Ang Asawa Kong Barumbadoby: sha_sha0808 Ash Simon
FINALE
Unedited.....
"Dito ka lang," bulong ni Jaffy kay JM nang
gumalaw ito.
"Sandali, iihi lang ako, honey."
"Sabihin mo na lang kasi na aalis ka!"
nakasimangot na sabi ni Jaffy.
"Hindi a. Iihi lang talaga ako," tanggi ni JM.
"Ayaw ko! Dito ka lang!" pagtutol ni Jaffy.
"Pero lalabas na talaga ang ihi ko," sabi ni
John Matthew.
"Kapag sinabi kong ayaw kong umalis ka,
huwag kang umalis!" singhal ni Jaffy kaya
napanganga si JM. Kanina pa talaga siya
naiihi pero pinipigilan lang niya dahil baka
magising si Jaffy kapag tumayo siya.
"B-Bakit ayaw mo akong umihi?" tanong
niya.
"Kasi ayaw ko!" Tumayo si Jaffy at hinarap
ang asawang nakaupo sa kama. "Pero kung
naiihi ka na talaga, halika, sasamahan kita."
Agad na tumayo si John Matthew. "Sige,
mabuti pa ngang sumama ka na."
Ayun, sabay silang pumasok sa loob ng
restroom.
Isinara ni Jaffy ang pinto kaya nag-alinlangan
si John Matthew.
"O? Akala ko ba, iihi ka?" tanong ni Jaffy na
nakasandig sa likod ng pinto at nakatingin
sa kaniya.
"H-Hon? Hindi ka ba lalabas?" naiilang na
tanong ni John Matthew. Shit, parang
umurong na yata ang ihi niya.
"Umihi ka na," seryosong sabi ni Jaffy.
"Ngayon ka pa nahiya?"
"Hindi ah!" tanggi ni JM saka umihi.
Paputol-putol pa ang ihi niya dahil
napapansin niyang sinisilip siya ni Jaffy.
"Matagal pa ba?"
"Shit!" Muntik na siyang mapatalon nang
magsalita si Jaffy at tumingin sa
hinahawakan niya. "H-Honey naman, labas ka
muna."
"Ang OA mo! Nakita ko na 'yan lahat!"
naiinis na sabi ni Jaffy habang nakatitig sa
hawak ng asawa.
"Huwag mo ngang titigan! Mamaya,
paglihian mo pa 'to e!" reklamo ni JM saka
tinapos na at naghugas ng kamay.
"Ano ang masama kung paglihian ko? Hindi
ba sabi mo, okay lang na 'yan ang paglihian
ko basta huwag kitang ipagtabuyan?"
tanong ni Jaffy na sumunod sa asawang
palabas ng silid niya.
"Ayaw kong magmukhang titi ang anak ko!"
prangkang sagot ni John Matthew kaya
sumimangot si Jaffy.
"Ang ganda-ganda ko tapos magiging
gano'n lang ang mukha ng anak natin?"
sagot ni Jaffy.
"Guwapo naman ako," pagmamayabang ni
John Matthew.
"Oo na, guwapo ka na. Kaya nga minahal
kita e," ani Jaffy at naupo sa tabi ng asawa.
"Honey? Dito ka lang," bulong niya saka
ipinulupot ang kamay sa kanang braso ni JM.
"Akala ko ba, maaga pa akong uuwi?"
tanong ni JM. Ang hirap din kasi na hindi
niya susundin ang gusto nito dahil baka
magwala na naman si Jaffy.
"Gusto mong umuwi? Ayaw mo akong
makasama?" tanong ni Jaffy at itinulak siya.
"Hindi a. Gusto ko ngang dito lang sa tabi
mo," mabilis na sabi ni JM saka niyakap ang
asawa. "Gustong-gusto ko."
"A-Akala ko, ayaw mo. Baka may iba ka na
namang babae, ha!" nakasimangot na sabi ni
Jaffy.
Ngumiti si JM at hinalikan ang asawa sa noo.
"Wala na akong iba. Hindi na ako uuwi.
Gusto mo, dito lang ako sa tabi mo palagi?
Hindi na ako aalis," malambing na sabi ni
JM. Tumango-tango si Jaffy at isiniksik ang
mukha sa dibdib ng asawa.
"Gusto ko rito ka lang palagi sa tabi ko dahil
hindi ko kayang hindi ka makita," mahibang
sabi ni Jaffy kaya mas lalong napangiti si JM.
"Honey? Uwi ka na sa bahay namin, doon ka
na tumira para hindi na ako mahirapang
pumunta rito at para may privacy naman
tayo," bulong ni JM saka sinamyo ang
mabangong buhok ng asawa.
"Sige, ikaw ang mag-ayos ng mga gamit
ko," sabi ni Jaffy.
"Sure. Basta huwag ka nang maglayas ulit,
okay?" malumanay na sabi ni JM saka
sinuklay ang malambot na buhok nito gamit
ang mga daliri niya.
