BARUMBADONG VIRGIN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 2
Unedited...
"Lance--" napatigil si Jacob sa pagpasok
nang makitang nakaupo si Lance Leonard sa
kama na hawak ang kulay orange na pusa.
Nakasilip lang siya pero kinakabahan siya
dahil baka sakalin nito ang hawak na pusa.
"Pitoy? Na-miss mo na ba si Monay?" Kahit
na nakatagilid ang kapatid, alam niyang
naiiyak na ito. "Saan na ba sila? H-Hindi
man lang sila nagte-text. Ang daya nila,
noh? Iniwan nila tayo," sabi ni LL at tinitigan
ang mga mata ng pusa na para bang tao
ang kausap nito.
Meow!
"Ano? Nami-miss mo na sila?" tanong ni LL
at inilagay ang matabang pusa sa lap niya
saka hinimas ang ulo. "Ako rin, sobrang na-
miss ko na ang mine ko."
Napakunot ang noo ni Jacob. Hindi naman
niya puwedeng iiwan ang kapatid dahil baka
katayin nito ang alagang pusa at ilagay sa
kinakain nilang siopao.
"Nagugutom ka na? Kakain ka na?" tanong
ni LL at inilapag ang pusa sa ibabaw ng
kama. "Nagugutom din ako. Gusto ko nang
kumain," wala sa sariling sabi nito saka
lumapit sa ibabaw ng mesa. Nanlaki ang mga
mata ni Jacob nang damputin nito ang
bread knife sa bedside table.
"Mama mia!" bulalas ni Jacob at kumaripas
ng takbo patungo sa kuwarto ng ina.
"M-Mommy! Daddy! Shit, Mommy!" sigaw
niya at malakas na binuksan ang pinto ng
kuwarto ng mga magulang pero walang tao
sa loob.
"Mommyyyyyyy!" bulong lakas na sigaw niya
kaya bumukas ang pinto ng library at
nagtatakang lumabas ang mga kapatid at
magulang.
"Ano ang nangyari?" tanong ni Ann na
napapahawak sa dibdib dahil namumutla si
Jacob.
"S-Si Leonard, damn! Si LL," nakahawak sa
dibdib na sabi niya.
"Ano ang nangyari sa kapatid mo?" tumaas
ang boses ni Dylan at pinagmasdan ang mga
kaharap. Biglang may kung anong bumundol
sa dibdib niya.
"D-Daddy si Lance, nababaliw na! May
hawak siyang kutsilyo at k-kakatayin niya
'yong alaga niyang pusa!" Sumbong ni Jacob
kaya mabilis na tumakbo sina Dylan.
"Nalintikan na!" sabi ni John Matthew. Kahit
na naging karibal niya ito noon kay GV,
kapatid pa rin niya ito at hindi naman siya
naging ganito noong na-brokenhearted siya.
"Lance!" sigaw ni Lee Patrick nang buksan
ang pinto.
"A-Ano ang ginagawa ninyo rito?"
nagtatakang tanong ni Lance Leonard nang
lingunin ang buong pamilya. Ang mommy
niya ay naiiyak pa habang sina Anndy ay
hinihingal na para bang may hinabol na
eroplano.
"A-Ano ang ginagawa mo, Kuya?" tanong ni
Anndy.
"Naghahanda ng makakain," poker face na
sagot ni Lance Leonard habang nilalagyan
ng palaman ang nahiwang hotdog bread.
"Bakit nandito kayo? May nangyari bang
hindi maganda sa baba?" nagtatakang
tanong niya at napasulyap sa ka-
quadruplets. Si Jacob ay napakamot na lang
sa ulo na hindi makatingin sa kanila.
"Wala," sagot ng ama. "Gusto lang naming
sabihin na kakain na tayo ng meriend sa
baba."
"Wala akong ganang lumabas, dito lang
ako."
"Anak, kung may kailangan ka, magsabi ka
lang ha. Kung gusto mong makausap,
nandito lang ako," nanlulumong sabi ni Ann.
Hindi niya kayang tingnan na nagkakaganito
ang anak. Para lang itong bumalik noong
panahong namatay ang lola nito.
Nagkukulong sa kuwarto at hindi makausap.
"Iwan na ninyo ako, please, gusto kong
mapag-isa," pakiusap niya at lumapit sa
cabinet para kumuha ng plastic plate at wet
food ng pusang nakahiga sa ibabaw ng
kaniyang kama.
"Sige."
Isinara na nila ang pinto at lahat sila ay
nakatingin kay Jacob.
"Sorry naman, nag-aalala lang ako. Akala ko
talaga, kakatayin niya 'yong pusa, e
kinakausap pa niya 'yon kanina tapos ang
lungkot-lungkot niya!" agad na depensa ng
binata.
Sa edad na dise otso anyos, ngayon lang
niya nakitang nagluksa si LL sa babaeng
hindi kamag-anak.
"Bantayan ninyong maigi 'yang kakambal
ninyong tatlo!" Utos ni Dylan kina Jacob. Si
Anndy at Ann ay nasa elevator na para
bumaba.
