Chapter 93

2.5K 86 20
                                    

a/n: 🌷

Chapter 93 : TBSP

Ysha's POV

“Ysha!” napalingon ako sa tumawag sa akin, siya iyong kasama ko sa cheering squad “May  practice raw mamaya sabi ni Ate Janice!” sigaw niya dahil medyo malayo siya sa akin

Ngumiti ako sa kaniya at tumango para sabihing ‘okay’.

Cheerleader ako sa cheering squad dito sa Gzon International School. Maganda ang school na ito, bagong lipat pa nga lang ako rito, second year.

Wala pa ako masyadong kakilala maliban sa mga kasama ko sa cheering squad.

Habang nagpapractice ng cheer dance ay may napansin akong nakatingin sa akin. Dapat ay masanay na ako ro'n dahil simula pa noong first day ko rito ay marami nang tumitingin sa akin.

Nang mailibot ko ang mata ko ay napatingin ako sa lalaking singkit ang mata at medyo magulo ang buhok na nakatitig sa akin habang nakaupo a bench ng gym.

“Ysha, okay ka lang?” tanong sa akin ni Rihanna

“Mm! Okay lang, medyo. . .nailang lang ako sa titig no'ng lalaki.” naging pabulong na lang ang huli pero narinig pa rin nila

“Ha? Sinong lalaki?”

“Uhh. . .iyong singkit na nakaupo sa bench.” naiilang na sabi ko

At mas lalo pa akong nailang nang ituro nila iyon at sinigurado sa akin kung iyon ba talaga ang tinutukoy ko.

“O-Oo. . .siya nga. . .teka huwag niyo ituro.” namumula na ang mukha ko sa hiya!

“Omg ka! Omg talaga, Alysha Fuentabella! Hindi mo ba kilala kung sino 'yang tinutukoy mo?!” medyo nagulat ako sa pagiging oa ni Erica

“Hindi.”

“God! That's Ichiro! Ichiro Thadeus Yokasi, brother of Kiro! Friend of Aeros and Grae!”

Si Aeros lang ang nakilala ko sa mga pangalang binanggit niya dahil Presidente ito ng council.

“Ah. . .okay.”

“Ah. . .?!!!! Hindi ka manlang kinilig?” takang tanong ni Rihanna

“Huh? Ba't naman ako kikiligin?”

“Pogi siya ih. . .!”

Muli akong napatingin sa lalaking nakatulala lang sa akin at nang matauhan siya ay bahagyang nanlaki ang mata niya at napaiwas ng tingin tsaka umalis ng gym.

Anong nangyari roon?

I have a good academic record. . .they knew that I came from a decent family but. . . it's a lie.

“Ma? Ano na namang nangyari sa pisngi mo? Sinaktan ka na naman ba ni Tito Brando?” kunot noong tanong ko nang makauwi ako sa bahay at napansing may pasa na naman siya

“Hindi. . .anak, ayos lang ako. Medyo nagalit kasi sa akin ang Tito Brando mo, muntik ko na kasi mabasag 'yong paborito niyang tasa noong naghuhugas ako.”

Pero hindi naman makatarungan iyon. Dahil lang sa tasa, sasaktan niya ang nanay ko? Napakasama niya.

“Sige na, mag bihis ka na at tawagin si Yrah para kumain.” pilit na ngumiti si Mama sa akin bago ako halikan sa noo

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now