29

1.4K 56 0
                                    

Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 29

Unedited...
"Honey? Dito ka na titira? Kunin ko na ang
mga gamit mo sa bahay ninyo?" tanong ni
John Matthew sa asawang kakalabas lang ng
shower room. Basa ang buhok ang
nakatuwalya lang. Ang sarap nitong ibalik sa
kama at gahasain nang paulit-ulit.
Poker face na tiningnan siya ni Jaffy tapos
ipinagpatuloy ang paghahanap ng maisuot
sa closet nila. Mabuti na lang dahil may
natira pa siyang damit dito.
Tumayo si John Matthew kaya lumantad sa
mga mata ni Jaffy ang mala-adonis nitong
katawan.
"Ililipat ko na ba ang mga gamit mo?"
tanong ulit ni John Matthew at niyakap ang
asawa mula sa likuran. "I love you, honey."
"Uuwi na ako," sabi ni Jaffy at tinulak si JM
saka nagbibis. Wala siya sa mood na
magpalandi sa asawa. Okay, guwapo na ito
at hot pero napapagod din siya na kahit
maghubad pa ito ngayon sa harapan niya,
tatanggi siya. Mali man na palampasin niya
ang biyaya ng Diyos lalo na si JM pero
napapagod din siya. Tao lang siya at
nanghihina sa unli rounds ng asawa.
Makapag-body bonding ito, parang
ikakamatay na nila ngayon. Baon na baon e.
"What? Honey naman, dito ka lang,"
pagtutol ni JM.
"Wala ka bang kapaguran, John Matthew?
Pahingain mo naman ako!" wika ni Jaffy.
"Wala. Miss kaya kita," sagot ni JM at
nginitian ang asawa pero inirapan lang siya
ni Jaffy.
Nang hatakin na ni Jaffy ang pantalon,
mabilis na nagbihis si JM ng damit.
"Honey--shit!" paghabol niya sa asawang
palabas na ng kuwarto nila.
"Honey naman, umuwi ka na kasi."
"Uuwi na nga ako sa bahay namin," sagot ni
Jaffy na pababa na sana ng hagdan pero
hinila siya ni JM.
"Huwag kang gumamit ng hagdan, baka
mahulog ka," nag-aalalang sabi niya. Buntis
pa naman si Jaffy.
Nang makasakay na sila sa elevator,
hinawakan ni JM ang kamay ng asawa.
"Jaff? Alam ko namang dahil lang ito sa
pagbubuntis mo kung bakit naiinis ka sa akin
e. Pero honey? Baka puwede mong pigilan
ang sarili mo? Nasasaktan kasi ako sa
tuwing ipagtabuyan mo ako," pakiusap ni JM
at niyakap ang asawa.
"Ipinagtabuyan mo rin naman ako noon, 'di
ba?" malungkot na sagot ni Jaffy. Those
were the days pero sa tuwing maalala niya,
nanlulumo siya. Kung ano man ang
pinagdaanan niya kay JM noon, iyon talaga
ang tunay na hamakin ang lahat, mapasaakin
ka lamang. Ang tanga niya.
"Ang sama ko sa 'yo noon kaya bumabawi
ako sa 'yo ngayon. Ewan ko ba, ang tanga
ko lang noon dahil hindi kita binibigyan ng
pansin at halaga," malungkot na pag-amin ni
JM. Wala namang ibang dahilan kung bakit
ayaw niya kay Jaffy. Maliban sa nasasakal
siya rito. Ayaw na ayaw kasi niya ng
babaeng habol nang habol sa kaniya. Pero
nang maglaon ay paunti-unti rin siyang
nahuhulog kay Jaffy.
"Bahala ka," sabi ni Jaffy at hinila ang kamay
saka lumabas na sa elevator. Maaga pa
naman kaya ang mga katulong pa lang ang
gising.
"Ihatid na kita," sabi ni JM at hinila na
naman ang kamay ni Jaffy palapit sa itim na
kotse niya. Hindi naman tumutol si Jaffy.
Nang palabas na sila ng gate, itinaas ni Jaffy
ang mga paa. Ngayon lang yata niya
naramdaman ang buong sakit dulot ng
ginawa nila kagabi.
"Okay ka lang?" tanong ni JM nang hilutin
ng asawa ang mga paang nakaunat. "D-
Dadalhin ba kita sa hospital?" Biglang
bumundol ang kaba sa puso niya. Paano
kung napahamak na naman ang mga anak
niya dahil sa kapabayaan nila?
"Nangangalay lang ang mga paa ko pero
okay lang ako, kailangan ko lang
magpahinga," sagot ni Jaffy at inayos na ang
pagkakaupo saka inilagay ang seatbelt.
"Are you sure? Honey? Ayaw ko lang maulit
ang trahedya sa pamilya natin," malungkot
na wika ni JM.
Humarap si Jaffy sa asawang nagmamaneho.
Ngumiti siya.
"Huwag kang mag-alala, iingatan ko na siya
o sila." Pinapangako niyang hindi na siya
gagawa ng kahit na anong ikapahamak ng
kanilang anak.
"Salamat," sabi ni JM at sinulyapan ang
asawa, "Iingatan ko rin kayo."
Nang muling itinuon ni JM ang mga mata sa
unahan, napangiti si Jaffy. Ala naman niyang
mahal niya si JM pero hindi lang niya
mapigilan ang sarili. Ang sarap kasi isipin na
kaya niyang magmatigas kay JM. Ang sarap
din pala ng pakiramdam na siya ang
hinahabol. Saka na lang siya babae kapag
hindi na siya naglilihi.
Pagdating nila sa bahay, hinatid pa talaga
siya ni JM sa kuwarto.
"Magpahinga ka na, aalis na ako," sabi ni
John Matthew at hinalikan ito sa kanang
pisngi. Sa lips talaga sana 'yon kaso umiwas
si Jaffy.
"Honey? Aalis na ako," ulit ni JM pero
parang walang narinig ang asawa. "Iingat
ako kasi magbo-body bonding pa tayo
bukas," pabirong dagdag niya kaya tumaas
ang kilay ni Jaffy.
"Magpapa-party na ba ako dahil lumalandi
ka sa akin?" tanong ni Jaffy. Masyado siyang
nasanay na hindi sweet si JM. Madalas
nakasimangot ito noon kapag kaharap siya.
"Huwag na, baka habambuhay na magpa-
party ka dahil araw-araw kitang lalandiin
para sa body bonding," pilyong sabi ni JM.
"Alam mo na, palagi ka naming hinahanap
ng alaga ko."
"Haist! Umalis ka na bago pa kita masapak!"
"Oo na! Magpahinga ka para sa body
bonding natin bukas."
"Umalis ka na!" sigaw ni Jaffy na namumula
na ang mukha kaya natarantang tumakbo si
John Matthew palabas ng kuwarto ng asawa
bago pa may mangyaring masama sa anak
nila.
"Ba't ganiyan ang mukha mo?" nagtatakang
tanong ni Inday nang makasalubong niya.
"Mommy Sexy, paki-check naman po ng
asawa ko, na-highblood yata sa akin,"
pakiusap ni JM. Hindi na siya makapasok pa
dahil baka magwala si Jaffy kapag makita
siya.
"Okay, ako ang bahala. Pasalamat ka, pogi
ka," sagot ni Inday saka umakyat patungo sa
kuwarto ng anak.
Lumabas si JM at sumakay sa sasakyan.
Kailangan muna niyang lumayo bago kahit na
ayaw na niya.
Pauwi na siya sa mansion nang maisipan
niyang mag-U-Turn. Tumigil siya nang may
madaanang flower shop. Bumili siya ng ilang
pirasong puting rosas at dumiretso sa nais
pupuntahan.
Tahimik ang lugar, puno ng kakahuyan at
tanging mga huni ng malayang ibon ang
naririnig nila.
Maingat na inilapag niya ang mga bulaklak
sa maliit na mansion ng lolo't lola niya.
"Kumusta na po kayo?" tanong ni JM at
hinimas ang lapida ng Lola Patch niya. "Alam
ko pong masaya na kayo. Lola Patch? Alam
kong sobra-sobra na ang tulong ninyo sa
amin pero puwede bang makiusap?"
Napangiti si JM nang maalala ang kulitan
nilang quadruplets lalo na't kakampi nila ang
Lola Patch nila.
"Puwede ho bang alagaan mo riyan ang
quadruplets ko? Makukulit po sila pero
mababait at alam kong maaliw ka sa kanila,"
pakiusap niya. Thanks God at hindi na siya
naiiyak. Napangiti siya. Sa kanilang apat, si
Lance Leonard ang may pinakamatinding
hinanakit dahil namatay ang lola nila pero
medyo okay na iyon ngayon. Si Jacob
naman ay iyakin at si Lee Patrick ay sakto
lang kagaya sa kaniya. Mas mabilis silang
naka-recover ni Lee Patrick sa pagkawala ng
lolo't lola nila.
"Lolo Lee? Thank you sa lahat dahil kahit
wala ka na, ipinakita mo sa amin kung gaano
kahalaga ang pamilya. Higit sa lahat, kung
paano maging responsable sa mga anak at
asawa. Pasensiya ka na, naging pasaway ako
nitong nakaraang taon pero pangako,
babawi ako sa asawa ko."
Bago siya umalis, nagmuni-muni muna siya
at binisita rin ang Lola Hannah at Lolo Ryan
Villafuerte nila na katabi lang nitong kina
Patch. Ang tahimik ng lugar na ito.
"Sandali! Putiks! Hindi kayo titigil sa
kakatakbo?" sigaw ng taong kakapasok lang
sa gate.
"Ayan na si Daddddy!" natatawang sigaw ng
batang lalaki habang palapit sa kaniya.
Patakbo ring sumusunod ang lima pa nitong
kapatid.
"Madapa kayo! Putiks!" sigaw ni Sky at
natarantang lumapit sa anak na nadapa.
"Sinasabi ko na nga ba e!"
