Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 23
Palapit si Jaffy sa kotse nang makita ang
asawang kakababa lang sa puting kotse nito.
"Good afternoon, pauwi ka na? Hatid na
kita," tanong ni John Matthew at nginitian
ang asawa. Ang guwapo talaga nito na
animo'y teenager lang kung pumorma.
"Huwag na, may sundo ako," sagot ni Jaffy.
"Daddy mo? Kakausapin ko siyang sa akin ka
na sumabay."
"Boyfriend ko," sagot ni Jaffy kaya nabura
ang mga ngiti nito sa mga labi.
"Pero asawa mo ako, Jaffy. Hindi ba't dapat
sa akin ka sa sumama sa halip na sa iba?"
tanong ni John Matthew habang palapit sa
asawa na hindi hinihiwalay ang mga mata
niya sa magandang mukha nito.
"M-Malapit na tayong maghiwalay. Pirma
mo na lang ang kailangan ko, John
Matthew," sagot ni Jaffy at napaatras nang
iangat ni JM ang kanang kamay para
haplusin ang pisngi niya.
"Iyon nga ba ang gusto mo? Na maghiwalay
tayo, Jaffy?" mahinang tanong ni John
Matthew kaya natigilan si Jaffy. "Kung iyon
ang gusto mo, ibibigay ko."
Hindi makapaniwalang tumingin si Jaffy sa
mga mata ng asawa. Hindi niya mabasa ang
nilalaman ng utak nito pero bigla siyang
kinabahan. Bakit parang may kakaiba kay
John Matthew na hindi niya matukoy kung
ano.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni
JM na titig na titig sa mga mata ng asawa.
"Iyan nga ba talaga ang gusto mo, Jaffy?
Sabihin mo lang. Gusto mo nga bang i-give
up ang kasal natin para lang sa walang
kuwentang tao? Iyon nga ba ang
makapagpasaya sa 'yo?"
Agad na iniwas ni Jaffy ang mga mata bago
pa mabasa ni JM ang gusto niya. Gusto na
niyang maiyak. Gusto niyang magmakaawa
sa mga magulang na iuwi na siya sa asawa
niya.
"Look into my eyes, honey," sabi ni JM saka
hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha
niyang payuko na. "Tell me honestly, mas
mahal mo ba ang ibang bagay kaysa sa akin
na asawa mo?"
Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni JM
nang hindi makapagsalita si Jaffy at tumulo
lang ang mga luha nito.
"Mahal kita, Jaffy. Mahal na mahal at gusto
kong patunayan na seryoso ako. Alam kong
hindi pa sapat ang ginawa ko pero paano ko
matutupad iyon kung ikaw mismo, pinapaikli
mo ang panahon. Alam mo bang natatakot
ako na baka huli na ang lahat para sa ating
dalawa? Na baka hindi na tayo umabot sa
panahong maging masaya?" malungkot na
saad ni John Matthew at maingat na
pinahidan ang mga luha ng asawa.
"J-John Matthew--" Tinakpan ng asawa ang
mga labi niya gamit ang mga daliri nito para
hindi na magsalita pa.
"Huwag ka nang magsalita, Jaffy. Ingatan
mo na lang ang sarili mo kung talagang
mahal mo ako," wika ni JM at napatingin sa
sasakyang tumigil sa tapat nila.
Bumukas ang pinto at lumabas si Ranier.
"A-Aalis na ako," paalam ni Jaffy pero
mabigat ang dibdib. Ayaw niyang sumama
sa iba. Gusto niya kay JM lang pero
kailangan para sa bansa.
Ngumiti si John Matthew, "Huling paalam
mo na ito na sasama sa iba. Nextime, buhay
ko na ang kapalit bago ka nila makuha sa
akin" wika ni JM at lumayo sa asawa para
sumakay sa kotse.
"Okay ka lang? Ginagambala ka na naman na
niya, babe?" tanong ni Ranier nang lumapit
sa kanila.
Umiling si Jaffy, "Hindi na."
"Mabuti naman. Sabihin mo lang sa akin
kung ginugulo ka na naman ng ex-husband
mo!" naiiritang sabi ni Ranier at iginiya si
Jaffy palapit sa kotse niya.
Niyaya niya itong mag-dinner sa bahay nila.
Habang nasa biyahe, si John Matthew ang
laman ng isip ni Jaffy. May kakaiba sa asawa,
alam niya. Hindi lang niya matukoy kung
ano. Kinabahan siya nang maalala ang tono
ng pananalita nito tungkol sa divorce papers
nila. Paano kung totohanin nito ang lahat?
Paano kung ito mismo ang magpagawa at
siya ang papirmahin? Fake lang ang hawak ni
JM at pinapapirmahan niya.
"Iniisip mo ba siya?" tanong ni Ranier at
napasulyap kay Jaffy na mukhang ang layo
ng iniisip.
"W-Wala, iba ang iniisip ko," sagot ni Jaffy.
Ipinagpatuloy na lang ni Ranier ang
pagmaneho bago pa siya masaktan dahil sa
lungkot sa mga mata ni Jaffy. Gusto niya
ito. Pangarap niyang maging asawa si Jaffy
pero mukhang mahal pa nito si JM. Damn,
hindi naman siya tanga. Naramdaman niyang
siya nga ang kasama pero iba ang laman ng
isip at puso nito. Pag-aari pa rin ito ni John
Matthew pero heto siya, nagtatanga-
tangahan alang-alang sa pagmamahal.
Matapos ang ilang minutong pagmaneho,
nakarating na sila sa mansion.
"We're here," pukaw niya kay Jaffy na
mukhang sa kabilang mundo pa rin ang
diwa.
"Hindi ko namalayan," nakangiting sabi ni
Jaffy at tinanggal na ang seatbelt. Bumaba
si Ranier at umikot para pagbuksan si Jaffy.
"Salamat," nakangiting pasalamat ni Jaffy.
Hinayaan na lang niya si Ranier na akbayan
siya kahit na tutol ang kaniyang kalooban.
Iniisip na lang niyang trabaho lang ito.
"Good afternoon," bati ni Ranier sa mga
bisita.
"Mabuti at nakauwi ka kaagad!" pagtataray
ni Aimee at tinaasan ng kilay si Jaffy. Dedma
lang si Jaffy. Wala siyang panahon para
makipagtarayan kay Aimee. Naniniwala pa rin
siya sa sinabi ni JM na magkaibigan lang sila
nitong si Aimee.
"Good afternoon, Tito!" masiglang bati ni
Aimee sa ama ni Ranier na kasama ang ama
niyang kakarating lang. Si Jaffy ay pinaupo
ni Ranier sa sofa katabi ng mommy niya.
"Magandang hapon," sagot ng ama ni
Ranier. "Dito lang muna kayo, may mga
bisita pa ako."
Nilagpasan na sila ng dalawang matanda.
Pinakiramdaman ni Jaffy ang mga kilos ng
ama ni Ranier at ama ni Aimee at dumiretso
sa itaas ng bahay.
"Kumusta ka na, Jaffy?" nakangiting bati ng
ina ni Ranier.
"Okay lang po ako, Tita. Kayo po?"
magalang na sagot ni Jaffy. Nanlumo siya.
Mabait ang ina ni Ranier sa kaniya.
"Okay lang ako. Medyo marami lang ang
bisita namin ngayon," nakangiting sagot ng
ginang.
"Pansin ko nga po," ani Jaffy.
Ang sabi ni Ranier, may kaunting salu-salo
silang magpamilya pero nandito ang mga
kamag-anak nila at kaibigan pero iba ang
hinala ni Jaffy.
"Saktong nandito ang mga kaibigan ng
asawa ko," wika ng ginang kaya ngumiti si
Jaffy. "Ang ganda mo naman, Jaffy. Mana ka
sa mommy mo."
"Mas maganda po ang mommy ko,"
nakangiting sagot ni Jaffy. Tanggap naman
niya na mas maganda at sexy ang kaniyang
ina.
Hindi na tumutol pa ang ginang. "Okay ka
lang?" tanong ni Ranier nang maupo sa tabi
niya at inakbayan siya.
"Oo naman," sagot n Jaffy.
"Gusto mong kumain?" tanong ni Ranier.
"Puwede ba akong magpahinga muna?"
tanong ng dalaga at umaktong nahihilo siya.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni
Ranier.
"Medyo nahilo ako," sagot ni Jaffy. Gusto
kong mahiga.
"Dalhin mo muna siya sa guest room sa
itaas," sabi ng ina ni Ranier.
"Magpahinga ka muna sa guest room," sabi
ni Ranier kaya hindi na tumanggi pa si Jaffy
nang iginiya siya nito paakyat sa hagdan.
Pagpasok sa guest room, agad na naupo si
Jaffy sa sofa.
"May kailangan ka, babe? Sabihin mo lang."
"Can I have a soup?" tanong ni Jaffy.
"H-Ha? Wala-- okay, magpapaluto ako. Ano
ba ang gusto mo?"
"Corn soup, please," pakiusap ni Jaffy na
umaktong nanghihina.
"Okay lang ba na iiwan kita rito?"
"I will be fine, don't worry. Just make me a
soup, please," malambing na pakiusap niya
kay Ranier kaya tila nahipnotismo naman ito
at mabilis na tumalima.
Nang masigurado ni Jaffy na wala na si
Ranier, kinuha niya ang earphone na
nakakonekta sa cellphone niya at idinikit sa
dingding. Mukhang earphone lang ito pero
kaya nitong makarinig ng usapan sa kabilang
silid basta hindi lang makapal ang cemento
ng dingding sa pagitan nila. Mas malinaw
ang pandinig nito ng sampung beses kaysa
sa normal na tao.
Kailangan niyang mai-record ang usapan nila
sa kabilang silid na library para mai-forward
sa ama.
--------------------------------
"Saan ka galing? Kay Jaffy na naman? Kailan
mo ba siya maiuwi?" tanong ni Lee Patrick
habang bitbit ang anak nila ni Christine.
"Ang mag-ina mo ang atupagin mo at hindi
ang buhay ko!" pagsisinuplado ni JM at
lumapit sa ama.
"Dad? Puwedeng patawagan ng piloto? May
pupuntahan ako. Emergency lang," pakiusap
ni JM kaya nagtatanong ang mga mata ni
Dylan na nakatitig sa anak.
"Please, I really need her help," pakiusap ni
JM kaya tinawagan ni Dylan ang piloto.
Matapos ang isang oras ay nakarating na ito
kaya nagpahatid si JM sa nais puntahan.
Matapos ang mahabang biyahe, sumakay
siya sa taxi at nagpahatid sa apartment ng
dalaga.
Pagkabukas nito ng pinto, napasimangot
ito.
"Bakit ka naparito, John Matthew? Ano ang
kailangan mo?" pagtataray nito. Pumasok si
JM at dumiretso sa loob ng apartment.
"Kailangan ko ang tulong mo," diretsahang
sagot ni JM na naupo sa sofa habang
nakatitig sa nakatayong dalaga.
"Hindi ako nagbebenta ng laman. Hindi ako
pumapatol sa mga tigang!" anito.
"Solve na ako kay Jaffy," napipikang wika ni
JM kaya sumimangot ang dalaga.
"Wala na kayo kaya tigang ka!" giit nito
pero ngumisi lang si JM.
"Kaya kong makuha ang katawan ng asawa
ko sa ano mang oras na gustuhin ko. Alam
mo 'yon!"
"Bakit ka nandito? Bilisan mo at may lakad
pa ako!" salubong ang kilay na sabi ng
dalaga. Sarap ibalibag ni JM.
"Kailangan kita para iligtas ang buhay ni
Jaffy. Alam mo kung ano ang ibig kong
sabibin!" ani JM. Natigilan ang babaeng
kaharap ngunit nakipagtitigan si JM sa
kaniya.
"Hindi ako nakikialam sa misyon ng iba,"
pagsuko ng dalaga.
"Buntis si Jaffy," prangkang sabi ni JM.
Malakas ang kutob niyang buntis ang asawa
kaya natigilan ang kaharap.
"Shit! Wala ka na bang ibang gawin kundi
buntisin siya?" singhal nito.
"She's my wife! Ilang beses ko man siyang
buntisin, wala na kayo roon. Baka
nakalimutan mo, may malaki ka pang
kasalanan sa akin!" paalala ni John Matthew
kaya napapikit ang dalagang kaharap.
"Ano ang gusto mong gawin ko, JM?"
mahinang tanong niya dahil mukhang
nasukol na siya. Isa pa, malaking problema
kung sakaling totoo mang buntis si Jaffy.
Paano kung maulit na naman ang nangyari?
"Umuwi ka ng Pilipinas at ikaw ang
magpatuloy ng misyon ng kakambal mo,
Jaff!" sagot ni John Matthew kaya
napanganga si Jaff.
"Letse! Ba't ba kasi putok lang kayo nang
putok sa loob!" pagmamaktol ni Jaff.