6

1.7K 56 0
                                        

BARUMBADONG VIRGIN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Unedited...
"John Matthew, sandali!" habol ni Jaffy sa
binata pero hindi ito tumigil sa paglalakad
hanggang sa makarating ito sa tambayan
nila.
"Bastos talaga!"
Kumatok siya nang dalawang beses pero
wala pa ring bumukas. Kukunin na sana niya
ang hair pin nang bumukas ang pinto.
"Ikaw pala 'yan, Jaf," sabi ni Lee Patrick
nang pagbuksan siya. "Pasok ka."
Agad siyang pumasok. Nasa sala ang tatlo.
Lumapit si Lee Patrick sa mga ito at naupo
sa tabi ni John Matthew.
"Bakit ka nandito?" salubong ang mga kilay
na tanong ni Jacob. Nang makauwi ang mga
magulang nito,nagkulong siya sa kuwarto
niya. Hindi na nga siya naghapunan. Tanging
piatos lang ang kinain niya para hindi
makalabas. Si Jacob kasi, kung anu-ano ang
pinaggagawa.
"Huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang
ipinunta ko!" Lumapit siya kay John Matthew
at inabot ang tsokolateng ninakaw niya sa
ref nila. Hindi sila nauubusan dahil sa tuwing
mag-abroad ang mga magulang, isang
dalawang maletang chocolates ang bitbit ng
mga ito. Ang rason ng kanilang ina, hindi
nito natikman ang ganoon kasarap na
tsokolate noong bata pa ito dahil sa tindi ng
kahirapan.
"Para pala sa iyo, John Matt--"
"Hindi ko kailangan ang chocolates!"
pagsisinuplado nito kaya tumahimik na
naman ang tatlong kapatid. "Bakit ba ang
kulit mo, Jaffy?"
"Ano ba naman ang kunin mo ito at ibigay
sa iba kapag tumalikod ako? Mahirap bang
gawin 'yon? Alam mo namang masaya na
ako kapag abutin mo ang mga ibinibigay
ko!" sumbat niya sa binata.
"Pero hindi ko ugaling makipagplastikan at
ayokong paasahin ka!" singhal ni JM. Noong
unang tinanggap niya ang ibinigay ng
dalaga, sunod-sunod na ang pagbigay nito
ng kung anu-ano kaya nahihirapan na siya.
Nasasakal!
"I hate you! I really, really hate you!" galit na
sabi niya at sinamaan ng tingin ang binata.
"Thanks God! Thank you! As in thank you so
much! Finally!" sarcastic na sabi rin ni John
Matthew na mas lalong nagpakulo ng dugo
niya.
"Titingin-tingin mo?" singhal niya kay Jacob
nang mapansing nakangisi ito habang
nakatitig sa kaniya.
"Mata ko, bakit?" sabay smirk pa ng loko.
"Kayo ang pinakamawalang kuwentang
quadruplets na nakilala ko!"
"Same to you!" ani Jacob. Tumayo si Lance
Leonard at dinampot ang pusang nakahiga
sa sahig saka pumasok sa kuwarto dahil
naiingayan.
Walang pasabing lumabas si Jaffy. Nasira na
ang araw niya dahil sa quadruplets. Suwerte
lang niya dahil mukhang naputulan ng dila si
LL, hindi ito nagsasalita.
Napadaan siya sa announcement board na
tinitingnan ng mga estudyante. Nasa second
round na ng search for sorority queen at
isang libo na lang ang nakapasok. Tiningnan
niya ang resulta. Napangiti siya nang makita
ang pangalan. Pasok pa rin siya. This time,
savings account ang pinagbabasehan nila.
Tama lang dahil mahigit singkuwenta mil na
ang naipon niya sa bangko.
"Sumali ka ba?" tanong ni Dina kay Jaffy.
"Oo, ikaw?" Hindi malayong sumali ito.
"Hindi e. Pero si GV, isinali namin. Sayang
lang dahil wala siya rito," malungkot na
sagot ni Divina. Bestfriend niya ito kaya
nasasaktan siya. Isa pa, nagu-guilty dahil sa
nangyari.
"Babalik din 'yon," sabi ni Jaffy.
"Sayang! Matindi talaga ang pagdaramdan ni
LL sa pag-alis niya."
"Teka lang, bakit? Close ba sila?" usisa ni
Jaffy kaya nagtatakang tinitigan ito ni Dina.
"Hindi mo alam na may relasyon sila?"
"May relasyon sila?" bulalas niya.
"Hindi mo alam? Ikaw lang yata ang hindi
nakakaalam sa campus na ito."
"H-Ha? Ganoon ba? Busy ako kay John
Matthew ko," sabi ni Jaffy.
"Masyado ka nang nalulong kay John
Matthew. Jaffy? Huwag kang magalit ha.
Pero isa ako sa mga naaawa sa iyo. I mean,
hindi ka ba naiinis sa mga nanghuhusga sa
iyo?" pagtatapat ni Dina. Maganda ito at
wala siyang nakitang mali sa dalaga maliban
sa pagbalewala nito sa suitors at naka-focus
na kay John Matthew.
May gumuhit na lungkot sa mga mata ni
Jaffy pero agad naman itong nawala at
ngumiti sa kaharap bago magsalita, "Walang
masama kung naghahabol man ako sa
lalaking mahal ko dahil alam kong wala
naman siyang ibang babae. Ganoon talaga
ang pag-ibig, kahit na alam mong tanga ka
na sa paningin ng iba, sige ka pa rin kasi
umaasa ka na balang araw, mamahalin ka rin
ng taong mahal mo," mahabang sabi nito
kaya napailing ang kaharap.
"Ganoon nga siguro ang pagmamahal," ani
Dina.
"Ikaw, Dina? Bakit mo pinatulan si Olivia
kung alam mong kasintahan na ito ng
bestfriend mo?" Ito naman ang hindi
makasagot.
"See? May mga bagay na hindi natin
maipaliwanag dahil nagmahal lang naman
tayo," ani Jaffy at tinapik ito sa balikat bago
talikuran.
"Jaff!" Tumigil siya nang marinig ang
pagtawag ni Lee Patrick sa kaniya.
"Hi," bati niya nang sabayan siya nito sa
paglalakad.
"Saan ka pupunta?" tanong ng binata.
"Sa classroom."
"Balita ko, sa condo ni Jacob ka tumutuloy,"
ani Lee Patrick.
"Yups," sagot niya. Alam na pala nito ang
tungkol sa kanila ng kapatid nito. Mukhang
ang mga magulang ang nagpaalam sa kanila.
Or puwede rin si Jacob mismo.
"So, ipu-push mo talaga siya ha!"
"Pinagsasabi mo?"
"Ang paghabol kay John Matthew."
"Ah, ganoon talaga..." Malapit na sila sa
classroom ng dalaga.
"Pagkatapos mong mapaibig si John
Matthew, kaya mo bang siyang pakasalan?"
tanong ni Lee Patrick kaya natigilan siya.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" Umiwas
siya ng mga mata. Hindi niya kayang sagutin
ang tanong nito. Bakit nga ba? Kaya ba
niya?
"Ako na ang humihingi ng patawad sa
ginawa ni John Matthew," ani Lee Patrick.
"Mauna na ako, may gagawin pa ako,"
paalam ni Lee Patrick nang makitang paakyat
sa rooftop si Hael na may bitbit na panlinis.
Sa lahat ng estudyante, ito lang ang may
access sa tambayan nila upang linisin.
Nanatiling nakatayo si Jaffy habang
pinagmasdan ang papalayong binata.
Napabuntong hininga siya bago
ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa
classroom.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon