2.2

1.1K 35 0
                                    

Ang Asawa kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Unedited...
[Third PoV]
Tapos na ang honeymoon. Tatlong araw
lang naman pero sa halip na magsama sila sa
iisang cottage, kumuha si John Matthew ng
isa pang cottage at doon natulog. Wala
namang magagawa si Jaffy kung ayaw
tumabi sa kaniya ni JM. Naiintindihan niya
ito. Galit ito sa kaniya.
Kakalapag lang ng chopper sa helipad ng
mansion at naunang bumaba si JM. Ne hindi
man lang siya nito tinulungan.
"Kumusta ang honeymoon?" nakangiting
tanong ni LL nang makasalubong niya ito.
Hindi pa tapos ang pinapatayo ng parents
nilang bahay kaya sa condo muna sila ni JM
titira.
"Okay lang," tipid na sagot ni Jaffy.
"Nakakapagod ba?" pilyong tanong ni LL.
"Wala ka na bang ibang itanong kay Jaffy?"
seryosong tanong ni JM nang bumalik.
"Wala naman," sagot ni LL at humalukipkip
saka bumaba.
"Dalhin mo na ang mga gamit mo sa
kuwarto. Bukas na tayo uuwi sa condo,"
sabi ni JM at nilagpasan ang asawa.
"Ne hindi man lang ako tinulungan!" bulong
ni Jaffy at binuhat ang maleta saka pumasok
sa kuwarto nila.
Ito ang kuwarto ni LL sa mansion. Malawak
naman ito at malaki ang malambot na kama.
Halos lahat ng gamit ay kulay itim lalo ang
furniture.
Dahil sa pagod, hinilot-hilot ni Jaffy ang
mga braso at patihayang nahiga sa kama.
"Hindi ka ba marunong maghubad ng
sapatos mo bago mahiga sa kama ko?"
salubong ang kilay na tanong ni JM.
"Hindi naman nakapatong ang paa ko sa
kama," depensa ni Jaffy. Nakalaylay pa
naman ang mga paa niya kaya malabong
madumihan niya ang bedsheet.
"Kahit na! Hindi mo pagmamay-ari ang silid
na ito kaya makisama ka!" wika ni John
Matthew.
Naupo si Jaffy at tumingala sa asawa, "Pero
asawa mo na ako at lahat ng pag-aari mo
ay pag-aari ko na rin," paalala niya. Wala na
itong magagawa pa. Legally married na sila.
"Sa papel lang," pagtatatama rin ni JM,
"Alam mo kung ano ang papel mo sa buhay
ko at huwag kang umasta na para bang
mahal kita!"
Napabuntonghininga si Jaffy saka kinuha ang
chocolates sa travelling bag. Ganito siya
kapag ma-stress kay JM. Mula noon, hindi
siya nawawalan ng tsokolate sa bag.
"Wala kang magagawa, John Matthew. Kasal
na tayo kaya panindigan mo na lang ang
pagiging asawa ko!" sabi ni Jaffy. Sanay na
siya rito lalo na sa pang-iinsulto nito.
Tumungo si JM sa shower room kaya muling
nahiga si Jaffy sa kama. Tumayo siya at
kumuha ng pamalit na pambahaym sa
maleta.
Nang lumabas si JM, nakaroba lang ito kaya
nasisilip niya ang makinis at maputing dibdib
nito.
"Hindi ba't mali ang mambuso ng katawan
ng ibang tao?" nakataas ang kilay na tanong
ni John Matthew nang makita ang mga mata
ni Jaffy na nakatutok sa dibdib niya.
"Asawa na kita kaya may consent na ako na
makita ang lahat sa 'yo! Isa pa, nakita ko na
ang lahat sa 'yo!" nakangiting sabi ni Jaffy
na binalewala ang pagiging suplado ni John
Matthew.
"Hindi ka ba titigil sa salitang asawa, Jaffy?"
"Hindi, honey!" Ubod ng tamis na ngumiti si
Jaffy para mas lalong maasar ang asawa,
"See? Hindi ako tumigil kaya ngayon, asawa
na kita."
Bago pa man siya masigawan ni JM, agad na
tumalima na siya papasok sa shower room.
Isinarado niya ang pinto at hinubad ang
saplot saka binuksan ang shower.
Maligamgam pa ang tubig.
Napabuntonghininga siya habang
pinagmamasdan ang hubo't hubad na
katawan sa whole body mirror. Morena siya.
Pahaba ang mukha, mahaba ang buhok, at
may pagka-bombay ang mga mata. Marami
ang nagsasabing maganda at sexy siya. Ilang
lalaki rin ang tinanggihan niya dahil si JM
lang ang gusto niya.
"Mamahalin ka rin niya, Jaffy. Makukuha mo
rin ang tiwala niya!" sabi niya sa reflection at
nginitian ito saka kinurot ang pisngi.
"Wala ka pang misyon na hindi na-
accomplish! Si JM lang 'yan! Madali lang
'yang makuha. Ang mahalaga, ikaw ang
nakakuha ng virginity niya!" pagbibigay lakas
niya sa sarili.
Siyempre, hindi naman niya inakalang virgin
nga talaga si JM noong una nilang magtalik.
Malay ba niya na wala pa palang karanasan
ang mokong.
Matapos maligo, tuwalya lang ang itinapis
niya sa katawan dahil naiwan pala ang
inihanda niyang damit sa ibabaw ng kama.
Paglabas niya, nagbibihis din si John
Matthew. Naka-shorts pa lang ito kaya ang
kaninang sinisilip niyang dibdib ay may
kasama ng abs na nakabalandra sa mga
mata niya.
Hindi naman sa mahal niya ito dahil sa may
abs ito. Well, bonus na lang talaga kaya mas
lalo niya itong hinahangaan. Kung walang
abs, okay rin naman sa kaniya. Hindi abs ang
kailangan niya kundi puso ni John Matthew.
"Pero mas masarap pa rin siya kapag may
abs," bulong niya pero narinig yata ni JM
kaya ang sama ng tingin nito sa kaniya.
Bahala ito. Tutal, sanay naman itong
pinagnanasaan niya.
"Honey? Kapag matapos na ang bahay, tayo
ang pipili ng mga gamit ha," excited na sabi
ni Jaffy pero hindi sumagot si JM. Kinuha
nito ang puting tshirt at lumabas na.
Matapos niyang magbihis, lumabas siya at
pumunta sa baba para tumulong sa ina ni
John Matthew.
"Mommy Ann," magalang na bati niya.
"Jaffy!" masiglang sabi ni Ann at niyakap
siya, "Nagugutom ka na ba? Malapit nang
maluto ang inihanda ko."
"H-Hindi pa naman po," napangiwing sagot
ni Jaffy. Patay, ito na naman ang nakialam sa
kusina.
"Good. Halika, tulungan mo akong magluto.
Alam kong hindi masarap ang timpla ko kaya
ikaw na ang magtantiya ng seasonings," ani
Ann kaya sumama si Jaffy sa kusina.
"Okay na ba kayo ni John Matthew?" tanong
ni Ann at binuksan ang kaldero. Hindi lingid
sa kaalaman nila ang tunay na sitwasyon ng
dalawa. Actually, pinilit lang nila si JM na
magpakasal kay Jaffy para hindi mapahiya
ang dalaga at pamilya nito. Pero okay lang
naman dahil boto naman silang lahat kay
Jaffy.
"Hindi pa rin po," malungkot na sagot ni
Jaffy. Mabuti pa ang mga magulang ng
asawa, tanggap siya.
"Hayaan mo, darating ang araw na
matatanggap ka rin niya," sabi ni Ann at
nginitian si Jaffy. Minsan, gusto na niyang
ibunggo ang ulo ng anak para matutunan
naman nitong mahalin si Jaffy. Saan ka ba
nakakakita ng babaeng handang gawin ang
lahat, makasal lang kayo? Ang swerte nga
ng anak niya e.
"Sana nga po," puno ng pag-asang tugon ni
Jaffy.
Matapos maluto ang ulam, pinatawag na ni
Ann sina LL sa katulong. Ang iba kasi niyang
anak ay nagsiuwian na sa mga bahay nila. Si
LL lang ang hindi maiwan-iwan ang mansion
dahil malapit ito sa Lola Patch nila noon.
"Nasaan na sina Luis at Gab?" tanong ni Ann
kay LL nang maupo na sa mesa. Si Dylan
naman ay nasa tabi niya.
"Isinama ni GV, doon daw sila matutulog
sabi ng mga kuya ni Mine," sagot ni LL kaya
napataas ang kilay ni Ann.
"Ano na naman ang pinag-aawayan ninyo?"
tanong ni Dylan habang kumakain.
"Wala ah," tanggi ni LL at ipinagpatuloy ang
pagkain.
"Hindi na ba titigil ang tampuhan ninyo ni
GV?" tanong ni John Matthew kaya tumigil si
LL at hinarap ang katabing kapatid.
"Pakialam mo? Ikaw? Nirerespeto mo ba
ang asawa mo?"
Napahigpit ang pagkakahawak ni JM sa
kutsara. Si Ann ay palipat-lipat ang mga
mata sa magkapatid.
Pabagsak na inilapag ni JM ang kutsara at
tumayo.
"Tapos na akong kumain, mauna na ako sa
inyo," sabi ni JM at hindi na hinintay pa ang
sagot ng mga ito.
Nahihiyang ipinagpatuloy ni Jaffy amg
pagkain. Sumobra na ba ang paghahabol
niya kay JM?
"Hayaan mo na siya, bababa rin iyon kapag
magutom," nakangiting sabi ni Ann kaya
ngumiti rin si Jaffy.
Ang katulong na ang nagligpit ng
pinagkainan nila. Nag-usap muna sila ni Ann
sa veranda bago siya umakyat sa kuwarto
para matulog.
Pagpasok niya sa kuwarto, wala si JM sa
higaan kaya lumabas siya sa terraza.
Nakaupo si JM habang naninigarilyo.
"Nakakasama sa kalusugan ang sobrang
paninigarilyo," sabi niya pero muling hinithit
ni JM ang sigarilyo at ipinagpag ang upos
nito sa ashtray saka muling hinithit. Noong
kolehiyo sila, hindi naman niya ito nakitang
naninigarilyo, ngayon lang.
"Matulog ka na," walang ganang sabi ni John
Matthew nang hindi pa umaalis ang asawang
nakatayo sa gilid niya.
"JM, bakit hindi mo ako kayang mahalin?"
malungkot na tanong ni Jaffy.
Muling humithit si JM at pinatay na sa
ashtray ang sigarilyo saka tumayo.
"Hindi ka pa matutulog? Isasara ko na ang
pintuan," tanong ni JM kaya napasimangot si
Jaffy.
"Alangan naman dito ako sa labas matulog!"
Padabog na pumasok si Jaffy sa loob ng
kuwarto at pumunta sa banyo para gawin
ang ritwal sa katawan bago matulog.
Isang manipis na nighties ang isinuot niya
bago lumabas. Nakaupo si JM sa kama na
para bang may iniisip. Kahit na nanlalalim
ang bilugang nga mata, ang guwapo pa rin
nito. Matangos ang ilong, makakapal ang
kilay at medyo pahaba ang mukha. Suplado
nga lang at minsan lang ngumiti lalo na
kapag nasa paligid lang siya.
"Nakita kita, sumulyap ka sa katawan ko,"
sabi ni Jaffy. Totoo naman. Napasulyap si
JM paglabas niya ng banyo pero mabilis
lang.
"Gabi na nga, nananaginip ka na e," wika ni
JM at nahiga na.
"Hmp! Aminin mo na kasi!" ani Jaffy at
naglakad palapit sa dresser saka kumuha ng
lotion.
"Wala naman akong dapat na silipin sa
katawan mo dahil para ka na ring nakahubad
sa suot mo!" sagot ni JM at nagtalukbong
na ng kumot.
"Hmm? If I know, pinagnanasaan mo rin ako.
JM? Masaya ako dahil ako ang first sex mo,"
sabi ni Jaffy at naupo sa kama at napatitig
sa asawang nakatalikod sa kaniya.
"Matulog ka na, Jaffy! Kung magdadaldal ka
buong gabi, sabihin mo lang para makalipat
na ako ng kuwarto!" naiinis na sabi ni JM
kaya nahiga na si Jaffy.
Hinila niya ang comforter ni JM para share
sila. Niyakap niya ang asawa at isinubsob
ang mukha sa mainit at malapad na likod
nito. Ang laki ng ibinagsak ng katawan ni
John Matthew. Siguro dahil sa stress.
"Good night, honey. Mahal kita at hindi ako
titigil hanggat hindi mo ako mapatawad,"
mahinang bulong ni Jaffy sa asawa bago
ipinikit ang mga matang lumuluha. Kung
puwede lang sana niyang balikan ang
nakaraan, baka sakaling buhay pa siya.
Buhay pa sana ang anak nila.

A/n:
Sa lahat ng nagtatanong kung buburahin ko
ang Barumbadong Virgin, hindi po. Ganoon
pa rin ang takbo ng kuwento. Continuation
lang ito. Ganun talaga ako kapag magulo
ang utak, nauuna ang future na isulat.
Makakatayo ang kuwentong ito kahit na
hindi na mabasa ang ibang story.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon