Chapter 112

2.5K 88 4
                                    

Chapter 112 : TBSP

Aeriz's POV

“Tama na---aaahhhh!”

Tagaktak ng pawis na napaupo ako sa kama habang hinahabol ang hininga. Pakiramdam ko ay may sumasakal sa akin habang natutulog ako.

Napahawak ako sa dibdib ko at nalaman kong parang nakikipagkarera iyon sa sobrang bilis ng tibok.

Iyong mga sigaw nila sa'kin pero parang wala akong naririnig. . .mga bagay na ginagawa ko kapag sobra na ang galit na nararamdaman ko.

Tangina nakakagago na ang lahat.

Napatingin ako sa orasan at sakto namang alas-kwatro na ng umaga kaya imbis na matulog pa ay tumayo na lang ako para ihanda ang mga damit ko.

Sabado ngayon at malamang walang pasok dahil ngayon daw namin gagawin ang date na sinasabi ng sperm na si Nate.

Hindi ko ba alam kung saan nila ako dadalhin basta raw ay mag handa ako ng damit na pang dalawang araw pero kailangan din daw ng extra.

Extra rice, extra hot, extra large.

Bababa na sana ako dahil ganitong oras ay gising na sila tita at mga katulong para mag handa ng almusal, pero nang makalabas pa lang ako ng kwarto ko ay narinig ko na ang mahihinang hikbi na nanggagaling sa katabing kwarto ko.

Napansin ko ang bahagyang pagkakaawang ng pintuan ni Lucifer kaya sumilip ako roon at nakita si mama na nakaupo sa gilid na kama ni Lucifer na natutulog.

“I'm sorry. . .kung alam ko lang na gagawin iyon ng papa mo edi sana may ginawa na ako para hindi iyon nangyari sa inyo ng kapatid mo.” umiiyak na wika nito sa natutulog na demonyo

Kapatid huh? For the first time in forever~~~tangina nakakakilabot iyon ah.

“I know I am not the best mother in the world, kasi habang lumalaki kayo mas lalong lumalayo ang loob niyo sa'kin.”

Sa ginagawa mo ba naman alangan namang yakapin ka pa namin ng mahigpit. Si Ranzel na lang ang yayakapin ko sa leeg, mahigpit para tuluyan nang mabawian ng hininga.

“Akala ko kasi magiging maayos pa rin tayo dahil buo na tayo, pero mas magiging mahirap lang pala para sa iyo. . .lalo na kay Riz.”

Sobra. Sobrang hirap na para bang sumusuot lang ang pinakamatabang tao sa mundo sa butas ng karayom.

“Kahit pa hindi na kayanin ng panahon, susubukan ko pa rin, anak. Susubukan kong ayusin ang gusot ng pamilya natin.” yumuko ito kay Lucifer at hinalikan sa noo bago tumuwid ng tayo

Dali-dali na akong bumaba na halos madapa na ako dahil sa pagmamadali at kaba na makita ako ng nanay kong bruha na nanonood ng mala-mmk niyang speech sa demonyong natutulog.

Mabuti na lang at mabait ako kaya nakinig ako para di masayang ang speech niya.

“Riz, ang aga mo 'ata? May lakad ka ba?” bungad ni tita sa akin pagpasok ko sa kusina at nakita ko pa si kuya na nakaupo malapit sa lababo habang sumisimsim ng kape

“May pupuntahan lang po kami ng mga kaklase ko.” sagot ko bago dumeretso sa ref para maghanap ng makakain

“Saan ka na naman dadalhin ni Grae? Huwag kang sama nang sama ro'n, baka naman makikipag tanan ka lang sa kaniya.” naniningkit matang sabi ni kuya sa'kin

Oa sa tanan, saan naman kami pupunta? Sa dulo ng mundo?”

---

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now