a/n : rush update.
Chapter 125 : TBSP
Aeriz's POV
“Joke lang!” natatawang bawi ko kay Van dahil mukhang sineryoso niya ang sinabi ko
“W-What?”
“Ang sabi ko biro lang. Imposibleng kapatid ka niya dahil ang alam ko dalawa lang ang kapatid niya at siya ang panganay. Magkasing-edad kaya kayo.”
Parang nabunutan naman siya ng tinik sa lalamunan at nakahinga nang maayos.
“Inakala mo bang seryoso ako kanina?” tanong ko rito
“Yeah.”
“Sabi ko kasi sa'yo simulan mo nang alamin ang tungkol sa totoong pamilya mo para hindi ka kinakabahan nang ganiyan kapag binibiro kita.” nakangising sabi ko sa kaniya
“Wala kasing imposible sa'yo. Hindi malabong ikaw pa ang unang makaalam ng totoo kaysa sa'kin.”
Tipid lang na ngumiti ako sa kaniya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Hinayaan ko na lang din na mag lakbay ang utak ko kung saan saan dahil kanina pa talaga ako naguguluhan.
Sinusubukan kong isipin kung ano nga bang totoo sa lahat ng kasinungalingan. Pero parang napakahirap hanapin no'n lalo na't naiisip kong paano kung iyong kasinungalingan na alam ko ay iyon pala talaga ang katotohanan?
“. . .'di ba, Jade?”
Napakurap-kurap ako kay Van “Ha? Anong sabi mo?”
“Are you okay?” bakas ang pag aalalang tanong nito
“Oo. . .okay lang.”
Napaiwas ako ng tingin nang naningkit ang mga mata niyang tumingin sa'kin.
“No. Hindi mo ako maloloko. You're not okay, Jade. Tell me what's wrong.” umayos ito ng upo at handa ng makinig sa'kin
Napabuntong hininga ako bago nag simula “Gaano mo kasigurado na patay na ang papa ko?”
Sandali itong natahimik pero kaagad din namang sumagot “98 percent.”
“98 percent na sigurado ka? Napano ang 2 percent?” takang tanong ko
“Iyong 2 percent ay dahil hindi ko naman nakita na namatay siya.” kibit-balikat niyang sagot na ikinangiwi ko na lang
“Walang kwenta. Parang nagtanong lang din ako sa isang 5 years old na bata.” sarkastikong sabi ko
“Bakit ba kasi ganiyan ang tinatanong mo? 'Di ba pumunta ka na sa libingan niya noong isang araw? Bakit hindi ka pa rin naniniwalang patay na siya?”
Sumama ang tingin ko sa kaniya “Kapag hindi niyo tinantanan ni Theo ang kakasubaybay sa kilos ko, isasama ko kayo sa libingan ni papa.”
Napanguso si Van at humigop na lang sa ice tea niya.
“Hindi sa hindi ako naniniwala, iba lang ang pakiramdam ko.” seryosong sabi ko rito
“Anong pakiramdam?”
“Tsaka ko na sasabihin kapag sigurado na ko.”
Sandali pa kaming nag usap tungkol sa kahit anong bagay na konektado sa mga nangyayari ngayon bago namin mapagpasyahang umalis na.
Nagpupumilit pa siya sa'kin noong una na ihahatid niya raw ako pero ayoko naman na habang naglalakad ako ay may asungot sa gilid, harap o likod ko.
Gwapo nga siya pero nakakabwisit ang presensya niya lalo na't wala pa rin akong nahahanap na impormasyon tungkol kay Red.
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Novela JuvenilTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...