Chapter 107 : TBSP
Aeriz's POV
Exam na!
Bakit ba ang bilis ng araw? Parang no'ng nakaraan lang ay halos isumpa ko si Lucifer nang iwan ako sa likod ng main building.
Napaaway tuloy ako sa mga tambay doon tapos ako pa napagalitan ni kuya Ryle dahil kung hindi ko raw pinatulan ay baka naayos pa.
“Make sure to passed the exam, Riz. ” seryosong sabi ni kuya sa'kin
“Oo na. Kanina mo pa sinasabi iyan.” nakangiwing sabi ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan pero napaaray nang maramdaman kong piningot ako ni kuya
“Nagiging kaugali mo na ang black section ah.” puna nito na ikinasama ng mukha ko
“Paano mo naman nasabing ganito ugali nila? Nag mana ba sila sa'yo?”
Sinamaan na naman ako nito ng tingin. Mabuti na lang at hindi traffic, baka kasi huminto pa ito para lang kutusan ako.
“Ginaganiyan-ganiyan mo na ako ngayon. Huwag ka na nga magsasa-sama kila Grae at Ivan! Nahahawa ka sa kagaspangan ng ugali nila!”
“Zacharyle ‘ginanon-ganon’ Gozon.” mahinang sabi ko
“May sinasabi ka?”
“Wala ah!”
Nang makarating sa school ay kung ano-ano pang sermon ang pinabaon ni kuya sa'kin bago ako pisilin ang pisngi ko.
In fairnes kahit pala hari ng demonyo si kuya ay nagiging mabait pa rin.
“Magandang morning, Riz!” masayang bati ni Nate sa akin
“Busog ka 'no?” tanong ko rito nang makaupo
“Oum! Maraming breakfast ang ipinrepare ni manang dahil daw exam ngayon.”
“Ano ulam mo?”
“Nag itlog ako---”
“Kaya ka palaging zero e.”
Nakita ko kung paano humaba ang nguso niya at bumagsak ang balikat.
“Kapag ba naperfect ko ang exam, makikipag date ka sa amin?” tanong nito
Nangunot naman ang noo ko sa tanong niya “Sa amin?”
“Oum! Sa buong black section, hindi allowed ang mga kaibigan mong ipinaglihi sa hanging habagat.”
Sila Van?
Natawa ako sa sinabi niya tungkol kila Van. Totoo namang may pagkamayabang sila lalo na't may mga utak, pero paano naman ang mga sperm na 'to na ke-yayabang nga e wala namang utak.
“Sige. Basta ba maperfect niyo ang exam.” nakangiting sabi ko sa kaniya nagpalakpak naman siya at pumunta kaagad sa harap
“Announcement, mga ferson! Kailangan nating maperfect ang exam!” masayang sabi nito
“Iyong review test nga zero ako, paano pa kaya sa exam!”
“Mabuti sana kung may makukuha akong libreng gatas ng anak ko kapag naperfect ko ang exam!”
“Inaantok ako e, may libreng kape ba kung mapeperfect ko ang exam?!”
“Walang libre! Pero makikipag date si Riz sa atin kapag naperfect ang exam!”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Teen FictionTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...