a/n: 🌷
Chapter 98 : TBSP
Aeros' POV
“Kahit kailan hinding-hindi kita patatawarin. Dahil ang pagpapatawad at pagkalimot sa bagay na ginawa mo ay parang pagtalon sa bangin na apoy ang babagsakan. Wala na tayong dapat pang pag usapan, Aeros. Kalimutan mo nang naging kapatid mo ako.”
Naiwan akong nakasalampak sa sahig ng kwarto ko habang umiiyak at nagsisisi.
Siguro kung hindi ako sumama kay papa paalis no'ng araw na iyon ay baka maayos pa kami ni Riz.
Kasalanan ko rin.
“Anak, what happened?” biglang pumasok ang mga magulang ko sa kwarto ko “May ginawa ba si Aeriz sa'yo?” nag aalalang tanong ni mama
“It wasn't Riz, ma. It was. . .m-me.”
Lumuhod si mama sa harap ko at nagtatakang sinapo ang mukha ko “Aeros, hindi mo kailangan pagtakpan si Aeriz. Wala kang kasalanan.”
Mapait akong natawa sa sinabi niya “Ma, kailan ba ako nagkaroon ng kasalanan para sa'yo? Kailan ba ako naging mali sa paningin mo? I'm not a perfect son, brother and friend. I am not a perfect person, ma.”
“Aeros Jeisz, ano bang sinasabi mo?” salubong ang kilay na tanong ni papa
“It was never Riz's fault. It was your fault, pa. Ikaw ang nag utos sa mga taong iyon na kidnapin kami ng kapatid ko.” my voice broke and tears started falling from my eyes
Nakita ko kung paano mamutla ang buong mukha niya sa sinabi ko. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa kaya't nanatili na lamang siyang tahimik pero hinarap naman siya ni mama.
“Ranzel, anong sinasabi ni Aeros?”
“Alliana, I have no time for those shits---”
“Answer me, Ranzel! Totoo ba? I-Ikaw ang nag utos kaya ba hindi ka gaano nag aalala noon sa kanila?!”
Nakita ko ang subok ni papa na hawakan ang kamay ni mama pero sinampal kaagad siya ni mama.
“It's already in the past, Alliana, and I can't bring back the past! Nothing bad happened to them! I did it because I want your daughter to stay out of our life! Dahil hangga't nandito siya ay hinding-hindi magiging maayos ang pamilya natin!”
So he has a disgusting mindset.
“W-What?! So you really did that?! How dare you?! How can you do that to our child?!” hindi makapaniwalang tanong ni mama sa kaniya at sinugod siya ng sampal
“Si Aeros lang ang anak ko, hindi si Aeriz.”
Nangilid ang luha ni mama habang nakatitig kay papa “I-I. . . can't believe i'm in love with y-you.” my mom left my room with a tears on her eyes
I looked up at my father who's standing in front of me “I just want to have a good relationship with my sister, but you. . .you ruined everything, dad.”
***
Aeriz's POV
“Si Riz!”
“Good morning, Riz!”
“Hello Riz!”
“Magandang umaga, Riz! Pero mas maganda ka pa rin sa umaga!”
YOU ARE READING
The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsTBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't answer Can she function without those sperm she treasured? Being selfless is not that bad. She was thankful that the people important to her l...