Ang Asawa Kong Barumbadoby: sha_sha0808 Ash Simon
EPILOGUE
Unedited...
"Naku, 6 cm pa. Matagal pa 'to," sabi ng midwife at kinuha ang gloves saka itinapon sa basurahan."Putiks! Puwede bang mamaya n'yo na siya i-IE? Nakalima na kayo a!" reklamo ni John
Matthew na nakaupo sa sofa. Bilang na bilang talaga niya e. Kanina pa siya napipikon sa mga ito.
"Sir, kailangan naming i-check," sagot ng nurse pero napaatras nang titigan siya nang masama ni JM."Ke babae ninyo, gustong-gusto ninyong fine-finger ang asawa ko? Mga hayop kayo!"
singhal ni JM. "Paano kung babae ang anak namin tapos nakaharap siya at matusok ninyo? E di hindi na siya virgin?"
"H-Honey, tama na. A-Ang ingay mo!" namamawis na sabi ni Jaffy. Kanina pa siya
nasasaktan. Tatlong oras na yata niyang iniinda ang sakit at hilab ng tiyan.
"Doc? Do we need to give her oxytocin?" tanong ng midwife. Normal naman ang vital
signs ni Jaffy at walang problema sa fetal heart rate pero kailangan nila ng uterine contraction dahil ang ingay ni John Matthew.
"No need," sagot ng private doctor nila.Sanay naAnn sa gotya sa mga ito kapag manganak at ganito lang talaga ka exagerated ang quadruplets kapag manganak ang mga asawa nila. Gusto kasi
nila na normal delivery ang mangyari. Iyon naman talaga dapat. Hanggat kaya ng ina,
normal vaginal delivery ang gagawin nila. Masyadong risky rin kapag ma CS ito.
"Isang araw na siyang nasasaktan!" sabi ni
JM."Normal lang po 'yan kapag manganak,"
sagot ng doctor. Siya nga noon, isang buong araw na in pain nang manganak.
"T-Tatlong oras pa lang, JM!" sabat ni Jaffy.
Hindi siya maka-concentrate sa bunganga ng asawa.
Tumayo si Jaffy at nag-squatting gaya ng itinuro ng nurse niya.
"Lumabas na nga kayong tatlo! Tatawagin ko
lang kayo!" pagtataboy ni JM.
"Pero kailangang may bantay siya. Maiwan ang nurse rito," sabi ng doctor."Okay lang ang asawa ko! Hindi naman kayo kailangan sa ngayon. We need privacy!"
Walang nagawa ang tatlo nang itaboy sila ni JM.
Muling pinahiga niya si Jaffy at pinatulog. Kailangan nito ng energy mamaya kapag umiri."H-Honey?" tawag ni Jaffy at niyuyugyog ang balikat ni JM.
"Hmmm?" inaantok na sagot ni JM. Kulang siya sa tulog dahil inaabangan niya ang
panganganak ni Jaffy last week pa. Kapag tulog ito, kailangan niyang manatiling gising.
"M-Manganganak na yata ako..."
nakangiwing sabi ni Jaffy at muling niyugyog
ang asawa."E di iiri mo," sagot ni JM. Kagabi pa ito sabi nang sabi na manganganak pero
hanggang ngayon, wala pa rin. Isa pa, sabi ng midwife, mamaya pa raw dahil 6cm pa
lang nang i-IE nila."L-Lalabas na talaga e," naiiyak na sabi ni Jaffy. Basang-basa na ang higaan niya at
wala pang nurse at doctor sa loob. Pinalabas kasi ni JM kanina dahil panay raw ang pag-IE sa kaniya."Kanina pa 'yang labas nang labas!" napipikon na sabi ni JM. Ayaw niyang i-IE nila ang asawa.
"JM? A-Ang ulo nasa puwerta ko na!" sigaw ni Jaffy na sakto namang pumasok ang nurse.
"Shit!" sambit ng nurse nang itinaas ang kumot ay nasa bukana na ang ulo ng sanggol.
Agad na lumabas ito saka tinawag ang midwife at doctor. Para namang nabagsakan
ng langit si JM nang makita ang ulo ng bata.
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang lumabas na talaga ang ulo nito hanggang sa
balikat na ang nakalabas.
"H-Honey!" bulalas niya at agad na sinalo ang anak nang bigla na lang bumulusok palabas ang sanggol."Uwaaa!"
"H-Honey!" nanginginig ang mga kamay ni JM habang hawak ang anak.
"H-Huwag mong bitiwan, John Matthew!"
Naninigas na nakatayo si JM pero ang mga kamay, sobrang nanginginig na akala mo
may yumuyugyog.
"H-Huwag m-mong bitiwan ang anak natin,"
pakiusap ni Jaffy nang mapansing hindi na kumukurap ang asawa.
Patakbong pumasok ang dalawang nurse,
midwife at private doctor nila.
Agad na kinuha ng nurse ang sanggol sa
mga kamay ni JM na nanginginig pa rin ang mga kamay.
"Uhmmmp!" ani Jaffy na umiri pa nang maramdaman ang paghilab.
"Shit!" sambit ng midwife nang parang kawayang natumba si John Matthew sa sahig.
