Ang Asawa Kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 5
Unedited....
Nagising si JM na wala na si Jaffy sa tabi
niya. Nag-aagaw ang antok at diwa niya
nang imulat ang mga mata para tingnan ang
oras sa wallclock.
Pasado alas otso na pala ng umaga kaya
masakit ang katawang bumangon siya.
Birthday ng kaibigan niya kaya nakipag-
inuman siya kagabi. Napabuntonghininga
siya nang malamang iba na ang suot niyang
damit. Sa kalasingan niya kagabi, hindi na
siya nakapagbihis. Ang huling natandaan
niya ay sinaklolohan siya ng asawa na
mahiga sa kama.
Mahigit kalahating oras siyang namalagi sa
ilalim ng shower hanggang sa mawala na
ang kalasingan.
Walking shorts at puting tshirt ang naisipan
niyang isuot bago lumabas.
"Magandang umaga, sir. Ano po ang gusto
ninyong inumin?" magalang na tanong ng
katulong na nasa bente singko ang edad.
"Coffee please, huwag mo nang lagyan ng
coffee mate," pakiusap niya.
"Sandwich po?"
"No, thanks. Barakong kape lang," pakiusap
niya at naupo sa sofa habang naghihintay.
"Manang? Si Mommy ho?" tanong ni JM sa
matandang katulong na nagpapalit ng
kurtina sa sala.
"Maaga umalis kasama ang daddy mo,"
sagot ng katulong. Bibisita raw ang mag-
asawa sa puntod ng Lola Patch niya.
Ilang sandali pa'y bumalik ang batang
katulong at ibinigay ang kape niya. Tumayo
si JM at bitbit ang iinuming kape ay
lumabas siya sa veranda pero napatigil siya
nang marinig ang usapan nina Jaffy.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nahihirapan
dito?" naawang tanong ni Inday sa anak.
"Okay lang po ako, Mommy. Huwag kayong
mag-alala, maayos naman ako," sagot ni
Jaffy.
"Naku, huwag kang matakot na aminin sa
akin. Inaaway ka ng asawa mo, ano? Inaapi
ka na naman ni JM? Aminin mo!"
pangungulit ni Inday sa anak.
"Mom, hin--"
"Huwag mo nang ipagtanggol 'yang duwag
na asawa mo! Kung ayaw niya sa 'yo, huwag
mong ipilit ang sarili mo! Marami ang lalaki
riyan! Hindi lang siya ang guwapo sa mundo
at hindi lang siya ang may armas kaya
huwag kang magpakatanga! Marami ang mas
malaki kaysa sa kaniya!"
"Mommy?" Pinandilatan ni Jaffy ang ina.
Minsan, wala talagang preno ang bunganga
nito.
"What? Nahihiya ka? Huwag kang matakot!
May maipagmalaki tayo! Boobs pa lang, may
laban ka na! Marami ang lalaking
nagkandarapa sa katulad natin! Huwag kang
mag-settle sa lalaking walang kuwenta!
Ayaw niya sa boobs mo, puwes, umayaw ka
rin sa etits niya!" prangkang sabi ni Inday na
kulang na lang ay ibunggo niya ang anak sa
pader para matauhan.
Nakatayo lang si JM sa pintuan at nakikinig
sa mag-inang nag-uusap. Napahigpit ang
hawak niya sa bitbit na tasa. Minsan,
sumusobra din ang bunganga ng ina ni Jaffy
e. Masyado itong prangka.
"Mommy naman. Hindi naman iyon ang
habol ko. Mahal ko po si JM at kahit anong
mangyari, asawa ko pa rin siya," giit ni Jaffy.
"Pero aminin mo, gusto mo pa ring may
kumakalabit sa 'yo gabi-gabi," giit ng ina.
"M-Mommy?" Nahihiya na si Jaffy. Masyado
kasing open-minded ang ina niya lalo na sa
ganitong usapan.
"Asus, nahiya ka pa. Maniwala ka sa akin,
maraming lalaki riyan na ipapatikin sa 'yo
ang langit. Huwag kang magtiis kay John
Matthew. Kung hindi niya kayang ibigay ang
kaligayahan mo, iwan mo. Maghanap ka ng
iba para maging masaya ka lalo na sa ibabaw
ng kama. Sa panahon ngayon, hindi na uso
ang martryr!"
"Mommy naman. Kahit gano'n si JM, mahal
ko 'yon. Alam kong mahal din niya ako, galit
lang talaga siya sa akin dahil sa nangyari,"
malungkot na depensa ni Jaffy na ikinataas
ng kilay ng ina.
