Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 13
Unedited...
"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin
pinipirmahan?" tanong ni Dylan kay JM
habang kumakain sila.
"Hindi niya 'yon pipirmahan kasi mahal niya
si Jaffy. 'Di ba, 'nak?" sabat ni Ann habang
kumakagat sa hawak na fried chicken.
"Pirmahan mo na para malaya na si Jaffy,"
sabat ni Lance Leonard kaya napatigil si JM
sa pagkain.
"Ako ba talaga ang topic natin ngayon?"
naiinis na tanong ni JM.
"Kasi hindi mo pa pinipirmahan. Nakita ko si
Jaffy, may kasamang lalaki. Ang sweet pa
nila tapos pinahidan ng lalaki ng tisyu ang
bibig ni Jaffy na may ketchup," ani LL kaya
tumayo si JM.
"Nakakawalang ganang kumain kapag kayo
ang kaharap ko. Ikaw LL, hanggang ngayon,
hindi mo pa pinapakasalan si GV kaya huwag
kang makialam sa buhay namin ni Jaffy!"
Tinalikuran na niya ang mga ito.
"Naghahanap lang kami ng perfect timing,"
pahabol na sabi ni Lance Leonard.
Dumiretso si John Matthew sa garahe saka
ang ducati ang minaneho para kumain sa
pinakamalapit na restaurant.
Pagkapasok niya, agad na dumiretso siya sa
isang bakanteng mesa saka tinawag ang
waiter at nag-order ng pagkain. Napatingin
siya sa cellphone nang tumunog.
Si John Jacob ang tumatawag kaya hindi
niya sinagot. As of now, wala siyang
gustong makausap kahit na isa sa pamilya
niya. Masyado nang magulo ang buhay niya
sa ngayon.
Nasa kalagitnaan na siya ng kinakain nang
makitang papasok si Jaffy. Kasama nito ang
mga magulang niya.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata
nito pero agad namang nawala at ne hindi
man lang ito ngumiti sa kanila kaya muli
niyang ipinagpatuloy ang pagkain.
"Dito na tayo," sabi ni Jim nang makita siya.
"Hijo, may kasama ka?"
"Wala po," tipid na sagot ni John Matthew
kaya hinila ni Jim ang dalawang upuan para
maupo ang mag-ina niya.
"Magandang tanghali po," magalang na bati
ni JM sa kanila.
"Magandang tanghali naman," sagot ni Jim
pero ang mag-ina ay hindi man lang
nakatingin kay John Matthew. "Mag-isa ka
yata, JM?"
"Opo, nagugutom na ako kaya dumaan muna
ako rito para kumain," pagsisinungaling niya.
Kaysa naman aminin niyang badtrip siy sa
pamilya dahil sila lang ni Jaffy ang pinag-
uusapan ng mga ito. "Nasaan na po si Jaff
at ang kambal?"
"Nasa ibang bansa silang tatlo," ani Jim.
Habang nag-o-order si Jim, tiningnan ni
Inday si JM. "Kumusta na? Kailan mo
ipapadala ang divorce papers?"
"Kapag may time, busy pa po," sagot ni JM
na napasulyap kay Jaffy na alam niyang
nakikinig sa usapan nila.
"Pirma lang tapos ipadala mo sa tauhan
ninyo!" wika ni Inday.
"Busy pa po ako kaya hindi ko na alam kung
nasaan na 'yon," sagot ni JM na napipikon
na. Sa tuwing magkikita sila, ito na lang
parati ang tinatanong nila. Atat lang?
"Tapatin mo nga kami, may balak ka bang
pirmahan o wala?" prangkang tanong ni
Inday habang nakataas ang kilay sa binatang
kaharap.
"Wala," tipid na sagot ni JM saka
ipinagpatuloy ang pagkain kaya napanganga
si Inday.
"Ang kapal ng mukha mo! Pirmahan mo na
para maikasal na sina Jaffy at Ranier!"
Tumigil si JM sa pagkain saka hinarap ito.
"Pasensiya na po, wala akong balak na
pirmahan lalo na ngayong magpapakasal
pala sila."
Si Jaffy naman ang hindi makapaniwalang
nakatitig kay JM na walang bahid ng takot
ang mga mata habang sinasalubong ang
titig ng ina ni Jaffy.
"Ma-pride ka. Hindi mo ba matanggap na
may iba na ang anak ko? Bigyan mo naman
sila ng katahimikan," ani Inday.
"I don't think na matatahimik sila lalo na ang
anak mo po kung maikasal na siya kay
Ranier," walang ganang sagot ni JM at
tinapos na ang pagkain. Bakit ba mahilig
silang pag-usapan ang relasyon nila ni Jaffy
lalo na sa tuwing kumakain siya?
Nakakawalang gana tuloy.
"Hoy, nagmamahalan sila!" giit ni Inday kaya
ngumiti si JM.
"Bakit hindi natin itanong kay Jaffy?"
Napatingin sila kay Jaffy na biglang namutla
dahil ang ama na kakatapos lang maka-
order ay nakatitig na rin sa kaniya.
Napalunok si Jaffy ng laway at mas pinili
niyang kay JM humarap. "N-Nagmamahalan
kami ni R-Ranier."
Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ni
JM pero agad naman itong nawala at
napalitan ng blangkong emosyon.
Tumayo si John Matthew at humarap kay
Jaffy, "Pakikuha na lang ng mga gamit mo
sa bahay kasama ang divorce papers,"
mahinang sabi nito saka tinalikuran na ang
tatlo.
Sumakay siya sa ducati at sa halip na tumigil
sa mansion ng mga Lacson, dumiretso siya
at pumunta sa pinapagawang bahay.
Malaki ito, malawak ang bakuran at balak
nilang taniman ng malalaking puno sa likod-
bahay kapag maayos na ang landscape.
Malapit nang matapos pero pinatigil niya
ang pagpagawa.
"Basta magtatakbuhan sila diyan sa hardin
tapos iikot sa likod-bahay at maglalambitin
sa mga puno. Gusto ko ring malawak ang
playground kasi apat sila," masayang sabi ni
Jaffy habang nakatingin sa pinapagawang
bahay. Haligi pa lang ito pero soon,
magiging isang masayang tahanan ito.
Niyakap ni JM ang dalaga mula sa likuran at
hinalikan ito sa maputing batok habang ang
mga kamay ay humahaplos sa tiyan.
Binuksan niya ang pinto saka pumasok. May
iilang gamit na naiwan dito ng mga
karpentero. Maalikabok pa ang sahig na may
tiles na pero ang ilang bahagi lalo na sa
kusina ay wala pa. Kinuha niya ang panyo sa
bulsa saka pinusan ang maalikabok na
upuang gawa sa kawayan saka naupo.
Napatingala siya sa itaas ng hagdan.
"Gusto ko double storey para kasya tayong
lahat. Siyempre, marami na sila. Isa pa,
gusto kong magkaanak ulit dahil baka lalaki
sila. Gusto ko ng babae ulit. At kung babae
man silang quad, gusto ko lalaki na next,"
nakangiting sabi ni Jaffy na tila nangangarap
habang nakatingala sa bahay na wala pang
bubong kaya nakikita niya ang makakapal na
ulap.
"First, palabasin muna natin silang, apat,
okay?" bulong ni JM at pinaharap si Jaffy sa
kaniya. "Saka na natin pag-usapan ang
susunod na anak natin. Magpapakasal muna
tayo kapag lumabas na sila, honey."
Ipinulupot ni Jaffy ang mga kamay sa leeg
ng binata saka nag-tiptoe at hinalikan ang
kasintahan sa mga labi.
"I love you," bulong ni JM saka hinapit ang
dalaga sa bewang at nilaliman ang mga halik
hanggang sa napahiwalay ang mga labi nila
para sumagap ng hangin.
"D-Dito tayo bubuo ng pamilya," hinihingal
na sabi ni Jaffy kaya napangiti si JM.
"Oo naman, gagawin kitang reyna," sagot ni
JM saka pinagmasdan ang magandang
mukha ng babaeng dati'y kinamumuhian
niya. Basta, bigla na lang nagsawa ang puso
niya hanggang sa nagpahulog na ito kay
Jaffy.
Matapos alalahanin ang masayang kahapon,
tumayo si John Matthew saka lumabas.
Nang makasakay na siya sa ducati niya at
muling isinuot ang helmet, lumingon muna
siya sa pinapagawang bahay. Siguro, hindi
nga ito ang magiging tahanan ni Jaffy.
Siguro, hindi lang talaga sila itinadhanang
magsama.
Pagdating sa mansion, agad na sinalubong
siya ni Ann.
"JM? Pupunta raw dito si Jaffy mamaya,"
sabi ni Ann na malungkot ang mukha
"Kukunin niya ang mga gamit niya," walang
ganang sagot ni JM kaya tumulo ang mga
luha ng ina.
"H-Huwag kang pumayag," ani Ann.
"Mom? Kung iyon naman talaga ang gusto
niya, wala tayong magagawa," sagot ni JM.
"M-May magagawa ka, asawa mo siya. May
karapatan ka sa kaniya," sabi ni Ann at
pinahidan ang mga luha. Gusto talaga niya si
Jaffy noon pa para sa anak. Ang saya nga
niya nang maikasal ang dalawa.
"Hindi na," mahinang sagot ni John
Matthew.
"H-Hindi ka pa pumapayag," sabi ni Ann
habang pumapadyak ang mga paa na
nakatingala sa anak.
"I'm sorry, Mommy. Pero wala na akong
karapatan sa kaniya, mamaya," tugon ni JM
kaya nagtataka ang mga matang tumingala
si Ann. "Pipirmahan ko na ang divorce
papers."
"N-No!" umiiling na sabi ni Ann saka
napaatras para mapagmasdan ang mukha ng
anak.
"Maiwan na kita, Mommy. Kailangan ko nang
magpahinga," sagot ni JM saka tinalikuran
ang ina at dumiretso sa elevator para
magpahinga sa kuwarto. Ne hindi na niya
pinansin ang paghagulgol ng ina.
-----------------------
"Magandang hapon po," magalang na bati ni
Jaffy kay Ann na nakaupo sa sala.
"Jaf-Jaf? Huwag mong iwan ang anak ko,"
pakiusap ni Ann na lumapit sa kaniya at
hinawakan siya sa magkabilang mga kamay.
"P-Pakiusap, huwag kang bumitiw sa kasal
ninyo. K-Kahit ganoon si John Matthew,
mahal ka nu'n. Nasasaktan lang siya pero m-
maniwala ka, mahal ka niya. A-Alam ko dahil
anak ko siya."
"T-Tita... Siya naman ang unang may gusto
nito kaya ibinibigay ko lang po," sagot ni
Jaffy na hindi nakatingin sa mga mata ni
Ann. Ayaw niya. Natatakot siya na baka
ipagkanulo siya ng nararamdaman.
"H-Hindi 'yan totoo. J-Jaffy? Mahal ka
talaga ni JM. A-Alam kong nasasaktan ka
dahil sa pinaggagawa niya at pinagsasabi
pero m-maniwala ka, nasasaktan din siya. H-
Hindi lang kasi siya sanay na magpakita ng
tunay na nararamdaman."
Mapait na ngumiti si Jaffy, "Kukunin ko na
po ang mga gamit ko para wala nang rason
na bumalik pa ako rito."
"H-Hindi ko na ba talaga kayo mapipigilan?"
luhaang tanong ni Ann. Siya ang labis na
nasasaktan para sa dalawa. Ramdam naman
niyang nasasaktan din si Jaffy sa ginagawa.
Umiling si Jaffy at niyakap ang ina ni John
Matthew, "S-Sorry, Tita Ann. I-Ikaw ang
pinaka the best na mother-in-law," pag-
amin niya at pinahidan ang mga luha. Wala
siyang problema sa pamilya ni John
Matthew. Lahat sila ay suportado ang
relasyon nila ni JM.
"H-Hindi ko na paaasawahin pa si John
Matthew. Hindi ko tatanggapin ang babaeng
ipakilala niya sa amin," humihikbing sabi ni
Ann saka kumalas sa pagkakayakap kay Jaffy.
"Kung sino man po ang susunod na
pakasalan ng anak ninyo, alam ko po na
mahal na niya iyon," nakangiti pero
malungkot sa loob na wika ni Jaffy.
"Ehem!"
Napalingon sila sa tumikhim sa likuran nila.
"Mabuti naman at dumating ka na," sabi ni
John Matthew na may bitbit na envelope.
"H-Hi," bati ni Jaffy pero hindi man lang
ngumiti si JM.
"Ito na ang g hinihingi mong kalayaan," ani
JM saka inilapag ang envelope sa ibabaw ng
mesa.
"S-Salamat. Mamaya na. Kukunin ko muna
ang mga gamit ko sa kuwarto mo," sagot ni
Jaffy saka naglakad patungo sa elevator.
Nang maisara na ay nanghihinang napaupo
siya saka napahilamos. Masakit pa rin isipin
na gusto nga talagang pirmahan ni JM iyon.
Inayos niya ang sarili bago lumabas sa
elevator saka tumungo sa silid nila ni JM.
Kinuha niya ang malaking maleta sa gilid ng
kama ni JM saka lumapit sa closet. Kinuha
niya ang mga damit saka isa-isang inilagay
sa loob ng maleta.
Marami pa ang mga gamit niya pero
kailangan na niyang makuha ang lahat para
hindi na siya pabalik-balik. Napatigil siya sa
ginagawa nang malakas na sumara ang
pinto.
Tumayo siya nang makita si John Matthew
na madilim na nakatitig sa kaniya. Narinig
niya ang pag-click ng nang i-lock nito ang
pinto.
Dumiretso ito sa kama at naupo habang
pinagmamasdan ang ginagawa niya. Naiilang
na ipinagpatuloy ni Jaffy ang ginagawa.
"Need help?" tanong ni JM sa malamig na
boses.
"No, thanks. Kaya ko na," sagot ni Jaffy.
Hindi naman ganoon ka-obvious na excited
itong masipa siya sa harapan nito.
Ilang sandali pa'y tumayo si JM saka
naghubad ng tshirt at pumasok sa shower
room.
Binilisan ni Jaffy ang paglagay ng mga
gamit. Narinig niya ang paglagaslas ng tubig
nang buksan ni JM ang shower.
Napabuntonghininga siya at iginala ang
paningin sa loob ng kuwartong ito.
Na-miss na niya ang dating relasyon nilang
puro pa-sweet. 'Kay dali lang ng kasiyahan
niya sa piling ni John Matthew. Sa isang
iglap lang, biglang naglaho ang lahat. Sana
pala noon pa, tumigil na siya sa paghahabol
dito.
Isinara niya ang maleta saka tumayo at hinila
ito palapit sa pintuan. Aalis na siya.
Ilang beses niyang pinihit ang seradura pero
hindi na mabuksan ang pinto.
"Shit!" sambit niya na sinusubukang buksan
ang pinto gamit ang hairpin pero ayaw pa
rin bumukas. Napatigil siya nang bumukas
ang pinto ng shower room saka lumabas si
John Matthew. Naked.