Chapter 108

2.2K 107 15
                                    

Chapter 108 : TBSP

Aj's POV

“Ang tagal naman ni Riz!” naiinip na sabi ni Nate habang kinakain ang ice cream ni Riz

“Sure ka ba talagang naiinip ka o baka naman ayaw mo ng bumalik siya para maubos mo na iyang ice cream niya?” nakangiwing sabi ni Drake

“She went out with someone.” sabi ni Kiro

“Sinong someone?” takang tanong ni Mac umismid lang si Kiro sa kaniya

“Nakita ko rin kanina, she look familiar.” sabi ko sa kanila

“Let's just find her.” Grae stood up kaya naman tumayo na rin kami para hanapin si Riz

Halos libutin na namin ang buong mall ngunit hindi pa rin namin nakikita si Riz.

Dumidilim na pero ni anino niya ay hindi pa rin namin natatanaw.

Shit! Nasaan na ba siya?!

“It's belong to Riz.” lahat kami ay napatingin kay Grae may hawak hawak siyang hair tie

“Paano kung kapareho lang?”

“No. . .it's Riz.” seryosong seryoso ang mukha nito at para bang sigurado sa sinasabi “Aj, remember when we did a research about Red?”

“Yeah. Why?”

“Riz went out with someone, that girl is Red's sister.”

“Pero. . .bakit nandito ang hair tie ni Riz?” takang tanong ni Clyden at nagkatinginan naman kaming lahat

Nakidnap siya!”

***

Aeriz's POV

“Jade. . .”

Unti-unti kong binuksan ang mata ko at nag taka ako sa dalawang taong naka tunghay sa akin.

“Phoenix. . .Saito. . .”

“Black.” nakangising bati sa'kin ni Saito “It's not nice to see you again. . . breathing.” punong-puno ng hinanakit nitong sabi

Sarkastiko akong napatawa nang maalala kung sino ang dumukot sa akin.

Ang walang hiyang iyon! Lakas ng loob niya paamuyin ako ng panyo na may pampatulog ah!

“Talaga bang kumampi na rin kayo kay Red para lang matalo ako?” hindi ko maiwasang mairita sa kanila

“Anong kumampi sinasabi mo? Kinidnap ka rin namin sa kanila.” may pagmamalaki sa tono ng pananalita ni Phoenix

Kinidnap nila ako kay Yena?

“So kung sa baboy ay double dead, ikaw naman double kidnap.” sabi naman ni Saito na ikinangiwi ko

Hindi ko mawari kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

“Bakit? Hinayaan niyo na sana ako tutal pare-parehas lang naman ang gusto niyo 'di ba? Ang patayin ako.”

Hindi nakatakas sa mata ko ang pag daan ng sakit sa mata ni Nix habang si Saito naman ay sinusubukang mag mukhang matapang sa harap ko.

“Dahil ang gusto namin kami ang gagawa no'n.” sabi ni Saito na hindi manlang nautal

“Mga traydor kayo.” galit na sabi ko at sinamaan sila ng tingin pero ginantihan lang nila ang tingin ko

“Dahil iniwan mo kami.” ganti ni Saito

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now