Lumapit si ang mukha ni Inday sa anak na
para bang nanghuhuli lang ng paru-paro sa
hardin, "Anak? Ne minsan ba, hindi ka
umaasang magchurva-churva kayo ni JM?
Hindi ka ba nananaginip na pinapaligaya ka
ng asawa mo?"
"M-Mommy--"
"Tapatin mo ako. Dahil kung hindi kayang
ibigay iyon ng asawa mo, naku, ipapakuha
kita sa daddy mo at paasawahin ulit ng iba.
Kapag makatikim ka na ng ibang putahe,
makakalimutan mo rin ang asawa mong
walang silbi. Malaki ang bayag pero sa iba
naman pinapasok? Naku, kapag ganiyan
ugali ng asawa mo, hahanapan talaga kita ng
kerido!"
"Mommy naman! Hindi ako gano'n! Si JM
lang!" giit ni Jaffy. Hindi talaga niya kayang
humanap ng iba.
"Si JM lang? Nasaan na siya? Gusto ko nang
magkaapo at kung hindi niya kayang ibigay
iyon, magpabuntis ka sa iba!" naiinis na sabi
ni Inday.
"Hindi ko po--" Jaffy
"Ehem!"
Sabat na napalingon ang mag-ina nang may
malakas na tumikhim sa likuran nila.
"H-Honey," natarantang sabi ni Jaffy. Kanina
pa ba ito sa likuran nila?
"Nandito po pala kayo," sabi ni JM at
dumiretso sa katabing mesa saka naupo sa
silya at inilapag ang kape sa ibabaw ng
mesa.
"Dinadalaw ko lang ang anak ko," sagot ni
Inday at tinaasan ng kilay ang lalaking hindi
naman nakatingin sa kaniya.
"Mabuti naman po at napasyal ka," ani JM at
hinigop ang medyo malamig nang kape.
Nawala na yata ang antok niya sa mag-inang
ito.
"Oo naman. Gusto ko sanang yayain si Jaffy
na mamasyal mamaya at dadalo sa party
mamayang gabi," sagot ni Inday.
"Ah, depende kay Jaffy kung sasama siya sa
'yo," sagot ni JM at napasulyap sa
namumulang asawa na hindi makatingin sa
kaniya.
"Oo naman, sasama si Jaffy," sagot ni Inday
at napatingin sa anak, "'Di ba, sasama ka,
Jaffy?"
"M-Mommy kasi--"
"Wala ka naman yatang gagawin mamaya,
kaya sumama ka na sa ina mo," sabat ni JM
kaya napatingin sa baba si Jaffy. Talagang
ipinagtabuyan siya nito para hindi makita
ang anino niya.
"Oo nga, sama ka na. Maraming anak ang
mga amega ko, mas okay kapag makakilala
ka ng ibang tao," wika ni Inday.
"S-Sige po," pagpayag ni Jaffy para hindi na
humaba ang usapan. Kilala niya ang kaniyang
ina. Mapilit ito at hindi titigil hanggat hindi
siya mapapayag.
"Sige, daanan ka namin ng daddy mo
mamaya. Magsuot ka ang magandang damit
para magmukha ka namang dyosa. Hindi
'yong ganito, wala ka pa ngang anak pero
dinaig mo pa ang nanay na may isang
dosenang anak!" ani Inday kaya napasulyap
si JM sa asawa. Tama nga naman ang ina
nito.
"Wala naman sigurong masama kung
painumin ko si Jaffy at madaling araw nang
iuwi, 'di ba?" tanong ni Inday kay John
Matthew kaya napatigil ang binata sa pag-
inom ng kape at humarap sa mother-in-law
niya.
"Kayo ho ang ina kaya alam po ninyo kung
ano ang tama at mali para sa kaniya," sagot
ni JM na nagdududa kung alam ba talaga
nito ang tama para sa anak nito. Pero
bahala sila.
"Bastos na bata!" bulong ni Inday pero sa
halip na makipagtalo, ngumiti na lang siya
kay JM.
"Oo naman, alam ko," sagot ni Inday at
inilapit ang mukha sa kaharap na anak,
"Manlalaki tayo. Iwan mo na 'tong inutil
mong asawa."
Nanlaki ang mga mata ni Jaffy sa ibinulong
ng ina. Napatingin siya kay JM na mukhang
wala namang narinig kaya nakahinga siya
nang maluwag.
Mayamaya pa'y tumayo na si JM bitbit ang
tasa ng kape, "Mauna na po ako sa inyo,
Mommy Inday. Kung may kailangan kayo,
pakitawag na lang po ako sa kuwarto o
pakisabi na lang sa katulong," paalam ng
binata kaya ngumiti ito habang nakatingala
sa kaniya.
"Okay," sagot ni Inday.
Napasulyap si JM sa walang imik na asawa
bago tumalikod at muling pumasok sa
bahay.
"See? Pumayag ang asawa mo. Ibig sabihin,
okay lang sa kaniya na maghanap ka ng iba
kaya hanapan kita mamaya."
Narinig pa ni JM na sabi ng mommy ni Jaffy.
"Psh! Kunsintidorang ina!" bulong niya at
dumiretso sa kusina. Kung ganito ang ugali
ng mommy niya, talagang malilintikan ito sa
Daddy Dylan niya. Thanks God, iba ang
Mommy Ann niya. Kahit paano, marunong
itong magdisiplina sa kanila.
Pagpasok niya sa kuwarto, kaagad na
nagbihis siya. Palabas na siya nang pumasok
si Jaffy.
"May pupuntahan ka?" tanong ni Jaffy.
"Obvious ba?" tanong ni JM.
"Saan?"
"Puwede ba, huwag mong pakialaman ang
buhay ko dahil wala naman akong pakialam
sa 'yo!" sagot ni JM kaya natahimik si Jaffy
at malungkot na pinagmasdan ang likod ng
asawang palabas na.
Maghapong hindi nakauwi si JM. Ne text o
tawag, hindi nito ginawa. Kung may isang
bagay na natitira sa kaniya, iyon ay ang
pride niyang huwag i-text o tawagan si JM.
Kakatapos lang niyang mag-dinner nang
tumawag ang ina niya. Pinaalala nito ang
lakad nila kaya nang pumasok sa kuwarto,
nag-ayos na siya. Kahit paano, marunong
naman siyang mag-makeup kaya hindi na
siya nagpatawag pa ng makeup artist. Hindi
naman siya maarte.
Simpleng white dress ang suot niya na hapit
sa katawan. Inilugay niya ang mahabang
buhok na pinakulot niya sa dulo.
Ilang sandali pa'y tumatawag na ang
mommy niya kaya dali-dali siyang bumaba.
"Oh, 'di ba? Mukhang tao ka na," puri ni
Inday nang makita ang anak. Mula nang
ikasal ito, ngayon lang niya ito muling
nakitang nag-ayos ng sarili kaso simple pa
rin pero at least, lumitaw na ang tunay na
ganda ng anak niya.
"Tao pa rin naman ako kahit na basahan pa
ang suot ko," sagot ni Jaffy at binuksan ang
backseat saka sumakay.
Habang nasa biyahe, tahimik lang siyang
nakatingin sa madadaanan nila. Medyo
traffic pa kaya inaliw na lang niya ang mga
mata sa pagtingin sa ilaw ng mga poste at
gusali na madadaanan.
Tumigil sila sa isang malaking mansion.
"Nandito na tayo!" masayang sabi ni Inday.
Birthday ng amega niya sa zumba kaya
excited na siyang maki-party.
"Huwag kang pasaway sa loob, okay?" bilin
ni Jim sa asawa at lumingon sa anak, "Ikaw
na ang bahala sa mommy mo."
"Okay," sagot ni Jaffy at bumaba na.
Magkasama sila ng ina. Si Jim ay tinawag
nina Cedrick kaya lumapit siya sa barkada.
"Mommy? Kaninong bahay ito?" tanong ni
Jaffy at iginala ang mga mata. Mamahalin
ang mga gamit at ang yayaman ng mga
bisitang parang naglalakad lang sa red
carpet dahil sa bonggang mga damit. Ang
iba ay masyado pang revealing.
"Sa amega ko," sagot ni Inday at ipinulupot
ang mga kamay sa braso ng anak.
Parang nanigas si Jaffy sa kinatatayuan nila
nang makita niya ang taong papasok, si
John Matthew.
"JM!" tawag ng babaeng palapit sa asawa
niya at hinalikan ito sa pisngi. Kilala niya ito,
si Aimee, ang ex-girlfriend ng asawa niya.
Kaya pala hindi ito umuwi.
"Mommy niya ang birthday party," bulong ni
Inday nang mapansin ang tinitingnan ng
anak.
"M-Mommy? Bakit mo ako dinala rito?"
naiinis na sabi ni Jaffy na kulang na lang ay
tumakbo siya palabas.
"Dahil hahanap tayo ng lalaki sa harapan ng
walang kuwentang asawa mo kaya umayos
ka!" sagot ni Inday.