Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 3
Unedited...
Naglilinis si Jaffy ng kuwarto nila nang
pumasok si John Matthew.
"Sandali, maalikabok pa," wika ni Jaffy pero
tuloy-tuloy lang ito sa closet at kumuha ng
tuwalya at pumasok sa shower room. Alas
otso pa lang ng umaga kaya mag-aayos
muna siya ng silid nila dahil magkikita sila
mamaya ng kaniyang ina sa mall.
Malinis na ang sahig kaya pinalitan na lang
niya ang kurtina ng kulay puti para mas
lumiwanag ang silid kapag araw.
Nang matapos ay naupo siya sa kama at
inihiga ang katawan. Bumukas ang shower
room at lumabas si John Matthew na
nakatapis lang ng tuwalya sa bewang.
Topless ito kaya napasulyap siya sa malapad
na dibdib ng asawa. Hindi nagbabago ang
kakisigan nito kahit na ang sungit-sungit.
Tumaas ang mga mata niya sa mukha ni
John Matthew. Salubong ang kilay nito.
Malamang alam nitong pinagmamasdan niya.
Kasalanan din naman nito, lumabas ito nang
nakahubad e, alam naman nitong adik siya
sa katawan nito.
"Saan ka pupunta?" usisa niya.
"Do I have to answer?" walang ganang
patanong na sagot ni JM.
"Yes, asawa na kita kaya may karapatan
naman siguro ako na malaman?" tanong ni
Jaffy na nakatingin pa rin sa ginagawa nito.
"Asawa lang kita sa papel pero hindi mo
pag-aari ang buhay ko lalo na ang mga
personal kong lakad!" sagot ni JM.
"Hindi kita maintindihan, honey. Alam mo--"
"Stop calling me with your fuckin'
endearment!" galit na sabi ni JM kaya
natigilan si Jaffy.
"Suplado mo! Ano ba ang ikinagalit mo? Na
nawala ang anak natin? Sa tingin mo,
ginusto ko iyon?" Hindi na niya napigilan
kaya sinabi na niya. Sumusobra na kasi si
John Matthew.
"Yes! At kung hindi mo iyon ginusto, ano
ang tawag mo roon?" galit na tanong ni JM
na nagbabaga ang mga mata dahil sa
sobrang galit kay Jaffy.
"Walang ina na gustong mawala ang anak
nila!" giit ni Jaffy.
"Ikaw lang!" giit ni John Matthew.
"It was an accident, John Matthew!" Tumaas
na ang boses ni Jaffy. Masakit din naman sa
kaniya ang nangyari. Walang kasing sakit.
Hindi naman niya sinadyang mawala ang
nasa sinapupunan niya noong panahong
ipinagtanggol nila si Zero. Nang gabing
iyon, sumakit na lang bigla ang tiyan niya
saka marami na ang dugong umaagos sa
binti niya.
"It wan an accident?" ulit ni JM na
napangisi, "First, you betray me! Second,
you lost our child! Now, tell me, dapat pa
ba akong magtiwala sa 'yo, Jaffy?"
"Hindi kita niloko. Kailangan ko lang
talagang ipagtanggol noon sina Anndy at
Zero!" giit ni Jaffy.
"Liar! Ikaw ang pinakasinungaling na
babaeng nakilala ko!" sigaw ni JM at sinuklay
ang buhok para makalayas na sa harapan ni
Jaffy.
"Ikaw rin ang pinakamakitid ang utak na
lalaking nakilala ko!" sagot ni Jaffy.
Hindi na umimik pa ang binata.
Kumuha ng tuwalya si Jaffy sa closet saka
hinarap ang asawa.
"Aalis ako, magkikita kami ni Mommy."
"Hindi mo na kailangang ipaalam sa akin ang
lahat ng lakad mo," walang ganang sagot ni
JM.
"Ipinapaalam ko lang dahil baka may
maghanap sa akin at ikaw ang matanong
nila!" Nagmartsa na palapit sa shower room
si Jaffy.
Ang tagal niya sa shower room. Hindi siya
umalis hanggat hindi pa siya nagsasawa sa
paliligo. Kailangan niyang mapalamig ang ulo
bago lumabas. Napapagod na rin naman
siya. Oo, may mali siya pero hindi naman
niya sinasadyang ganoon nga ang mangyari
sa anak nila.
Paglabas niya, wala na ang asawa nang
makababa siya, ang sabi ng katulong, umalis
na raw kaya napabuntonghininga na lang si
Jaffy.
Siya lang yata ang babaeng hindi nag-ienjoy
sa buhay may asawa kahit na mahal pa niya
ang asawa dahil balewala naman siya para
kay John Matthew.
"Ate, kapag may naghanap, pasabi na lang
na nakipagkita ako sa mommy ko," bilin ni
Jaffy sa katulong.
"Sige po, ma'am," sagot ng katulong kaya
lumabas na si Jaffy at ang ducati ang
ginamit para mabilis lang makasingit sa
traffic. As usual, skinny jeans at fitted white
shirt ang suot niya kapares ng black
sneakers.
Pagdating niya sa parking lot, inayos niya
ang buhok matapos matanggal ang helmet.
May dala naman siyang maliit na suklay sa
bulsa kaya pinusod niya ito at pumasok na
sa mall.
Tinawagan niya ang ina, nasa restaurang na
raw sila ng daddy niya kaya dumiretso na
siya roon sa mamahaling restaurant.
"Mommy," tawag niya kaya napalingon ang
mga magulang sa kaniya. Nanlaki at namilog
ang mga mata ni Inday saka sinipat pa ang
babaeng nakatayo sa harapan niya.
"My ghad! Jaffy?" tanong ni Inday na hindi
sigurado kung anak nga ba niya ang nakikita
o kamukha lang.
"Grabe ka naman, Mommy. Bakit ganiyan
ang mukha mo?" wika ni Jaffy na
nakasimangot.
"Kamukha ka na kasi ng labandera natin!"
sagot ni Inday at kinuha ang salamin sa
shoulder saka iniharap sa anak, "See? Mas
mabuti pa ang labandera ko, naka-makeup
kahit driver lang ang nilalandi. Pero ikaw na
anak ko at Lacson pa ang asawa, para kang
basurera? Anak naman, huwag mo naman
akong ipahiya," reklamo ni Inday. Paano,
magulo ang pagkakatali ng buhok ng anak,
simple lang ang suot at pinaglumaan pa niya
ang skinny jeans.
"Maganda pa rin ako, Mom," naiinis na sagot
ni Jaffy saka naupo sa harap ng mga
magulang. Ganito ito palagi, gusto siya
nitong magsuot ng daring na damit. Kapag
nasa bahay lang sila, pekpek shorts pa
talaga ang pinapasuot sa kaniya.
"Kumusta na kayo ni John Matthew?"
seryosong tanong ni Jim. Ang asawa lang
naman niya ang pilit nang pilit na ipakasal si
Jaffy kay JM kahit na ayaw niya. Lalaki siya
at sa nakikita niya, hindi maganda ang
turing ni JM sa anak niya.
"Okay lang po," sagot ni Jaffy at kumuha ng
pagkain at inilagay sa plato.
"Hindi ka ba niya sinasaktan?" tanong ni Jim
na nakatingin sa mukha ng anak. Kahit
nakangiti ito, alam niyang may luha itong
tinatago sa likod ng mga maganda nitong
mga mata.
"Hindi naman po," sagot ni Jaffy at
sinumulang kumain dahil hindi niya kayang
salubungin ang mga titig ng ama. Oo, hindi
naman siya sinasaktan ni JM physically. Pero
emotionally, mas masakit pa kaysa sa
training nila noong bata pa siya.
May agency sila. Ang mga magulang niya
ang may-ari kaya bata pa lang sila ni Jaff na
kakambal niya, sanay na sa pakibakbakan.
Tumigil lang siya nang magdadalaga na dahil
nakilala na niya si JM. Mula noon, wala
siyang ibang ginawa kundi ang maging
stalker nito.
Nag-uusap sila nang mapatingin siya sa
pintuan. Nanlaki ang mga mata niya nang
makita si John Matthew na may kasamang
babae. Ang kapal ng mukha! Naka-abre siete
pa talaga ang mga kamay ng babae sa braso
ng asawa niya. Kilala niya ang babae. Ex ito
ni John Matthew na anak ngnisang senador
kung hindi siya nagkakamali.
"Ang ganda ng damit niya, magaling siyang
magdala," wika ni Inday na nakataas ang
kilay habang nakatingin sa tinitingnan ng
anak, "wala nga lang boobs! Walang kurba
at mukhang tikbalang!" dagdag nito.
"B-Baka business partner lang ho niya," wika
ni Jaffy nang hindi na maipinta ang mukha
ng mga magulang niya lalo na ng ama nito.
"Manugang!" malakas na tawag ni Inday kaya
napatingin sa kanila ang ibang costumer.
Nakita ni Jaffy kung paano namutla ang
asawa nang makita sila.
"John Matthew Lacson, kamusta na ang son-
in-law ko?" tanong ni Inday habang
pinapaypay sina JM.
"M-Mommy," parang naiihing wika ni JM at
tinanggal ang kamay ng babae saka lumapit
sa kanila.
"Mabuti naman at nandito ka pala. Ow?
Who is she?" tanong ni Inday kay JM habang
nakatingin sa dalagang kasama ni JM.
"K-Kuwan--"
"Business partner mo," wika ni Inday at
inilahad ang mga kamay sa babae, "Kumusta
ka na kumare? Ilan na ang anak mo?"
"W-Wala pa ho akong asawa," namunula ang
pisnging sagot ni Aimee. Hindi lang alam ni
Jaffy kung ano ang sanhi ng pamumula nito.
Kung dahil ba sa pagkapahiya o galit sa
Mommy Sweetheart niya.
"Ay, wala pa ba? Sayang na ang matris mo,
baka nabulok na 'yan. Sa ganitong edad
natin, dapat talaga na humabol ka, matagal
ka nang napag-iwanan ng panahon. The
calendar is not with us, Kumare," wika ni
Inday kaya si Jaffy naman ang napayuko sa
sinabi ng ina. Okay na sana e, nag-English
pa.
"Mom? I think we should finish our food
na," sabi ni Jaffy at humihingi ng paumanhin
ang mga mata kay John Matthew.
"Oh? I'm sorry, we're hungry. Our food is
waiting to eat us," paumanhin ni Inday saka
naupo ulit.
"Sige po, Tito Jim. May pag-uusapan pa
kami ni Aimee," paalam ni John Matthew
saka humarap kay Jaffy, "Magkita na lang
tayo mamaya sa bahay, honey!"
Napalunok ng laway si Jaffy. May laman kasi
ang huling sinabi ni JM bago sila tinalikuran.
Baka kung ano na naman ang gagawin o
sasabihin nito sa kaniya mamaya.
"Mom? Hindi mo iyon dapat sinabi," bulong
ni Jaffy.
"Ang alin?" inosenteng tanong ng ina
habang binabalatan ang hipon.
"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko,"
sagot ni Jaffy at napasulyap sa amang
tahimik na kumakain at mukhang nasa
malalim na pag-iisip.
"Wala namang masama sa sinabi ko. Tama
lang naman iyon. Ne hindi ko nga siya
ininsulto," inosenteng sagot ni Inday kaya
napabuntonghininga si Jaffy.
"Hey, kung takot ka sa asawa mo, sabihin
mo lang sa akin. Ako mismo ang reresbak sa
hipon na 'yon! Babalatan ko siya at
tanggalin ang ulo para sa 'yo!" sabi ni Inday
at nanggigigil na kinain ang nabalatang
hipon.
"Mommy naman, mas lalo mo lang
pinapalala ang sitwasyon," naiinis na sabi ni
Jaffy.
"Hindi kaya--" Inday.
"Kung hindi mo na kaya, Jaffy, bumitiw ka
na," seryosong wika ni Jim at napahigpit ang
pagkakahawak sa kutsara, "Hindi kita
pinalaki para lang kaawain ng iba!"
"Mahal ko po siya, Dad. Lahat ay gagawin
ko para lang bumalik ang tiwala niya sa
akin," desididong sagot ni Jaffy habang
nakatingin sa asawang nagbabaga ang mga
matang nakatingin sa kanila.
"Hindi solusyon ang pagpaka-martyr," ani
Jim saka ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi ako papayag na ganiyan-ganiyanin ka
lang ng asawa mo! Sexy at maganda ang lahi natin! Sayang lang para papayag kang
balewalain ka ng asawa mo! Gaganti tayo!"
determinadong sabi ni Inday sa anak.