Chapter 113 : TBSP
Aeriz's POV
“Riz, kasi. . .”
Sinamaan ko ng tingin si Nate “Ano ba? Kanina ka pa ah!”
“Sure ka ba okay ka lang?” tanong na naman niya!
Nakakarami na siyang tanong! Mula pa pag gising ko ay ganiyan na siya.
Kinalabit nito si Mac at may kung anong ibinulong dito na naging dahilan ng panlalaki ng mata nito.
“Tatawag na ako sa hospital.” dinig kong sabi ni Nate
“Sandali lang, tumawag ka na sasabihan ko rin sila Grae para walang mag panic.” sabi naman ni Mac sa kaniya
Ano bang meron?
Maya-maya ay narinig ko ang nakakabinging atungal ni Nate.
“Hello! Opo! Hospital po?! Nandito po kami sa ano. . .sa isla ni Grae! Opo sumakay po kami ng van papunta rito pero sinakay din namin iyong van sa barko ni Grae! Kilala mo si Grae? Ay hindi? Kilala ko siya e. Si Riz kasi! May sugat siya e! Sa ano likod niya 'ata iyon o tumbong! Dumudugo! Huhuhu! Tulong po please help us! Huwag niyo akong tawanan!” umiiyak nitong sabi!
Nanlaki ang mata ko bago lumingon sa likuran ko at tangina! May dalaw nga pala ako ngayon!
Nag init ang buong mukha ko pati tenga nang makitang pumasok ang mga sperm sa kusina at mukhang nag aalala sila sa akin!
“Riz, fuck! Okay ka lang?” tanong ni Kiro sa akin nang makalapit siya
“Si Riz! May sugat si Riz tapos tumawag ako sa hospital pero tinawanan lang nila ako!” nagsisimula na namang mag tubig ang mga mata ni Nate gano'n na rin si Mac
“M-Mamatay na ba si Riz? Noooooooo!” madramang sabi ni Mac at nakipagyakapan kay Nate tsaka sila sabay na umatungal
“What the fuck are you talking about?” takang tanong ni Grae
“Grae kasi si Riz, may dugo! Sinaktan mo ba siya?!”
“Putangina! Tahimik!” sigaw ko dahil hiyang-hiya na talaga ako “Walang masakit sa katawan ko, pero malamang sasakit ang puson at ulo ko sa kakulitan niyong dalawa.” wika ko kila Nate na nagpupunas ng luha
“Do you need anything, Riz?” tanong ni Aj
“Oo. . .n-napkin isa lang kasi ang dala ko e.” napaiwas ako ng tingin sa sobrang hiya!
Tangina!
“May malapit na isla rito e, may jet ski na nakatambak sa bodega baka pwedeng magamit pa iyon, 'no, Grae?” sabi ni Clyden
“Yeah.”
“Okay, okay. Punta tayo ro'n para mabili kailangan ni Riz, bibili rin tayo ng mga remembrance.” nakangising sabi ni Klein
“Remembrance mo mukha mo! Gusto mo lang bilhan ng pasalubong ang ex mong hindi ka na naman babalikan.” pang aasar ni Daryl sa kaniya
“Pasalamat ka kasali ka sa boxing sa school.” ngingisi-ngising sabi ni Klein kaya natawa sila
“Baka naman pwede na kayong pumunta sa kabilang isla 'no? Para naman hindi na ako manlagkit dito. At kayong dalawa naman.” bumaling ako kila Nate at Mac “Diyos ko naman! Tumigil na kayo sa kakaiyak dahil hindi naman ako mamamatay!”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...