2.19

1.3K 48 0
                                    

Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

Unedited....
"Ano na namang kalokohan ito, John
Matthew!" dumadagundong na tanong ni
Dylan sa anak. Kakapasok lang niya sa
presinto at ito na nga, nakaupo ang anak sa
loob ng maliit na kulungan.
"Wala akong kasalanan!" giit ni John
Matthew na madilim ang mukha. Bakit?
Walang masama na pigilan niya ang asawang
sumama sa iba.
"Walang kasalanan pero namalo ka? John
Matthew naman! Where are your brains?"
nanginginig sa galit ang katawan ni Dylan na
pinipigilan ni Ann.
"Dapat nga sa kaniya, sa ulo ko hinampas!"
galit na sagot ni JM. Nasa hospital na si
Ranier na pansamantalang ginagamot
habang si Jaffy naman ay nakaupo sa tabi ng
isang police officer para bantayan ang
asawa. Magwawala raw ito kapag sumama
siya kay Ranier.
"Nababaliw ka na nga talaga!" sabi ni Dylan
na nilapitan ang anak pero agad na hinila ni
Ann palayo.
"Huwag mo namang pagalitan ang anak ko!
Wala siyang kasalanan! Normal lang na
magalit siya dahil inaagaw ang asawa niya!"
saway ni Diane na hinihila ang damit ng
asawa.
"Ann? Kaya nagkakaganiyan 'yan dahil
kinukunsinti mo!" sabi ni Dylan kaya
binitiwan ni Diane ang damit ng asawa.
"Sige, sugurin mo ang anak ko at ako ang
makakalaban mo!" pagbabanta ni Ann kaya
napaupo si Dylan. Maha-highblood ya siya
sa mag-ina niya.
"Honey? Huwag mo akong iwan," pakiusap
ni John Matthew kay Jaffy na tahimik sa
isang sulok. "Hindi na kita aawayin,
pangako. Magiging mabuting asawa na ako
basta umuwi ka na."
Umiwas ng mga mata si Jaffy. Naaawa siya
kay John Matthew. Gusto niya itong lapitan
at yakapin pero isa sa mga pulis ang tauhan
ng kaniyang ama.
Lumapit si Ann kay Jaffy at naupo sa tabi
nito. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ng
dalaga saka humarap. "Jaf-Jaf? P-Pakiusap,
huwag mong iwan ang anak ko,"
nanlulumong pakiusap ni Ann. Malapit si
Jaffy sa ina ni JM kaya hindi niya kayang
tanggihan ito.
"B-Babantayan ko ho siya," mahinang sagot
ni Jaffy.
"Talaga? Sasamahan mo siya?" masiglang
sabi ni Ann at niyakap ang manugang,
"Huwag mong iwan ang anak ko ha. Jaffy?
Samahan mo si JM dito."
Napanganga si Jaffy. Hindi niya alam kung
ano ang ibig sabihin ni Ann.
"S-Sige po," naiilang na sagot ni Jaffy.
Tumayo si Ann saka hinila si Jaffy, "Halika,"
yaya ni Ann kaya naguguluhang tumayo si
Jaffy at sumama kay Ann palapit kay John
Matthew.
"Sir? Samahan ho niya ang anak ko sa loob,"
sabi ni Ann na masaya pa ang mukha kaya
agad na napalapit si Dylan sa kanila.
"Ann? What are you doing?" salubong ang
tanong ni Dylan sa asawa. Si Jaffy naman ay
namumutla dahil seryoso talaga ang ina ni
John Matthew. Ikukulong siya nito kasama ni
JM.
"S-Sasamahan niya si JM," inosenteng sagot
ni Ann kaya napahilamos si Dylan saka hinila
si Jaffy mula sa asawa.
"Hija, maupo ka na," pakiusap ni Dylan kaya
atubiling bumalik si Jaffy sa katabi ng pulis.
Napatingin sila nang malakas na sumara ang
pinto.
"Anak!" tawag ni Inday kay Jaffy. "My ghad,
Jaffy. Akala ko talaga kung ano ang nangyari
sa 'yo!" sabi ni Inday dahil pagtawag niya
kanina sa anak, nasa patrol car daw ito
kasama sina JM at Ranier.
"I'm fine, Mom," sabi ni Jaffy at napasulyap
sa asawang salubong ang mga kilay na
nakatingin sa malayo.
"Halika na," yaya ni Inday pero lumapit si
Ann sa kanila.
"Dito lang si Jaffy, sasamahan pa niya ang
asawa niya," sabi ni Ann.
Namewang si Inday. "Who are you para
sabihin 'yan? Wala na sila!"
"Sila pa rin! Hindi pa sila hiwalay!" giit ni
Ann na nakapamewang din.