"Ikaw ang nagpalayas sa akin!" pagtatama ni
Jaffy. Nalulungkot siya sa tuwing maalala
ang nakaraan.
"Sorry, honey. Pangako, hindi ko na ulit
gagawin pa iyon. Ang sama ko na yata dahil
palagi kitang ipinagtabuyan noon pero
babawi ako ngayon," paumanhin ni JM at
mahigpit na niyakap ang asawa. Sa tuwing
sariwain niya ang nakaraan, nanlulumo siya
sa sinapit ni Jaffy sa mga kamay niya. Ang
laki niyang gago noon.
"Aasahan ko 'yan, honey," sabi ni Jaffy. Sana
lang ay magiging maayos na ang pagsasama
nila ni John Matthew.
"Sorry, sana magsimula tayo muli bilang
tunay na mag-asawa na tunay na
nagmamahalan," sabi ni John Matthew.
Aminado siyang hanggang ngayon, martyr
pa rin ang tingin ng ibang tao sa asawa niya
dahil ilang beses man niyang ipagtabuyan,
bumabalik pa rin ito sa kaniya pero
nangangako siya sa sariling mamahalin niya
ito nang tapat at higit sa lahat, hindi na
ipaparanas ang sakit na naranasan noon.
Kung may away man sila, minor na lang
pero hindi na niya ituring na parang wala
lang si Jaffy.
"Tapos na iyon, JM. Ang mahalaga, natuto
tayo at higit sa lahat, alam na nating
masakit ang mga nangyari kaya iiwasan na
nating maulit pa iyon," nakangiting sagot ni
Jaffy at hinaplos ang mukha ng asawa. Si
God lang ang nakakaalam kung hanggang
saan ang pagmamahal niya para kay JM.
"Hon?" malambing na tawag ni JM habang
itinataas ang blusa ng asawa.
"Hmmm?" sagot ni Jaffy na hindi tumututol
nang ihiga siya ni JM.
"Pa-check natin ang gender ng baby at kung
ilan sila," excited ma sabi ni JM saka yumuko
at hinalikan ang tiyan ni Jaffy.
"Ayaw ko!" nakasimangot na sabi ni Jaffy at
napakagat sa ibabang labi nang pababa ang
mga dila ni JM sa puson niya. "H-Honey...
Oooh..." ungol niya at napasabunot sa
buhok nito nang maramdaman ang mainit na
dila na pumapasok sa kaniya.
Napangiti si JM, biglang bumait na ang
asawa niya sa kaniya kaya araw-araw na ang
body bonding. Sumisid pa siya lalo nang
malakas na umungol ang asawa.
Huwag lang talagang hilain ng anak ang
kung ano mang ipasok niya kay Jaffy.
------------------------
"GV? Saan na si LL?" tanong ni Jaffy nang
pagbaba niya ay wala na ang quadruplets.
"Nasa hardin," sagot ni GV at napatingin kay
Hael na inilapag ang pagkain nila.
"Hayaan na ninyo silang mag-usap," sagot ni
Hael.
"Ang laki na ng tiyan mo ah," puna ni GV
kay Jaffy. "Baka quadruplets 'yan."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Hael at
napatingin kina Jaffy at Christine na
nakipaglaro sa mga anak nila.
"Hindi ko rin alam e," sagot ni Jaffy.
"Magpa-ultrasound ka," suhestiyon ni GV.
"Ayaw ko," sagot ni Jaffy. Noong time na
alaga nila ang pagbubuntis niya, kinuha ito
ng nasa Itaas kaya ngayon, hinahayaan na
lang niya. Wala rin siyang balak na malaman
kung ano o ilan ang laman ng kaniyang
sinapupunan. Bahala na.
"Paano kapag may masamang mangyari sa
'yo?" nag-aalalang tanong ni Hael.
"Wala 'yan. Alam nina Mommy Inday at
Mommy Ann ang tunay na kalagayan ko
pero kami ni JM, hindi pa. Ayaw kong
malaman at ipaalam sa kaniya. Kung gusto
ninyo, magtanong kayo sa kanila pero
huwag ninyong ipaalam sa akin," sabi ni
Jaffy. Ang parents nila ang tunay na
nakaalam. Basta iniinom lang niya ang
vitamins na binibili nila para sa kaniya at
sinusunod ang lahat ng gusto. Okay naman
daw ang kalusugan niya at anak niya.
"Kung sabagay, mas okay nga 'yon para
surprise," wika ni GV at napasulyap sa
quadruplets na kakapasok lang.
"Hon? Halika muna," sabi ni JM kaya lumapit
si Jaffy sa kaniya.
"Ano iyon?" tanong ni Jaffy nang hilain siya
palabas ni JM.
"Basta," sagot ng asawa at tinakpan ng
panyo ang mga mata niya. "May ipapakita
ako sa 'yo mamaya."
