a/n: sorry for late and short ud:)
Chapter 136 : TBSP
Aeriz's POV
Tahimik lang kaming nakatingin ni Aeros sa singsing na nasa lamesa ngayon.
“Tingin mo bakit? Bakit ako binigyan ng singsing? Crush ako no'n ’no?” tanong niya sa'kin
Tanginang pagiging assuming ’yan.
“Kamag anak mo si Satanas, ba't di mo itanong sa kaniya?”
“Ang tino mong kausap.” siniringan niya ako
Alam ko, syempre ako na ’to e.
“Alam kaya ni kuya ’to?” tanong ko sa sarili pero dahil naturingang bida-bida si Lucifer ay siya ang sumagot
“Montero ka ’di ba? Ba't di mo alamin.” ganti ni Aeros
Tanginang Lucifer 'to. Pero infairness may point ang bobo.
Anong saysay ng pagiging Montero ko kung hindi ko gagamitin, ’di ba?
Kaagad kong itinago sa bulsa ko ang singsing nang biglang pumasok si kuya sa hospital room ni Aeros.
Epal, hindi manlang kumatok ampota.
“What's with the tension?” malamig na tanong niya
“Nothing, kuya.” sagot ni Aeros na sumulyap pa saglit sa'kin
“Aeriz Jade. . .”
Luh!
“Uy wala akong ginagawang masama ah!”
Sinamaan niya ako ng tingin na para bang nahuli niya akong gumawa ng kasalanan.
“Si Ivan nasa labas ng kwarto. Hinahanap ka.” sabi niya sa'kin habang pinandidilatan ako
Pero. . .si Van? Ilang weeks na nu'ng huling kita ko siya ah.
“Nakikipag usap ka pa rin sa kanila?” tanong ni Aeros na para bang bago iyon sa pandinig niya
“Dapat ba hindi?” napanguso ako bago lumabas ng kwarto
Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si Van na naghihintay sa akin sa gilid.
“Ba't andito ka?” takang tanong ko
Imbis na sumagot ay mahigpit niya akong niyakap. Unti-unti ay naramdaman ko ang pagbigat ng hininga niya na para bang pagod na pagod siya.
“Ayos ka lang?” tanong ko sa kaniya bago mahinang tinapik ang likod niya
“I'm fine. . .I just missed you.” mahinang sabi niya
Ilang sandali pa ay bumitaw na rin siya sa pagkakayapos sa'kin at matamis akong nginitian.
“How are you? Ang tagal nating hindi nagkita ah.” nakangiting sabi niya sa'kin
“Ayos lang. Saan ka ba nagsususuot? Hindi kita mahagilap.” seryosong sabi ko
“Hinanap ko lang ang sarili ko.” biro niya
Sandali ko siyang pinagmasdan bago siya tinanong “Nahanap mo ba?”
“Hmm. . .hindi. Pakiramdam ko nga naliligaw ako e.” nakangiti pa rin siya sa'kin
Mahina kong tinapik ang pisngi niya at matamis siyang nginitian “Nandito lang ako.”
“Alam ko kaya sa'yo ako e.” matamis siyang ngumiti sa'kin pero irap ang sinagot ko sa kaniya
Napagdesisyonan naming dalawa na maglakad-lakad sa garden ng hospital.
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...