"Hiwalay na sila. Ang anak mo pa nga ang
tumaboy sa anak ko, 'di ba? Hindi ko
ipagpilitan ang anak ko sa anak mong
walang ibang ginawa kundi ang saktan ang
anak ko!" singhal ni Inday. Mula noon, hindi
siya tumututol sa paghabol ni Jaffy kay JM
dahil alam niyang masaya ang anak sa
ginagawa pero nang makita na niyang
umiiyak ang anak dahil labis na nasasaktan,
hindi naman yata tama na hahayaan na lang
niyang magdusa si Jaffy.
"Nagbabago na si John Matthew! Mahal na
niya si Jaffy! Nagsisi na siya!" agad na
depensa ni Ann sa anak.
"Tumigil kang isip- bata ka!" sabi ni Inday.
"Ikaw ang tumigil kang bo--"
"Tama na!" sigaw ni Dylan kaya tumahimik
ang dalawang babae.
"Hindi kayo nakakatulong!" reklamo ni Jim.
"Lumabas nga kayong dalawa!"
"Sino ka para palabasin kam--"
"Labas!" pagtataboy ni Dylan kaya natigilan
ang dalawang babae. Sila? Sinigawan ng
mga asawa nila?
"Kapal ng mukha ninyo!" Padabog na
lumabas si Inday.
"I h-hate you, Dylan! I hate you!" naiiyak na
sabi ni Ann saka tumakbo palabas.
Pareho namang nakahinga ang dalawang
lalaki.
"Jaff?" tawag ni JM sa asawa kaya
napatingin ito sa kaniya, "magpahinga ka
muna, honey. I'm sorry sa ginawa kong gulo
pero hindi ko iyon pinagsisisihan. I can't
accept na may ibang lalaki na umagaw sa
'yo sa harapan ko pa mismo," paumanhin
niya habang nakahawak sa rehas.
"W-Wala--" Jaffy.
"Umuwi ka na muna, hija," sabi ni Dylan.
"Kami na ng daddy mo ang bahala rito."
Napatingin si Jaffy sa ama. Nginitian lang
siya nito na para bang nagsasabing huwag
siyang mag-alala at sila na ang bahala. But
of course, hindi niya kayang tiisiin si JM.
"I'll stay," sabi niya.
"Magpahinga ka, Jaffy. Kailangan ka ng ina
mo," makahulugang sabi ni Jim kaya
nanlulumong napasulyap siya kay JM.
"Mas magiging mapanatag ako rito kapag
malaman kong nasa bahay ka lang ninyo.
Umuwi ka na muna sa inyo, honey," sabi ni
JM kaya labag sa kaloobang lumabas siya.
Nang makarating sila sa bahay, panay pa rin
ang bulong ng ina niya. Kesyo galit daw ito
sa ama niya, pangit ito, matanda at kung
anu-ano pang kabaliktaran ng pag-uugali ng
kaniyang ama.
"He shouting me in front of the police!"
sumbong ni Inday kay Jaffy na napahawak pa
sa dibdib. "I can't believe he throw me
outside!"
Napailing na lang si Jaffy saka umakyat sa
hagdan at nagkulong sa kuwarto. Minsan,
mas mabuti pang mapag-isa na lang siya
kaysa sa makausap ang ina.
Wala si Jaff, nasa isla raw ito at binisita sina
Anndy kaya wala siyang matinong kausap. Sa
makalawa na ito babalik sa ibang bansa para
ipagpatuloy ang isang mabigat na misyon.
Kinabukasan, maaga pa siyang bumaba dahil
hindi siya nakatulog sa labis na pag-alala
para sa asawa. Baka pinapapak na ito ng
lamok sa kulungan.
"Dad? Si JM po?" tanong niya sa amang
nakaupo sa veranda at nagkakape.
"Nakalabas na siya," sagot ni Jim at kinuha
ang diyaryo.
"Kailan pa ho?"
"Kagabi," sagot ni Jim. Kinakausap nila ang
mga magulang ni Ranier para makipag-
areglo. Mabuti na lang dahil pumayag naman
ang mga ito at sila na raw ang bahala kay
Ranier.
"Dito lang si Jaffy, sasamahan pa niya ang
asawa niya," sabi ni Ann.
Namewang si Inday. "Who are you para
sabihin 'yan? Wala na sila!"
"Sila pa rin! Hindi pa sila hiwalay!" giit ni
Ann na nakapamewang din.
"Hiwalay na sila. Ang anak mo pa nga ang
tumaboy sa anak ko, 'di ba? Hindi ko
ipagpilitan ang anak ko sa anak mong
walang ibang ginawa kundi ang saktan ang
anak ko!" singhal ni Inday. Mula noon, hindi
siya tumututol sa paghabol ni Jaffy kay JM
dahil alam niyang masaya ang anak sa
ginagawa pero nang makita na niyang
umiiyak ang anak dahil labis na nasasaktan,
hindi naman yata tama na hahayaan na lang
niyang magdusa si Jaffy.