"Magugustuhan ko ba?" malambing na
tanong ni Jaffy at sumunod kay JM.
Pinasakay siya nito sa kotse at ito na ang
nag-ayos ng seatbelt niya.
"Oo naman, buntis," sabi ni JM at sinulyapan
si Jaffy na naka-blindfold. Kahit malaki na
ang tiyan, ang hot pa rin nito.
"Siguraduhin mo lang, ha," nakangiting sabi
ni Jaffy. Wala pang sampung minuto ay
tumigil na ang sasakyan ni JM kaya sigurado
siyang nasa loob pa rin sila ng villa.
"Baba na," bulong ni JM at hinalikan sa
pisngi si Jaffy habang tinatanggal ang
seatbelt ng asawa.
"Ano ang meron?" tanong ni Jaffy na
inalalayan ni JM sa paglalakad.
"We're here," bulong ni JM at tinanggal ang
panyo sa mga mata ng asawa.
"Ano bang nandito?" tanong ni Jaffy at
dahan-dahang iminulat ang mga mata.
Napanganga siya nang makita ang nasa
harapan.
"G-Gawa na siya?"
Ngumiti si JM. Ngiting tagumpay at puno ng
pagmamalaki sa sarili.
"Lilipat na tayo rito bukas, dito na tayo
titira," sabi niya at niyakap si Jaffy mula sa
likuran na nakatingala sa double storey
nilang bahay na may malawak na hardin at
playground. Meron ding maliit na pool para
sa mga bata.
"Hindi ko alam na tapos na pala ito," hindi
makapaniwalang sabi ni Jaffy. Ito ang dream
house nila noon at natigil lang ang
pagpagawa nang maghiwalay sila ni JM.
"Halika sa loob, tingnan mo ang mga
gamit," yaya ni JM. Pagpasok nila,
napatulala si Jaffy. Wala siyang masabi.
"Gosh! Ang ganda!" manghang sabi niya.
Mamahalin ang mga gamit at ang ganda pa
ng interior design. May mga nakasabit pa na
mamahaling litrato at paintings na gawa ng
sikat na pintor ng bansa.
"Gusto mo?" malambing na tanong ni JM
kaya tumango si Jaffy at humarap sa asawa.
"Gusto ko, salamat talaga, honey," naiiyak
na sabi ni Jaffy at ipinulupot ang mga kamay
sa leeg ni JM.
"Lahat ay gagawin ko para mabigyan kita ng
magandang buhay, honey. Kayo ng mga
anak natin. Pupunuin natin ang bahay na ito
ng saya at pagmamahalan," bulong ni JM.
"I love you," puno ng pagmamahal na sabi ni
Jaffy.
"I love you too, honey. Mahal na mahal kita
at sorry ulit sa lahat," wika ni JM at hinapit
sa bewang ang asawa para magkalapit ang
mga katawan nila.
"Ayaw ko nang marinig ang sorry. Tapos na
iyon kaya magsimula tayo ng bago kasama
ang buong pamilya natin. Dapat, puro na
lang I love you ang maririnig ko mula sa
'yo," sabi ni Jaffy na hindi inaalis ang mga
mata sa mga mata ng asawa. Masaya siya.
Sa haba ng panliligaw niya sa asawa,
nagbunga rin ang pagsisikap niya. Sana lahat
ng babaeng desperada at martyr ay
magiging masaya sa bandang huli kagaya
niya. Sana hindi abusuhin pa ng mga lalaki
ang kabaitan at pagmamahal ng mga babae.
At higit sa lahat, sana magbago na sila
kagaya ng asawa niya.
Matamis na ngumiti si John Matthew. "I love
you, I love you, I love you, honey ko,"
buong pusong sabi ni JM. Mahal niya si Jaffy
at kung maulit man muli ang nangyari noon,
an huwag naman sana, ipinapangako niyang
hinding-hindi niya iiwan pa si Jaffy. Buong
puso niya itong tatanggapin at alagaan
hanggang sa pareho na silang maka-recover
muli. Napakasuwerte pa rin niya dahil kahit
kailan, nakatagpo siya ng babaeng kahit na
sa pinaka-worst niya, hindi siya sinukuan. At
katulad ni Jaffy, magiging matatag na rin
siya bilang haligi ng kanilang tahanan.
--------------------------
END-------------------A/n:
May epilogue pa 'to. Nawalan na ako ng
eksena sa story na ito kaya tinapos ko na.
Hehehe. Baka kasi mamatay ako bukas e di
waleng ending. Charot. Sisikapin kong
makapagsulat ng epilogue kasi ito na ang
last sa generation nila.
Ayieeee. Next generation na ulit tayo.
Hehehe. Don't worry, nasa story pa naman
sila ng mga anak nila kaya hindi pa rin sila
mawawala sa eksena.
Nag-start na pala me sa generation nila e.
"My Fat Suitor". Gosh.