BARUMBADONG VIRGIN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 9
(Home Visit)
Napaangat ng tingin si John Matthew nang pumasok si Jaffy na may bitbit na imported na tsokolate.
"Haist! Hindi ba talaga siya susuko?" bulong ng binata habang naiinis na nakatingin sa dalaga. Ayaw talaga niyang makita ang pagmumukha nito lalo na kapag hinahabol siya.
"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na huwag ka nang magbigay pa ng chocolates? Isa pa, nangako ka nang hindi pa hahabol sa akin, 'di ba?" naiinis na sabi ni John Matthew pero tinaasan siya ng kilay ni Jaffy.
"Duh! As if na ikaw ang pinunta ko rito!" sabi ni Jaffy saka lumapit kay Jacob. "Friend? May pasalubong pala si Daddy sa akin kaya ibigay ko na sa iyo itong isa, sana magustuhan mo," sabi ni Jaffy saka inabot kay Jacob ang dalawang chololates.
"Sa akin? Akala ko ba kay JM?"
"Oo, friends na tayo kaya ikaw na ang bibigyan ko, may pinagsamahan naman tayo sa unit mo kaya okay lang iyon," sabi ni Jaffy. "Balik na ako sa classroom friend." Pero bago pa makalabas ay tinaasan muna niya ng kilay si John Matthew.
"Hindi pala para sa 'yo ang dala niyang chocolates?" bulong ni Lee Patrick at ngumisi sa kakambal.
"Mabuti naman!" wala sa modong sagot ni John Matthew na napasulyap kay Jacob na ngayon ay excited na buksan ang tsokolate.
"Pahingi ako," sabi ni Lee Patrick at lumapit kay Jacob.
"Pahingi rin ako, ibigay ko lang sa pusa ko," ani LL.
"Wala ka na bang ibang iniisip kundi ang lintik na pusa mo?" tanong ni Lee Patrick.
"Huwag mong tawaging lintik ang alaga ko!" singhal ni Lance Leonard at sinamaan ito ng tingin.
"Haist! Bakit ba puro ka na lang pusa?"
"Wala kang pakialam! Siya na lang ang nandiyan para sa akin!" depensa ni LL.
"Ano ang tingin mo sa amin? Mahal ka rin naman namin a!" galit na sabi ni Lee Patrick. Ang hirap nitong maka-move on kapag may mawalang bagay na mahal niya, gaya na lang kay Lola Patch nila.
"Iba kayo, iba si Mine ko," mahinang sagot ni LL.
"Wala na nga siya, 'di ba? Iniwan ka na niya kaya kung ako sa iyo, move on na, Leonard!" sabat ni Jacob.
"E kayo ang mag-move on! Wala namang pumipigil sa inyo!" sabat ni LL kaya sabay na napabuntong hininga ang tatlo.
"Gusto mo?" tanong ni Jacob saka offer ng chocolate kay John Matthew. "Masarap siya, bro! Galing Norway!"
"Lamunin mo kung gusto mo!" sagot ni John Matthew.
"Ba't mainit ang ulo mo?" tanong ni Jacob.
"Bakit mo ba tinatanggap ang ibinibigay niya?"
"Wala namang masama kung tanggapin ko ang tinanggihan mo!"
"Talaga? E di tumanggap ka nang tumanggap! Para kang pulubi!"
"Bakit ba ang suplado mo? Ano ba ang nagawa ni Jaffy sa iyo na ganiyan mo lang siya ituring?" tanong ni John Matthew.
"Wala! Pakialam mo kung ayaw ko sa kaniya?"
"E ba't ka galit?" sabat na ni Lee Patrick. Naiinis na siya kay John Matthew dahil matindi ang pagpahiya nito kay Jaffy.
"Hindi naman ako galit!" sabi niya saka tumayo. "Nakakawalang gana!"
Lumabas na si JM sa classroom. Wala rin naman ang guro nila pero tinatamad lang siyang lumabas.
Kagaya ng araw-araw na nangyayari, ang dami na namang tumitingin sa kaniya pero badtrip siya! Diretso siya sa parking lot. Nang tinatamad na magmaneho ay naisipan niyang tumungo sa rooftop.
Kamusta ka na kaya?" bulong niya. Kung sa mga kapatid ay okay lang ang lahat, puwes, nagkakamali sila. Masakit pa rin ang nangyari sa kaniya. Masakit magparaya sa kakambal. Masakit makita na ang minamahal mo ay inaangkin ng kapatid mo. Na kahit ano man ang gawin mo, wala pa ring magbabago, si LL pa rin ang minahal ni GV.
Nanatili muna siya ng ilang mahigit trenta minuto sa rooftop bago niya naisipang umuwi sa condo.
Sa sobrang pagod, hinila siya ng ispiritu ng antok nang maglapat ang likod niya sa kama. Napapitlag siya nang tumunog ang cellphone sa bedside table.
"Hello?" inaantok na sabi niya habang nakapikit ang mga mata. Ang mommy niya ang tumawag, pinapapunta silang apat dahil may bisita raw. Mag-aalas singko pa lang ng hapon kaya tinatamad siyang bumangon.
Ducati na ang ginamit niya. Nang makapasok sa mansion, nakita niya si Anndy at Christine na nasa sala at nagbibihis ng barbie.
"Magandang hapon po, Kuya JM!" bati ni Christine at nginitian siya.
"Magandang hapon din," bati ni John Matthew.
"Yuck!" wika ni Lee Patrick na kakapasok lang. "Ang tanda na ninyo, naglalaro pa kayo ng barbie?"
"Hindi a! Binibihisan lang namin kung maganda ang damit nila!" depensa ni Tintin.
"Grabe, defensive ka talaga tabachingching!" natatawang sabi ni Lee Patrick at kinurot ang pisngi ng dalagita.
"Ouch! Ang sama mo talaga sa akin!" naiiyak na sabi ni Christine kay Lee Patrick.
"Ang sarap mo kasing kurutin!"
"Si Kuya ang hard kay Tintin! Isumbong kita kay Daddy!" naiinis na sabi ni Anndy. Kaya ayaw ni Christine na sumama sa kaniya dahil kay Kuya Lee Patrick niya.
"Wala naman akong ginagawang masama a! Ang sarap kaya pisilin ng pisngi ng kaibigan mong bata!" depensa ni Lee Patrick.
"Hindi na ako bata!" depensa ni Christine at sinamaan si Lee Patrick. Mabuti pa itong si JM, kahit na nahuli siyang namimili ng class A na gamit, hindi siya inaasar. Paano kaya kapag ito ang nakakita sa kaniya?
"Nasaan sina Mommy?" naiinip na tanong ni JM. Tinatamad siyang tumunganga sa harapan ng mga isip bata.
"Nasa itaas po," sagot ni Anndy kaya tumungo siya sa elevator. Si Lee Patrick ay naupo sa sala at pinagmasdan ang dalawang isip bata. Pagdating niya sa itaas, narinig niya ang boses ng mga magulang sa kuwarto ng lola nila kaya pumasok si John Matthew.
"Anak, nandito ka na pala," sabi ni Ann na nakatingala sa maskarang nakasabit sa dingding. "Hindi ba, kulay puti ang mga diyamanteng iyan? Bakit naging itim na ang iba?" nag-aalalang tanong ni Ann. "H-Hindi kaya pinalitan? Fake kaya ang iba?" Patay silang lahat kay Patch kapag peke nga ang nga diyamante.
"Relax, baby, authentic pa rin ang mga iyan, nakapagtataka lang," sabi ni Dylan na nakaupo sa kama.
"Huwag kang mag-alala, Mommy, walang nawawala sa maskara maliban sa nagpalit lang ito ng kulay," ani John Matthew at pinagmasdang maigi ang maskara. Ang nasa paligid ay sobrang itim na at nasa gitna ay puti pa naman pero sa pagitan ng gilid at gitna, kalahating itim at kalahating puti. Mukhang tama nga ang hinala nila.
"I think, we should start the sorority search before it's too late," he suggested.
"Sige, madaliin natin, sa second semester ng second year ninyo, sana matapos na ang deliberation at maumpisahan na," sagot ni Ann. "Baba na tayo, nandoon na siguro ang bisita ko."
Naunang lumabas sina Ann pero bago pa makalabas si JM, sinulyapan muna niya ang maskara. Sana lang ay tama ang hinala nila ng isang kakambal sa next na maging sorority queen.
Nginitian niya ang litrato ni Patch noong dalaga pa ito na nasa tabi lang ng maskara. Mukhang nagpapahiwatig ng katapangan at pagiging dominante!
"Masyado kang mahiwaga at matalino, Lola Patch," bulong niya bago tuluyang isinara ang pinto. Wala na ito sa kasalukuyan pero alam nilang namumuhay pa ito sa nakaraan.
Pagbaba niya, halos malaglag ang panga niya nang makita si Jaffy kasama ang ina nito na papasok.
"Jaffy! Ang ganda mo!" puri ni Ann at nakipagbeso-beso sa dalawa.
"Good evening po," bati ni Jaffy.
"Halikayo, kain tayo ng hapunan," yaya ni Ann. "Anndy? Nasaan na si Christine? Kain tayo," tanong niya sa anak na nililigpit na ang malalaking barbie.
"Umuwi na po..." Tumayo ito at humalik sa dalawang bisita.
"Si Lee Patrick?"
"Umuwi na rin po sa condo. Mom? Masakit po ang ulo ko, nahihilo po ako, puwede po bang mamaya na ako kakain?" naka-puppy eyes pa ito.
"Ganoon ba? Sige hija, magpahinga ka," nag-aalalang sabi ni Ann. "Humingi ka ng gamot sa yaya mo." Sina Jaffy ay nauna na sa dining room kasama si Dylan.
"Mom? Uuwi na--"
"Kumain ka, wala na nga ang mga kapatid mo, layasan mo pa kami? Ang bastos din ninyong quadruplets!" Pinandilatan ni Ann ang anak. "Subukan mong umalis at sabihin ko sa ama ninyong hindi na kayong apat na pagamitin ng kahit na ano mang sasakyan! Kahit bisiklita pa at singkuwenta na lang ang baon ninyo araw-araw!"
"Mommy naman!" naiiyak na daing ni John Matthew. Sana pala, hindi na siya pumunta. Seryoso kasi ang ina at alam nilang kapag ito ang mag-request, hindi makatanggi ang uto-utong ama nila. Padabog na sumunod siya sa ina at habang naghahakbang, ilang beses din siyang napapamura. Hindi na nga masarap ang pagkain, si Jaffy pa ang kaharap niya. Ewan niya ba, kahit na anong pilit niyang huwag magalit sa dalaga, kumukulo talaga ang dugo niya dahil sa paghabol nito sa kaniya.
"Mukhang masarap ang pagkain ninyo!" nakangiting sabi ni Inday at excited na kinuha ang kanin. Magkaharap sila sa mesa. Sa kabilang side ay sina Jaffy at Inday at sa tapat ay ang tatlong mga Lacson.
"Nasaan na si Jacob?" tanong ni Inday.
"Hindi raw makadalo, busy yata," nahihiyang sagot ni Ann.
"Ay, sayang, bet ko pa naman siya para kay Jaffy," kinikilig na sabi nito kaya nagkasalubong ang mga kilay ni JM.
"Talaga? Ako rin, gusto ko rin si Jaffy para sa anak ko," segunda ni Ann kaya naiinis na tiningnan ni JM ang ina. Ayaw talaga niyang maging bayaw si Jaffy o maging bahagi ng pamilya nila.
"T-Tita... Mommy..." namumulang ang pisnging sabat ni Jaffy. "W-Wala ho kaming relasyon ni Jacob at maniwala kayo, hindi namin gusto ang isa't isa," pagklaro ng dalaga para matapos na.
"Huh? Bakit? Hindi ba't doon ka na tumitira?" sabi ni Ann.
"H-Hindi ho, magkaibigan lang talaga kami ni Jacob, boy bestfriend ko siya, 'ika nga," palusot ni Jaffy kaya napataas ang kilay ni JM.
"Ah, si JM pala ang crush mo noh?" tanong ni Ann.
"Dati pa ho iyon pero hindi na ngayon," sagot ni Jaffy at napasulyap sa binatan hindi maipinta ang mukha kaya pinandilatan niya.
"Anak naman, mas malaki ang daks ni Jacob," bulong ni Inday sa anak na narinig ni John Matthew kaya mas lalong kumulo ang dugo ng binata.
" Anak ng-- sinasabi pa ng mag-inang ito na maliit lang ang kargada ko?" bulong ni JM at napamura.
"Aaaah!" wika ni Ann at biglang nasira ang mukha saka kinuha ang tisyu at iniluwa ang karne.
"H-Hindi ba masarap?" nag-aalalang tanong ni Ann.
Napasulyap si Inday kay Dylan na tahimik na kumakain. Inilapit niya ang mukha sa anak at bumulong, "Pakitikman ng beef steak kung maalat at walang kasing pangitnbg lasa," bulong ni Inday sa anak. "Pero kaunti lang dahil baka malason ka." Kahit paano ay concern siya sa unica hija.
Pasimpleng tinikman naman ni Jaffy ang isang karne. Mabilis na kinuha niya ang kinuha niya ang tisyu na inabot ng ina.
"Alam mo Jaffy," wika ni JM, "Dito sa bahay namin, lahat kami ay nasarapan sa pagluto ng aming ina!" wika ni JM bago pa mainsulto ang ina at umiyak sa harapan nila.
"A-Actually, masarap nga e," pilit na ngumiti si Jaffy pero parang may patalim ang mga matang sumasaksak kay JM saka pinahidan ang bibig saka hindi na nginuya ang karne, basta lunok kaagad, bahala na kung mabilaukan!
"Ito tita," sabi ni JM saka inabot ang roasted chicken, "Binili ko ho iyan diyan sa pinakamalapit na restaurant, hindi ko alam kung masarap," sabi niya kaya nakangiting inabot ni Inday.
"Salamat naman at may manok akong nakita," wika ni Inday saka kumuha ng hita ng manok. Hindi pa naman siya kumain dahil sabi ng anak, masarap daw magluto si Ann.
"Alam mo Ann," panimula ni Inday. "Mahal ka talaga ni Dylan, napakasuwerte mo sa kaniya!" puri ni Inday.
"Talaga?" Lumiwanag ang mga mata ni Ann.
"Oo, ang sarap mo kayang magluto, sana ikaw na lang ang kuning chef ng nasa Bilibid," wika ni Inday. Sino ba ang presong gagawa muli ng kasamaan kung alam lang nilang ganito lang pala ang matitikman nilang luto sa kulungan? Pero aminado siyang mabait si Ann at tunay niya itong kaibigan. Lamang, nahihiya siyang aminin ang totoo dahil mukhang kinokonsenti ng asawa.
"Salamat, Inday!" pasalamat ni Ann.
"Don't worry, your thank you is accepting me," wika ni Inday kaya natigilan si Ann at pasimpleng sinulyapan ang kaharap. Kaibigan niya si Inday pero mahirap na pakikitunguhan ito kapag mag-English na.
"Alam mo, Inday, ang suwerte talaga ni Jim sa iyo, bukod na maganda, ang seksi mo pa!" puri niya kaya ang lapad ng ni Inday, huwag lang talaga ito magsalita.
"Thank you! My ghad! I know I am beautifuliest among the rest!" pagmamalaki ni Inday.
Napangiti si JM nang mapansin ang namumutlang mukha ni Jaffy na para bang natatae pero agad naman siyang sumimangot nang magtama ang kanilang mga paningin.