Pinatayo niya ang anak na iyak nang iyak at
nagpapakarga sa kaniya. "Matter? Pakikuha
ako ng putol na kahoy na 'yan!" Utos ni Sky
sa anak kaya sabay na tumigil ang apat.
"Hayaan mo na silang maglaro," saway ni
Taira na palapit sa kanila. Napatingin siya
kay JM dahil sa likod nito nagsitago ang
limang anak.
"Hello po, Ate Tai-Tai, Kuya Sky, kumusta na
po?" nakangiting bati niya sa mag-asawa.
Pinsan niyang buo si Taira at si Sky naman
ay medyo malayo na.
"Okay lang. Kumusta si Jaffy?" tanong ni
Taira.
"Okay lang po," sagot ni JM.
"Sinasabi ko na nga ba e, sana nag-anak
tayo ng babae!" naiinis na sabi ni Sky. Anim
kasi ang mga anak nila at puro lalaki pa kaya
sobrang desperadong magkaanak si Sky ng
babae kaso ayaw na ni Taira.
"Tama na ang anim. Baka mamaya, lalaki na
naman," pagtutol ni Taira. Okay na kahit na
wala silang babae. At least biniyayaan pa rin
sila ng anim na anak.
"Mauna na po ako, kailangan daw ako ni LL
e," paalam ni JM. Kaka-text lang ni LL,
emergency raw kaya kinabahan siya.
Takbo na naman ang mga bata para
sumunod sa kaniya pero kaagad napabalik
nang makitang may pamalo na si Sky.
Napailing na lang si JM. Sa susunod,
makipagsalamuha na ang mga anak nila ni
Jaffy sa mga ito.
Mabilis na nagmaneho siya pabalik sa
mansion nila.
Tuloy-tuloy siya sa guest room dahil
nandoon daw si Lance Leonard sabi ng
katulong.
"Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong
niya kay JM na naglalakad sa loob ng silid
habang napapakagat sa hinlalaking daliri.
Nandito rin ang dalawa pa nilang kapatid. Si
Jacob at natutulog at si Lee Patrick ay
kumakain.
"K-Kailangan ko ang tulong ninyo," naiiyak
na sabi ni Lance Leonard sa tatlong kapatid.
"Bakit? May problema ba? Si GV ba?"
tanong ni Lee Patrick.
Tumango si LL at naupo sa sofa saka
napahilamos na parang pasan nito ang
mundo.
"Nag-away--" JM.
"Hindi kami nag-away. Wala kaming
problema ni GV," sabat ni LL.
"Ano ang problema?" nagtatakang tanong ni
JM.
Napabuntonghininga si LL. "G-Gusto kong
mag-propose kay GV."
Natigilan silang tatlo. Si Lee Patrick na
kumakain ay nabitiwan ang manok na hawak
at si Jacob na natutulog ay biglang nagising
at napanganga.
"N-Nananaginip pa rin ba--" Jacob.
Pak!
"Gising ka!" sabi ni LL matapos sapakin si
Jacob.
"Nagtatanong lang naman! Ba't kailangan
manapak? Literal na malaki na ang kambal
ninyo tapos ngayon ka lang magpro-
propose?" hindi makapaniwalang sagot ni
Jacob.
"Hindi mataba ang anak ko!" depensa ni LL.
Malakas lang talagang kumain si Gab pero
hindi ito malaki. Mas chubby lang ito kaysa
sa mga pinsan.
"Ano na? Seryoso ka ba sa pag-propose
mo?" tanong ni Lee Patrick.
Muling naupo si LL at tumango. "Oo. Kaso si
GV kasi, ayaw niya ng madrama dahil kilala
naman ninyo siya, 'di ba? Ayaw talaga
niyang gawin ko siyang babae. Ayaw niyang
ituring siyang reyna," naiiyak na sagot ni LL.
Iyon ang malaking problema niya. Naiinggit
siya sa tatlong kapatid dahil na-a-appreciate
ng mga asawa nila ang effort pero si GV,
ayaw talaga nito ng flowers. Nananapak pa.
"Gawin mong aksyon," natatawang
suhestiyon ni Lee Patrick.
"Mag-iisip tayo," sabi ni JM at nahiga sa tabi
ni Jacob. "Pero bago iyon, patulugin muna
ninyo ako."
"Ako rin," ani Lee Patrick na pagod na
pagod.
"Hoy!" tawag ni John Matthew pero
naghihilik na ang tatlo kaya napilitan siyang
mahiga sa tabi ni Lee Patrick. Pagod din siya
at kailangan niyang magpahinga.
"Kuya!" tawag ni Anndy nang pumasok pero
tulog na ang apat sa iisang kama. Napangiti
siya at lumapit sa quadruplets. Ang cute
nilang tingnan na apat. Parang mga kapre
na nakahiga sa iisang kama.
Maingat na nahiga siya sa gitna ng apat na
sa pagitan nina Jacob at JM. "Na-miss ko
kayong apat," bulong na sabi niya at
napangiti nang maramdaman ang mga
kamay ng apat na yumakap sa kaniya.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon