a/n : 🌷
Chapter 123 : TBSP
Aeriz's POV
“Wala ba talagang pwedeng gawin ngayon? Ang boring boring, Riz.” nakangusong sabi ni Nate sa'kin
“Kung gusto mo mag ta-tumbling ka riyan.” sabi ko rito
“Mahihilo ako.”
“At least hindi ka na bored.”
Arte ng sperm na ito kala niya naman matino siya e may sayad naman.
“Riz, bakit parang araw-araw ay mas lalo kang gumaganda?” tanong ni Kev sa akin
Walang emosyong tiningnan ko siya bago sinagot “Matuto ka kasing maligo nang gumanda ka rin naman.” nagtawanan ang mga sperm nang sabihin ko iyon
“Riz! Riz! Anong first impression mo kay Aj?” tanong ni Mac na ikinapagtaka ko
Napatingin ako kay Aj at nahuli ko naman siyang nakatingin din sa'kin. Hindi siya nag sorry sa akin dahil sa paninisi niya pero alam ko namang hindi niya talaga ako sinisisi no'ng time na iyon.
Tsaka binilhan niya ako ng ice cream kaya bati na kami hehe.
“Kay Aj?” takang tanong ko
“Oo! Kay Austin Jay.”
Napaisip naman ako kapagkuwanan ay napangiti “Cold talaga. . .tahimik tsaka masyadong seryoso sa buhay. Mukhang mahirap biruin.”
“Ooooooohhhhhhhh. . .”
Parang tanga na nag atungal baka naman ang mga sperm habang iyong tatlo ay iiling-iling lang sa kanila.
“E kay Kiro? As in first impression ah!”
Napangiti ako kay Clyden “Mabait syempre. Siya iyong gentleman para sa akin kahit pa nawawala iyong mata niya kapag tumatawa.” natatawang sabi ko
Nang tumingin ako kay Kiro ay nahuli ko itong nakatingin sa akin at kaagad na umiwas. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pamumula ng leeg at tainga niya.
Eh? Anong nangyari ro'n?
“E si Grae? Anong first impression mo kay Grae bukod sa masama ang ugali niya?” tanong ni Daryl at kaagad namang binawi iyong huli niyang sinabi dahil binato na siya ng masamang tingin no'ng sperm
“Si Grae? Hmm. . .” napatitig ako kay Grae at bahagyang natawa “Sisiw. Iyon ang first impression ko sa kaniya dahil sa buhok niyang dilaw. Pero seryoso, Grae. Bakit ba dilaw iyang buhok mo?”
Hindi naman sa hindi bagay sa kaniya, sa totoo lang ay bagay na bagay sa kaniya iyong kulay dahil maputi siya ang kaso lang ay para siyang sisiw! Kapag nababasa iyon ay para na siyang basang sisiw!
Sinamaan ako ni Grae ng tingin pero sumagot din “It's because of Aeros.”
“Eh?! Si Lucifer?!”
Si Kiro na ang sumagot “Oo, Riz. Si Aeros ang nagsabi kay Grae na kulayan ang buhok niya. Noon kasi ay naglaro kami at kung sino ang matalo ay may dare. Inutusan siya ni Aeros na kulayan ang buhok niya ng paboritong kulay ni Aeros which is yellow.”
Oo nga pala paborito ni Aeros ay dilaw dahil iyon daw ang kulay ni SpongeBob.
“Matagal na pala e, bakit hindi mo pa rin iniiba ang kulay?” takang tanong ko kay Grae
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Novela JuvenilTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...