"Dad? Dadalo kami sa debut ni Jaffy
mamaya," sabi ni Jacob.
"Hindi ako interesado," mabilis na sagot ni
John Matthew.
"Dumalo ka," sabat ni Lee Patrick. "Ikaw na
nga lang ang inaabangan niyang bisita e."
"Ayokong magpaasa," blangko ang mukhang
sagot ni John Matthew. Hindi pa niya
nakalimutan ang habulan nila sa Baclaran
noong isang araw.
"Tayo na lang, Lee Patrick," sabi ni Jacob.
"Hindi ako puwede. May importante akong
lakad," sagot ng kapatid kaya sumimangot si
Jacob.
"Ikaw na lang para hindi naman lalabas na
bastos tayo," suhestiyon ni John Matthew.
"Ako naman parati!" sagot ni Jacob na
naiinis na sa mga kapatid. Siya na lang
parati ang nauutusan para harapin ang
stalker ni JM. Siya ang tigapalabas sa
classroom, tigatanggap ng regalo, at tiga-
usap kay Jaffy.
Alas kuwatro na ng hapon ay wala talagang
bumaba na mga kapatid niya kaya umakyat
na ang lahat ng dugo sa ulo niya.
"Jacob?" tawag ni Ann na may bitbit na
pahabang box na kasing laki ng lagayan ng
sapatos.
"Hulaan ko, sapatos 'yan," sabi ni Jacob kaya
ngumiti ang ina.
"Paano mo nahulaan?" manghang tanong ng
ina nang abutin ng anak ang regalo niya.
"Mommy naman! Lagayan pa lang, sapatos
na!"
Tumawa si Ann na parang na-realize kung
gaano siya ka tanga.
"Ibigay mo 'to kay Jaffy, pakisabi na may
pupuntahan kami ng daddy mo kaya hindi
ako makakapunta," bilin ni Ann. Tutungo sila
sa Cebu mamayang alas sais para bumisita
sa kaibigan ni Dylan.
"Parang ayaw ko nang dumalo."
"Ano ka ba! Dumalo ka! Alam mo namang
malulungkot si Jaffy kapag hindi kayo
pumunta. Ikamusta mo pala ako sa parents
niya lalo na sa Mommy niya. Na-miss ko na
ang kakulitan ni Inday." Humagikhik si Ann.
Ang saya kasi kasama ng mommy ni Jaffy.
Hindi ito social climber. Kung ano ang
nakikita at naririnig mo, iyon na 'yon. At
least, nagpakatotoo.
"Ako talaga? Dapat si JM dahil siya ang
kinababaliwan ng debutant!"
"Ikaw na kasi, alam mo namang nagluluksa
ang dalawa mong kapatid sa pagkawala ni
GV," malungkot na sabi ni Ann.
"Oo na!"
Bitbit ang regalo ay lumabas siya ng
mansion at ang puting chevrolet ng ama.
Pagdating niya sa mansion ng mga Garcia,
sumalubong sa kaniya ang magarbong
kagamitan.
"Jacob!" bulalas ng ina ni Jaffy saka
patakbong lumapit sa kaniya na ka-edad
lang ng mommy niya. Kitang-kita ang
magandang hubog ng katawan dahil sa hapit
na puting bestidang suot.
"Good afternoon po," magalang na bati
niya.
Lahat ng mga bisita ay napatingin sa kaniya
at hindi makapaniwala sa nakikita. Minsan
mo lang makita ang mga Lacson sa party
unless, mahalaga talaga ito.
"N-Nahihiya po ako," bulong niya kay Inday.
"Huwag kang mahiya. Halika, akyat muna
tayo sa itaas. After fifteen minutes pa
magsisimula ang party." Hindi na siya
nakatanggi nang hilain siya ni Inday papasok
sa mansion at dinala sa itaas.
"Dito ka lang, tawagin ko lang muna si Jaffy,
tiyak matutuwa ang batang 'yon," sabi ni
Inday.
Ilang minuto ang nakalipas nang lumabas si
Jaffy.
"Ahm... Ito pala ang regalo namin sa 'yo,
pasensiya ka na kung ako lang ang nakadalo.
Actually, dumaan lang ako dahil may
importanteng puntahan ang buong pamilya
namin. Happy birthday, Jaf!" bati ni Jacob
nang humupa na ang mabilis na pagtibok ng
kaniyang puso.
"A-Aalis na ako, hinihintay na ako nina
Mommy sa bahay," palusot niya. Hindi niya
kayang tumagal sa party na ito.
"S-Salamat," sabi ni Jaffy pero pilit lang na
ngumiti sa kaharap. Gusto sana niyang
tanungin kung nasaan si John Matthew pero
nahihiya siya dahil sa pagtakbo ni JM noong
nakaraang araw sa kaniya.
"S-Sige, bababa na ako," paalam ni Jacob at
wala sa sariling nilisan ang mansion ng mga
Garcia. Hanggang sa pag-uwi, nanlalamig pa
rin ang mga kamay niya.
