon?" nakangising sabi ni Jaffy dahil alam niyang mas mainsulto si John Matthew.
Napasulyap siya sa binata na nasa litrato ang mga mata pero namumutla. May sakit ba ito? Baka na-miss lang niya si Anndy. Kung siya rin ang kapatid, mapapatay niya ang lahat ng may kinalaman dito. Bata pa lang sila ay well-trained assasin na sila ng ama pero si Jaff ang nasa field. Gusto ng kakambal ang adventure pero siya? Wala. Iginugol niya ang buhay sa paghahabol kay John Matthew dahil mas may thrill ito para sa kaniya pero hindi siya naging matagumpay kaya suko na siya.
"P-Papatayin kaya ng lalaking ito ang kapatid ko?" puno ng pangambang tanong ni John Matthew. Ayaw niyang makitang bangkay na si Anndy. Marami pa siyang gustong gawin kasama ito at ang buong pamilya nila.
"Dalawa na ang tumutugis sa kaniya. Ang kasamahan niya at tayo," sagot ni Jaffy.
"Sa tingin mo, kakampi natin siya? Bakit hindi pa niya isinasauli si Anndy?" tanong ni JM. Sarap tapunan ng jacket si Jaffy.
"Puwedeng kakampi, puwedeng kalaban," sagot ng dalaga, "pero sigurado akong may personal interest siya kung bakit niya kinalaban ang kasamahan. But as of now, ituring muna natin siyang kalaban."
"Paano kung papatayin niya si Anndy?"
"Hindi niya iyon gagawin," sagot ni Jaffy, "hindi ito magsasakripisyo ng buhay para lang mauwi sa wala ang pinaghirapan."
Nagtataka siya nang biglang tumayo si John Matthew na nakasalubong ang mga kilay at hinubad ang suot na distressed jacket at inabot sa kaniya.
"Malakas ang aircon, baka lamigin ka."
Wow! Concern ito sa kaniya? Kailan pa?
"Salamat pero hindi ako giniginaw."
"Ako rin," sagot ni JM at lumapit sa aircon, "kaya i-full ko na. Malakas 'to kaya baka hindi mo kaya ang lamig."
"S-Salamat sa concern," sagot ni Jaffy at isinuot ang jacket. Ang bango! Firstime na nag-alala si John Matthew sa kaniya kaya susulitin na niya.