a/n: sorry for super late ud:))
Chapter 135 : TBSP
Kiro's POV
It's been an hours since Riz and Grae left the Hospital. Napagdesisyonan naman naming pumunta na lang sa bahay tutal ay wala namang tao rito.
“Saan kaya pumunta sila Riz?” malungkot na tanong ni Mac
“Hindi ko alam, pero sigurado akong ayos lang siya.” seryosong sabi ko
Kasama niya si Grae. Alam kong hindi siya nito pababayaan.
“Alam mo, Kiro, bilib ako sa'yo.” mahinang sabi ni Clyden na nasa tabi ko “Kahit alam kong gustong-gusto mo si Riz, hindi mo pa rin nagagawang traydorin si Grae.”
Sandali akong natahimik sa sinabi niya.
Muntikan na dati. Muntikan ko ng traydorin si Grae dahil kay Mia.
“Hindi lang basta isang babae si Riz, sa totoo lang nasa kaniya na nga ang lahat. Pero hindi naman kami bata para pag agawan siya, baka bigla kaming suntukin ni Riz.” natatawang sabi ko
“Does she know that you like her?” nangibabaw ang seryosong boses ni kuya Ichiro
Ngumisi na lang ako sa kaniya at hindi na sumagot. Hindi niya naman kailangan pa malaman kung alam ba ni Riz o hindi.
“Guys, alam niyo na bang hindi si Grae ang panganay na anak nila Tita Grace at Tito Enrique?”
Napantig ang tainga ko sa sinabi ni Chard.
“Gago?”
“Weh?”
“Di nga?”
Hindi namin alam, wala kaming alam.
“Paano mo naman nasabi 'yan?” tanong ni Aj
“I am not called computer expert for nothing.”
“Inimbestigahan mo si Grae?!” lahat kami ay nagulat nang tumaas ang boses ni kuya Ichiro
Hindi naman kasi siya ganito.
“Masama ba 'yon?” parang walang pakialam na tanong ni Chard
“Gago! Ipinapakita mo lang sa amin na wala kang tiwala sa kaniya!” ganti ng kapatid ko
Tama ang kapatid ko pero. . .bakit kailangang imbestigahan ni Chard si Grae?
“Hindi ba pwede naniniguro lang ako sa kung sino ang taong kinakampihan ko?” iba ang dating ni Chard ngayon
Parang hindi siya 'yong makulit na kaklase at kaibigan namin.
“Bakit? Kung hindi si Grae, sino pa ba ang dapat mong kampihan?” si Aj ang nagtanong na ikinatahimik ni Chard pero ilang sandali ay nag salita rin
“Si Riz.”
*****
Aeriz's POV
“Tanga!” muli ko siyang sinikmuraan “Bobo!” nang susuntukin ko siya sa mukha ay sinalo niya ang kamao ko at ipinaikot sa akin hanggang sa yakapin niya ako mula sa likod
“Stop it, Riz.” ang mababa niyang boses ang nagpapatahimik sa naguguluhan kong puso at isip
“Inutil kang sperm ka! Dapat. . .dapat nilayuan mo na ako. Dapat lumayo ka na sa'kin. Dapat iniwanan mo na ako. Mapapahamak ka lang.”
“It's fine. Kahit ano pang panlalait ang sabihin mo, hinding-hindi kita iiwan.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghagulgol habang hawak ko ang kamay niyang nakayapos sa akin.
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...