Chapter 104

2.5K 88 8
                                    

a/n: happy new year!

Chapter 104 : TBSP

Aeriz's POV

“How are you?” tanong sa'kin ni Reign nang biglaan akong bumisita sa condo niya

Dito ako bumibisita kapag may masamang nangyayari.

“Okay lang.” sagot ko at pilit naman siyang ngumiti sa akin

“What happened, Jade? Care to tell me?” maingat na tanong nito

“Alin doon?”

“Hmm. Ikaw ang bahala kung anong gusto mong sabihin sa'kin.” matamis na ngumiti si Reign sa'kin

“No'ng nakaraan nagkausap kami ni Aeros at naopen iyong about sa nangyari sa amin noon. Akala ko. . .ayos na lahat pero hindi pala.”

“What do you mean hindi pala?”

“Hindi ko pa pala kaya.”

Napakalamig. Hindi ko inaasahang iiwanan ako ni Kuya sa lugar na ito.

“Kuya Aeros. . .” mahinang sabi ko

Niyakap ko ang sarili ko habang tahimik na umiiyak. Nagugutom na ako pero wala akong magawa dahil hindi pa rin ako pinapakawalan ng mga kidnapper.

“Bukod pa ang ibinayad ni Sir Ranzel sa pinagtubos niya sa anak niya 'di ba?” dinig kong tanong ng isa sa mga kidnapper

“Oo, kaya lang medyo bawas dahil daw sa pananakit sa anak niya. Bakit niyo ba kasi sinaktan ang bata?”

Si papa. . .inutusan niya sila.

“Oy bata, kumain ka muna.” nag lapag ang isang lalaki ng plato na may kanin at ang ulam ay sardinas

Syempre kahit naman mapera kami ay alam ko iyon. Madalas naming ginagawang breakfast iyon ni kuya Aeros, ginagawa naming sawsawan ng pandesal.

Ayun nga lang palagi kaming napapagalitan ni mama dahil malansa raw at ayaw niya ng amoy.

“W-Wala po akong gana.” sagot ko sa lalaki

Matiim na tinitigan ako ng lalaki “Alam mo maganda ka. Maganda rin ang mommy mo pero kakaiba iyong ganda mo e. Ang bata mo pa pero para ka ng miss universe.” halos mabali ang leeg ko sa pag iwas nang haplusin nito ang pisngi ko

“Arman, halika rito.” tawag ng isang kasamahan niya rito kaya lumapit ito sa mga iyon pero nginisihan niya muna ako

Please, Papa Jesus, papuntahin niyo po rito si kuya Aeros.

Ilang beses akong nagmakaawa sa kaniya hanggang sa nakatulog na lang ako.

Nagising ako nang may maramdamanh humahaplos sa braso ko.

Nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sa'kin ang mukha ng isa sa mga kidnapper at parang may sariling isip ang paa ko na umangat at sinipa siya sa mukha.

Napasigaw ito kaya nagising ang iba pang kidnapper na natutulog at lumapit sa amin.

Kuya, please, kailangan kita. . .

Natakot ako at ipinagpatuloy pa rin ang pagdadasal but the next thing I remembered. . .I killed them.

Brutally.

Nabalik na lang ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap sa'kin ni Reign. Naririnig ko ang mahihinang hikbi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko.

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now