BARUMBADONG VIRGIN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 10-11
New plot
After one year mahigit,
Fast forward.
Pagkaapak ng mga paa niya sa lupa, may bahid ng lungkot sa puso ni Jaffy. Mag-iisang taon na ang nakalipas magmula nang nakapag-desisyon siyang iwan ang Pilipinas para magbagong buhay.
"Anak!" tili ng ina niya nang palabas na siya sa Arrival area ng NAIA. "Welcome back!" Parang gusto niya tuloy bumalik sa eroplano dahil may mag nagda-drum pa at may mga taong may hawak ng banner.
"Mom!" masayang sabi niya saka tumakbo palapit sa ina. Hila pa rin niya ang maliit na maleta. Nakakahiya man pero na-miss niya ang ina.
"Ang ganda mo na!" puri ni Inday.
"I know, Mom!" masiglang sabi niya. "Sino sila?" Ngumuso siya sa mga babae at lalaking kaedad lang niya na may hawak na banner.
"Mga naghihintay rin ng kamag-anak nila, sinuhulan ko ng isang libo para maghawak ng banner at ang drummer, binayaran ko 'yan dila ng labinlimang libo. Nagustuhan mo ba, anak?"
"Mom naman, sana hindi ka na nag-abala pa," nahihiyang sabi ni Jaffy. Kahit saan talaga, pahiya ang ina niya.
"Halika na, ang dami kong niluto para sa 'yo!" excited na sabi ni Inday.
"Si Daddy?"
"May ginagawa sa opisina niya. Alam mo na, busy sa pagpapayaman." Kinuha ng driver ang bitbit niyang maleta at inilagay sa compartment ng itim na SUV.
Pagdating nila sa bahay, kaagad siyang sinalubong ng alagang aso. Nakilala pa siya nito kaya niyakap niya ang German Shepherd na aso.
"Hello, Jaf-Jaf!" bati niya.
"Kamusta ang mga kapatid mo Canada?" tanong ng ina.
"Okay lang po, matino naman." Sumama siya sa kambal dahil doon sila pinaaral ng mga magulang. Siya? Wala. Naghanap ng trabaho at kung anu-ano pa ang puwedeng pagkakitaan.
"May boyfriend ka na?" tanong ni Inday.
"Wala pa sa isip ko 'yan." Sa edad na bente uno, wala pa talaga siyang naging kasintahan.
Nagkuwentuhan lang sila habang kumakain. Ang daldal ng ina niya kagaya ng daddy.
"You know what, I always cook your father!" pagmamalaki ng ina kaya napakamot na lang si Jaffy sa ulo.
"Mabuti naman po at mahal kayo ni Daddy, let's eat na lang po, Mom!" sabi ni Jaffy at nilantakan ang pagkain. Masarap magluto ang ina kaya napadami ang kain niya.
"Mom? Mamimili ako bukas ng mga gamit ko," paalam niya nang matapos nang kumain at niligpit ng katulong ang mga plato.
"Oh, you want to buy a shopping? May lakad pa kami ng daddy ni Jim kaya ikaw na lang. If you want, you can wait us."
"No, thanks, Mom." Kahit kailan, hindi talaga natuto ang ina.
----------------------
Kinabukasan, maaga pa siyang nagising at naligo. Medyo hindi pa naka-adjust ang sleeping pattern niya.
Nagpahatid siya ng breakfast sa terraza sa katulong para kumain. Ang dami niyang iniisip pero may mga pangyayari at taong pilit niyang iniiwasang maisip.
Narinig niya ang pag-alis ng mga magulang. Tutungo raw ang mga ito sa Tagaytay.
Siya naman ay inayos ang sarili saka tumungo sa MOA. Ang fortuner na ang ginamit niya. May driver's license naman siya kaya hindi na problema.
Nag-ikot-ikot muna siya at nag-iisip kung saan bibili ng mga damit pambahay at panglakad. Marami pa naman siyang damit sa closet pero mas gusto niyang bago. Isa pa, gusto niyang gumala sa mga lugar na dating pinupuntahan nila ng kakambal.
Sa bandang huli, sa Department store siya pumasok para sa mga pambahay na damit.
"Miss, may iba pa ba kayong size nito?" tanong niya sa saleslady. "Medium size lang, large kasi ito eh."
"Sige, wait lang po," magalang na sabi nito at naghanap sa stock room.
Pagbalin ng saleslady, bitbit na nito ang hinihingi niya kaya binayaran na niya sa counter ang mga napiling damit.
Iniwan muna niya ang mga pinamili sa banggage counter at pumasok sa mamahaling boutique para sa mga panglakad na isusuot.
"Gusto ko ang ganiyang style!" sabi ng babae sa saleslady. Sa tantiya ni Jaffy ay kaedad lang niya ito. Matangkad, maganda naman at halatang may kaya.
"Marami pa po kami niyan," magalang na sagot ng saleslady at napatingin kay Jaffy na hawak ang black dress.
"Tapos ka na bang pumili?" tanong ng baritonong boses sa likuran ni Jaffy kaya napakagat sa ibabang labi ang dalaga. Ilang taon na ba ang nakalipas? Pero kahit pumikit siya, hinding-hindi makakalimutan ng tainga niya ang boses nito. Boses na nagbiyak ng kaniyang puso at paulit-ulit na nang-insulto sa kaniyang pagkatao.
"Sweetheart! Gusto ko ng ganiyang style pero ayaw ko nang may kapareha!" sumbong ng babae sa lalaking obvious naman na kasintahan nito. Natatandaan na niya ang babae. Ito ang anak ng nangungunang senador ng Pilipinas, si Aimee.
"Wala namang masama kung magkapareha ka ng damit," sagot ni John Matthew.
Nagpawala muna ng buntonghininga si Jaffy bago harapin ang mga ito. Gusto niyang magsisi nang magtama ang mga mata nila ni John Matthew.
"Huwag kang mag-alala, Miss, magkaiba tayo ng taste, hindi ko naman ito gusto kaya sa 'yo na," nakangiting sabi ni Jaffy.
"Talaga?" nagniningning ang mga matang tanong nito.
"Yes," sagot ni Jaffy.
"Oh, I like you na!" masayang sabi ni Aimee.
"Thank you," sabi ni Jaffy saka nilagpasan ang dalawa.
"Wait, Miss?" tawag ni Aimee kaya napatigil si Jaffy. "Here's my calling card. I think we can be friends!"
Ngumiti si Jaffy saka bumalik sa dalawa. "Thank you," sabi niya at binasa ang nasa calling card. "Aimee?"
"Yes, and you are?"
"Jaffy. Jaffy Garcia," pagpakilala ni Jaffy saka napasulyap kay John Matthew na kagaya ng dati, salubong ang mga kilay. Who cares? Sanay na siya rito. Kahit nga ang pagtataboy nito sa kaniya, hindi na bago sa kaniya.