"Nagbabago na si John Matthew! Mahal na
niya si Jaffy! Nagsisi na siya!" agad na
depensa ni Ann sa anak.
"Tumigil kang isip- bata ka!" sabi ni Inday.
"Ikaw ang tumigil kang bo--"
"Tama na!" sigaw ni Dylan kaya tumahimik
ang dalawang babae.
"Hindi kayo nakakatulong!" reklamo ni Jim.
"Lumabas nga kayong dalawa!"
"Sino ka para palabasin kam--"
"Labas!" pagtataboy ni Dylan kaya natigilan
ang dalawang babae. Sila? Sinigawan ng
mga asawa nila?
"Kapal ng mukha ninyo!" Padabog na
lumabas si Inday.
"I h-hate you, Dylan! I hate you!" naiiyak na
sabi ni Ann saka tumakbo palabas.
Pareho namang nakahinga ang dalawang
lalaki.
"Jaff?" tawag ni JM sa asawa kaya
napatingin ito sa kaniya, "magpahinga ka
muna, honey. I'm sorry sa ginawa kong gulo
pero hindi ko iyon pinagsisisihan. I can't
accept na may ibang lalaki na umagaw sa
'yo sa harapan ko pa mismo," paumanhin
niya habang nakahawak sa rehas.
"W-Wala--" Jaffy.
"Umuwi ka na muna, hija," sabi ni Dylan.
"Kami na ng daddy mo ang bahala rito."
Napatingin si Jaffy sa ama. Nginitian lang
siya nito na para bang nagsasabing huwag
siyang mag-alala at sila na ang bahala. But
of course, hindi niya kayang tiisiin si JM.
"I'll stay," sabi niya.
"Magpahinga ka, Jaffy. Kailangan ka ng ina
mo," makahulugang sabi ni Jim kaya
nanlulumong napasulyap siya kay JM.
"Mas magiging mapanatag ako rito kapag
malaman kong nasa bahay ka lang ninyo.
Umuwi ka na muna sa inyo, honey," sabi ni
JM kaya labag sa kaloobang lumabas siya.
Nang makarating sila sa bahay, panay pa rin
ang bulong ng ina niya. Kesyo galit daw ito
sa ama niya, pangit ito, matanda at kung
anu-ano pang kabaliktaran ng pag-uugali ng
kaniyang ama.
"He shouting me in front of the police!"
sumbong ni Inday kay Jaffy na napahawak pa
sa dibdib. "I can't believe he throw me
outside!"
Napailing na lang si Jaffy saka umakyat sa
hagdan at nagkulong sa kuwarto. Minsan,
mas mabuti pang mapag-isa na lang siya
kaysa sa makausap ang ina.
Wala si Jaff, nasa isla raw ito at binisita sina
Anndy kaya wala siyang matinong kausap. Sa
makalawa na ito babalik sa ibang bansa para
ipagpatuloy ang isang mabigat na misyon.
Kinabukasan, maaga pa siyang bumaba dahil
hindi siya nakatulog sa labis na pag-alala
para sa asawa. Baka pinapapak na ito ng
lamok sa kulungan.
"Dad? Si JM po?" tanong niya sa amang
nakaupo sa veranda at nagkakape.
"Nakalabas na siya," sagot ni Jim at kinuha
ang diyaryo.
"Kailan pa ho?"
"Kagabi," sagot ni Jim. Kinakausap nila ang
mga magulang ni Ranier para makipag-
areglo. Mabuti na lang dahil pumayag naman
ang mga ito at sila na raw ang bahala kay
Ranier.
"O-Okay lang po ba siya?"
Napatigil si Jim sa ginagawa at hinarap ang
anak.
"Wala ka na bang ibang iniisip kundi si John
Matthew na lang? Hindi mo ba kayang
pahalagahan ang sarili mo, Jaffy?"
"Mahal ko po ang sarili ko at mahal ko rin
ang asawa ko," sagot ni Jaffy kaya isang
malalim na buntonghininga ang pinakawalan
ni Jim.
"Tapusin mo ang misyon mo kay Ranier.
Hayaan mo munang ma-realize ni John
Matthew kung gaano ka kahalaga sa buhay
niya," wika ni Jim at ipinagpatuloy ang
pagbasa ng balita. Mabuti na lang dahil
walang CCTV sa pinangyarihan ng gulo.
"Sana lang kaya niyang maghintay," nag-
aalalang wika ni Jaffy.
"Kailangan ka niyang mahalin habang hindi
ka pa buntis, Jaffy. Patunayan mo naman sa
sarili mong mahal ka niya hindi lang dahil sa
buntis siya. Na kaya ka niyang ipaglaban
kahit na walang sanggol sa sinapupunan mo.
