Chapter 89

2.5K 111 67
                                    

a/n: 🌷 for you my philo :)

Chapter 89 : TBSP

Aeriz's POV

“Talaga bang sisirain mo ang buhay mo, Aeriz Jade?!”

Pagkauwi ko sa bahay ay sermon kaagad ni kuya ang bumungad sa akin.

Wala akong naramdamang kahit anong takot. . .dahil puro galit at sakit ang nasa dibdib ko.

“Hanggang kailan ka ba magrerebelde ha?! Hindi pa ba sapat lahat ng mga sermon ko sa'yo para tumino ka?!”

“Ryle, tama na.” awat ni tita sa kaniya

“Tama na? Ma, she's ruining her life! Hindi pa nga sapat itong panenermon ko sa kaniya e!”

“Buhay ko naman pala ang sinisira ko, ba't nangingialam ka pa?” walang emosyon na tumitig ako sa kaniya “Stop acting like you care about my future when you are one of them planning to ruin everything.”

“Ano bang sinasabi mo? I am acting like this because I care for you!”

“You care for me? Kung ganoon ay bakit pumayag kang itali ako kay Kiro? Bakit hinayaan mo silang mag desisyon para sa'kin?”

Napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin.

“Why don't you open your mind here, Jade? Be matured enough so that you can understand what the fuck is happening to your life! Kung hindi kami makikialam ay paano aayos ang buhay mo?! I am doing this. . . because I am your family.”

Family. It sucks.

Lumapit sa akin si tita at hinawakan ako sa balikat Umakyat ka na muna sa kwarto mo para mag pahinga, Jade.”

Pahinga.

“Hindi ho sapat iyang pahinga na sinasabi mo para mawala lahat ng pagod na nararamdaman ko, tita.” biglang nabasag ang tinig ko pagkasabi no'n bumaling ako kay kuya na matiim na nakatitig sa akin “Kahit pa gusto kong maintindihan ang ginagawa niyo, hindi ko magawa. Dahil kung binibigyan niyo ako ng pagkakataong baguhin ang buhay ko ay magagawa ko. Ang kaso hindi niyo na nga ako binigyan ng pagkakataon ay nangingialam pa kayo.”

“Kung bibigyan kita ng pagkakataong ituwid ang buhay mo, anong gagawin mo?” seryosong tanong niya

Bigla ay natahimik ako sa tanong niya.

Ano nga bang gagawin ko kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataong baguhin ang buhay ko?

“See? Hindi mo nga masabi sa akin ang una mong gagawin e. Huwag kang umasta na kaya mo na ang sarili mo.” malamig lang ang tingin nito sa akin hanggang sa umakyat na siya sa kwarto niya

Mapait akong napangiti bago naglakad papunta sa likod ng bahay at naupo sa may bench doon.

Habang nakatingin sa paanan ko ay biglang may tumulong luha galing sa mata ko.

Gusto ko lang naman baguhin ang takbo ng buhay ko, pero bakit hindi ko alam kung paano sisimulan?

Ganoon ba karami ang iniisip ko kaya hindi ko na magawa pang isipin ang tungkol sa sarili ko?

Nakakapagod.

“Riz.”

Nag angat ako ng tingin kay Lucifer.

“Why are you crying?” nag aalalang tanong niya

“Karma ba 'to?” natatawang tanong ko sa kaniya habang pilit na pinupunasan ang luha ko

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now