Chapter 96

2.3K 81 8
                                    

a/n: 🌷

Chapter 96 : TBSP

Aeros' POV

I was only 1 year old when my mom gave birth to Riz.

Kuya Ryle, always telling me that I should love her because she's my sister.

Nang magkaroon ako ng kaalaman ay natuklasan kong iniwan ni mama si Riz sa ampunan.

Wala akong magawa dahil bukod sa wala pa akong muwang sa mundo ay dinala ako ng mga magulang ko sa Korea para mapalayo ng sobra kay Riz.

5 years old na ako nang bumalik dito sa Pilipinas, nasa bahay na rin si Riz. She's 4 years old. Kinuha siya nila tita sa ampunan at dinala sa bahay.

“Kuya. . .” narinig ko ang mahinhing boses ni Riz sa gilid ko

Waeyo?” I asked

Baegopa nakangusong sabi niya at hinimas pa ang tiyan telling me that she's hungry

“What do you want to eat?”

“I want. . .milk.”

I may be a kid, pero natutunan ko na kung paano mag timpla ng gatas dahil madalas puro katulong lang ang kasama namin ni Riz dito sa bahay.

“Go to bed after you finishes that, okay?” I told her

Ne. she happily drink her milk

Maayos naman ang pagsasama namin ni Riz, pero sadya sigurong mainit ang dugo ng magulang namin sa kaniya.

“Anong gusto mong gawin ko, Alliana?! Pakisamahan ang batang iyon?! No! I can't do that! Dahil tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko lang ang kataksilan mo!” I heard dad's voice

“Alam kong alam mo na hindi ako taksil, Ranzel! Hindi ko kasalanan ang nangyari! Aksidente iyon! I am the victim!”

“Kung nakinig ka kasi sa'kin noong panahong sinabi ko sa iyong huwag ka sumama sa kaniya, edi sana hindi ka nabuntis!”

“Pinilit niya akong sumama!”

“Putangina! Nagpapilit ka dahil mahal mo siya!”

Kahit pa tumatanda na ako at hindi ko pa rin nakakalimutan ang usapan nilang iyon.

My mom. . .loved Riz's dad. Kaya sumama siya rito noon at ang pagsama rito ay si Riz ang naging bunga.

“Ano na naman bang ginawa mo?! Alam mo ba kung gaano kamahal ang nabasag mo?! Ha?!” galit na sigaw ni mama kay Riz at pinalo ito sa braso

“Mom! Don't hurt her!” I shouted at her

“Huwag mo akong sigawan, Aeros Jeisz.”

“It's not her fault. Hindi niya naman sinasadya e.”

“Kung hindi kasi siya naglalaro roon ay hindi niya mababasag iyon!”

“I . . .I'll pay for it! Huwag mo lang saktan ang kapatid ko.”

At the age of 10 natagpuan ko ang sarili ko na ipinagtatanggol si Riz, kay mama. Nabasag kasi ni Riz ang vase malapit sa kwarto nila kaya galit na galit ito.

“Hay nako, Riz. Sa susunod kasi mag iingat ka.” sabi ko rito habang nilalagyan ng bandaid ang daliri niyang may sugat dahil sinubukan niya raw linisin 'yong bubog

“Pero paano mo babayaran iyon?” nag aalalang tanong ni Riz “Wala ka namang trabaho tsaka. . .nag aaral pa tayo.”

“Hmm. . .may ipon naman ako. Hindi kasi ako bumibili sa school.”

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now