Have pity naman sa sarili mo," pagbibigay
payo ni Jim sa anak na mas martyr pa sa
lahat ng babaeng nasa pelikula.
"May mga impormasyon na ba kayo?" usisa
ni Jaffy para maiba ang usapan.
"Yes, kailangan lang naming malaman at
mapasok kung saan nila dinadala ang mga
illegal na baril at droga," sagot ni Jim. At si
Jaffy ang kailangan nila. Kailangan nilang i-
hack ang CCTV at malagyan ng voice
recorder ang opisina ng mga magulang ni
Ranier. Hanggat maaari, kailangan nilang i-
tap ang telepono sa opisina ng mga
Vasquez.
"Bibisitahin ko si Ranier sa hospital," sabi ni
Jaffy at tumayo para magpalit ng damit. Sa
pagkakalam niya, sa Sabado na ang
thanksgiving party sa office nina Ranier at
maraming sikat na negosyante ang dadalo.
Simpleng white dress na hanggang tuhod
ang haba ang napili niyang isuot. Pagkababa
niya, nasa sala ang kaniyang ina na nag-
ehersisyo sa threadmill sa harap ng kaniyang
ama. Talagang pinabuhat pa nito sa
katulong para dito pumuwesto.
Napansin niya ang amang panay ang inom
ng tubig at paminsan-minsan ay
napapasulyap sa ina. Sino ba ang lalaking
hindi mauuhas kung pekpek shorts ang suot
ng ina at naka-brassier lang ito ng kulay
itim at aalog-alog pa ang boobs habang
naglalakad.
"Haist! Manang? Pakiwalis naman ng dahon
sa labas! Nalalagas na e. Palibhasa matanda
na!" sigaw ng ina niya sa katulong na alam
naman niyang ang ama niya ang
pinapatamaan nito. Galit pa rin ito kay Jim.
"Alis na po ako," paalam ni Jaffy pero hindi
siya pinansin ng mga magulang.
"Ate? Pakibukas po ng gate," pakiusap niya
sa katulong na naglilinis ng isang sasakyan
nila. Pinatay muna nito ang hose saka
binuksan ang gate.
Nagulat siya nang makita ang asawang nasa
tapat lang ng gate at mukhang nag-aabang
kung kailan bubukas.
"Ma'am? Kanina pa po siya riyan," bulong ng
katulong.
"Honey?" tawag ni JM at pumasok sa gate.
"A-Ano ang kailangan mo?" tanong ni Jaffy
na hindi makatingin sa guwapong asawa.
Nagu-guilty siya pero kailangan niyang
sundin ang utos ng mga magulang nila.
"Ikaw," sagot ni John Matthew.
"Gusto rin kita, mahal pa nga e," bulong ni
Jaffy. Nami-miss na niya ang sweet
moments nila ni JM kagaya ng dati. Pero
tama naman ang daddy niya.
"May pupuntahan ako," wika ni Jaffy.
"Honey? Date tayo," sabi ni JM, "pero kapag
magka-time ka na." Mabilis na pagbawi niya
nang mapansing umiba ang mukha ni Jaffy.
"Sige na, may mahalaga pa akong
pupuntahan," nagmamadaling paalam ni Jaffy
at tinalikuran ito para pumasok na sa kotse
pero laking gulat niya nang inilang hakbang
lang ni JM ang pagitan nila saka mahigpit na
niyakap siya.
"Mahal kita, honey. Bigyan mo lang ako ng
chance, parang awa mo na, oh. Please
naman," pakiusap ni JM at hinigpitan ang
pagkayakap sa asawa.
Napangiti si JM at napatingin sa mga kamay
ni JM na nakapulupot sa bewang niya.
"Kung tayo, tayo talaga. Sa ngayon, huwag
muna pero kung mahal mo ako at seryoso
ka, handa kang maghintay hanggang sa
bumalik ako, 'di ba?" tanong niya.
Naramdaman niya ang pagsubsob ng mukha
ni JM sa likod niya.
"Hihintayin kita sa bahay kahit na gaano pa
katagal, basta umuwi ka lang," bulong ni JM
saka hinigpitan ang pagkayakap sa asawa.
God knows kung gaano niya kamahal si Jaffy
at kung gaano siya nagsisi sa ginawa niya
rito noon.
"Hindi pa naman tapos ang bahay mo," sabi
ni Jaffy. Napadaan siya noong isang gabi at
tama nga ang sinabi nitong pinatigil nito
ang pagpagawa.
"Tatapusin ko iyon basta tayo ang titira,"
sagot ni JM.
Tinanggal ni Jaffy ang mga kamay ng asawa
saka pinisil ito. "Alis muna ako, John
Matthew."
"Sana sa susunod, bahay na natin ang
uuwian mo," sabi ni John Matthew pero
nginitian lang siya ni Jaffy.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon